Joseff's Pov: "Oh, paano? Nandito na tayo." Itinuro pa ni Brixx ang b****a ng Precinct 5. Katulad nang naging usapan ay inihatid n'ya ako rito pagkatapos naming mananghalian. Wala rin naman akong dalang sasakyan kaya wala s'yang magagawa kundi ang ihatid muna ako rito bago s'ya dumiretso sa trabaho n'ya. Hindi rin naman ganoon kalayo ang KST mula rito sa Precinct 5. "Sigurado ka bang ayaw mo nang sumama sa akin para sa isang beer? May oras pa naman," pamimilit na sabi pa n'ya. "Matagal na rin mula nang magkaroon tayo ng oras para sa mga ganitong bagay." Umismid ako. "Naka-duty ako." Tumaas ang kilay n'ya. "Bakit parang hindi naman?" Hinayaan ko na lang s'ya at tinanggal ang seatbelt. "Kailangan mo pang bumalik sa KST, hindi ba? Mas mabuti pang bumalik ka na sa trabaho mo kaysa magpa

