Chapter three

3032 Words
Celestine'POV Simula na ng bagong buhay, bagong paaralan, bagong mga kaklase, at bagong ako. Drama naman ng bagong ako. I mean! hindi na bilang Celestine Zamora, kundi bilang Celestine Sandoval. Anak ng milyonaryo na may tatlong kapatid sa ibat-ibang nanay. Hindi naman ibig sabihin pati pagkatao ko magbabago,ako pa rin 'to! Celestine Zamora is my name. Mamimiss ko 'yong dati kong school, kahit na wala akong close sa university na 'yon. Introvert kasi ako, char! Aral kasi talaga ang priority ko since scholar ako. Bumalik ako sa sarili ng tumigil 'yong sasakyan, senyales na andito na kami. "Enjoy your first day in your new school. Nakahanda na ang lahat, ang kailangan niyo na lang gawin ay pumunta sa principal office at kunin ang magiging schedule niyo" paalala ni papa, i mean ni papu sa amin. And yes! Hinatid niya kaming apat. And yes ulit, iisang school lang kami. Kung saan nag-aaral ang kaniyang bruhildang anak na isa sa mga kapatid ko. Ekis na siya sa akin dahil sa ugali niya! Nasa likod kaming tatlo habang si Vien nasa tabi ni papu. Walang nag-uusap, kahit lingunan, wala. Sobrang nakakailang, feeling ko hindi ako makahinga. After din ng sagutan namin ni Meyesha, hindi na kami nag-usap. Kahit tinginan nakakailang. Si Brielle naman medyo lang. Lagi rin kasing tulala 'yon, at sa pagkain niya naka-focus. Napansin ko lang sa kaniya, laging may kinakain. Unang bumaba si papu, sumunod si Vien. Syempre bumaba na rin kami. Nilibot ko 'yong paningin ko sa paligid. Mga magagarang sasakyan. Nasa parking kasi kami ngayon. Grabe! School ba talaga 'to? "Papu, i need to go now." aalis na sana si Vien ng pigilan siya ni papu. "Samahan mo ang mga kapatid mo. They are new here, tour them." utos nito. Tumaas 'yong kilay ni Vien. "What? are you serious papu? No! I won't." Parang napahiya naman si papu. "Okay lang po kami papu. Wag po kayong mag-alala, ako si dora. Dala ko ang mapa ng school." sagot ko. Tinignan lang ako ng dalawang katabi ko. Sabi ko nga hindi na ako mag-jojoke. "Vien, please. I know galit ka sa akin, but please... do this for me." pakiusap ni papu. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya, grabe kasi 'tong babaeng 'to. "I told you papu, ayoko silang makasama. Ano bang gusto mo? Ipangalandakan ko sa school na 'to na may mga kapatid ako.. Or should i say may mga kapatid ako sa labas?" "Vien! Napag-usapan na natin 'to!" natakot naman ako dahil sa sigaw ni papu. Pati 'yong dalawang katabi ko ganun din. First time kong marinig sumigaw si papu, katakot shet! Buti na lang walang ibang tao dito sa parking lot. "Eh, ayoko nga silang kasama papu! Why you keep pushing me to them? Like what I said, hinding hindi ko sila ituturing na kapatid! Never." pasigaw na sagot ni Vien. Nakakapikon na talaga ugali nito! "Wag kang mag-alala, ganun din naman ako." napalingon naman ako sa katabi ko, si Meyesha. Oo si Meyesha! Seryoso siyang nakikipagtitigan kay Vien. Nakakagulat lang noong nakaraan lang todo awat siya tapos ngayon sumasagot na. At ito na nga, nagkakainitan na dito... "Really? Coming from you? Sino ka ba sa tingin mo? Kung ayaw mo akong makasama at maging kapatid, bakit andito ka? Bakit andito kayo?" singhal niya sa amin. With matching duro-duro. Wow, grabe. Kalma Tine. "Bakit kami tinatanong mo? Kami ba nagsabing gusto namin mag-aral dito?" napalingon naman ulit ako ng biglang magsalita 'yong isa pang katabi ko. Si Brielle na masama rin ang tingin kay Vien. Dalawa laban sa isa! Mga palaban naman. Sasagot pa sana si Vien ng biglang sumigaw si papu, as in sigaw. "Enough! Magkakapatid kayo, at sa ayaw at gusto niyo kailangan niyong magkasundo!" hinilot ni papu 'yong sintido niya at tinignan kami isa- isa. "I need to go. May darating na driver mamaya para sunduin kayo. Sabay kayong dumating dito, sabay kayong uuwi." pagkatapos ay sumakay na siya sa sasakyan. Galit si papu sa amin, hays. "Thanks for ruined my day." sarkastik na sabi ni Vien bago kami nilayasan. Tinignan niya muna kami ng sobrang sama. Galit na galit? gusto manakit? Hindi ko na lang siya pinansin. At kaming tatlo? Nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. Humarap ako kay Meyesha. "Akala ko ba hindi na dapat pinapatulan si Vien? Bakit nakipagsagutan ka pa?" seryosong tanong ko. Kumunot naman 'yong noo niya. "May gusto kabang sabihin?" Ngumiti ako. "Wala naman, binabalik ko lang 'yong mga sinabi mo sa akin. Dapat kasi inapply mo sa sarili mo para hindi na nagalit ng ganun si papu." sagot ko pagkatapos ay nagpaalam na, "Mauna na ako, bye!" nagmamadali akong naglakad. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko naman masisisi si Meyesha kung bakit sumabog siya ng ganun. Gusto ko lang talaga makabawi at asarin siya HAHAHA. Bahala na sila diyan, galit na si papu at lagot kami. **** Meyesha'POV Nakatingin lang ako kay Celestine na nagmamadaling umalis. Ano bang problema niya? Bakit parang sinisisi niya ako kung bakit nagalit si papu? Napasinghap na lang ako sa inis na nararamdaman ko ngayon. Kung ako ang masusunod ayoko na sanang pumasok, pero nakakahiya naman kay papu kung unang araw hindi ako papasok. Lalo na ngayon na galit siya sa amin. Kasalanan naman ng Vien na 'yon, eh. Nakakapuno na kasi, kahapon pa siya ganiyan. Sinabihan pa lang ako ni papu, tapos ganito na! Hindi ko kasi mapigilan. Kung sagutin niya at sigawanan si papu, nakakabadtrip! Walang galang. Ano bang akala niya? Gusto ko 'yong mga nangyayari ngayon? malaking hindi. Mas gusto ko pa sa dating apartment ko, na kahit ako lang mag-isa. Tahimik naman. "Bakit hindi ka pa umaalis?" iritadong tanong ko kay Brielle. Napapansin ko dito laging tahimik. Parang ang daming iniisip. Tinignan niya naman ako. "Sabay na lang ako sayo. Okay lang naman diba?" tanong niya. Tumango na lang ako at nagsimulang maglakad. Nakasunod naman siya sa akin. Dahil wala kaming alam dito sumunod na lang kami sa mga estudyanteng nakakasabay namin. Hanggang makarating kami sa malawak ng quadrangle ng school na 'to. Mga nagtataasang building. Sigurado akong mayayaman ang nag-aaral dito. Sa itsura pa lang sa labas ng mga building, ano pa kaya sa loob? Sobrang nakakapanibago. Ibang-iba sa dating school ko. "Excuse me miss, p'wedeng magtanong?" Tinignan naman ako ng babae. "Yes?" "Saan dito 'yong principal office?" tanong ko. Ngumiti naman siya at itinuro 'yong pinakamaliit na building sa likod ko. "Pasok ka lang diyan then makikita mo na 'yong principal office." Tumango-tango naman ako at nagpasalamat. Buti na lang mabait si ate. Hindi naman kami nahirapang hanapin. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago buksan ang pinto. Bumungad sa akin si Celestine na nakaupo. Hindi na ako nag-abalang tignan pa siya, naiinis din kasi ako sa babaeng 'to. "Good morning girls. Take your sit." lumabas naman sa isang pintuan ang lalaking may katandaan na. Siguro siya 'yong principal. Umupo siya sa puwesto niya at sinuot 'yong salamin, "I'm Simon Domengs. The principal of Presome High." pagpapakilala niya sa amin. Umupo ako sa upuang katapat ni Celestine, habang si Brielle umupo sa tabi ko. "Goodmorning po! Kukunin ko po sana 'yong schedule and section ko." panimula ni Celestine. May kinuha siyang papel sa table niya. "Oh, yes. Here's your schedule and room. Same lang kayong tatlo. Nakiusap ang daddy niyo sa akin na pagsamahin kayong apat." "A-ano po?" gulat na tanong ko. Ibig sabihin alam niyang magkakapatid kami. "Umalis na kayo. In ten minutes magsisimula na ang first subject niyo." pag-iiba niya. Wala ng nagsalita sa aming tatlo. Lumabas kaming parehong nakasimangot. "ABM 1204A?" basa ni Celestine sa slip na hawak niya. "Stem ako last year tapos ABM na? Wow magic!" sarkastik na singhal nito. Grade-12 na pala kami, buti na lang hindi nagbago ang strand ko. Nakasunod lang kami sa kaniya. One week na simula ng magsimula 'yong klase kaya kami ang kailangan mag-adjust. Nagsimula na kaming maglakad ng walang pansinan. Pumasok kami sa building 2 at umakyat sa second floor. Mabilis naman naming nahanap 'yong magiging room namin. May teacher na ng makarating kami. At syempre tulad ng inaasahan, lahat ng atensyon na sa aming tatlo. Napansin niya naman kami. "Kayo ba 'yong transferee? Before take your sit, introduce yourself in front of the class." tanong ng teacher sa amin. "O-opo." ako na 'yong sumagot. Pumasok na kami, nauuna ako at nasa huli si Celestine. Napuno ang classroom ng bulungan, lahat ng mata na sa aming tatlo. pero ang bukod tanging umagaw ng pansin ko ay ang mga mata ni Vien na kung nakakalusaw ang tingin siguro wala na kami. Sumenyas naman 'yong teacher kaya pumunta na ako sa gitna, "Good morning, I'm Meyesha Rivero." maiksing sabi ko. Wala ako sa mood para magsalita pa ng mahaba. Sumunod naman si Brielle. "Brielle Sarmiento here." walang emosyong usal niya. Bigla namang umingay 'yong puwesto ng mga lalaki. Hindi ko sila masisi, maganda talaga si Brielle. At ang huli si Celestine. Natatawa siyang pumunta sa harap at ngumiti. "Ni hello po, ako si Celestine Zamora." umakting pa siyang nahihiya. Natawa naman 'yong karamihan sa kaniya. Kanina lang badtrip pa siya dahil sa strand niya. "You can take your sit now." utos ni ma'am. Sa dulo lang ang may bakanteng upuan, kaya wala kaming choice. At mas okay na 'to hindi kami center of attention. Malapit na ako sa upuan ko ng biglang may kumalabog, kasunod ay tawanan ng mga kaklase ko. Nakita ko na lang na nakasalampak na sa sahig si Brielle. "Ops, sorry!" maarteng sabi ng katabi ni Vien. "So stupid kasi." dagdag naman ng isa pa. "Enough class!" suway ni ma'am sa mga kaklase naming nagtatawanan. "Okay ka lang?" tanong ko kay Brielle habang inaalalayan siyang tumayo. "Ano bang nangyari?" dagdag ko pa. Umiling lang siya. "Kainis." maiksing sagot niya. Pumunta na kami sa bandang likuran. Nasa gitna namin si Brielle. "Ilan nahuli mo?" napatingin naman ako sa tanong ni Celestine. "Nakakatawa 'yon?" sagot ni Brielle. Parang napahiya naman si Celestine. "Sabi ko nga. Joke lang, hindi ka mabiro." napailing na lang ako. Natapos ang tatlong subject, at wala akong naintindihan. Paano ba naman buong klase nasa amin 'yong atensyon ni Vien at ng grupo niya. Titignan kami tapos tatawa sila. Nakakabadtrip sa totoo lang. Andito ako ngayon sa canteen. 'Yong dalawa? hindi ko alam kung nasaan. Mas maganda 'to, kaniya-kaniya muna kami. Kakalimutan ko muna 'yong sinabi ni papu, bahala na. Oorder na sana ako ng pagkain ng biglang may nagbuhos ng juice sa akin. Strawberry juice sa mismong mukha ko! Halatang sinadya, ang sarap magmura tangna. Tinignan ko 'yong lalaking nagbuhos sa akin. At ang kupal.. nakangiti pa! "Sorry. Napag-utusan lang ng campus queen, HAHAHAHA!" natatawang sabi nito bago umalis sa harap ko na parang walang nangyari. Nakipag-apir pa siya sa mga kasama niyang tuwang-tuwa sa ginawa niya! Napapikit na lang ako sa inis at sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Lahat ng nasa canteen ngayon nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako. Kinuha ko 'yong bag ko at nagmamadaling umalis! Campus queen? ano 'to lokohan! *** Brielle'POV Ang sakit pa rin ng tuhod ko. Letseng pumatid sakin na 'yon! Anong problema niya? Hindi ko naman siya inaano. Nakasuot ako ng black thighs kaya hindi ko alam kung may sugat ako o wala. Kinuha ko na lang 'yong chocolate sa bag ko. Buti na lang pinabaunan ako ni mama ng maraming pagkain bago ako lumipat sa bahay ni papu. Stress reliever ko pa naman 'to. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Pagtapos kasi ng klase namin, umalis ako agad. Ayoko ng mapahiya! Tapos 'yong Celestine na 'yon, lakas mang-asar. Hindi ko namalayang ubos na pala 'yong kinakain ko. Habang naglakakad kinakalkal ko 'yong bag ko. "Ano kayang next masarap kainin? It---" Naramdaman ko na lang 'yong pagtama ng puwet ko sa sahig. "Sorry miss! Okay ka lang?" boses ng lalaki. "Aray naman!" reklamo ko. Paano ba naman may bumangga sa akin. "Iyong pagkain ko! Kainis naman, hindi kasi tumitingin, eh." singhal ko sa lalaking nakabangga sakin. "Ikaw kaya 'yong hindi tumitingin miss. Pero sorry pa rin." sinisi pa ako? Kinuha ko muna 'yong mga pagkain kong nalaglag. "Ako ba? Sorry naman." tinulungan niya akong damputin 'yong iba. "Okay lang HAHAHA. Ang dami mo namang pagkain." natatawang aniya. Tinignan ko naman siya ng masama. "Pake mo? Tabi nga." feeling close. Aalis na sana ako, "Wait, miss! anong name mo?" hinawakan niya 'yong braso ko. Tinignan ko naman siya ng masama. "Sorry, I'm Devin and you?" Tinignan ko lang 'yong kamay niyang gustong makipag-shake hands. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" mataray kong tanong. "HAHAHAHA. Ang cute mo, miss." "Edi wow." sagot ko. Tapos ay nilayasan na siya. Guwapo siya, pero pake ko? Napahinto ako sa paglalakad ng makarating ako sa quadrangle. Nakakainis naman! Puro ako kamalasan ngayong araw. 'Yong pagkain ko pa. Bigla ko tuloy namiss 'yong dati kong school, pati mga classmate at kaibigan ko dun. Kung hindi lang dahil kay papu, hindi sana ako papayag na lumipat ng school. "Brielle!" bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Nilibot ko pa 'yong paningin ko para hanapin kung sino. Baka kapangalan ko lang? Siguro, hindi lang naman ako ang nag-iisang Brielle. Maglalakad na sana ako ng may tumawag ulit sa pangalan ko. "Brielle!" eksakto namang paglingon ko ng biglang.. Shit! kadiri! Potek! may bumato sa'kin ng itlog! Sa mukha ko pa talaga! Tinanggal ko 'yong balat ng itlog sa mukha ko. Kaya lang may bumato na naman sa akin, pero sa buhok naman tumama. "Ano ba!" sigaw ko. Kahit hindi ko alam kung sinong bumabato sa akin. Hanggang may bumato na naman ulit. Nakakatatlo na 'yon, ha! May narinig naman akong tawanan sa gilid ko. Nakita ko 'yong lalaking may hawak pang itlog. Nakangiti pa siya, ang pangit naman! "Tatlo 'yan! I love you raw sabi ni campus queen, HAHAHAHA!" sige lang tawa lang. Dahil pinagtitinginan na ako, nagmamadali akong umalis. Putek, ang lagkit! Sino ba 'yang campus queen na 'yan?! *** Celestine'POV Grabe ang laki pala ng library nila. Hindi ako mahilig sa libro, trip ko lang pumunta dito dahil wala akong mapuntahan. Oo nga pala, nakasuot na kami ng uniforme. White short sleeved blouse na panloob at navy blue school blazer with a patch o kung ano man ang tawag dito. Presome High pala 'yong name ng school namin. Sa pangbaba naman ay black pencil skirt na hanggang tuhod ko, black tights and black shoes. Okay lang naman siya, pero nakakaloka 'yong ibang estudyante kulang na lang lumabas panty nila sa iksi ng skirt. Buti na lang mapuputi kuyukot nila. Ito ako tour-tour lang ganun. Nakakapagod nga lang dahil ang laki ng school na 'to. at gutom na ako! Nasan na kaya 'yong tatlo kung sister? ay, bahala sila. Sister in blood lang kami but not sister in heart. Kahit hindi ko alam kung nasan 'yong canteen, go pa rin. Ayokong magtanong, magaling kaya ako sa direction. Ako pa ba? Celestine 'to! and gotcha! Sabi na,eh. Salamat sa map ni dora HAHAHAHA. Pumila na ako sa counter at nilabas 'yong mahiwagang wallet ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may laman ng ganito 'yong wallet ko. Dati pinakamalaking naging laman nito fifty pesos na kinupit ko pa kay tita. Okay na rin 'to, no problem muna ako sa card keneme na 'yan. Umorder ako ng spaghetti and chicken then ice tea. Gutom na ako! "650 lahat." sabi ni ateng tindera. 650 lang pal-- "A-ano po? 650?" paninigurado ko. "Oo, bakit?" mataray na tanong niya. Parang ayoko na tuloy umorder, grabe ang mahal naman. Kumuha ako ng isang libo at inabot kay ateng nakataas ang kilay sa akin ngayon. Nakatitig ako sa order ko ngayon. Talaga ba? 650? Ano 'to mas mahal pa sa jollibee at mcdo! Nang makahanap ng p'westo agad akong umupo at nagsimula ng kumain, masarap naman pala. "Good morning Celestine." natigil ako sa pagkain ng may lalaking dumating. Nagtataka ko siyang tinignan, "H-hello? HAHAHA, bakit?" tanong ko. "May gusto lang sana akong ibigay. Pinapabigay ng campus queen." nakangiting sagot nito. Nagulat naman ako, wow! grabe may ganito pang nalalaman. HAHAHAHA. Kinuha niya 'yong isang plato ng spaghetti sa table malapit sa akin. Sweet naman this. "Talaga? Thanky---" hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko ng ibuhos niya sa akin 'yong spaghetti, i mean sa ulo ko! Parang gusto kong kumain ng tao ngayon. "Wow! Anong trip mo?" nakangiti pa si kuya. Lakas ng tama boset! "Napag-utusan lang HAHAHAHA!" tapos ay nilayasan ako. Ganun-ganun na lang? Gusto ko sana siyang habulin kaya lang mukha akong tanga na dugyot sa itsura ko ngayon. Pagkain na naging bato pa! Ang mahal pa naman ng spaghetti na 'to! Narinig ko naman 'yong bulungan ng mga kumakain sa canteen. Syempre mas lamang 'yong nagtatawan. Nakakahiya! Agad akong tumayo at umalis. Ramdam ko 'yong pagdaloy ng sauce sa buhok ko pababa. Grabe ang sarap ko naman! Naghanap ako ng CR. Lahat ng madaanan kong estudyante pinagtitinginan ako. Walking spaghetti ako ngayon, eh! Nang makakita ng malapit ng banyo, pumasok ako agad. Nagulat naman ako sa naabutan ko sa loob, "Ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Brielle at Meyesha. Tulad ko mukha rin silang dugyot. Si Meyesha basa 'yong buhok at may mantsa ng kulay pula sa uniforme niya. Si Brille, yuck! nanlalagkit 'yong buhok at may balat pa ng itlog sa mukha at damit. Ano 'to sister goals? "Hindi ba halata?" nakabusangot na sagot ni Brielle. "Nakakainis!" nagulat naman ako ng sumigaw si Meyesha. Galit na galit siya. "Kalma, s**o mo. Ay, wala ka pala nun." pagpapakalma ko kay Meyesha. Tinignan niya naman ako ng masama, sobrang sama. "Nakakatawa 'yon? P'wede ba celestine, ayoko munang makipagtalo sa'yo!" akala niya naman matatakot ako sa tingin niya... Syempre oo! galit na galit. Nag peace sign naman ako. "Sorry pu." pabebeng sabi ko. "Ano bang trip ng mga 'yan!" si Brielle, sa aming tatlo mas nakakaawa siya. Nakakadiri siyang tignan, promise! "Hindi ko nga alam. Kumakain lang ako sa canteen tapos biglang may lumapit sa aking lalaki akala ko bibigyan ako ng spaghetti. Tapos itatapon lang pala sa buhok ko!" kuwento ko sa kanila. Kumuha ako ng tissue sa gilid at tinanggal 'yong mga noodles na natitira sa ulo ko. Pati 'yong sauce pinunasan ko. Napansin ko namang nagkatinginan 'yong dalawa. "Lalaki rin gumawa sa'yo niyan?" tanong ni Meyesha. Tumango naman ako. "Lalaki rin gumawa sa amin nito." napatingin ako kay Brielle. So? "Baka type tayo kaya ganun." sagot ko. "Hindi ka ba marunong magseryoso?" masungit na tugon ni Meyesha."Inutos lang din ba daw sa kaniya 'yan?" tanong pa nito. "Oo, 'yong campus queen daw." ayun sabi ng lalaki na 'yon eh. Pero feeling ko, crush lang talaga ako ng baliw na 'yon! "Ganiyan rin 'yong sinabi ng lalaking nagbato sa akin ng itlog." "Pati 'yong bumuhos sa akin ng lintik na strawberry juice na 'to!" "Ibig sabihin iisa lang gumawa sa atin nito." sambit ko sa kanilang dalawa. "Oo nga 'no!" pagsang-ayon ni Brielle. Lumapit si Meyesha sa amin. "Iyong campus queen.. Siya nag-utos sa mga kupal na mga lalaking 'yon!" galit na talaga siya. Napaisip naman ako, "Pero sino 'yong campus queen na 'yan?" tanong ko na tanong din nilang dalawa. Natigilan kami ng bumukas 'yong pinto ng banyo. "Looking for me?" "Vien?" gulat na tanong naming tatlo. "Yes, and i'm the campus queen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD