Khylle's Pov: "Khylle!" Napaigtad ako nang marinig ang malakas na pagtawag sa akin ni Detective Joseff. Hindk ko alam kung bakit madilim amg ekspresyon ng mukha n'ya. Sa sobrang sama yata ng mood n'ya ay nakalimutan n'ya na akong tawagin sa kinasanayan kong tawag n'ya sa akin. "Oh, Joseff, you're here," walang anumang bati ng ama ni Detective Joseff sa kanya. "What brought you here?" Nilingon ni Detective Joseff ang ama n'ya. "This is my Mom's home, ibig sabihin ay may karapatan akong pumunta rito sa kahit anong oras na gustuhin ko." "Ypu're rude, Joseff," wika ng police general. Hindi na s'ya pinansin ni Detective Joseff. Kaagad s'yang lumapit sa akin at nagulat pa ako nang hawakan n'ya ang kamay ko. Napatayo na lang ako nang hilahin n'ya ako. "Halika na, aalis na tayo," mariing im

