Chapter 66- Injustice

1995 Words

Khylle's Pov: Nanghihinang napasandal ako sa upuan. Ilang beses pa akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung paano ko kakalmahin ang sarili. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Masakit na masakit ang puso ko at hindi nakatulong ang ilang baso ng malamig na tubig na ininom ko. Napatingin ako sa folder na nasa ibabaw ng lamesa ko, iyon ang folder na ibinigay ni Silver at naroon ang lahat ng report na naglalaman ng mga kasong isinampa laban kay Doctor Ibañez. Naroon din ang listahan at larawan ng mga ebidensyang nakuha ng pulisya na ipapasa naman ng prosecution sa husgado. Nang iiwas ko ang mga mata sa folder, ang mga gusot na tissue naman ang nakita ko. Hindi ko kinaya ang nilalalaman ng folder kaya nadala ako ng emosyon ko. Hindi ko naiwasang hindi mapaluha sa mga nabasa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD