I LOVED Mattie’s hair. Her hair was perfect. Mula pa noon, ang kanyang buhok ang isa sa mga katangian niya na gustong-gusto ko talaga. It was long and curly. It was shiny and smooth. Marami nga ang nagsasabi sa kanya na puwedeng-puwede siyang maging commercial model ng shampoo. Hindi na gaanong mangangailangan ng computer trick. Mahal ang binabayaran ng ibang babae upang ma-achieve ang perfection ng buhok ni Mattie. Bagay na bagay pa ang buhok sa bilugan niyang mukha. Gustong-gusto kong ibaon ang ilong ko sa kanyang buhok at langhapin ang lahat ng bango niyon. Kaya naman hindi ko maipaliwanag ang panlulumong naramdaman ko nang tapyasin iyon ni Mattie. Tama ang ginamit kong salita. Ipinatapyas niya ang kanyang buhok. Hindi niya lang basta pinagupitan. I don’t know what came over her. Kahit

