“JEM! MAGIGING daddy ka na!” Iyon ang masayang inanunsiyo ni Mattie pagpasok na pagpasok niya sa loob ng bahay namin. Tandang-tanda ko, December 26 noon. Kasalukuyan kong kasalo sa agahan ang aming mga ama. Ang aming mga ina ay kasalukuyang abala sa kusina. Gumagawa na naman sila ng meatloafs at cakes na ipamimigay sa mga kaibigan at kapitbahay. Sa totoo lang ay hindi na sila naubusan ng bibigyan. Bumisita si Mattie sa bahay ng scholar niya. Si Andres ang kanyang kasama dahil hindi ako kaagad nagising. Kasalukuyang umiinom ng kape ang daddy ko nang ianunsiyo ni Mattie na magiging daddy na ako at nagkataong katabi ko siya sa hapag. Nagkataon din na nakaharap sa akin si Daddy dahil may itinatanong siya. Kaya naman naibuga niya sa mukha ko ang kape mula sa kanyang bibig. Madalas akong ma

