Joseff’s Pov: “Kayo na lang ni Miss Madrigal ang hinihintay namin.” Nangunot ang noo ko nang mabasa ang mensaheng ipinadala sa akin ni Nathan. Hindi dahil sa hinihintay nila kami dahil alam ko namang may kasunduan kaming kailangan naming mag-usap mamaya para sa mga nakalap naming impormasyon. Lalo pa at kailangan naming ayusin ang mga kaso ng pagpatay. Kailangan naming mapatunayan na serial killing ang nangyari noon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung saan nagpunta si Khylle at pati s’ya ay wala sa department namin ngayon. Ang alam ko ay naiwan s’ya roon para pag-aralan ang kaso ni Emily Park. Iyon ang ibinigay ko sa kanya para hindi na n’ya kailanganing umalis at sumama sa field para mag-imbestiga. Lagi lang akong mag-aalala kapag nasa labas s’ya pero napakakulit n’ya talaga. Umalis pa r

