Joseff's Pov: "Detective Joseff!" Literal na tumaas ang isang kilay ko nang makita si Chief Arevalo, alanganin ang ngiti n'ya habang naglalakad pasalubong sa akin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagpupunas n'ya sa noo n'yang nangingintab na sa pawis. "Chief Arevalo," bati ko sa hepe pagkalapit ko sa kanya. "Anong ginagawa n'yo rito sa Police Headquarters?" "Oh, may importanteng bagay na inasikaso lang ako rito. May binisita rin akong dating kaibigan na naka-aasign dito," alanganing sagot n'ya. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba at dapat ay nasa Precinct 5 ka para sa imbestigasyon ng cold case na iniimbestigahan n'yo?" Ikiniling ko ang ulo ko at hindi makapaniwalang tiningnan ang superior ko. Ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko kung paano naging pulis, at naging hepe pa t

