Joseff's Pov: "Ibig sabihin ay may nagbabanta sa buhay mo, Sir?" hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Nick. S'ya ang unang bumasag sa ilang minutong katahimikan idinulot ng mga sinabi ni Nathan. "Mga salita ko lang iyon," wika naman ni Nathan bago ako makahulugang tiningnan. "Walang makakapagsabi kung iyon nga ang maaaring dahilan ng pagbaril kay Joseff." "Pero hindi pa rin mababago niyon ang malakas nating paniniwala na ang informant ang gunman, hindi ba?" Silver asked. "O kung hindi man s'ya ay maaaring isa sa mga kasama n'ya na dumukot at nambugbog rin kay Fabio Miranda." "Nakakapagtaka nga lang kung ano ang dahilan ng informant kaya pati ikaw ay idinadamay n'ya," dagdag naman Ren. "Wala ka namang kinasangkutang cold case noo na maaaring silip ng informan." Natigilan ako. Kaag

