Chapter five

3637 Words
Celestine'POV Isang buwan na ang nakakalipas ng makaharap namin sa banyo 'yong mga tropa ni Vien. At ng mahuli ni papu 'yong dalawa niyang anak na nagsasambunutan. dahilan para magbitaw si papu ng salitang hanggang ngayon iniisip ko pa rin! Parang philosopher, ang lalim! Bakit kasi kailangan pang magbanta ng ganun? Gabi-gabi ko tuloy iniisip. Kahit isang buwan na ang nakakalipas kinakabahan pa rin ako! pero dahil dun hindi na kami inaaway ni Vien. Sa bahay? Well, hindi na niya kami pinapansin. Sa university? dito siya bumabawi syempre! Papatalo ba 'yon? Araw-araw ba naman kaming binubully ng mga estudyante dito! 'Yong nakaraan lang may pumatid kay Brie, ewan ko ba kung trip siyang patirin o lampa lang talaga siya. Si Meye naman, binato ng kamatis. Sapol sa ilong HAHAHAHA. Hays grabe sila. Hindi ko siya pinagtatawan, ha? nakakatawa lang talaga na nakakaawa, ganern. Ako? subukan lang nila. Dejoke, mas malala sa akin. Nilagyan ba naman ng patay na daga 'yong bag ko! Gigil na gigil talaga ako! Ang baho kasi, parang ugali ng nag-utos. Hindi ko sinasabing si Vien 'yon, ha? Pero parang ganun na nga. At hanggang masanay na kami. Nakakaproud nga, eh. Isang buwan na kami sa university na 'to. Kahit feeling ko karamihan ng nag-aaral dito mga kalahi ni Vien. May mga sungay! Lakas ng trip. So, ito ako ngayon nasa library. Hindi ko kasama 'yong dalawa. Simula kasi ng magbanta si papu, nag-iwasan na kaming tatlo. Para wala ng sister war ganun. Tuwing walang pasok naman lagi kaming magkakasama nila papu. Pasyal dito, pasyal doon. Gusto daw kasi ni papu na makabawi sa amin at alam ko rin na gusto niyang magkasundo kaming apat. Ang hindi niya lang alam, nagpapansinan lang kami pag kasama namin siya. Plastikan is life. Nakakakonsensya na nga, eh! Tulad nito, hindi naman ako magbabasa pero andito ako. Wala kasi akong magawa, eh. Absent 'yong HOPE teacher namin. Akalain niyo 'yon kahit iba ang strand ko last year hindi ako nahihirapan sa ABM. Baka siya talaga ang para sa akin. "P'wedeng makiupo?" napatingin naman ako sa babaeng nasa harap ko ngayon. Baka alagad ni Vien 'to? wag naman sana, hindi ako ready. "Kung iniisip mong pagtritripan kita, hindi ako ganun." nginitian niya ako. "Sure ka?" paninigurado ko pa. Ngumiti lang siya. "Sige, upo kana." umupo naman siya sa tapat ko. Mukha naman siyang mabait, maganda rin siya kahit nakasuot siya ng malaking salamin. Magkatapat kami ngayon. Nagbabasa siya ng libro habang ako nakanganga dito, nakakailang naman. "Ano bang kasalanan niyo kay Vien?" ako ba kausap nito? O 'yong libro? "Ngayon lang kasi nangyari 'yong ganiyan." Nagugulahan naman akong tumingin sa kaniya. "Pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ko. "Ngayon lang kasi may nakaaway sila Vien. Parang sobrang laki ng kasalanan niyo sa kaniya, kaya niya kayo ginaganiyan." Nagulat naman ako sa mga pinagsasabi niya. "Ate okay ka lang ba? Wala kaming kasalanan sa kaniya, siya 'yong malakas 'yong trip. Porket campus queen? Korni naman, pakain ko korona niya sa kaniya." "Sa totoo lang mabait si Vien, almost perfect na ang tingin ng iba sa kaniya." Talaga ba? "Mabait? Saan banda?" "Kaya siya ang naging campus queen. Maganda na matalino pa." Napataas naman ako ng kilay. "Matalino?" pag-uulit ko. Sabagay, kaklase ko nga pala 'yong babaeng 'yon. Kahit minsan lang siya mag-recite, sure talaga na tama ang sagot niya. "Oo, 'yon kasi requirements para maging campus queen." "Ang korni talaga ng campus queen. Kailangan ba talaga may ganun dito?" hindi ko na napigilan 'yong sarili kong magtanong. Feeling close naman 'to, eh. "Hindi lang naman kasi basta campus queen 'yan. Once na makuha mo 'yong title na 'yan, katumbas niyan ang pagiging president or vice president ng student council sa Presome." Nagulat naman ako na medyo naguguluhan. Seryoso? "Ibig sabihin si Vien ang president ng s-student council?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Iyong babaeng 'yon?" edi wow. Tumango siya. "Oo, simula ng mag-aral siya dito hindi pa siya napapalitan. Taon-taon kasing napapalitan ang mga members ng student council." sagot niya. "Kung sino ang pinakamatalino sa university siya ang magiging president at 'yong susunod sa kaniya ang vice president." Grabe as in grabe. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ng prinicipal. "Kaya pala napapasunod niya mga estudyante dito na i-bully kami? Napakagaling na president." "Kaya nga kita tinatanong kung anong kasalanan niyo sa kaniya, kasi ngayon lang ginawa ni Vien 'yong ganiyan. Naging magulo lang ng konti simula ng dumating kayo, wag ka sanang ma-offend." "Okay lang, pero hindi pa rin tama na gamitin niya 'yong pagiging president keme niya para gantihan kami!" medyo napalakas na 'yong boses ko. Buti na lang wala si ateng librarian. "Actually, hindi talaga si Vien ang president." pagbabawi niya. Napakunot naman ako ng noo. "Ang gulo mo naman, ano ba talaga?" tugon ko. "Vice president lang siya, 'yong nakakuha kasi ng position as a president ayaw ng ganiyan. Kasi nga pag nakuha mo 'yan ikaw din ang magiging campus king or queen, ayaw niya maging campus king kaya hindi niya tinanggap 'yong position. So, si Vien ang pumalit at dahil pangatlo si Kiela siya ang naging vice president." Matalino pala 'yong Kiela na 'yon, sabagay bidabida nga sa recitation 'yon, eh. Naiintindihan ko na ngayon. "Best friend goals pala 'yong dalawang 'yon? Kaya feeling mga boss dito." "Mababait naman sila sa totoo lang." "Fans ka ba ng dalawang 'yon? Kanina mo pa sila pinagtatanggol." medyo nakakainis lang kasi. Mabait ba talaga? "Hindi, ah. Inspiration ko lang ganun. At nakakasama ko kasi sila kaya alam ko mga ugali nila." explain niya pa. "Nakakasama?" "Part din ako ng student council, ako 'yong pumang-apat sa rank." medyo nahihiya niyang sagot. Ay, wow! grabe ang galing. "Galing mo naman pala, sabagay obvious naman na matalino ka." usal ko. "Nakakahiya naman, pero salamat." medyo pabebe niyang sabi. "Wait, sino pala 'yong magiging president sana?" nacucurious kasi ako na medyo bumibilib. Sasagot pa sana siya ng mag-ring 'yong bell. "Si Ethan, next time ko na lang itutuloy. Time na eh . Sa kabilang building pa kasi next subject ko, baka malate ako. " Naintindihan ko naman siya. "Sige, ingat." paalam ko sa kaniya. Nagmamadali naman siyang umalis. Grabe nakakaloka naman 'yong mga nalaman ko kay Vien. Medyo napahanga niya ako pero masama pa rin ugali niya. Vacant ang next subject ko, kaya kailangan ko pang tumambay ng isang oras. " Kain na nga lang ako." bulong ko sa sarili ko. Hirap talaga pag walang friends. Buti na lang may kumausap sa akin. Nagsimula na akong maglakad papuntang canteen. Syempre, kailangang mag-ingat! Mahirap na. Baka makasalubong pa ako ng alagad ni Vien, pagtripan pa ako. At thanks god! Nakarating ako sa canteen ng walang latay o kaya kung anong dumi sa katawan! Buti na lang talaga. Umorder ako agad ng pagkain sa counter na ang mahal mahal. Nang makuha ang order ko, naghanap ako agad ng mauupuan. Nakita ko naman si Brie kasama si Meyesha na nakapuwesto sa bandang gitna. Kumakain pero walang pansinan, nice! Snobers HAHAHAHA. Buti na lang din konti lang ang mga kumakain ngayon. Kahit ganun, syempre sikat kaming tatlo dito. Kaya i'm pretty sure, pinag-uusapan kami ngayon. "P'wedeng makiupo?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Sige lang." sagot ni Meye habang kumakain. Tinignan naman ako ni Brie. "Edi umupo ka." sungit naman this girl. "Ang takaw mo naman Brie. Buti hindi ka tumataba." napansin ko kasing ang dami niyang pagkain. May kanin at ulam tapos may spaghetti pa, may dessert pa! Wow naman. "Masarap kumain, eh. Ang mahal nga lang ng tinda dito. Sungit pa ng tindera!" sagot niya. Natawa naman ako. Halata nga. Oras-oras ko siya nakikitang kumakain, hindi nauubusan ng pagkain. Kakain na sana ko ng mapansin kong wala akong inumin. Ang bobo ko mga kalahati. Bumili ako ng pineapple shake na 175 pesos ang presyo! Sana pala nagtubig na lang ako. Nagsimula na ako ng maglakad. Ang ganda pa ng lakad ko habang umiinom, feel na feel ko na sana kung wala lang bumangga sa akin! "Damn! So stupid." singhal ng lalaking nabangga ako. Ano raw? Natawa naman ako. "Wow! Sorry, ha. Kasalanan mo kasi." sagot ko. Ngumisi naman siya. "Are you blaming me?" tinuro niya pa 'yong sarili niya. "Hindi. Im blaming myself." "Look. Nang dahil sa katangahan mo natapunan ng shake 'yong damit ko, then sasabihin mo na kasalanan ko?" halata sa mukha niya 'yong inis. Nagpintig naman 'yong tainga ko. "Excuse me, hindi ako tanga! Kung hindi ka rin kasi baliw, ang lawak ng cafeteria tapos sasalubungin mo ako? Tapos ngayon ako sisihin mo? Wow, ha!" "W-what?" hindi makapaniwalang tanong niya. Bingi ba 'tong baliw na 'to? "Natapunan 'yong damit mo. Natapon 'yong shake ko. Patas na tayo!" nakangiting sabi ko, kasalanan niya naman kasi. "Are you serious?" mukhang pikon na siya. "Fafs, nakabili kana ba? Wait.. anong nangyari? Bakit ganiyan 'yong damit mo?" sunod-sunod na tanong ng lalaking kakarating lang. Tropa niya siguro. Pake ko? "Ask this stupid girl." kanina pa 'to! Kanina tanga tapos ngayon stupid! Ay, parehas lang pala 'yon. Tumingin naman 'yong lalaki sa akin. "Oh, hi miss! Ano bang nangyari?" nakangiting tanong sa'kin ng kaibigan ng baliw na 'to. "Tanungin mo 'yang tropa mo." Natawa naman siya. "Oh, ikaw daw tanungin ko." baling niya sa baliw na lalaking 'yon. "This stupi--" "Kanina ka pa stupid ng stupid!" dinuro ko pa siya. Pinagtitinginan na kami ng mga kumakain dito, pati si Brie at Meye nakatingin na sa amin. "Eh, tanga ka naman talaga. Ang ingay pa." Grabe 'to! Sasagot pa sana ako. "Bakit ba ang tagal niyo." biglang may sumulpot n naman na kung sino. Kaibigan na naman siguro ng baliw na 'to. "Poya, nakikipag-away pa si Yus HAHAHAHA." natatawang sagot ng lalaking unang dumating. Yus pala pangalan ng baliw na 'to! "Ano bang nangyari? And what happened to your shirt?" tanong nito kay Yus. Tinuro naman niya 'yong basong hawak ko, "Oh, i see. Edi tapunan mo rin." nakangising pang sabi nito. Napanganga naman ako. "Serious Dy? Gaho, mukhang hindi niya naman sinasadya, eh. Hayaan na lang natin." mukhang mabait naman pala 'tong isang kaibigan ni baliw. At anong gaho? Ano siya ngongo? "No. Sinadya niyang itapon sakin 'yan." galit na kontra naman ng baliw na lalaki na 'to. Naningkit naman 'yong mga mata ko. "Baliw ka talaga 'no? Kung sinadya ko 'yan edi sana sa mukha mo natapon 'yong shake! At sino kaba para pag-aksayahan ko ng shake ha? Sobrang mahal nito tapos tatapon ko lang sa'yo? Wow, ha!" naiinis na talaga ako, eh. Hindi ko naman sinasadya! "Wait, kalma kalma HAHAHA." awat ng isang kaibigan ni baliw. Parang siraulo, tawa ng tawa. "Kakapasok pa lang natin sa university then ganiyan mangyayari sa'yo. Gantihan mo." hindi rin sulsol 'tong Dy na 'to, ha! "Dy seryoso ka? HAHAHAHA, hayaan na natin 'yan. Babae 'yan fafs." "No Kyle, dapat makaganti si Yus." Kyle pala pangalan ng tawa ng tawa na 'to. Naiinis na ako sa Dy na 'to! Napakabuting kaibigan. Nagsimula ng magbulungan 'yong mga kumakain sa canteen. Napansin ko rin na dumadami na 'yong mga estudyante, chismis pa more! Umalis naman 'yong Dy na 'yon. Habang ako nakikipagpatayan ng titig sa baliw na Yus na 'to! "Stupid." madiing sabi nito. "Ha?" tanong ko. "I said you---" "Hakdog." natawa naman 'yong Kyle sa sinabi ko, pero 'yong baliw mas lalong nagalit. Pake ko? Mayamaya lang bumalik din 'yong Dy ang pangalan. May dala siyang strawberry shake. Parang alam ko na this. "Here, Yus. Gawin mo sa kaniya 'yong ginawa niya sayo." tinignan lang ng baliw 'yong shake. "Oh, you want me to do this for you?" ngumiti siya ng nakakaloko. "Okay then." confident na sabi nito habang may hawak na shake. Hindi nga kampon ni Vien 'yong nasalubong ko. Parang mas malala naman 'to, sana pala nagbaon ako ng damit. *** Meyesha'POV "Mukhang bubuhusan ng shake si Tine." bulong ni Brie sa akin. Ayoko sanang makealam kaya lang unfair, tatlong lalaki tapos si Tine? Itong babae kasi na 'to napaka lakas mang-asar. Kahit naman hindi kami masyadong nagpapansinan, kapatid ko pa rin 'yan. Tumayo ako agad. Sumunod naman si Brie. Pumunta ako sa puwesto ni Tine. Tinignan ko 'yong lalaking may hawak ng shake, nakangisi siya. Akmang ibubuhos na niya 'yong shake ng magsalita ako, "Bakla ka ba?" tanong ko dito. Kumunot naman 'yong noo niya samantalang nagulat 'yong mga kasama niya. Lalong lumakas 'yong bulungan sa canteen. "s**t! Ano bang ginagawa nila?" rinig kong sabi ng isang babae sa gilid. "Una sila Vien 'yong binangga nila ngayon naman 'yong p4! Ang lalakas ng loob!" "Ang kakapal ng mukha! Tinawag niya pang bakla si Dy? I'm sure, she's dead now." Marami pa akong narinig, pero wala akong pakealam. Hindi ko naman alam 'yong mga sinasabi nila. At wala akong balak alamin. "W-what did you say?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Tinignan ko siya ng seryoso. "Bakla lang ang pumapatol sa babae. Bakla ka ba?" tanong ko ulit. Natawa naman siya. Iyong tawa na naiinis. "Sinasabi mo bang bakla ako?" "Wala akong sinabi. Tinatanong lang kita, magkaiba 'yon." sagot ko sa kaniya. "Wait, teka! Sino ka ba? At ano bang pakealam mo kung anong gawin ko sa babaeng 'to. Tinapunan niya lang naman ng shake 'yong damit ng kaibigan ko." tinuro niya pa 'yong kaibigan niyang nakapoker face sa tabi niya. "Wow! Galing naman pala. Hindi ko nga sinasadya diba? Unli lang?" singit naman ni Tine. "Pero iba 'yong sinasabi ng kaibigan ko." "Nagpapaniwala ka sa baliw na 'yan!" singhal ni Tine, tinuro niya pa 'yong lalaking masama ang tingin sa kaniya. "Compare to you, stupid." sagot ng lalaki. "Baliw!" sigaw ni tine. "Awat! Masyado kayong hot. Pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante dito, nakakahiya na." napatingin naman ako sa isa pang lalaki. Nakangiti siya habang kumakamot sa ulo. "Awatin mo kasi 'yang mga kaibigan mo." sagot naman ni Brie dito. Tumingin naman siya kay brie. "Galit ka miss?" "Mukha ba akong galit?" mataray na sagot naman ng katabi ko. "Para kasing galit ka eh, HAHAHA." tumawa pa 'yong lalaki. Tinarayan lang siya ni Brie. Para matapos na at ayaw namin ng gulo. Niyaya ko na 'yong dalawa. "Halika na Tine, Brie." Aalis na sana kaming tatlo ng may pumigil sa amin. Sino pa ba? Edi 'yong bakla. "Hindi kayo p'wedeng umalis ng hindi nakakaganti 'yong kaibigan ko." seryoso ba talaga 'tong lalaki na 'to? "Hayaan muna sila, Dy." kontra ng isa. Dy, pala pangalan niya. "No, Kyle. Kailangang makaganti si Yus." Medyo naiinis nako. Hinarap ko siya, "Bakit ba ikaw 'yong nagrereact ng ganiyan? Ikaw ba 'yong natapunan ng shake? Hindi mo rin naman nakita 'yong nangyari, hindi nga sinasadya diba? Para kang bata!" hindi ko napigilang sumigaw. "Halika na nga!" kinuha mo na namin 'yong mga bag namin bago umalis sa canteen. Nakarating kaming tatlo sa garden. Buti na lang at hindi na nila kami sinundan. Hinarap ko naman si Celestine. "Ano na naman ba kasing ginawa mo?" tanong ko dito. "Natapunan ko nga ng shake diba? Eh, hindi ko naman sinasadya. Diba andun kayo? siguro naman nakita niyo 'yong nangyari." Sumingit naman si Brie. "Eh, bakit nakisali 'yong dalawang lalaki?" "Iyong baliw kasi na 'yon magsusumbong na lang mali mali pa! Sinadya ko raw itapon sa kaniya?" Napasinghap na lang ako. "Hoy! Kayo 'yong mga nambastos sa P4 diba?" tatlong babae ang sumugod sa amin. "P4? Pinagshashabu mo?" naguguluhang tanong ni Tine. Kahit ako naguguluhan. "Oh my god! Hindi nila alam ang P4!" singhal ng babaeng may pulang lipstick. "Seryoso ba kayo?!" maarte pang dagdag nito. Nagkatinginan na lang kaming tatlo. "Ano na naman bang pinaglalaban niyo? Hindi namin kilala 'yang P4 na tinutukoy niyo." naiinis na sabi ni Brie. Tinignan naman kami ng tatlo na 'to na parang hindi makapaniwala. "Tell them bubbles!" utos ng parang leader nila. "Iyong binuhusan mo ng shake." duro nito kay Tine. "Iyong sinagot sagot mo at pinahiya." duro niya naman sa akin. "Iyong nakaharap niyo sa cafeteria.. Sila lang naman ang P4!" P4? Seryoso sila diyan? Tumawa naman si Tine. "Ang corny naman HAHAHAHA. P4? ang baduy, ha." "Hey! Don't you dare na sabihan silang baduy! They are the Perfect Four for us. At lahat ng kakalaban sa kanila, kakalabanin din namin!" 'yong babaeng nakakulot yung buhok. Seryoso ba talaga sila? "Ang dami niyo namang alam!" singhal ni Brie. "HAHAHAHA. Una campus queen tapos ngayon perfect four? Wow, ang korni." kahit ako natatawa kay Tine, pero corny naman talaga. Uso pala ganito sa university na 'to. Mukhang napikon naman 'yong tatlo sa amin. "Hmp! Makikita niyo talaga. Maghihiganti ang P4 fansclub dahil sa ginawa niyo. Let's go girls!" at umalis na silang tatlo. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa namin. "Ang corny nila sa part na 'yon." si Tine. "Kaya nga eh, P4? daming alam" pagsang-ayon ni Brie. Nadagdagan na naman ang kaaway namin sa university na 'to. Kailan ba kami lulubayan ng gulo? Araw-araw na lang ba? Sobrang gulo na talaga ng buhay ko! *** Dylan Jedd' POV "Kalma fafs! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin makamove-on? HAHAHAHA." pang-aasar ni Kyle. Konti na lang masasapak ko na 'to! Umupo ako sa sofa at nilaklak 'yong beer in a can na iniinom ko. Andito ako ngayon sa bahay, i mean sa bahay naming magkakaibigan. Yes! We're living in the same house. Idea namin 'tong magkakaibigan dahil gusto naming maging independent. Pintayo namin ang bahay na 'to last year, so isang taon na kaming nakatira dito. Tutal lagi lang mag-isa si Jerk sa bahay nila, dahil laging nasa out of town sila tita. Si Kyle naman pinayagan siya nila tito dahil kami naman 'yong kasama. Si yus lagi silang nagbabangayan ng ate niya, pumayag naman din ang parents niya pero dapat tuwing sabado at linggo umuwi kami sa kaniya-kaniya naming bahay. At ako? May kapalit 'to, kailangan kong magtino, na ginagawa ko naman syempre! Kaya lang may sumusubok talaga sa akin, eh. That girl! Siya lang 'yong gumawa sa akin ng ganun, tawagin ba naman akong bakla at isip bata? Damn! She's damn! "Mayuyupi mo na 'yong lata, maawa ka please!" "Kung mukha mo kaya yupiin ko Kyle?" pagbabanta ko. Tinawanan lang ako ng loko! "Nasan ba 'yong dalawa?" pagtutukoy ko kay Yus at Jerk. Simula ng mag-uwian hindi ko pa nakikita 'yong Jerk na 'yon. Nasaan kaya 'yong kumag na 'yon? "Si Yus nasa kuwarto niya. Emo HAHAHAHA, wala sa mood. Badtrip pa rin, parang ikaw." tinignan ko siya ng masama. Isang sapak lang, baka p'wede? "Si Jerk, poya, parang hindi kapa nasanay sa babaerong 'yon." Hindi ko na lang siya pinansin. Bakit ba hindi mawala sa isip ko 'yong babae na 'yon? Baka iniisip niyo gusto ko 'yon? Never! Hindi ganun ang babaeng tipo ko. Hindi lang talaga ako makapaniwalang hindi ako nakaganti! "Sino ba 'yong mga babaeng 'yon?" bigla kong tanong. Parang kanina ko lang sila nakita. Isang buwan na pala mula ng magsimula 'yong klase. At kakapasok lang namin. Galing kasi kaming apat sa bakasyon, travel kung saan-saan tapos nag enjoy kaya ngayon lang nakabalik. "Transferee raw eh. Wait, nice pumapag-ibig! Type mo ba? Ayieeee!" Binato ko naman 'yong lata sa kaniya na nasalo niya naman. "Gaho! Ano ako baliw?" kadiri. "Kaya pala matatapang." napahawak pa ako sa baba ko. Unti-unti naman akong napangiti sa naiisip ko. Lumapit naman si Kyle sa akin. "W-wag mong sabihing... Dylan, may kasunduan na kayo nila tita diba? At saka mga babae 'yon fafs." "Hindi naman sila eh." para siyang nakahinga ng maluwag. "Siya lang." nakangising sagot ko. Tinignan niya naman ako. "Sino?" nagtatakang tanong niya. "Iyong babaeng tumawag ng bakla at isip-bata sa akin. Siya lang nag-iisang taong tumawag sa akin ng ganun! At hindi ko matatanggap 'yon, kilala niyo ako Kyle. Hindi ako tumitigil hangga't hindi ako nakakaganti." sagot ko. "So anong balak mo niyan? Gagantihan mo 'yong babae na 'yon?" Umupo ako ng maayos. "Hindi lang ganti. She will be my toy this year." naiisip ko pa lang nae-excite na ako. "Seryoso ka, Dy?" tumango naman ako at ngumiti. I'm very serious. "Mukhang masaya ka, ha." napatingin naman ako kay Jerk na hindi ko napansing andito na pala. "Pagsabihan mo nga 'yang kaibigan mo, nababaliw na naman." tinapik pa ni Kyle si Jerk. "Bakit? Nabalitaan ko pala 'yong nangyari sa cafeteria. Nasaan si Yus?" tanong nito. Dahil madaldal si kyle, siya na sumagot. "Nag-eemote sa kuwarto niya. Badtrip eh." natatawang tugon nito. Ako naman nagtanong. "Ikaw saan ka galing?" Umupo naman siya sa tabi ko. "Diyan lang sa tabi-tabi. Alam mo na, namiss ako ng mga chicks ko sa university." kumindat pa siya. "Magkasakit ka sana fafs." si Kyle. Natawa naman ako. "Gaho! Pinipili ko naman 'yong matitino! Anong akala mo sa akin walang taste?" Napailing na lang ako. "So, Dy kamusta naman? pahiya ka daw kanina, ha. Mukhang nakahanap kana ng katapat." pang-aasar nito. Nakaramdam naman ako ng inis. "Hindi pa kami tapos fafs. Nagkamali 'ata siya ng binangga." "May usapan kayo ni tito diba? Paano pag malaman niyang babalik ka na naman sa pambubully mo?" "Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi. At isa pa, sa isang tao ko lang naman gagawin." sagot ko kay Jerk. Tumango-tango naman siya. "Pero kawawa naman 'yon Dy, babae pa rin 'yon syempre." "Siraulo 'yan, eh. May point naman kasi 'yong mga babae kanina, hindi naman siguro sinasadya 'yong nangyari." komento naman ni Kyle. Kanina ko pa 'to napapansin. "Ikaw, may gusto kaba sa isa mga 'yon? Kanina ka pa kontra ng kontra!" singhal ko dito. Tumawa naman siya. Siraulo talaga. "Parang hindi mo naman kilala 'yan si Kyle. Siya kaya tagapagtanggol ng mga binubully mo dati." natatawang sagot ni Jerk. Nag-apir pa talaga sila ni Kyle. Sige lang mga kupal! "Basta buo na desisyon ko." nagkatinginan naman 'yong dalawa. Hindi ko sila pinansin. Pagsisihan ng babaeng 'yon ang ginawa niya sa akin. Makikita niya talaga. Iniisip ko pa lang natutuwa nako, ano kayang magandang gawin bukas sa kaniya? Ngayon lang ako naexcite ng ganito HAHAHAHAHAHAHA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD