Chapter six

3300 Words
Vien'POV "Vien, did you rinig the news about sa mga sisters mo?" bungad ni Reighly sa akin ng makarating ako sa classroom. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Baka gusto mong hinaan 'yong boses mo?" kulang na lang kasi isigaw niya sa buong classroom. Umupo ako sa upuan at kinuha 'yong phone ko. Buti na lang kaming lima palang 'yong andito. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga o kaya minsan nagpapalate ako, basta wag ko lang makasabay 'yong tatlong 'yon. Wala akong balak ipaalam sa buong university na may mga kapatid ako sa labas, at sila 'yon! Never. "About their P4 encountered yesterday." tumigil ako sa pagcecellphone at humarap kay Reighly. "What do you mean?" usisa ko. Yes, alam kong andito na 'yong P4 or what so ever! But I didn't know na may nangyari pa palang iba bukod sa pagdating nila. "So hindi mo alam Vien?" gulat na tanong ni Yassi. "Itatanong niya ba kung alam niya." si Riri 'yong sumagot para sa akin. Natawa naman si Reighly. "Bobita mo talaga girl." banat pa nito. Napailing na lang ako. "Well, nakipagsagutan lang naman 'yong tatlong 'yon sa kanila. Hindi lang 'yon, pinahiya pa nila 'yong grupo nila Dy sa cafeteria!" nanggigil na kuwento ni Yassi. Natawa naman ako sa narinig ko. Kaya pala ang ingay ng news feed ko kagabi, puro tungkol sa P4 at sa nangyari between them at sa tatlong 'yon. Ano pa bang aasahan ko sa kanila? Mga ugaling basura talaga. Natawa naman si Kiela. "Wow, so tama pala 'yong mga bulungang narinig ko kanina." komento nito sa tabi ko. Maaga kasi kaming umuwi kahapon kaya hindi namin alam 'yong nangyari. Napangisi naman ako. "Mukhang hindi ko na kailangang kumilos para mapaalis sila dito." nakangiting sabi ko. Tinignan naman ako ni Kiela na parang alam niya 'yong iniisip ko. Kung sikat kami, mas sikat ang apat na lalaking 'yon. Halos lahat ng estudyante dito hinahangaan sila. Well for them, nakaperpekto ng apat na 'yon. Kaya nga tinawag nilang P4, pag naririnig ko 'yang group name nila natatawa ako. Kahit 'tong tatlong kaibigan ko type 'yong P4 what so ever na 'yan! Except to me and Kiela, kasi ako I'm only inlove to my Devin. Ewan ko lang kay Kiela kung kanino siya inlove. Some of student here ay takot sa kanila I mean kay Dylan lang pala, bully kasi siya ng Presome University but nag-stop na siya sa gawain niya last year pa. "This is the unang beses na napahiya them right?" tama si Reighly. Silang tatlo ang unang nagpahiya sa grupo nila Dylan. "That Celestine girl? She make tapon ng shake sa damit ni Yus! I hate her!" natawa na lang ako kay Reighly. Well, gusto niya si Yus. Tumingin naman ako kay Yassi, "Buti na lang, walang nangyari sa baby ko." pagtutukoy nito kay Kyle. "Oo nga, eh. Subukan lang nilang ganunin si Jerk. They will see!" si Riri. See, kahit sila tinamaan sa mga 'yon. "Well, good luck sa kanila." nakangising sambit ni Kiela sa tabi ko. "Kilala ko si Dylan, hindi 'yon titigil hangga't hindi siya nakakaganti." dagdag pa nito sabay tingin sa akin. Mukhang babalik na naman ang dating Dylan. Good for me. **** Brie'POV "Where's Vien?" tanong ni papu sa amin. Nasa dining area kami at kasalukuyang kumakain ng breakfast. "Maaga siyang umalis." sagot ni tita Felecity. Napansin ko hindi na niya kami masyadong sinusungitan pero hindi niya rin kami pinapansin. Napasinghap na lang si papu. "Minsan na lang siya sumabay sa breakfast." malungkot na sabi nito. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, naaawa ako kay papu. Tahimik kaming natapos, nagtanong lang si papu tungkol sa university. At syempre sinabi naming okay lang ang lahat kahit hindi. "Lakas ng sapi ni Vien." usal ni Tine na nakaupo sa tabi ko. Nasa sasakyan na kami at papuntang university. "Hayaan mo na 'yon, mapapagod din 'yon." Tama si Meye, sana nga mapagod na siya. Tahimik ang naging biyahe namin, hanggang sa makarating kami. "Andito na po tayo ma'am." sabi ng driver. Sinilip muna ni Tine kung may mga estudyante sa parking. Nag-iingat kaming may makakita sa aming magkakasama. Para na rin sa ikatatahimik ng lahat, sigurado kasi kaming magwawala si Vien pag may nakaalam na iba. "Walang tae, este tao. Tara na." anyaya ni Tine. Una siyang bumaba kasunod ako. Kumuha muna ako ng chocolate sa bag ko. Nagsimula na kaming maglakad papuntang quadrangle. "Bakit ang daming estudyante?" tanong ko. May nag-uumpukan kasi sa gitna. "Malamang school 'to Brie." sagot ni Tine. "Alam ko, ibig kong sabihi--" "Halika na, malalate na tayo." pagpuputol ni Meye sa sasabihin ko. Sumunod naman kami sa kaniya hanggang makarating kami sa mga nagkukumpulan. Mga babaeng may mga dalang regalo at may mga sulat pa. Anong meron? "Fansclub ng mga baliw." si Tine. Nagets ko naman yung sinabi niya ng mabasa ko 'yong nakalagay sa isang cartolina. 'I love you Kyle Patrick Ocampo!' "Effort naman nito." bulong ko habang kinakain 'yong chocolate na hawak ko. "Perfect Four we love you." basa ni Tine sa hawak ng isang babae. "Ang corny ng mga buhay nito. Akala ko sa w*****d lang nag-eexist 'yan. Sa totoong buhay din pala." dagdag pa nito. "Nagbabasa ka sa w*****d?" baling ko dito. Tumango naman siya, "Oo, pero sa ebook lang ako nagbabasa. Keypad lang kasi cellphone ko dati, never pa akong nakakahawak ng touchscreen." Naguluhan naman ako. "Magkaiba 'yon diba?" tanong ko. "Oo, pero 'yong story sa ebook galing lang din ng wattpad." explain niya. Kumagat muna ako sa chocolate na hawak ko, gets ko na medyo. "Same pala tayo." nakangiting sagot ko. "Pag sa w*****d nakakakilig, pero pag sa totoong buhay ang korni pala." pagtutukoy niya sa P4 ng university. Natawa naman ako. "Oo nga, eh." "Pahingi ako ng chocolate, kanina kapa kumakain, eh." sabay ganun. Kumuha naman ako sa bag ko, "Oh." abot ko sa kaniya ng isang bar ng chocolate. "Thanks boi." sabay kindat. Kinilabutan naman ako, "Anong boi?" "Tawagan natin, ang hirap kasi ng pangalan niyo." Tumango na lang ako. Boi? Maganda naman, ang angas pakinggan. "Tara na, malalate na tayo." anyaya ni Meye kaya sumunod na lang kami. Wala pa si ma'am ng makarating kami. Konti pa lang din ang mga kaklase namin na andito. "Banyo muna ako." paalam ko sa dalawa. Sakit ng tiyan ko. Nasobrahan siguro ako sa chocolate. "Chocolate pa more." pang-aasar ni Tine. "Pakealam mo?" sagot ko. Akala mo naman hindi nanghingi, sumakit din sana tiyan mo. "Bilisan mo, baka dumating na si ma'am." Tumango na lang ako kay Meye at lumabas na. Buti na lang walang tao sa CR ng makarating ako. Mamaya kasi pagtripan na naman ako. Pumasok ako sa pangalawang cubicle. "Bakit ganun, hindi naman ako natatae." bulong ko sa sarili ko. Pero masakit tiyan ko? Ano kayang kakainin ko mamaya? Ubos na pala mga stock ko sa kuwarto ng pagkain, kailangan ko na mamili. Mamaya na lang siguro. "Damn! I missed you so much." natigilan ako sa boses ng babae. Parang kinikiliti na ewan. "Wait, baka may makakita sa atin... Wag dito Kiela." Boses ng lalaki, ano raw? Kiela? Nilapit ko yung tenga ko sa pinto ng cubicle, "I don't care Devin. I really missed you!" si Kiela nga! Kilala ko boses ng babaeng 'yon. Dito pa talaga sa cr ng mga babae, grabe naman Kiela! Walang pinipili. Pakiramdam ko nawala 'yong sakit ng tiyan ko, nag-ayos na ako at lumabas ng cubicle. Hindi ko naman siguro kasalanan na maisturbo sila diba? Natigilan ako sa nakita ko, kadiri! Naghahalikan sila, at mukhang hindi pa nila narerealize na andito ako. Parang gusto ko tuloy bumalik sa loob ng cubicle, nagkakasala ako dito! Nakatalikod si Kiela mula sa puwesto ko, "Oh f**k!"sigaw ni lalaki, lumaki pa 'yong mata niya ng makita ako. Teka.. siya 'yong lalaking nakabanggaan ko nang nakaraan. Boyfriend pala ni Kiela 'to? "Why?! Bakit ka tum-- B-brielle? anong ginagawa mo ditong babae ka?!" gulat na tanong ni Kiela. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ano sa tingin mo? CR kaya 'to, malamang nagbanyo." sagot ko. Nagsimula na siyang mataranta. "K-kanina kapa andiyan?" nauutal na tugon pa nito. "Oo. Wag ka mag-alala, wala akong pakealam sa inyo ng boyfriend mo." tinignan ko pa yung boyfriend niya na namumutla tulad niya. "Sa hotel kasi kayo. Wag dito okay?" sabi ko at iniwan silang parehas nakanganga. Problema ng dalawang 'yon? Ganun pala maghalikan, yak! Nakakadiri. **** Meyesha'POV "Class dismissed!" anunsyo ni ma'am sa harap. Sa wakas natapos din. "Tara na Tine." anyaya ko dito. Nagsusulat pa rin kasi siya. Sa isang buwan naming magkakasama, sa aming tatlo masasabi kong siya ang pinakamatalino. Nasabi niyang scholar din pala siya sa dati niyang school. Hindi nga lang talaga halata dahil para siyang baliw na hindi marunong magseryoso. "Tapos!" inantay lang namin siya mag ligpit ng gamit niya. "Tara na." nauna na akong lumabas. Vacant ang next namin at gutom na rin ako. "Gutom na ako." bulong ni Brie sa gilid ko. "Lagi ka namang gutom. Kaya nga suki ka sa banyo, eh." pagpaparinig ni Tine. Inawat ko na sila bago pa sila magbangayan. Naglalakad na kami papuntang canteen ng biglang sumigaw si Brie. "May naalala ako!" napatingin naman kami sa kaniya. "Diba nagbanyo ako kanina?" "Oh tapos?" tanong ko. "May nakita ako." nandidiring sagot nito. "Tae?" napatingin naman ako kay Tine. "Tine." suway ko. Ang lakas kasi ng boses niya. Nagtinginan tuloy 'yong iba sa amin. Natawa naman siya. "Joke lang. Tuloy mo na boi" utos nito. Kumunot naman 'yong noo ko, "Boi?" nagtatakang tanong ko. Tumawa naman si Tine, "Tawagan namin ni Brie, gusto mo sumali?" seryoso siya. "Wala kana palang choice boi." Inismiran ko na lang siya, kung ano-anong naiisip nito. Binalik ko 'yong atensyon ko kay brie."Nakita ko si Kiela at 'yong boyfriend niya, naghahalikan sila! Kadiri." kuwento niya. Katulad ko, nagulat din si Tine. "Sa loob ng girls CR? Dugyot naman." komento nito. "May pumatol pa pala sa babaeng 'yon." natawa naman kami sa huling sinabi niya. "Kilala ko boyfriend niya." dagdag pa ni Brie. "Oh sin-- aray!"hindi ko natapos 'yong sasabihin ko ng bigla akong mapasigaw. May bumato sa ulo ko. Naramdaman ko pa 'yong pagbasag ng kung ano. Tangna naman oh! Basa na mabaho? "Siraulo 'yon, ha! Okay ka lang boi? Ang baho mo naman." rinig kong pang sabi ni Tine. Natamaan pa 'ata ako sa mata, potek naman! Pakiramdam ko nagtaasan lahat ng dugo sa mukha ko. Ano bang trip nila? "Bugok na itlog 'yong binato sayo kaya mabaho." si Brie. Inabutan niya ako ng panyo. "Si Vien na naman siguro!" Boset naman talaga, oh! Pinunasan ko 'yong sa bandang mata, medyo mahapdi kasi tapos ang baho pa. "Maglinis ka muna sa CR. Pinagtitinginan na naman tayo. Malapit na tayo maging artista, konti na lang!" sarkastik na bulong ni Tine. Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko 'yong apat na lalaking nagtatawanan habang papasok sa loob ng canteen. Alam ko na kung sino may gawa nito! "Wag na okay lang ako. Tara na sa canteen, nagugutom na ako." walang mangyayari kung papatulan ko pa 'yong baliw na 'yon. Napaka isip-bata! Nakakainis talaga. Nakatakip sa ilong si Tine. "Sure ka? Ang baho mo kaya. " tinignan ko siya ng masama. "Kalma. Ito alcohol baka sakaling matanggal ang mabahong amoy." kinuha ko naman sa kaniya. Kulang na lang ibuhos ko sa sarili ko. Ang baho kasi talaga! "Okay na. Hindi ka na mabaho, gutom na talaga ako." nakabusangot na si Brie. Pumasok na kami sa loob ng canteen at naghanap ng puwesto. At kung mamalasin ka nga, katabi lang namin 'yong apat. Nasa kabilang lamesa lang sila. "Ako na lang oorder. Ano sa inyo?" prisinta ni Tine. Napansin niya naman 'yong apat na lalaki sa gilid. "May mga baliw pala dito." bulong nito. "Ganun pa rin sa akin Tine." "Parehas na lang kami." turo ko kay Brie. Nagbigay muna kami ng pera pagkatapos ay umalis na si Tine para pumila. Habang si Brie busy sa cellphone niya. At ako? Wala naman akong cellphone, nanakaw sa apartment ko. "Ang baho naman." sigaw ng isip batang nakaupo sa kabilang lamesa. "Oo nga Dy, smell so gross." 'yong nakasagutan ni Tine. Alam kong ako ang tinutukoy nila. "Wala naman Yus." "Wala ka talagang kwenta Kyle!" 'yong dylan. At nagtawanan naman sila. "Order na ako fafs. Ano sa inyo?" tumayo 'yong isang lalaki sa kanila. Wala siya kahapon kaya hindi pamilyar. "Sasama ako." 'yong Yus. "Bahala na kayo." sagot ni Dy, dymonyo. Umalis na 'yong dalawa. Akala ko titigil na siya pero hindi pa pala. "The heck! Ang baho talaga!" sinigaw pa talaga niya. Alam niyo na kung sino! "HAHAHAHAHA, oo nga fafs." "Hey!" tawag ni dymonyo sa kung sino. Nakatingin ako sa likuran ni Brie kaya hindi ko alam kung sinong tinatawag niya. Kinalabit naman ako ni Brie. "Tawag ka." bulong niya. Pero hindi ko pinansin. "Are you deaf or what? I'm calling you." sigaw pa nito. Literal na sigaw, alam kong sinasadya niya para ipahiya ako! Nagsimula ng mabulungan 'yong mga kumakain sa canteen. Nakakainis na. Papansin talaga! "Hayaan mo na fafs." natatawang sabi ng Kyle 'yong pangalan. "I knew it! Siya 'yong mabaho HAHAHAHAHAHAHA." Nakaramdam na naman ako ng inis. Kaya nilingon ko siya. "Anong problema mo?" pilit na ngiting tanong ko. "Oh, finally! Akala ko hindi mo ako papansinin." nakangising usal nito. "Wag kang mag assume, ha? Hindi ka kagandahan para magpapansin ako sa'yo. I'm calling you kasi nakakainis na 'yong amoy mo, miss." malakas na sabi nito. Napuno ng tawanan 'yong buong canteen. Ngumisi naman ako. "Oh? Baka nakakalimutan mo, malapit 'yong bibig mo sa ilong mo." sagot ko dito. Natawa naman si Brie. "Toothbrush din kasi." dagdag pa nito habang nagcecellphone. Naningkit naman 'yong mata ni Dy habang 'yong kaibigan niya nagpipigil ng tawa. Napuno na rin ng bulungan 'yong canteen. "What do you want to say? HAHAHAHA. Do you mean 'yong hininga ko 'yong mabaho?" Tinignan ko siya sa mata. "Wala akong sinabing ganiyan." ngumiti pa ako. "Pero malay mo naman." Napasinghap naman siya, "Wag mong ipasa sa akin, miss. Amoy na amoy kana tatanggi ka pa? Ano ba kasing pabango ginagamit mo? Bugok na itlog?" Hindi ako nagkamali. Siya nga ang bumato sa akin! Pilit kong kinalkalma ang sarili ko. Nagkibit-balikat ako. "Iyon ba? May isip-bata kasing bumato sa akin kanina. Wala sigurong magawa sa buhay." diniinan ko pang 'yong salitang 'isip-bata'. Lumaki naman 'yong butas ng ilong niya. "Sinasabi mo bang isip-bata ako?!" halata sa boses niyang napipikon na siya. Huli ka dymonyo. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ikaw ba bumato sa akin?" tanong ko pabalik. Natigilan naman siya. "H-hindi. Pero salamat sa gumawa niyan." tinignan niya ako ng seryoso. "Oh, anong meron?" biglang dumating 'yong isa sa kaibigan niya. "Nothing jerk. Tinatanong ko lang kung sino 'yong mabaho." sagot nito. "HAHAHA, kain na nga tayo fafs!" nagsimula na silang kumain. Tinignan muna ako ni Dy ng masama pero nginitian ko lang siya. Sunod namang dumating si Tine, "Ito na po mga kamahalan." dala niya 'yong mga order namin. "Baka gusto niyo akong tulungan? Bigat ng mga order niyo." reklamo niya. Tinulungan namin siya. "Nakipagsagutan sj Meye sa mga 'yan." ngumuso si Brie sa pwesto ng apat. "Narinig ko nga. Ano bang nangyari?" mahinang tanong nito. "Sinabihan si Meye na mabaho HAHAHA." natatawang sagot ni Brie. Natawa naman si Tine. "Naamoy niya pa 'yon? Kasalanan ni Vien 'to, eh!" "Hindi si Vien ang may kasalanan." singit ko sa usapan nila. "Iyang dymonyo na 'yan ang may kalasanan." bulong ko. Natawa naman si Tine, "Hanep sa dymonyo, ha? Minus ten ka sa langit boi." Napairap na lang ako kay Tine. "Paano mo nasabi?" tanong ni Brie. Tumingin muna ako sa puwesto ng apat. "Obvious naman." maiksing sagot ko at nagsimula ng kumain. Naging tahimik naman ng ilang minuto namin ng biglang may papansin na naman sa gilid, "Oh god, paano ako makakain nito kung may mabaho akong naamoy." sino paba? Sinita naman siya ng isang kaibigan niya, "Hayaan mo na fafs, singhutin mo na lang para maubos 'yong amoy." "Jerk is right." pagsang-ayon ng nakasagutan ni Tine. "Gaho, gusto niyo akong magkasakit?" tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya. Tinignan naman ako ni tine, "Wag mo na lang pansinin. Mga baliw 'yan." sinadya niya pang lakasan 'yong boses niya. Hindi namin namalayan na papalapit na sa amin ang grupo nila Vien, pero wala siya. Akala ko makikipag sagutan na naman kami, kaya lang sa puwesto ng apat sila dumiretso. "Hi boys!" bati ni Kiela sa mga 'to. Nakikinig lang kaming tatlo habang kumakain. "Wow, close." bulong ni Tine. Natawa naman kami ni Brie. "Sup, kielatots!" bati pabalik nung Kyle 'yong pangalan. Lumapit kay Kyle si Yassi ba 'to? "Bakit si Kiela lang binati mo? Nakakatampo naman." Napangiwi naman si Brie, "Yak, pabebe." "Babatiin pa nga lang kita eh, hello Yas." Bigla namang kinilig 'tong Yassi. Next namang lumapit si Reighly, tatabi sana siya sa nakasagutan ni Tine pero lumayo ito agad. "How was singapore? I missed you." magjowa ba sila? Kinikilabutan ako. "Good.." nagpunas muna 'to ng bibig. "Without you." seryosong sabot nito. Mukhang napahiya naman si Reighly. Nakabusangot kasi siyang umupo. Natawa naman 'yong mga kasama niya sa lamesa. At ito kaming tatlo, pinapanuod lang sila. "So mean. Kaya lalong nafafall sayo si Reighly, eh." Hindi na nagsalita 'yong Yus. "Choosy pa. Bagay naman sila." bulong ni Tine. "Hindi mo talaga ako papansinin Riri?" malambing na tanong ni Jerk dito Sila siguro? "Pinansin mo ba ako kahapon? Ibang babae nga mga kasama mo." "So galit ka?" lumapit pa 'to kay Riri. Para namang kiniliti si Riri, ang lapit kasi ng mukha ni Jerk sa kaniya. "Hindi na, matitiis ba kita." "Galawang Jerk HAHAHAHA." at nagtawanan na naman sila. "Hoy, tigil-tigilan niyo mga kaibigan kung hanggang paasa lang kayo." si Kiela. Akala ko magjojowa, hindi pala. "Ew! What's that smell?" malakas ng tanong ni Reighly. Ito na naman po tayo. "Told you, ikaw talaga ang mabaho." natatawang tumingin si Dymonyo sa akin. Nasa amin na ang atensyon nila. Ayoko ng pumatol kaya hindi ko na lang pinansin. Kumain na lang kami, natigilan naman kami ng may mag spray ng pabango sa amin! "Kaya pala mabaho, kasi andito kayo." 'yong Yassi. Tangna naman! pati pagkain naman may pabango na. Inis akong lumingon sa puwesto nila, "Bakit ba kasi dito pa kumakain, nakakawalang gana sa ibang estudyante." si Riri na tuloy pa rin sa pag spray sa puwesto namin. "Ano ba! Ang baho ng pabango mo, amoy matanda." singhal ni Tine. Nagtawanan naman 'yong grupo ni Dy. Kumunot naman 'yong noo ni Riri. "A-ano? Excuse me, Victoria Secret kaya ang pabango ko!" inamoy niya pa. "Of course hindi niya alam ang brand na 'yan." si Kiela. Inismiran na lang siya ni Tine. "At least brand lang ang hindi ko alam, eh, kayo? Hindi niyo alam 'yong manners? Kumakain kami tapos mag-iispray ng pabango, sabog 'ata 'yang kaibigan mo, eh." "Eh, mabaho nga kasi kayo." sagot ni Yassi. "Edi wag kayong huminga hanggang malagutan kayo." Nakatingin lang ako kay Tine, kahit siya lang mag-isa asar talo pa rin sila. Nakabusangot naman si Brie. "Get out na here kasi!" sigaw ni Reighly. "Bakit hindi kayo umalis, mga papansin." sagot ni Brie dito. Bago pa lumala, inaya ko na 'yong dalawa. "Tara na, wala tayong mapapala sa mga 'yan." sinadya kong iparinig sa kanila. Kahit hindi pa kami tapos tumayo na kami. Hindi ko ugaling magsayang ng pagkain kaya lang baka malason pa kami pag kinain pa namin 'yan. "Good, mawawala na rin ang mabaho." napipikon na ako sa Dy na 'to! Bago kami umalis ng canteen tinawag ko siya, "Dy, alam mo bagay sayo pangalan mo." nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya pabalik, ngiting puno ng kayabangan. "Alam ko 'yo--" Hindi ko na siya pinatapos. "Dymonyo ka kasi." sabay lakad paalis. Ako papatalo sa kaniya? Asa siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD