PROLOGUE
Kasalukuyan parin akong nasa library kahit na uwian na. May hinahanap pa kasi akong libro para sa assignment ko sa Science.
Kainis lang kasi sabi ni Sir Acero na sa libro daw namin kukunin yung mga sagot at hindi sa internet. Dapat daw pinaghihirapan. At saka isa pa daw, hindi naman sa internet mahahanap yung mga sagot kasi sa libro niya daw kinuha ang mga tanong.
Ang mas lalong nagpapainis lang sa akin ngayon ay yung isiping wala ng natitirang Science Book na sinasabi ni sir. Mukhang nakuha na lahat ng mga kaklase ko. Kanina pa ako naglilibot dito pero 'di ko parin mahanap-hanap. Dapat kasi kaninang lunch time pa ako nagpunta dito e. Naku naman kasi Aphrodite!
"Hoy babae." Natigilan ako sa paghahanap at nilingon sa kung saan nanggagaling ang boses.
Agad naman akong napairap nang makita kung sino yun at ibinalik ulit ang atensyon ko sa paghahanap ng libro.
"Ito ba yung hinahanap mo?" Rinig kong tanong nito.
Inis na nilingon ko naman siya ulit at napunta ang atensyon ko sa librong hawak-hawak niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Hawak niya ang librong kanina ko pa hinahanap. Kinunutan ko siya ng noo. I know better. Kumuha pa siya ng book as if naman may balak siyang gumawa ng assignment namin.
"Akin na yan." Mahinahong sabi ko sakanya.
His brows rose up and an annoying playful smirk is plastered on his lips. Tinignan nito ang librong hawak at tinignan ulit ako pabalik.
"Kailangan mo 'to hindi ba? Edi kunin mo. Ikaw dapat ang mag adjust." He said while looking at me amused. Probably he's making fun me, and I'm so pissed right now.
Inilahad nito ang libro at ngumisi.
Inis na nilapitan ko naman siya at akmang kukunin na sana ang libro pero nagulat nalang ng bigla ako nitong isinandal sa pader at inilagay ang kaliwang kamay niya sa gilid ng ulo ko habang yung kanang kamay naman niya ay hawak-hawak parin ang libro.
Napasinghap ako at napalunok ako. Magkalapit ang mukha naming dalawa kaya medyo naduduling ako. And as much as I want to not look at him, I just can't look away. It's like something is stopping me of doing it.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Hechanova?" Madiing tanong ko habang masama ang tingin sakanya.
Mas inilapit naman niya ang mukha sa akin. Ang kaninang nakangisi at mapaglarong eksperesyon sa mukha nito ay biglang nawala at naging seryoso na kung kaya 'di ko maiwasang kabahan. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Nasa pinaka dulong bahagi pa naman kami ng library kaya walang estudyante tapos idagdag mo pang uwian na ngayun.
"You're so temping, Scottish. You know that? I can't fathom why I find you attractive whenever you're pissed off and I am the reason behind it." Bulong nito sa tenga ko na siyang ikinalaki ng mga mata.
"P-pwede ba? Tigil-tigi- " Hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin at nanlaki ang mga mata dahil sa ginawa niyang biglang paghalik sa akin.
I think I froze on my spot. Gusto ko siyang itulak kaso hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko.
Ang kaninang nakadampi niyang mga labi sa labi ko ay naramdaman kong biglang gumalaw.
"Kiss back." He said between his kisses.
Hindi ko na namalayang unti-unti ko na palang ipinikit ang mga mata ko at tumugon sa mga halik niya. I really don't know how to kiss kaya ginaya ko nalang kung papaano gumalaw ang mga labi niya. The kiss was soft. Parang ingat na ingat siya. I feel like I'm as breakable as a glass and he is afraid that I might break.
Napakuyom ang kanang kamay kong nakahawak sa polo niya para kumuha ng suporta doon. Pakiramdam ko anytime matutumba na ako sa kinatatayuan ko even though nakasandal naman ako sa pader.
Naramdaman ko ang libro sa kaliwang kamay ko na para bang sinasabi niyang kunin ko ito kaya hindi ako nagdalawang isip pa na kinun ito.
Akmang itutulak ko na sana siya pero yung kaninang kaliwang kamay niya na hawak-hawak ang libro ay nakapulupot na ngayun sa beywang ko at mas inilapit pa ako lalo sakanya.
Napasinghap ako ng maghiwalay na ang mga labi naming dalawa at kapwang kinapos ng hininga. Kapagkuwan ay marahan nitong ipinagdikit ang noo naming dalawa at mahinang natawa. Napakurap naman ako at naramdaman ko nalang ang paghalik nito sa noo ko at bumulong.
"I think I'm going crazy." Mahinang bulong nito.
Mariing nakatitig si Hechanova sa akin and it's making my heart like it's about to go out. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko na siyang ikinasinghap ko ng mahina.
Ibinalik niya ulit ang tingin sa mga mata ko. May emosyon akong nakita sa mga mata niya na agad ding nawala kaya hindi ako sigurado kong totoo ba ang nakita ko namamalikmata lamang ako.
Namayani ang sandaling katahimikan sa aming dalawa hanggang sa bumuntong hininga ito at yumuko na parang namomroblema. Ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko.
"Damn it." Marahang mura nito saka walang salitang umalis.
Nang umalis si Hechanova sa harapan ko doon ko lang namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko.
Napakurap-kurap ako.
'What in the world?' Wala sa sariling tanong ko sa isipan.
Kunot noong pinanood ko ang papalayong pigura ni Hechanova hanggang sa 'di ko na siya makita.
'What's is his problem?! Bakit... baliw na ba siya?!'
Napayakap ako sa librong hawak ko at mariing kinagat ang ibabang labi ko. Then I remember the kiss. Malakas akong napasinghap.
"Why in the world did I kiss him back?!" Napatampal ako sa noo ko matapos makaramdam ng kahihiyan at inis sa sarili. Marahas akong napailing at nagsimula ng maglakad paalis doon.
Napahigpit ang pagkakayakap ko sa Science Book at sinubukang pakalmahan ang sarili. That guy. He just got my first kiss for rainbows sake!