Celestine'POV
Isa lang naman ang gusto ko dati, ang makilala at ang makasama ang tatay ko.
Bakit parang binabawi ko na? parang mas okay na ako na si tita Tonet at si Sugar lang ang pamilya ko.
Kahit na minsan gigil na ako dahil sa sama ng ugali nila.
At ito ako ngayon, feeling ko mababaliw na ako. Alam mo 'yong pakiramdam ng gusto mong umutot pero tae lumabas? Char.
Sino ba naman kasing hindi mababaliw? Hindi pa nga ako makapaniwala na sobrang yaman pala ng tatay ko tapos may dumagdag na naman na nakakalokang pasabog.
Gusto niyo malaman?
Well, may kapatid pala ako. Hindi lang isa, kundi tatlo. Okay na, eh!
Pero tatlo sa ibat-ibang nanay?
Oo, tama kayo ng nabasa.
Ang mas matindi pa, parang magkakasing-edad lang kami.
Paano ko nalaman? Kaharap ko silang dalawa ngayon. Hindi nga kami makatingin sa isat-isa. Sigurado ako parehas lang kaming tatlo ng nararamdaman dahil sa nalaman namin ngayon.
Sobrang nakakailang promise!
Kasalukuyan kaming nasa dining area ng mansion ni papa. Buti nga hindi ako naligaw kanina, ang laki pa naman ng bahay na 'to.
Kasama rin pala namin ang beloved wife ni papa na soon to be step mother namin.
Maganda siya, 'yong mapapatitig ka kasi ang sophisticated niya!
kaya lang nakakatakot siya. Mukhang masungit na suplada.
Inaantay pa namin 'yong isa kong kapatid. Ang anak ni papa sa asawa niya ngayon, o sabihin na nating the legal one.
"Sobrang saya ko ngayon. After how many years na paghahanap, finally! kasama ko na kayong tatlo." basag ni papa sa katahimikan.
Bigla siyang tumingin sa akin kaya nataranta ako, "A-ako rin po, sobrang saya ko po." nakangiting sagot ko kahit nauutal pa ako sa kabang nararamdaman ko ngayon.
Nginitian niya naman ako, at confirm!
Hindi na ako magtataka kung bakit marami kaming magkakapatid, guwapo ang tatay namin.
"Ikaw Brielle masaya ka ba at kasama mo na ako ngayon?" baling naman nito sa katabi ko.
Halata namang nagulat siya. "P-po? Opo, sobrang m-masaya po ako pa-"
"-just call me papu." pagpapatuloy ni papa, i mean papu. Bakit papu? ang korni. "Alam kong bago sa pandinig niyo, but i prefered that than calling me papa or daddy." explain pa niya.
"Okay po papa, i mean papu." nakayukong tugon ng Brielle 'yong pangalan.
Napatitig naman ako sa kaniya, at walang duda. One hundred one percent, kapatid ko nga 'to! Maganda, eh. Kaya lang mukhang mahiyain. Napansin ko kasi simula ng dumating siya rito nakayuko lang siya, hindi ba siya nangangalay?
Natawa naman si papu sa kaniya, sabagay cute rin naman 'yong papu. Kahit ang korni.
"This is Felecity, my wife. You can call her tita para hindi kayo mailang." pagpapakilala niya sa kaniyang beloved wife na natahimik na kumakain.
Tinignan lang kami nito na parang wala siyang pakealam.
Ang sosyal talaga grabe!
"How about you Meyesha? Ang panganay ko. Totoo bang mag-isa ka lang sa apartment na tinutuluyan mo?" tanong naman ni papu sa babaeng kaharap ko.
Meyesha, ganda ng name.
Oh, siya pala ang panganay sa amin, ni hello po ate! Weird, ha. May ate pala ako.
Ngumiti naman siya, kaya parang nawalan siya ng mata. "Opo, nasa probinsya po kasi si lola. Okay naman po ako sa tinutuluyan ko kahit ako lang mag-isa." Gusto ko 'yong mata niya. Well, cute siya.
Nasa dugo na talaga siguro namin. Magagandang lahi, ganda-ganda!
Tumango-tango naman si papu. Nagpunas siya ng bibig at ngumiti sa amin. "Don't worry. Starting today i want you to feel at home mga anak." nakangiting sambit nito.
Napangiti naman ako. Ito na talaga, wala ng atrasan! Para akong natatae na ewan.
Tinignan ko naman 'yong reaksyon ng asawa ni papu, tahimik lang siya kumakain.
O wala talaga siyang pakealam sa amin?
"Sir Ashton, andito na po si ma'am Vien." anunsyo ng isa sa katulong ni papa, I mean papu pala. Ano ba 'yan, hindi ako sanay.
Maya-maya lang ay may pumasok sa dining area, nakasuot siya ng school uniforme, at wow.. sobrang ganda niya.
Mukhang artista!
"Goodevening papu." bati nito kay papu sabay kiss sa pisngi. Next siyang lumapit kay tita Felicity, "Goodevening mommy." ganun din ang ginawa niya.
Sure na ako na siya ang legal kong kapatid na legal na anak ni papu.
"How's school ija?" tanong ni papu rito.
Nanunuod lang kami sa kanila. Hindi ba kami napapansin nito?
Umupo muna siya sa bakanteng upuan sa tabi ng mommy niya. "Hmm, good." nakangiting sagot nito. Nagtama naman ang mata namin. "Sino po sila papu? Mom?" tanong nito.
Bumuntong hininga muna si papu. Magsasalita pa sana siya ng unahan siya ng asawa niya.
"Mga kapatid mo." diretsong sagot nito.
"Felicity.." tawag ni papu dito.
"W-what?" nagtatakang tanong ni Vien.
"I mean, mga kapatid mo sa labas." paglilinaw ni tita Felicity.
Pinagdiinan niya pa 'yong salitang anak sa labas.
Nasaktan ako dun mga ninety-percent.
"Felicity!" suway ni papu. Mukhang hindi niya nagustuhan 'yong sinabi ng asawa niya.
Nagulat naman ako. Bakit parang magkakaroon pa ng away dito?
"Why? I'm just telling the truth to Vien and that is true, mga anak mo sa labas ang mga bata na 'yan." uminom muna siya ng tubig. "Excuse me. I lost my appetite." sarkastik na sabi nito. Tumayo na siya at umalis sa dining area.
Napayuko naman ako sa hiya. Habang si papu hindi na alam ang gagawin.
"Ano bang nagyayari papu? Naguguluhan ako. " si Vien na halatang gulong-gulo sa pangyayari.
Kaming tatlo? Tahimik lang at nakayuko.
"Listen to me first, anak." mahinahon na sagot ni papu. "Your mom is right, Vien.. mga kapatid mo sila." pagpapatuloy ni papu.
Kumunot 'yong noo ni Vien. "Wait, mga k-kapatid ko? but how?"
"Nagkaanak ako sa ibat-ibang babae. At sila ang naging bunga.. Ang mga kapatid mo."
Pumikit naman si Vien at tumawa na parang hindi makapaniwala. "P-papu.."
"Matagal ko na silang pinapahanap hanggang malaman ko kung nasaan sila... I asked them to live here, with us. Para makabawi ako sa kanila at maging isang pamilya tayo." explain ni papu, bakit parang naiiyak ako? Slight lang.
"Seriously papu? You cheated on mom, nagsinungaling ka sa amin! Then now dadalhin mo sila dito without telling me first? And worst, papatirahin mo pa dito? Iniisip mo ba 'yong nararamdaman namin?!" singhal ni Vien.
May point siya, parang gusto ko na tuloy umuwi na lang.
"I'm sorry anak. Pinag-usapan na namin ng mommy mo ang tungkol dito at pumayag siya."
Biglang tumayo si Vien. "And you think she really mean it?" halata sa boses niya ang galit. "Ang akala ko isang masayang family dinner ang maabutan ko pero hindi pala.. sana hindi na lang ako umuwi ng maaga."
"I'm really sorry Vien.. Hindi ka ba masaya? na may mga kapatid kana." tinuro pa kami ni papu.
Napakagat naman ako ng labi.
Tinignan niya pa kami isa-isa. "Masaya? After ng mga nalaman ko papu... I'm so dissapointed. I can't believe this. " dismayadong sagot nito. "At wala akong kapatid. Don't expect me to treat them as my sister. It will never be happen." sabay walkout.
Parang kasalanan pa naming nagkagulo silang pamilya.
"Papu, hindi niyo na ako kailangan patirahin dito. Masaya na po ako na nakilala at nakasama ko kayo." si ate, este! Si Meyesha.
"O-opo tama po siya." pagsang-ayon naman ni Brielle.
Halata sa mukha ni papu ang lungkot.
"Mukhang kasalanan pa namin kung bakit kayo nagkagulo papu. Pero wag niyo pong sisihin 'yong sarili niyo, at hindi rin po namin sila masisi kung ganiyan 'yong reaksyon nila." mahabang sabi ko.
Tama ba mga sinabi ko? Grabe naman.
Ngumiti naman si papu, pero halatang pilit lang. "Like i said, gusto kong bumawi sa inyong tatlo. Magiging okay din ang lahat, kailangan ko lang makausap si Vien."
Nakakahiya talaga 'yong nangyari.
"Pasensya na po... papu." si Meyesha.
"Wala kayong kasalanan." sagot nito, isa-isa niyang hinawakan 'yong mga kamay namin. "I think kailangan niyo na magpahinga.. Manang pakisamahan nga muna sila sa guest room" lumapit naman 'yong isa sa katulong nila papu.
"Sunod po kayo sa akin." nakangiting anyaya ni manang. Ngumiti naman ako pabalik.
Nilingon ko pa si papu bago sumunod sa katulong nila.
Tama ba 'tong desisyon ko?
Kahit naiilang, sumunod pa rin ako.
Wow! Ang laki pala talaga ng mansion ni papu. Umakyat kami sa second floor ng bahay. 'Yong hagdan ang kintab! Buti pa 'yong sahig clear skin. Sana all talaga!
Tumigil kami sa harap ng isang kuwarto.
"Sabi ng papu niyo sa guest room muna po kayo matutulog ngayon gabi. Inaayos pa po kasi namin 'yong magiging kuwarto niyo." paliwanag ni manang sa amin.
"Wag na po kayo mag po, nakakailang po kasi." nahihiyang sagot ni Meyesha.
Natawa naman si manang. "Sige pasok na kayo ng makapagpahinga na kayo." binuksan ni manang 'yong pinto. Nagkatinginan pa kaming tatlo kung sinong unang papasok.
"M-mauna kana." naiilang na sabi ko.
Tumingin muna si Brielle sa'kin bago yumuko. "Hindi, o-okay lang. Kayo na mauna."
Para kaming tanga dito. Nakaramdam naman si Meyesha kaya siya na ang naunang pumasok.
Nagpaalam na rin si manang dahil may gagawin pa raw siya.
Nilibot ko 'yong paningin ko sa loob ng kuwarto. Guest room pa lang 'to, ha!
Sobrang laki at linis. Pati 'yong malaking kama, nakakahiyang higaan. Teka, isa lang 'yong kama so?
"Tabi-tabi tayo?" sabay na sabi naming tatlo.
Nagtinginan muna kami pagtapos ay natawa.
Nakaramdam naman ako ng ilang, grabe mga feeling close sa isat-isa HAHAHAHA.
"Ano palang pangalan mo?" biglang tanong ni Meyesha sa akin.
Tinuro ko naman 'yong sarili ko. "Celestine Zamora, ganda 'no?" proud na sabi ko.
"Oo." napangiti naman ako sa sagot niya. "Ikaw naman si Brielle?" paninigurado nito, tumango naman si Brielle. "Ako naman si Meyesha." pagpapakilala niya.
Kahit ngayon lang kami nagkakilalang tatlo parang feeling ko sobrang close na namin, ganun siguro 'yong lukso ng tae, i mean dugo.
Natigilan naman kami ng may biglang pumasok.
"V-vien." si Meyesha.
Napatayo naman ako ng maayos.
Ang ganda niya talaga. Nakatayo siya ngayon sa harap namin at walang emosyon ang mukha. "Magkano ba ang kailangan niyo?" nagulat naman ako sa tanong niya. "Name your price then umalis na kayo rito."
"A-anong sinasabi mo?" nagtatakang tugon ni Meyesha.
Kahit ako nagtataka rin.
Tinignan niya kami isa-isa "Ano bang kailangan niyo, ha? Ano bang plano niyo? Tell me. Gusto niyo ng pera?" bigla siyang tumawa. "Bakit ko pa ba tatanungin. Eh, obvious naman." dagdag pa niya.
Nakaramdam naman ako ng inis mga fifty-percent!
"Makapagsalita ka naman. Hindi pera ang habol ko kay papu!" sagot ng katabi kong si Brielle.
"Really? Bakit naman ako maniniwala sayo. Eh, hindi ko nga alam kung saang basura kayo pinulot ni papu." makabasura naman 'to "How it feels?" nakangising tanong nito.
Napipikon na ako sa Vien na 'to! Ang judge mental grabe.
"Vien, mali 'yong iniisip mo." sagot ni Meyesha. Hindi naman siya pinansin nito.
"Anong pakiramdam ng nakatira rito?" may halong pang-aasar 'yong boses ni Vien.
Sumingit na ako sa usapan. "Nakatira ka rito tapos hindi mo alam." hindi ko napigilan 'yong sarili kong sumagot. Nakakainis kasi 'yong sa pera na sinabi niya, sampalin ko kaya 'to ng barya?
Tumawa naman si Vien, "Look who's talking HAHAHAHA. Lakas ng loob, baka nakakalimutan mo.... anak ka lang sa labas."
Inismiran ko naman siya. "At least anak pa rin ako. Labas nga lang." hindi ako nagjojoke, ha. Seryoso 'yan.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"At proud ka pa? Remember this, hinding hindi ko kayo ituturing na kapatid. Never." tinignan niya pa kami isa-isa.
Lumabas na siya at padabog na sinara 'yong pinto ng kuwarto.
"Grabe, kawalan ba siya? Edi wag!" singhal ko.
Mas malala pa 'tong Vien na 'to kay Sugar.
Tinignan naman ako ni Meyesha. "Dapat hindi mo na lang pinatulan. " seryosong sabi niya.
"Sobra na kasi 'yong sinasabi niya."
"Kahit na, dapat hinayaan mo na lang." Teka, feeling close lang? Pakealam ba niya, wala namang masama sa sinabi ko.
Natawa naman ako. "Wala naman akong sinabing masama diba? Siya 'yong nang-insulto. Bakit ganiyan ka magreact?"
"Akala ko ba naiintindihan mo kung bakit ganiyan reaksyon niya." sinabi ko ba 'yon? ay, oo nga pala.
Nakakainis, eh. Ayoko pa naman ng ganun!
"Teka lang.. anong gusto mong sabihin? At bakit parang sinisermunan mo ako?" nakangiti pa ako niyan.
"Na dapat hinayaan mo na lang siya. Hindi ganun 'yon, ayoko lang magkagulo." medyo mapapel siya sa part na 'yan.
Natawa na ako ng tuluyan. "Excuse me, ha? Wag mo akong utusan sa dapat kong sabihin o gawin, ngayon pa lang tayo nagkakilala."
"Pasensya na."
Ayoko sanang sabihin 'yan, kaya lang patong patong na 'yong inis na nararamdaman ko.
Tama ng sila tita Tonet at Sugar ang nang-aapi sa akin, pero ibang tao? Hindi ako papayag.
Napahiga na lang ako sa kama.
Dapat ba akong magpasalamat dahil may mga kapatid ako?
O dapat akong magsisi kasi ganito 'yong mga kapatid na binigay sa akin.
***
Brielle'POV
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng dumating ako sa mansion na 'to.
Isang linggo na rin akong nakikisama sa mga kapatid ko, na hindi ko ma-feel na kapatid ko.
Isang linggo ko na rin nakakasama si papu, at unti-unti ko na siyang nakikilala.
Si tita Fecelity? ayun parang hindi kami nag-eexist. Kinakausap niya lang kami pag kailangan.
Okay na rin 'yon, kesa kay Vien na araw-araw ang init ng ulo sa amin. Hindi naman namin inaano!
Kakatapos ko lang kausapin si mama, nangamusta lang siya.
Hindi ko na binanggit 'yong tungkol kay Vien, ayokong mag-alala pa siya.
Linggo na ngayon. Nasa office kami ni papu, may sarili kasi siyang office rito sa mansion.
"Nasaan si Vien?" tanong ni papu ng mapansin niyang tatlo lang kaming andito.
Nagkatinginan naman kaming tatlo.
"Nakita ko po siya kanina. Mukhang may lakad po siya. Hindi ko lang po sure." sagot ni Meyesha. Napailing na lang si papu.
Huminga muna siya ng malalim. "I just want to inform the three of you na papasok na kayo bukas sa bago niyong school."
Nagulat naman ako sa anunsyo ni papu.
"P-po? Paano po 'yon?" napatango naman 'yong dalawa sa tanong ko.
"Don't worry, everything is settled. For now, you just need to fix your things for tomorrow." may inabot naman siyang tatlong card sa amin. Ano 'to? "You can use that card if you want to buy something. Anything you want and you need." ano raw?
Naguguluhan ako. "H-hindi po ako marunong gumamit nito, papu." mahinang sabi ko.
Tinignan naman ako ni Celestine. "Hindi mo alam 'yan?" napailing naman siya. "Iyan lang hindi mo pa alam?" grabe 'to oh!
Sumimangot na lang ako at hindi siya pinansin.
"Bakit ikaw alam mo?" si Meyesha naman nagtanong kay Celestine.
"Hindi, paano ba 'yon?" minsan talaga iisipin ko ng baliw 'tong Celestine na 'to.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Tignan mo, hindi mo rin pala alam." pang-aasar ko.
"Bakit sinabi ko bang alam ko?" tinaasan niya rin ako ng kilay.
Natawa naman si papu kaya natahimik kami. "Ang saya namang makita kayong ganiyan.. Sana sa susunod kasama niyo na si Vien." kahit hindi ko tignan, alam kong malungkot si papu.
May kinuha si papu sa table niya at inabot sa amin.
"Para saan po 'to?" si Celestine na 'yong nagtanong.
Sobre siyang kulay blue.
"Tutal hindi pa kayo pamilyar diyan.." pagtutukoy niya sa card na hawak namin. "Bibigyan ko na lang kayo ng cash for your allowance this week." dagdag ni papu.
Allowance? Parang 'yong binibigay ni mama sa akin 'yong nag-aaral pa ako.
Binuksan ko 'yong sobre at kinuha 'yong laman,
"P-papu ang dami naman po nito.." si Meyesha.
Teka, oo nga! Puro one thousand!
"Ang laki naman nito papu!" kahit si Celestine hindi rin makapaniwala.
Binilang ko kung ilan, 15---20?
20 thousand?! Para sa isang linggo?
"P-papu, okay lang naman po kahit 500 lang ang ibigay mo sakin. Ang dami po nito." nahihiyang tugon ko.
Grabe naman kasi. Si mama nga 500 lang binibigay sa akin pero umaabot ng dalawang linggo, nagbabaon din kasi ako ng pagkain sa dati kong school.
Napangiti naman si papu. "That's enough. Baka nakakalimutan niyo, iba na ang buhay niyo ngayon. Bumabawi lang din ako sa ilang taong pagkukulang ko sa inyo." sagot ni papu.
Napayuko na lang ako, ang laki talaga nito.
Pero ano raw? Masaya ba 'yong ganito, 'yong nagsasagutan kami?
At si Vien, hindi na ako umaasa sa kaniya. Init-init ng ulo ng babaeng 'yon.
***
Meyesha'POV
Nakabalik na ako sa kuwarto ko, dahil sa sinabi ni papu, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi?
Papasok kami sa school kung saan nag-aaral si Vien. Alam kong umaasa pa rin si papu na magkakaayos kaming apat, pero kung ako tatanungin? mukhang malabo na.
Sa amin pa nga lang tatlo hindi na kami magkasundo, idagdag mo pa 'yong isa.
Naiintidihan ko naman kung bakit ganun kalaki 'yong galit niya sakin, sa aming tatlo. Kaya ako na nga 'yong nag-aadjust, eh.
Pero minsan nakakainis na promise, sa isang linggo ko rito walang ginawa si Vien kundi ipamukha sa aming anak kami sa labas. Iniintindi ko na lang.
Inayos ko na ang dapat ayusin. May mga gamit na rin pala ako rito. Hindi ko alam kung saan nanggaling, may ganito na bigla ng dumating ako galing sa office ni papu.
At tungkol sa allowance na binigay ni papu, ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. Bahala na nga.
Tinawagan ko na rin pala si lola at nalaman kong pinadalhan siya ni papu ng pera at puhunan para makapagpatayo ng maliit na negosyo. Sobrang saya lang sa pakiramdam, at least hindi ko na siya masyadong iisipin.
Nabalik naman ako sa realidad ng may kumatok sa pinto. Si papu pala. "Bakit po papu?" tanong ko agad.
Umupo naman siya sa kama ko. "Gusto sana kitang makausap." ramdam ko ang pagiging seryoso sa boses niya.
Kinakabahan ako. "T-tungkol saan po papu?"
"Alam kong hindi 'to madali.. Pero sana sa'yo magsimula ang pagkakasundo niyong apat."
Teka, ano raw?
"H-hindi ko po kayo maintindihan."
Hinawakan ni papu 'yong mga kamay ko. "Gawin mo lang ang role mo bilang ate sa kanilang tatlo. Bilang ang mas nakakatanda, sana lawakan mo ang pang-unawa mo at habaan ang pasensya... lalo na kay Vien."
Napayuko naman ako. "Hindi ko po mapapangako papu.." tumingin ako sa mga mata niya. "Pero gagawin ko po lahat ng makakaya ko bilang ate nila." pinilit kong ngumiti kahit kinakabahan ako.
Napangiti naman si papu. "Salamat anak."
Pagkatapos ay umalis na si papu at naiwan akong nakanganga.
Paano ko gagawin 'yon?
Sure na ako ngayon. Gugulo na ang tahimik kong mundo.
***
Vien'POV
"Where are you going? May sasabihin ang papu mo sa'yo-- I mean sa inyo." bungad ni mommy sa akin ng makarating ako sa sala.
Pagtapos ng eksenang nakita ko kanina? Mukhang masaya naman si papu kahit wala ako, basta andun 'yong tatlo.
Halata naman sa mga tawanan nila!
Bumuntong hininga muna ako. "I don't get it mom. Bakit ganiyan ka lang? bakit hinayaan mo lang na tumira dito 'yong mga bastarda ni papu? Do something mom!" singhal ko.
Gulong-gulo na ako sa nangyayari!
Uminom muna siya ng wine. "Hindi ko rin gusto ang nangyayari. But that's your papu decision, and i can't do anything about that."
Hindi ako makapaniwala na sinasabi 'to ni mommy ngayon. "You are the wife! Legal wife correction. May karapatan kang gawin ang gusto mo. This is our house, this is our family. Hindi sila belong dito!"
Sa sobrang frustration na nararamdaman ko hindi ko na napigilang mag walk out.
Alam kong nabastos ko si mommy, pero you can't blame me. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siyang okay o tanga lang talaga siya!
Sorry, ha? Nakakainis lang talaga.
Sinubukan kong tawagan si Devin, pero bakit ganun? hindi ko siya matawagan.
"Damn you!" bulalas ko sabay bato ng cellphone ko loob ng kotse. Bullshit!
Pinaandar ko 'yong sasakyan ko at pumunta sa bahay nila Kiela.
Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila 'yong problema ko, kaya these past few days napapansin nilang wala ako sa sarili.
but no I can't take it anymore! feeling ko mababaliw ako pag wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.
Sila na ang kakampi ko ngayon, mas gugustuhin ko pa nga silang maging kapatid kesa sa tatlong 'yon.
Malapit lang naman ang subdivision na tinitirahan niya kaya nakarating ako agad.
Pinapasok ako ng mga guard, hindi ito ang unang beses na nakapunta ako kaya kilala na ako rito.
Nang makapasok sa loob ng bahay nila agad akong binati ng mga katulong.
"Nasa kuwarto niya po si ma'am Kiela." bungad ni manang Menggay
Ngumiti na lang ako at agad na dumiretso sa kuwarto ni Kiela. Since hindi naman siya naglolock, hindi na ako nag-abalang kumatok.
Nakahiga siya sa kama at may kausap sa phone. "Really you love me? More than-- Vien? oh, what are you doing here?" agad niyang pinatay 'yong tawag at tinago 'yong phone niya.
"So sweet. Who's the lucky guy? Hindi ka nagsasabi, may kalandian ka na pala." pang-aasar ko. Umupo ako sa kama niya.
"HAHAHA. N-no, kahapon ko lang siya nakilala. Yes, kahapon. Tama!" hindi pa siya sure sa sagot niya. "By the way, bakit ka andito?" pag-iiba niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Why? Hindi na ba ako p'wedeng pumunta rito?" tanong ko pabalik.
Tumawa naman siya. "No HAHAHA. I mean, hindi ka kasi nagsabing pupunta ka."
Umupo ako ng maayos at huminga ng malalim. "Something insane just happened in the house." panimula ko.
"W-what do you mean?"
Bumuntong hininga muna ako. "May mga kapatid ako."
Nanlaki naman 'yong mata niya. "Oh no! Don't tell me you're going to be ate na? I'm so happy--"
Hindi ko na siya pinatapos. "No! i mean may kapatid ako.. Kapatid sa labas." i can't even say that word.
"Are you serious?" seryosong tanong niya.
"Yes. Three sisters in different mother."
Tumayo siya sa kama. "Bad news or good news?" seryoso siya sa tanong niya?
"Ofcourse bad news! Nakatira na sila ngayon sa bahay at mag-aaral na bukas sa school natin!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses.
"Wait... Magkakasing edad kayong tatlo?" gulat niyang tanong. "H-how did that happened?" kahit ako hindi ko alam.
"I dont know! All i want for now is umalis sila sa bahay, umalis sila sa buhay ko at sa buhay ni papu!" nakakainis na sobra.
Lumapit naman si Kiela. "Please calm down Vien." kinalma ko naman 'yong sarili ko. "But kung gusto mo silang mawala sa buhay mo, gumawa ka ng paraan para sila mismo ang kusang umalis."
Binigyan ko naman siya ng naguguluhang tingin. "I don't get it."
Umupo siya sa harap ko. "Sinabi mo sa school natin sila mag-aaral. So pagkakataon mo na." nginitian niya ako.
Ngiting kami lang ang nagkakaintindihan.
Isang ideya agad ang pumasok sa isip ko. "Three bird in one stone."
Tumango muna siya bago ngumiti. "Ipakita mo sa kanila kung anong mundo ang pinasok nila."
Napangisi naman ako. "Yes. Sisiguraduhin kong pagsisihan nilang dumating sila sa buhay at sa pamilya ko." mark my words.
Welcome to living hell, sisters.