Chapter 88- Fabio Miranda

2954 Words

Khylle's Pov: "Isa s'yang demonyo! Napakasama n'ya at hinding-hindi ko makakalimutan ang pinagdaanan ko sa ilalim ng mga kamay n'ya!" Nanginginig ang boses ni Fabio. Sunod-sunod na tumulo rin ang mga luha n'ya. Nakagat ko ang labi ko. Kitang-kita sa mga mata n'ya ang pinaghalong galit at takot. Larawan rin s'ya ng taong punong-puno ng hinanakit at mga katanungan. Namangha pa nga ko dahil ang daming emosyon ang sabay-sabay na inilabas n'ya. Tiningnan ko ang mga kamay n'ya, nakakuyom ang mga iyon at maging ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan n'ya ay lukot na lukot na. "N-Noong una ay hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay ko. Akala ko ay dahil lang iyon sa guilt na mahabang panahon ko na ring nararamdaman. Akala ko ay dahil pagkalipas ng madaming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD