Brielle'POV
"Yes, and i'm the campus queen." proud na sagot ni Vien.
Siya pala ang may kasalanan nito.
Bigla namang natawa si Celestine. "Ay! wow, daming alam." sambit pa nito dahilan para kumunot 'yong noo ni Vien.
Humarap naman si Meyesha sa kanila. "Ano bang problema mo?" mahinahong tanong nito kay Vien.
Tinuro naman nito 'yong sarili niya. "Marami... kasama na kayo dun." sabay ngisi.
Nakaramdam naman ako ng inis. "Kaya ginawa mo sa amin 'to?"
Umakting pa si Vien na parang nagulat. "What? Pinagbibintangan mo ba ako kung bakit kayo mga mukhang basura ngayon?"
"Ay wow, bakit hindi ba totoo?" si Celestine na 'yong sumagot. "Ikaw naman talaga nag-utos diba?"
"Do you have evidence? Pointing a finger to me without any proof, sana ayos ka lang."
Obvious naman na siya ang may kasalanan, bakit tumatanggi pa siya? Nakakagigil tuloy!
"Ako dapat magtanong sayo niyan Vien, okay ka lang ba? Palala ka kasi ng palala habang tumatagal." nilapitan siya ni Celestine "Okay ka naman physically..." tumango-tango pa siya. "Teka, check natin utak mo." akmang hahawakan siya Celestine pero umiwas siya.
"Ano ba! Don't your dare." maarteng banta ni Vien, tinignan pa kami nito na parang nandidiri.
Arte nitong babaeng 'to, siya naman may kasalanan kung bakit ganito itsura namin!
Mas nakakadiri ka tanga!
"Hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid mo sila. Like, look at them parang mga basura." biglang nagsalita naman 'yong katabi ni Vien.
Lima silang lahat. 'Yong isa katabi ni Vien, habang 'yong tatlo nasa likod niya.
Wait, parang kilala ko 'yong isa niyang kasama!
"Ikaw 'yong pumatid sakin 'no?" singhal ko dito.
Nagkasugat kaya ako sa tuhod!
Ngumiti naman siya. "Yes, gusto mo pa?"
"Subukan mo nga!" lumapit pa ako sa kaniya, gigil ako nito.
"Yuck, stink just as badly. " 'yong babaeng katabi ng pumatid sa akin.
Inamoy ko naman 'yong sarili ko, hindi naman ako mabaho.
"Sinabi mo pa Reighly, nakakadiri." tumingin pa sa akin 'yong isa bago sila nagtawanan.
Ayoko na sanang sumagot, dahil sinabihan ako ni mama na wag makipag-away kaya lang papansin talaga 'tong mga 'to eh.
Tinignan ko rin siya na parang nakakadiri. "Kumpara mo naman ako sayo, tanga." sagot ko dito.
Tumaas naman 'yong kilay niya at akmang susugod sa akin ng pigilan siya ng katabi ni Vien. "Don't waste your energy for that girl Yassi. Madudumihan ka lang."
Ano bang problema ng mga 'to?
Tumawa naman siya. "You're right Kiela." sagot nito.
Sasagot pa sana ako kaya lang nagsalita si meyesha, "Tapos na kayo?" tanong niya sa grupo ni Vien. "Ikaw Vien, masaya kana?" dagdag pa niya.
Halata sa tono ni Meyesha na nagpipigil siya.
Tinignan naman kami ni Vien ng seryoso."Magiging masaya lang ako kung aalis kayo sa bahay at sa university na 'to." angil nito. Ngumisi siya pagkatapos.
Napakaangas naman pala. "Wag ka ng umasa." diretsong sagot ko.
Halatang hindi niya nagustuhan 'yong sagot ko.
"Talaga ba? You have no idea my capable of. Huwag mo akong subukan." banta nito.
Natahimik naman ako, hindi dahil sa takot...
English kasi, eh.
Umakting naman si Celestine na parang nagulat. "Wow, I'm scared." binago niya pa 'yong boses niya. "Paano pag hindi kami umalis? Edi hindi ka magiging masaya?" pang-aasar pa nito.
Natahimik naman si Vien at tinignan kami ng sobrang sama. "R-really? Let see! Tignan natin kung hanggang saan kayo tatagal. I'll make sure na darating 'yong araw na kayo 'yong kukusang aalis." parang sigurado siya sa mga sinasabi niya.
Ano bang kasalanan namin sa kaniya?
"Tama na Vien, p'wede ba?" pakiusap ni Meyesha. Mukhang napipikon na siya. "Sa tingin mo gusto ko 'yong nangyayari ngayon? Parehas lang tayong apat.. hindi natin gusto 'yong mga nangyayari ngayon!" hindi na napigilan ni meyesha na sumigaw.
Tama! Kung hindi lang naman dahil kay papu, hindi ko pipilitin 'yong sarili kong makisama sa kanila.
"Ganun pala, eh! Bakit hindi ka pa umalis, bakit hindi pa kayo umalis?"
"Ano ka sinuwerte? Si papu ka ba para sabihin sa amin 'yan." tama naman ako, eh.
"Ayaw naming umalis. Bakit kaya hindi na lang ikaw 'yong umalis Vien?" hindi ko alam kung joke ba 'yan o seryoso si Celestine.
Nag react naman 'yong Kiela. "Omg! I can't believe this. Kung sino pa 'yong anak sa labas siya pa 'yong matapang!" tumawa pa siya na parang hindi makapaniwala.
"True, ang kakapal ng mukha." pagsang-ayon ng pumatid sa akin, 'yong Yassi.
Nagcomment naman 'yong Riri. "Konting hiya naman sa legal na anak."
"I'm sure they don't know how mahiya." ito na naman 'yong englisherang maarte.
"P'wede ba, wag kayo makisali." tugon ni Meyesha sa mga 'to.
Tumawa naman 'yong kiela. "She's our friend. At pinagtutulungan niyo siya."
Natawa naman si Celestine. "Pinagshashabu mo?" tinuro niya kami ni Meyesha. "Si Vien ang may gawa nito sa amin, tapos siya pa pinagtutulungan namin? Sabog ka?"
Halata sa boses ni Celestine na badtrip na rin siya, ako nga kanina pa, eh.
Ang lagkit ko kaya, puro pa ako balat ng itlog.
"Let say, ako ang may gawa.. Anong gagawin niyo?" si Vien.
Nakipagtitigan si Celestine sa kaniya. "Kita mo 'to?" sabay turo sa alcohol na hawak niya, "Papainom ko sayo para mabawasan bacteria sa utak mo."
"Ang lalakas ng loob!" 'yong isa na hindi ko alam pangalan.
"P'wede ba kung wala na kayong sasabihin, umalis na lang kayo." pakiusap ni Meyesha.
"Sino ka para utusan kami?" tanong ng
Kiela kay Meyesha.
"At sino ka rin para sagutin ko?" tanong pabalik ni Meyesha.
Napa 'ouch' naman si celestine sa tabi ko. Parang baliw.
"Me? I'm the campus princess. Eh, ikaw? Sino ka ba sa tingin mo?"
Campus princess? ang dami namang alam ng mga estudyante dito.
"Talaga ba? Mas mukha kang alagad ni Vien, p'wede ba iwan niyo na kami." Mukhang hindi naman nagustuhan ng Kiela 'yong sinabi ni meyesha kaya kinuha niya 'yong tissue at binato kay Meyesha. "Ano bang problema mo?!" singhal ni Meyesha, tinamaan kasi siya sa mukha.
"Batuhin mo rin!" si Celestine.
Nakatahimik lang si Meyesha. Nagtawanan naman 'yong tatlo habang masama ang mukha ni Kiela.
"Watch your words." banta pa nito.
"Nagsasabi lang ng totoo." tugon ni Meyeha.
Nagulat naman ako ng bigla siyang sugurin ni Kiela. Hinablot nito 'yong buhok ni Meyesha, gumanti naman siya.
Hala! nagsasambunutan na sila. Nagsimula na akong mataranta.
First time kong makakita ng nag-aaway!
"Kiela, stop it!" awat ni Vien.
"Sige lang awatin mo. Ikaw naman may kasalanan, eh." komento ni Celestine.
Tinignan naman siya ni Vien. "What did you say?" tanong nito pero hindi siya pinansin ni Celestine. Lakas talaga mang-inis.
Napansin ko namang susugurin si Celestine ng tatlo. "Ano? makikisali kayo." banta ko sa kanila.
Lumapit naman 'yong dalawa sa akin.
Nagsasambunutan pa rin 'yong dalawa habang inaawat ni Vien.
Si Celestine naman nakikipag sagutan sa Reighly 'yong pangalan.
"Tigilan mo nga ako sa english mo, hatakin ko 'yang dila mo!" si Celestine.
Ako? laban sa dalawa, pake ko!
"Isa-isa lang." sambit ko.
"Natatakot ka ba?" 'yong Yassi.
"Kuwento mo sa katabi mo." nainis naman siya sa sagot ko. Susugod na sana silang dalawa sa akin ng biglang bumukas 'yong pinto ng CR.
Pumasok 'yong principal namin na halata sa mukha ang gulat. "What is happening here?!" si principal Simon Domengs. Beastmode. Patay.
***
Vien'POV
"Ano na lang sasabihin ni pareng Ashton nito... na pinabayaan ko kayong magrambulan magkakapatid?" napahilot pa si Mr. Domengs sa sintido niya. "Kung wala pang makakakita sa inyo hindi ko pa malalaman na nagpapatayan na kayo sa loob ng banyo!" sermon nito sa amin.
Hindi na ako magtataka na alam niyang magkakapatid kami.
Well, magkaibigan sila ni papu.
"Sila 'yong nag-umpisa! Right girls?" si Riri.
"Yes, riri's right! They started it." pagsang-ayon ni Reighly.
Napailing na lang si Mr. Domengs.
Tinignan ko naman 'yong tatlo. Kasalanan nila lahat 'to! Nakayuko si Brielle, habang nakikipag titigan si Meyesha kay Kiela. At si Celestine? nakangiti sa akin. This girl is really weird! I hate her. No, I hate them!
Tinarayan ko naman siya. "Are you okay?" baling ko kay Kiela na gulo ang buhok at uniforme. "Bakit kasi pinatulan mo pa? You don't need to do that." bulong ko dito.
Bumuntong hininga naman siya. "Nakakainis, eh! Alam ko na kung bakit ayaw mo sa tatlong 'yan." una pa lang talaga ayaw ko na sa kanila. Nang malaman ko pa lang na bunga sila ng panloloko ni papu? No way!
Gagawin ko talaga lahat para kusa silang umalis sa bahay at sa university na 'to!
"Vien." nagulat naman ako ng tawagin ako ng principal. "Tell me what happened."
Tumingin lang ako ng seryoso. "Bakit hindi silang tatlo ang tanungin mo. Sila ang dahilan kung bakit nangyari ito."
Tumawa naman si Celestine. "Wow, sino kaya sumugod sa CR kasama 'yong mga kampon niya." ngumisi pa siya.
"Pero your sister grab Kiela hair!" duro ni Reighly kay Meyesha.
"Your sister grab Kiela hair!" panggagaya ni Brielle dito. "Story maker." dinuro niya pa 'to. Kunwaring tahimik, nasa loob naman ang kulo.
"Stop!" awat ni Mr.Domengs. "Vien, alam mo kung anong katayuan mo sa university na 'to, pero bakit nasangkot ka sa ganitong gulo? Ngayon lang nangyari 'to, kaya hindi ako makapaniwala. Mataas ang tingin ko sayo at ng mga estudyante dito, but look what happened now!"
Napasinghap naman ako. "So kasalanan ko lahat ng 'to?" tinuro ko pa 'yong sarili ko.
"That's not what i mean Vien, ang gusto kong sabihin ay hindi maganda na nangyayari 'yong ganito lalo na at ikaw ang role model ng mga estudyante dito." napairap na lang ako. "Papalagpasin ko muna 'to, but make sure na hindi na mauulit 'yong nakita ko. Kung hindi, isususpende ko kayong walo!" banta pa nito. I'm not scared at all. "And kayo kakapasok niyo lang pero bakit ganiyan 'yong itsura niyo?" pagtutukoy niya sa tatlong epal sa buhay ko.
"Tanong niyo sa campus queen nila." sagot ni Celestine habang nakatingin sa amin.
Tinarayan ko naman sila.
"Bakit lagi niyo pinapasa sa iba 'yong tanong ko? Sumasakit ulo ko sa inyo! Ano na lang sasabihin ng papu niyo sa akin nito?" umupo siya sa swivel chair niya. "Umuwi na kayong walo." utos niya sa amin.
Umalis na ako agad sa principal office. Kasunod ko si Kiela at 'yong tatlo.
"Fix yourself Kiela." utos ko dito. Sugod kasi ng sugod siya tuloy kawawa. Ugaling squater pa naman 'yong tatlong 'yon.
Tuwing naiisip kong kapatid ko sila, kinikilabutan ako!
"Babe!" salubong ni Devin sa akin. Isa pa 'tong lalaking 'to! Niyakap niya ako at hinalikan sa noo, damn! I really missed him, ilang araw ko rin siyang hindi nakita.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi kita matawagan kagabi?" diretsong tanong ko.
Umiwas naman siya ng tingin. "K-kausap ko kasi yung tropa ko, oo! Si Leo, kilala mo siya diba?" napatango na lang ako. Alam ko namang nagsasabi siya ng totoo.
"Yeah, kamusta na siya?" tanong ko. Nasa state kasi si Leo ngayon.
"He's good. Kagabi lang kasi kami nakapag-usap kaya napahaba."
"I see." nginitian ko siya. "Mauuna na akong umuwi, something happened kasi."
"Nabalitaan ko nga 'yong nangyari, are you okay? Sino ba 'yong mga nakaaway niyo?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango naman ako. "I'm okay, mga estudyante lang na sakit sa ulo." tinuro ko naman si Kiela. "Si Kiela ang hindi okay."
"What happened to her?" nagaalala siyang tumingin dito. "Is she okay?" nakayuko lang si Kiela.
"I think so." mukha namang okay siya. "So, see you tomorrow?" niyakap ko siya.
Niyakap niya ako pabalik. "I missed you, let's date tomorrow?" tanong niya.
Kinilig naman ako. Nawala na 'yong inis ko sa tatlong 'yon. Hindi niya pa pala alam na may mga kapatid ako, tanging sila Kiela lang ang pinagsabihan ko.
"Hmm, yes." maiksing sagot ko. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.
"Let's go Vien." si Kiela. s**t, kasama ko pala sila. Mukha siyang iritado, sobrang naiinis pa rin siguro siya.
"We need to go now, see yah." paalam ko.
"Gusto mo hatid na kita?" alok ni Devin pero tumanggi ako. "Are you sure? Then, take care" hinalikan niya ako sa pisngi.
"Thankyou." Nakangiting sabi ko. "Let's go girls." anyaya ko sa mga kaibigan ko.
Nakarating na kami sa parking ng university. At naalala ko, hindi pala pinapagamit ni papu sa akin 'yong car ko! s**t, kasalanan nilang tatlo 'yon. I really hate their presence! Their faces!
Bukod sa aming apat, sila Kiela at ang principal lang ang nakakaalam ng relasyon namin... Na magkakapatid kami. Wala akong balak ipaalam sa buong university, never!
Ito na rin naman ang huling taon ko sa university na 'to. College na ako nextyear, at sana naman hindi na kami magkakasama.
Umalis na sila Kiela, syempre meron silang kaniya-kaniyang sasakyan.
At ako? waiting for my driver. I texted him already to pick me here. 'Yong tatlo? I don't care about them! Bahala sila.
***
Meyesha'POV
"Tinext ko na 'yong papu niyo. Papunta na raw dito 'yong sundo niyo." sabi ni Principal.
Ibig sabihin alam ni papu 'yong nangyari? Lagot na talaga, sana pala hindi na lang ako pumatol para hindi nangyari 'to.
Nagpaalam na kami sa prinicpal at lumabas. Humingi na rin kami ng pasensya tungkol sa nangyari.
"Meyesha." tawag ni Brielle sa akin.
Naglalakad na kami papuntang parking lot ng university.
"Oh?" maiksing sagot ko. Wala ako sa mood. Iniisip ko kasi 'yong sasabihin ni papu mamaya, natatakot ako.
"P'wedeng Meye na lang tawag ko sa'yo? Ang haba ng pangalan mo, eh." napataas naman ako ng kilay. "Tapos Brie na lang tawag niyo sa akin." suhestiyon niya.
"Sige lang, sabi mo, eh." ngumiti naman siya.
"Tine na lang din tawag niyo sa'kin. Celeste kasi nickname ko, ang korni ng ganun kaya Tine na lang." napatingin naman kami sa kaniya.
"Oo, mas bagay 'yong Tine." pag sang-ayon ni Brielle, i mean ni Brie.
Nakarating kami sa parking lot. Andun din si Vien, nag-aantay. Sana naman wag na siya magsimula, pagod na pagod nako.
Eksakto namang pagdating namin sa puwesto niya ay ang pagdating ng sundo namin. Sabay pala kaming uuwi.
Unang sumakay si Vien katabi niya 'yong driver. "Let's go." utos nito.
"Iyong mga kapatid niyo ma'am." napairap naman siya.
May balak pa sigurong iwan kami.
Sumakay na kaming tatlo sa likod. Nasa gitna si Brie.
Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa bahay ni papu.
Sinalubong kami ng mga katulong
"Goodafternoon po." bati nito. Ngumiti na lang ako bilang sagot.
Alas-kuwatro pa lang ng hapon. Dapat six ng gabi ang uwi namin, pero dahil sa nangyari pinauwi kami agad. Sa mga itsura ba naman namin.
Umakyat na ako sa kuwarto ko at naligo agad. Sobrang lagkit ko na.
Ang sakit pa ng anit ko.
Wala pa si papu at tita Felecity, mamaya pa siguro sila darating. Pero bakit parang kinakabahan ako para mamaya?
Nakasabay ko pang bumaba si Tine. "Wow, fresh na fresh!" puri nito sa akin. Natawa na lang ako sa kaniya. Hindi nauubusan ng energy.
Medyo okay na pala kami.
Pumunta ako sa kusina dahil nauuhaw ako. Nakasalubong ko pa si Vien na may dalang juice, tinignan niya ako ng masama.
Iniwasan ko na lang siya at kumuha ng tubig.
Habang umiinom bigla akong natigilan ng makarinig ako ng sigawan. Pumunta ako sa sala habang umiinom ng tubig.
"Kakaligo ko lang, eh. Ano ba naman 'yan!" pagmamaktol ni Brie. Nakita kong may mantsa ng kulay orange 'yong puti niyang damit.
"Kasalanan ko bang tanga ka?" sagot naman ni Vien. Ito na naman po tayo sa juice na 'yan.
"Makatanga ka, ha! Ikaw naman 'yong bumangga sa akin." halata sa mukha ni Brie 'yong inis.
Kahit naman siguro ako maiinis, bagong ligo pa naman siya. Napansin ko naman si Tine na nakaupo lang sa gilid at nanunuod.
Bago pa lumala, lumapit na ako sa kanila. "Tama na 'yan, Vien." sambit ko. "Brie, magpalit kana lang ulit." hindi ko naman sinasadyang mahawakan si Vien.
"Ano ba! Don't touch me." tinignan niya naman ako na parang nakakadiri. "At bakit ba nangingialam ka?" mataray na tanong nito sa akin.
"Sorry ha? Kakaligo ko lang po. At hindi ko kayo pinapakialaman, inaawat ko lang kayo."
Lumapit naman siya sa akin dala 'yong baso niyang may tira pang juice. "Alam mo lagi kang bida-bida! Feeling mabait. Total pakielamera ka, ito, oh!" binuhos niya sa damit ko 'yong natitirang juice.
Nakaputi pa naman akong sando.
Nakaramdam naman ako ng inis. "Alam mo napupuno na ako sa'yo." mahinahong sabi ko.
"So? Natatakot ako?" pang-aasar niya bago ako binigyan ng nakakalokong ngiti.
"Hinahamon mo talaga ako?" tanong ko.
Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Oo-" hindi ko na siya pinatapos, binuhos ko 'yong tubig sa mukha niya. "What the!" nagulat naman siya.
"Pasalamat ka tubig lang 'yan." aalis na sana ako ng bigla niyang hatakin 'yong buhok ko.
"Vien!" sigaw ni Brie.
Iyong buhok ko. Ayoko sanang pumatol pero no choice!
Inabot ko 'yong buhok niya. "Tine tulong!" tawag ni Brie kay Tine.
"Hayaan mo. Para makita ni Vien hinahanap niya, atapang atao siya, eh!" rinig kong sagot ni Tine.
"Para kang tanga!" sagot pabalik ni Brie.
Bakit ba suki ako ng sambunutan ngayong araw?
Kotang-kota na 'yong buhok ko!
***
Celestine'POV
Pinanuod ko lang 'yong dalawang magsambunutan. Si Brie naman 'yong pumapagitna sa dalawa. Go Brie!
Hindi naman sa nag-eenjoy ako, pero parang ganun na nga.
Char, para matuto si Vien palaban siya, eh!
"Celestine! Tulungan mo ako." pagmamakaawa ni Brie.
Nakakalamang na si Vien, pero mas kawawa si Brie kasi naiipit siya. Ginusto niya 'yan,eh.
Dahil mabuti akong tao tutulungan ko na siyang awatin 'yong dalawa.
Parehas palaban, eh.
Tatayo pa lang sana ako...
"Ganito ba talaga ibubungad niyo sa akin?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
At patay! Patay talaga.
"Papu!" sigaw ko sa gulat. Napatingin naman si Brie habang tumigil 'yong dalawa sa ginagawa nila.
"Tama nga 'yong sinabi ng principal niyo." walang emosyong usal nito.
"Siya ang nagsimula papu!" turo ni Vien kay Meyesha, i mean Meye.
"Ako pa talaga, ha?" sagot naman ng isa.
Pero hindi sila pinansin ni papu.
"Wag niyo akong bigyan ng dahilan para ituloy ang plinaplano ko." natigilan naman ako. "Isa pa. Sinasabi ko inyo, isa na lang talaga." pagbabanta pa nito bago umakyat sa kuwarto niya. Umiling lang si tita Felecity pagtapos ay sumunod kay papu.
Naiwan kaming apat na nakanganga habang iniisip 'yong salitang binitawan
niya.
Anong plinaplano? Waaaah! Tolong.