Chapter 69- A New Case

1707 Words

Khylle's Pov: "Miss Madrigal, kasama rin ang mga ito," ani Nick bago ipinatong ang ilang makapal na folder sa tambak ng mga folder na nasa harapan ko. Tumango na lang ako at tiningnan nang masama ang mga iyon. Hindi ko alam kung ilang oras ang gugugulin ko para matapos sa pagso-sort ng mga cold cases na naka-assign sa department namin. Pakiramdam ko nga ay hindi naman nababawasan ang inaayos namin, nanganganak nga yata ang mga 'yon dahil habang tumatagal ay mas dumadami. Muli akong napahinga nang malalim bago nagpatuloy sa ginagawa. May limang oras na mula nang makabalik ako rito sa Precinct 5 at itong mga folder na ito agad ang sumalubong sa akin. Hanggang ngayon nga lang ay hindi pa rin kami natatapos. Nararamdaman ko na rin ang pangangalay ng braso ko maging ang pananakit ng puwitan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD