Khylle's Pov: Tulalang nakatingin lang ako sa pinto ng department namin. Kanina pa ako rito at ilang minuto na rin akong nakikipagtitigan sa pinto ng silid. Hindi ko magawang buksan iyon dahil hindi rin ako sigurado kung okay lang bang bumalik pa ako rito. Hindi ako manhid, kahit na sinabi ni Detective Joseff na hindi ako nagiging pabigat sa bawat imbestigasyong ginagawa namin ay hindi ko pa rin magawang ignorahin ang mga salitang binitiwan ni Brixx. Dalawang araw na mula nang harap-harapang sabihin n'ya sa akin na ako ang pabigat sa department nina Detective Joseff. Na hangga't nananatili ako sa imbestigasyon kasama nila ay laging malalagay sa alanganin ang buhay ko, maging ang tungkulin ng limang detective. Sa loob ng mga araw na nasa ospital ako ay iyon lang ang laman ng isip ko. Ma

