CHAPTER 7

1411 Words
APHRODITE Kasalukuyan akong nakasandal ngayun sa headboard ng kama ko. Napanguso ako at pinaglaruan ang Mickey Mouse stuff toy ko. Maaga kaming pinauwi dahil may meeting so I am now here stuck in my room. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi na malakas ang t***k ng puso ko hindi gaya kanina. Napalabi ako. Nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko. I feel wronged. I shouldn't have just cared like I always do but then this heavy feeling inside wouldn't leave the hell out of me. "Aish!" Inis na napagulo ako sa buhok ko. So what if ayaw niyang maniwala sa akin? Bahala siya sa buhay niya! Napatingala ako at pumikit-pikit para tigilan ang panunubig ng aking mga mata. I really hate Hechanova. I really hate him for making me feel this way. How dare he! Napabuntong hininga ako at napagpasyahang magpunta sa cr at maghilamos. Napahawak ako sa magkabilang gilid ng maliit na sink ko dito sa loob ng cr. Tinignan ko ang sariling repleksyon ko salamin na nakadikit sa pader. Napalabi ako ng makitang namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak. Napailing nalang ako at bumalik ulit ako sa kama ko atsaka kinuha ang phone ko. I think I need to talk to Athena. Dialing Athena... Sa aming dalawa ni Athena siya lang ang tumatawag sa akin ng 'best' while I prefer calling her by name. After 2 rings sinagot na niya ang tawag. — "Hi best!" Maligayang bati ni sa kabilang linya. Agad kong nilayo ang phone ko sa tenga. "Athena! What did I tell you about shouting on the phone?" "Oo na!" Napairap ako. Kahit na hindi ko siya nakikita ngayon alam kong nakanguso siya. "Stop acting like a kid will you? Hindi ka na bata." Sabi ko at umirap kahit na hindi niya niya naman ako nakikita. "I am!" Pasigaw na depensa nito sa sarili. Napapikit nalang ako ng mariin. Sabing 'wag kasing sumigaw e! "Fine, fine. Oo na bata ka na. Now, pwede bang hinaan mo na ang boses mo?" Mahinahong sabi ko. "Oh!" Narinig kong humalaklak ito sa kabilang linya. Napasimangot ako. She likes it kapag alam na niyang sumusuko na ako. "Oo nga pala best, napatawag ka?" Tanong ni Athena. Pabagsak akong napahiga sa kama ko at napatingin sa ceiling. "I just want to ask if you are free today?" Tanong ko. "Like, right now?" Tanong niya rin pabalik. "A-huh!" Ako. "Of course! Free na free ako right now at ready na ready magka boyfie ulit! Why? Are you going to reto someone to me ba? Is he gwapo?" Sunod-sunod na salita ni Athena sa kabilang linya. Napairap ako. Bago lang nakapag move on sa long time crush nitong si Nyx, gusto na namang makahanap ng panibagong crush. Tapos kung makapag react kala mo may sila i-takot naman sa commitment. "Loka 'to, hindi noh! Ikaw maghanap ng panibago mong crush. Magpapasama lang ako sa mall." Sagot ko. "Grabe ka! Wala kayang loka-loka na maganda!" Aniya. "Athena!" Saway ko ulit sakanya. "Ay! Hahahaha! Sorry my bad. Sige, I'll see yah later!~ Mwah! See you nalang sa mall ah? Teka saang mall ba? Sa SM Mall? Okay, sige, sige! Bye!" — Hindi pa ako nakakapag salita binabaan na agad akong ng tawag. Napakunot nalang ang noo ko habang napatingin sa screen ng phone ko. Wala naman akong sinabing sa SM mall! Whatever. SM mall then. Agad akong nagpunta sa closet ko at naghanap ng susuotin. Maong shorts at isang floral off shoulder na kulay purple at saka puting sandals ang napili ko. Agad akong nagbihis pagkatapos ay nagpulbo lang ako at nag lip balm. Natural red na raw kasi ang mga labi ko kaya no need na mag lipstick sabi ni mama. Nilugay ko lang ang mahabang maalon na buhok ko. Nang makonteto na ako sa ayos ko sa harap ng salamin ay agad na akong lumabas ng bahay. Wala ang mga kasambahay ngayon sa bahay. Pinag rest day muna nila mama at papa since last week nagising busy dahil nagpaparty si papa sa birthday ni mama. "Good afternoon po manong Jules." Nakangiting bati ko kay manong Jules na kasalukuyang nagpupunas ng kotse. Si manong Jules lang ang tanging nagpaiwan. Malalaki na raw kasi ang mga anak niya at nasa malayo nagtatraho. Wala narin ang asawa nito kaya mas minabuting magpaiwan para may maghatid sunod sa akin. "Magandang hapon din sa'yo, Aphrodite." Bati naman pabalik ni manong Jules at nginitian ako. Si manong Jules ang family driver namin sa loob ng anim na taon, pero hindi driver ang turing namin sakanya dito. Para narin namin siyang kapamilya at parang ama na din ang turing ko sakanya. Kahit naman sa mga kasambahy namin, kapamilya narin naman ang turing namin nina mama at papa sakanila. I'm the only daughter of my parents kaya wala akong mapagsabihan sa mga bagay-bagay dito sa mansyon, pero kahit ganun hindi naman ako malungkot kasi andiyan naman si Athena. Tinuturing ko narin siyang totoong kapatid. "Saan ang punta natin, iha?" Tanong ni manong Jules. "Sa SM po. Magma-mall lang kami ni Athena." Nakangiting sagot ko dito. Tumango at ngumiti naman si manong Jules bago ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok na ako sa kotse at si manong Jules na ang nagsirado ng pinto pagkatapos ay kaagad na nagpunta sa drivers seat. Ipinansak ko ang headset ko sa tenga ko at pumikit habang nakikinig ng mga kanta ng Gfriend at BTS. Their songs make me feel calm when I'm sad or down. Naramdaman ko ang pag-andar ng kotse at habang nakapikit ay naalala ko ulit yung nangyari kanina sa cafeteria. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at iminulat ang mga mata bago napabuntong hininga. "May problema ka, iha?" Napatingin ako sa unahan ng marinig kong nagsalita si manong Jules. Nakangiting umiling ako at ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana. "Wala po manong Jules. Tungkol lang po sa school, pero kaya pa naman po." Sagot ko. "O siya, pero 'wag masyadong magpapakapagod, iha. Hindi maganda sa kalusugan ang puros aral, kailangan mo ring alagaan ang sarili mo." Pangangaral ni manong Jules. Nakangiting nilingon ko si manong Jules at tumango. "Salamat po sa concern manong Jules. Tatandaan ko po 'yon." Sagot ko. Nakakagaan lang sa loob when there's someone who's genuinely worried about you. Manong Jules is already part of the family. Para ko narin siyang pangalawang ama sa labas ng bahay. Sa tuwing hinahatid sundo ako ni Manong Jules lagi itong nagkukwento nang kung ano ano kaya I don't get bored the whole ride. Sa tuwing nararamdaman or nakikita ni manong Jules na may problema ako, kinakausap ako nito para magbigay lang ng advice. Iniiwasan parin ni manong Jules na manghimasok sa problema ko. That's why I am always thankful that I have someone to talk to like manong Jules. At times like this, those words means so much to me. FAST FORWARD Napamulat ako ng maramdaman ang paghinto nang sasakyan. "Andito na tayo, iha." Napatingin ako sa labas ng bintana. Mukhang maraming tao sa mall ngayong araw. Binalingan ko si manong Jules at ngumiti. "Salamat po sa paghatid manong Jules. I'll text you later po if magpapasundo na ako." Paalam ko kay manong Jules bago lumabas ng kotse. Kumaway ako at pinasibad na ni Manong Jules ang kotse. Inilabas ko ang phone ko and texted Athena. — To: Athena Athena? Nasaan ka na? Nandito na ako. Nag-umpisa na akong maglakad papasok at maya-maya palang pagkapasok ko ng mall ay nakatanggap ako ng message mula kay Athena. From: Athena I just arrived awhile ago. Nasa may Jollibee ako ngayon, Aphrodite. I was about to text you! Matapos kong mabasa ang message niya at nagsimula na akong magtype ng message habang naglakad. To: Athena Nakarating na din ako. Wait for me in there. I'm on my way. — Habang nagre-reply ako kay Athena ay naglalakad din ako kaya hindi ko na namalayang may nakabangga na pala ako. "Aww!" Daing ko at napahawak sa brasong nasaktan. Kaloka. Ang sakit. Ano siya, bakal? "Sorry miss. Are you okay?" Napaangat naman ako ng tingin at pinilit na ngitian siya. "Ah, oo." Sabi ko at lihim na napangiwi. "Aphrodite?" Patanong na bigkas niya sa pangalan ko. Napakunot naman ang noo ko. Kilala niya ako? Napatitig ako sakanya at biglang nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko siya. "Ikaw nga!" Sigaw niya at bigla akong dinamba ng yakap na siyang ikinagulat ko. Nang makahuma sa gulat ay nakangiting niyakap ko rin siya pabalik Bumalik na pala siya? Kailan pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD