Khylle's Pov: Wala nang nagsalita sa amin matapos kong sabihin ang bagay na kanina pa gumugulo sa akin. Pareho kaming nanahimik ni Detective Joseff, s'ya ay naka-focus sa pagmamaneho samantalang ako ay nahulog sa magulo at malalim na pag-iisip. Hindi ko pa rin maintindihan na ang kakulangan ng komunikasyon sa isang pamilya ay maaaring maging resulta ng isang trahedya ng isang kasapi nito. Katulad na lang ng kaso ni Roxanne, sa oras na mapatunayan namin na hindi nga s'ya nagpakamatay at may kinalaman nga si Doctor Ibañez sa nangyari sa kanya, hindi ko alam kung paano namin ipapaalam iyon sa pamilya ng babae. Hindi man naging maganda ang relasyon ni Roxanne sa pamilya n'ya ay nasisiguro ko pa ring nagsisisi sila sa naging pagkukulang nila sa babae. Iniisip nilang isa sila sa naging dahila

