Khylle's Pov: Ang reaksyon pa rin ni Chairman Nietre ang nasa isip ko hanggang sa pumasok ako sa loob ng elevator. May kung anong familiarity akong nasilip sa mga mata n'ya kanina. Hindi nga lang iyon nagtagal kaya hindi ko napangalanan ngunit alam kung may bagay akong nasabi na maaaring nagpa-trigger sa kung ano sa kanya. Ikiniling ko ang ulo ko, ayoko man ay kung ano-anong mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko gusto ang mga bagay na nagpupumilit gumulo sa magulo ko nang isip. Hindi ko naman magawang pigilin ang mga isiping iyon, mas nadadagdagan pa nga sa tuwing pipilitin ko silang tanggalin sa isip ko. Napatingin ako sa pulang numerong nasa itaas ng pinto ng elevator. Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto sa ikatlong palapag. Mabilis na lumabas ako at tinungo ang department namin

