Khylle's Pov: Ilang beses pa akong napainom ng kape habang pinag-aaralan ang lumang kasong nasa kamay ko. Ang kasong ni kahit kailan ay hindi na maaaring mabuksan hangga't hindi magbabago ang sistema ng batas sa mga cold cases. Napatingala ako at sandaling ipinikit ang mga mata para kahit paano ay maipahinga ko ang mga iyon. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo at nananakit na rin ang mga mata ko. At kahit ilang beses kong hilutin ang sentido ay hindi na nababawasan ang pananakit ng ulo na nararamdaman ko. Nanatili ako sa pagkakatingala habang nakasandal sa upuan. Hinayaan ko munang nakapikit ang mga mata ko para bigyan pa iyon ng pahinga. Nasobrahan na sa radiation ang mga mata ko dahil maghapon nang nakatutok ang mga iyon sa computer. Dalawang araw na ang lumipas mula nang buksan namin

