Chapter one

2193 Words
Meyesha'POV "Sure kana ba sa desisyon mo?" seryosong tanong ni Armely, nakatira siya sa katabing kuwarto na tinutuluyan ko. Tumigil ako sa pagtutupi ng damit at huminga ng malalim. "Hindi ko nga alam eh, noong una wala talaga akong balak.. kaya lang dahil sa sinabi ni lola parang nagbago isip ko." Sobrang bilis kasi nang pangyayari, nakaraan lang nakaharap ko 'yong tatay ko na matagal ko nang gustong makita. Halong emosyon, masaya na parang wala lang. Lumaki kasi ako na si lola na ang ina at ama ko. Baby pa lang kasi nang namatay si mama tapos hindi ko pa alam kung sinong tatay ko dahil ayaw ni lolang pinag-uusapan 'yon. Kaya nga nagulat ako ng pumayag siyang tanggapin ko 'yong offer ni papa na tumira sa bahay niya. Ayoko naman talagang pumayag, okay na ako na nagkita kami at nagkasama kahit ilang oras lang. Mas okay na ako sa buhay na meron ako, kahit na si lola lang ang kasama ko. Simula bata naman kasi never kong naramdaman na may kulang dahil pinuno niya ako ng pagmamahal. "Akalain mo 'yon sa isang iglap, iba na ang buhay mo. Mayaman kana!" Napailing naman ako. "Baliw, tatay ko lang ang mayaman, hindi ako." sagot ko. "At saka, hindi ko naman alam kung anong buhay ang nag-aantay sakin doon." hindi ko nga alam kung may asawa ba siya o kung may kapatid ba ako? Nakakakaba potek! Lumapit sa akin si Armely at niyakap ako, "Mamimiss kita Meyesha! Aalis kana bukas. Mamimiss ko mga luto mong masarap na libre pa." nambola pa nga. Natatawa akong tinignan siya. "Para kang tanga, pero thanks." Kahit ilang buwan pa lang ako sa maynila, masasabi kong thankful ako at nakilala ko siya. Si Armely lang kasi ang naging kaibigan ko dito. Tungkol pala dun, si lola ang may gusto na pumunta ako dito. Ayoko talaga kasi bukod sa mapapalayo ako sa kaniya, natatakot pa ako dahil wala akong kakilala. At naiintindihan ko na ngayon kung bakit, para magkita kami ng papa ko at nangyari na nga. Sana lang hindi ako magsisi sa desisyon na ginawa ko. ***** Brielle'POV Kanina pa ako nakatitig sa kisame ng kuwarto ko. Sasama ba ako o hindi? Gusto ko makasama si papa pero ayokong iwan si mama. "Buding, mamaya na 'yan. Kain muna tayo." tawag ni mama mula sa kusina. Gusto kong tumayo pero tinatamad ako. First time ko 'atang tinamad sa pagkain, ha. Kasi naman ,eh. Ano bang gagawin ko? Hindi na ako nagulat ng biglang pumasok si mama, nag-aalala niya akong tinignan. "Ma, sasama ba ako kay papa o hindi?" diretsong tanong ko. Umupo si mama sa tabi ko at nagsimulang tupiin 'yong mga damit ko. "Kung ako lang ang masusunod ayoko sana dahil hindi ako sanay na hindi ka kasama, pero alam kung isa 'to sa pangarap mo.. ang makasama ang papa mo." napayuko naman ako. "Buong buhay mo tayo ang magkasama, so panahon naman para papa mo ang makasama mo. At alam ko namang dadalawin mo ako dito. Pag hindi, kukunin kita dun!" dagdag ni mama para mapangiti ako. Agad ko siyang niyakap. "Salamat ma, promise! Dadalawin kita dito." sagot ko. Nawala na 'yong pag-aalangan na nararamdaman ko kanina. "Alam ko naman 'yon, mama's girl ka kaya." "Yak, mama naman!" para kasing ang isip bata ko pag sinasabi niya 'yon. Natawa naman siya. "Dalaga kana talaga. Wag kang magbo-boyfriend dun ha! Pag-aaral muna, aawayin ko talaga papa mo pag pinabayaan ka." pagbabanta nito. "Opoo ma, gusto ko lang talaga makasama si papa kaya sasama ako sa kaniya." excited na tugon ko. "Buti naman kung ganun." nakangiting aniya. Kinuha ni mama 'yong maleta ko at nagsimula ng ilagay 'yong mga damit ko. Masasabi ko talagang sobrang swerte ako kay mama. "Ma, may kapatid kaya ako?" bigla kong tanong. Natigilan naman si mama. "Siguro, bakit mo naman natanong?" "Wala lang po, iniisip ko lang kung ano kayang pakiramdam ng may kapatid." pero ang totoo natatakot ako, kung matatanggap niya ba ako bilang kapatid. Napabuntong-hininga si mama. "Alam mo, asahan mo na dapat 'yan. Baka nga may asawa na rin ang papa mo. Hindi naman sa panghuhusga, basta pag may hindi magandang nangyari sayo dun, magsabi ka sa'kin, ha. Naiintindihan mo?" halata sa boses ni mama ang pag-aalala. Gusto ko sanang magtanong kung anong ibig niyang sabihin, pero wag na lang, isang tango na lang ang sinagot ko kay mama. Iniba ko na lang 'yong usapan. "Ma, sino pala kasama mo dito pag pumunta na ako kay papa?" gusto ko rin kasing itanong 'yan. "Pupunta ang tita mo dito sa susunod na linggo para magbakasyon." sagot nito. Buti naman kung ganun, para may kasama si mama dito. Tumulong na ako sa pag-aayos ng gamit ko, nagulat pa nga ako dahil sa dami ng pagkaing nilagay niya sa bag ko. Alam talaga ni mama ang kaligayahan ko. Mamimiss ko 'tong bahay namin, lalo na ang kuwarto ko! Sana lang maging maayos ang pagtira ko kay papa, para hindi mag-alala si mama. At ayoko rin na mag-away sila. Sana nga. ***** Celestine'POV "Tine, tulungan na kita sa pag-aayos ng gamit mo. Mag-iingat ka dun, ha? Wag mong kakalimutang tumawag sa amin." hindi ko alam kung matutuwa ako o kikilabutan sa pinagsasabi ni tita Tonet. Nagpeke na lang ako ng ngiti. Kung may maganda man na nangyari sa buong buhay ko, siguro una nang makilala ko si papa. Pangalawa, dahil aalis na ako dito. Thankful naman ako kay tita kahit na parang hindi kamag-anak ang turing nila sa akin. Siya kasi ang nagpalaki sa'kin simula ng iwan ako ng nanay ko. "Sure kana ba talagang iiwan mo kami?" biglang sulpot ni Sugar sa gilid ko. "Sino na lang ang maglilinis, maghuhugas at maglalaba dito? P'wede bang dito kana lang?" nagmamakaawang sambit nito. Agad naman siyang nakatikim ng batok kay tita. "Tumigil ka nga sugar! Mayaman na ang pinsan mo, wag ka ngang magsalita ng ganiyan." suway nito sa anak niya. Sa totoo lang naninibago ako sa kanilang dalawa. Simula kasi ng puntahan ako ng tatay ko dito, nagbago na ang ihip ng hangin. Ang creepy nila! Parang mas gusto ko pa nga kung paano nila ako tratuhin nang hindi pa ako nahahanap ng papa ko. Kahit na puro utos, sigaw at lait ang natatanggap ko, at least sanay na ako. "I'm gonna miss you cous! We're sister right? Kaya nalulungkot ako na aalis kana." kunwaring malungkot na sabi nito. Napangiwi naman ako, hindi lang dahil sa sinabi niya pati na rin sa english niya. Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin. "S-sugar ginagawa mo?" pagkakaalam ko diring-diri 'to sakin, ha? Tapos ngayon kung makayap, feeling close. "Bitawan mo nga ang pinsan mo Sugar, hindi siya makahinga!" wow, protective? May pinagmanahan talaga. "Tumulong kana lang sa pag-iimpake para matapos na 'to." utos nito kay Sugar. Nakangiti naman siyang tumulong. Kinikilabutan talaga ako sa kinikilos nila! "Cous, gamitin mo muna 'tong maleta ko." sabay abot niya sa akin. Napataas pa ako ng kilay, alam ko never pa akong pinahiram ng gamit nito. "Palitan mo na lang na bago at mamahalin." dagdag pa nito. Kaya naman pala, hindi naman ako tanga para hindi malaman kung bakit sila ganito sa'kin ngayon. Kinuha ko na lang 'yong maleta at sinalpak ang mga gamit ko. Kaunti lang naman 'to, hindi na kailangan ng maleta kaya lang baka may masabi sila pag tinanggihan ko. Kilala ko na 'tong tita at pinsan ko. "Basta Celeste, pag andun kana wag mo kaming kakalimutan ha? Kahit townhouse lang okay na, tapos gusto ko rin mag negosyo ng salon." nagulat naman ako, townhouse? Pinagsasabi nito ni tita tonet. "Ako gusto ko ng botique tap--" Hindi ko na pinatapos si sugar bago pa 'to himiling ng kung ano. Tumigil ako sa ginagawa ko. "Tita, Sugar, pinapatira lang ako dun. Hindi ako po ako mamanahan ng milyones." tugon ko. "Kaya nga manghingi ka sa tatay mo. Kamag-anak mo naman kami, at ako ang nagpalaki sayo kaya malaki utang na loob niya sa'kin!" singhal ni tita. Pinipigilan kong wag sumagot, mahirap na baka kung ano pang masabi ko. Nirerespeto ko naman 'to kahit minsan ang sarap nilang pagbuhulin mag nanay. "Tita, nakakahiya naman po kasi." pinagdiinan ko pa 'yong salitang 'nakakahiya'. Tumaas 'yong kilay ni tita. "At bakit ka mahihiya? Tatay mo naman 'yon, kaya nga manghingi ka para sa'amin ng pinsan mo. Kakayanin mo bang hayaan na tumira kami dito?" nangonsensya pa nga. "Yeah, we are family cous." isa pa 'to, kung anong puno siya rin ang bunga. Alam kong hindi nila ako titigilan hangga't wala akong sagot. "Oo na, tatry ko pero wag naman po agad." labag sa loob na sagot ko. Nagliwanag naman ang mukha ni tita habang si Sugar, nakangiti abot langit. "Aasahan namin 'yan. Maraming salamat mahal kong pamangkin." malambing na sambit nito. Grabe! Ang cringe. Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit gusto ko ng umalis dito. Sana lang maging maayos ng ang buhay ko pagdating sa bahay ng tatay ko, gusto ko naman ng kapayapaan! ***** Vien'POV Everyone greeted me nang makarating ako sa cafeteria ng university. Nagsimula na rin magbulungan ang mga estudyante. "She's so pretty talaga!" "No she's perfect." "Yeah, ang bait pa niya." "Hoy gaga 'yong kalat mo, si Vien, oh!" "Ang chicks talaga ni Vien!" "Siraulo, mamaya marinig ka ni Devin!" At marami pang-iba. Actually sanay na ako sa ganitong treatment, but to be honest I don't like it. Private akong tao at ayoko ng pinag-uusapan ang buhay ko. Kahit pa na positive comments 'yan. "Why you took so long?" bungad ni Kiela sa akin ng makarating ako sa puwesto namin. Kiela is one of my friends but the best of all, she's my best friend at para ko na siyang kapatid. Binigyan ko naman siya ng malapad na ngiti. "Iba ngiti mo ngayon? Something happened?" tanong ni riri. "Duh, it so obvious naman kaya." napalingon naman ako kay reighly. "Oh no, about Devin ba?" kinikilig namang tugon ni Yassi. Para silang mga chismosang nag-aantay ng sagot ko. Natawa naman ako, "No HAHAHA." "So bat ang saya mo?" tanong ni Kiela. "Tumawag si papu and we have family dinner later." masiglang sagot ko. Busy na tao ang parents ko. Minsan lang kami kung makapag dinner ng magkakasama. This make me so excited! "Aw, that's sweet." si Reighly. "Say hi to tito and tita for me. Give them my regards." hinawakan pa ako ni Kiela sa kamay. I'm so lucky to have her, to have them. "Anyways, kamusta date niyo ni Devin kagabi?" pag-iiba ni Riri. Binigyan naman nila ako ng tingin na parang sinasabing magkuwento ako. Ngumiti muna ako. "Okay lang naman, he gave me this." pinakita ko sa kanila 'yong kwintas na suot ko. Yes, I'm in relationship. One year na kami and getting stronger, ramdam kong sobrang mahal niya ako at ganun din naman ako sa kaniya. Nakita ko namang nakabusangot si Kiela. bigla siyang nagpout ng mapansing nakatingin ako sa kaniya. "Nakakainis ang haba ng buhok mo Vien." puri nito sa'kin. "Oo nga, eh. Complete package na masaya pa ang lovelife." pagsang-ayon naman ni Riri "Kasi tayo, we're just pretty lang talaga." isa pa 'tong si Reighly. "Masaya kami para sa'yo." si Yassi. Natouch naman ako sa mga sinabi nila. "Ang drama niyo, pero ang sweet." sagot ko sa kanila. "Maaga ko lang talagang nahanap si the one." dagdag ko sabay flip ng hair. Natawa naman kami. "Speaking of the one." napalingon naman ako sa sinabi ni Reighly. Nakangiting naglalakad papunta sa direksyon ko si Devin, kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko alam pero guwapong-guwapo talaga ako sa kaniya. Kaya no wonder maraming nagkakagusto sa kaniya, eh. Kampante naman ako kasi alam kong ako lang mahal niya. Sound cheesy but kinikilig ako ngayon. "Hi baby!" sabay kiss ni Devin sa noo ko. Always niya namang ginagawa 'to, pero ang lakas pa rin ng dating sa'kin. Nakangiti naman ng nakakaloko 'yong mga kaibigan ko. "Hello, vacant niyo?" tanong ko. Pakiramdam ko namumula na ako, nasa amin pa 'yong atensyon ng mga estudyanteng kumakain dito. "Yeah. Hindi kapa kumakain?" nakita niya kasing walang pagkain 'yong table namin. "Oorder pa lang sana kami." sagot ko. Bigla namang umubo si Kiela. "Ang sweet niyo, nilalanggam na kami dito." pagpaparinig niya sa amin bago tumawa Bigla naman akong nahiya habang si Devin napayuko na lang. Ngayon niya siguro narealize na kasama ko mga kaibigan ko, HAHAHA. "Hi Kiela, hi girls!" bati niya. "So, what do you want to eat? My treat." tanong niya pa sa mga 'to. Since close naman sila, hindi na sila tumanggi at sinabi 'yong mga order nila. Pagkatapos ay umalis na si Devin kasama mga kaibigan niya para umorder. "Swerte mo talaga kay Devin.. i mean you are both lucky to have each other." sambit ni Kiela. Napangiti naman ako. "True, hindi pa rin siya nagbabago kahit matagal na kayo." totoo ang sinabi ni Yassi. Hindi ko tuloy mapigilang hindi kiligin. "Duh, that's true love kasi." pagtatama ni Reighly. These girls are the reason kung bakit okay lang kahit wala akong kapatid, dahil masasabi kong more than a friendship ang relasyon na meron kaming lima. Masasabi ko talagang sobrang swerte ko sa mga taong mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD