Chapter 61- The Demon Doctor

1583 Words

Khylle's Pov: "Oh, Khylle, may problema ba?" Mula sa pagkakatingin sa cellphone ay nag-angat ako ng mukha. Tiningnan ko si Tito Colorado, nagtataka ang mukha n'ya at sinuyod din n'ya ng tingin ang kabuuan ko. "May lakad ka ba ngayon? Bakit mukhang hindi naman yata sa trabaho ang punta mo ngayong araw?" dagdag na tanong pa ni Tito. Pasimpleng inilagay ko sa bag ang cellphone at hinarap si Tito. "Half day po ako ngayon. May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko kaya naisip kong um-absent muna sa trabaho kahit kalahating araw lang." "Oh, mabuti naman at naisipan mong magpahinga. Mula nang magtrabaho ka ay parang nakalimutan mo nang may buhay kang sa 'yo at mas lumala pa ang pagiging workaholic mo nang ma-assign ka sa presintong pinagtatrabahuhan mo ngayon. Ni hindi kita nakikitang lumalabas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD