Chapter seven

2581 Words
Celestine'POV "I'll give you a quiz tomorrow, so go over your notes. I want everyone to get a perfect score. Hindi lang si Ms. Sandoval at Ms. Villaruel ang estudyante ko dito." paalala ni Ma'am Raviz sa harap bago umalis ng classroom. Para namang mga bubuyog 'yong mga kaklase ko. Kaniya-kaniyang bukas ng notebook. Wala namang mga nakasulat. "Ano ba 'yan, wala pa naman akong naintindihan sa subject na 'to." nakapangalumbaba na reklamo ni Brie. Kinuha ko 'yong notebook ko at inabot sa kaniya. "Puro ka kasi pagkain." tugon ko. Inirapan niya lang ako sabay kuha ng notebook. Bumaling naman ako sa isa ko pang katabi. "Buti na lang may mga notes ka." si Meyesha. "Pakopya ako mamaya, ha?" Tumango muna ako bago ko siya inismiran. "Sige lang boi. Hiyang-hiya ako sa inyo, eh." Ilang minuto lang ay dumating na rin ang next subject namin. Si Sir. Ras, teacher namin sa Research. Nag-discuss lang siya about research na gagawin namin next week. Tapos umalis na, mukhang dumadami na ang gagawin namin. Akalain niyo 'yon isang buwan at mahigit na ang nakakalipas, grabe sobrang bilis ng araw! Sana kayanin ko pa ang mga mangyayari dito. "Here's your key." biglang sulpot ni Kiela sa harap namin. May nilapag siyang tatlong susi sa desk ko. "Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko. Umepal naman 'yong kasama niyang si Reighly, "Duh, are you blind ba? Or you're so stupid lang talaga. It's susi kaya." maarteng sagot nito. Tuwing nagsasalita talaga 'to, nangingilo ako. "Susi ng locker niyo." sambit ni Kiela, "We didn't expect na magtatagal kayo dito kaya ngayon ko lang nabigay. Akala ko kasi mahihiya kayo kay Vien, kaya lang mukhang makapal talaga mga pagmumukha niyo." halata sa boses niya ang pang-iinsulto. "Wow, ha." reaksyon ni Meye. Hindi talaga kumpleto ang araw nila ng hindi kami iniinis. "Good luck." maiksing tugon nito bago bumalik sa puwesto nila. Binigyan pa nila kami ng nakakalokong ngiti. "Nakakainis 'yang Kiela na 'yan." bulong ni Brie. Hindi lang nakakainis, sobrang nakakainis! "Hayaan niyo na, mga papansin lang 'yan." kinuha ni Meye 'yong susi na may mga palawit na number. Binigay niya sa akin 'yong may number 7, kay Brie naman napunta 'yong number 8, at sa kaniya 'yong number 9. Dumating na rin 'yong adviser namin at 'yong iba pang teacher, puro discussion lang ang nangyari. May mga binigay din sa amin na mga worksheet at modules. At sa wakas, uwian na rin. Dumiretso muna kami sa mga locker namin para tignan. "Wow, walang ganito sa school ko dati." namamangha sabi ni Brie. Ang yaman talaga ng university na 'to, kahit mga locker ang gaganda. Bawat section may locker room, angas diba? "Buti naman. Ang bigat na ng bag ko dahil sa mga libro." reklamo ni Meye. "Oo nga, eh. Laging puno 'yong bag ko." si Brie. "Paano mapupuno puro pagkain laman ng bag mo." sinilip ko pa 'yong bag niyang nasa harap niya ngayon. Naglilipat na kasi sila ng ibang gamit. Inismiran niya ako. "Bakit hindi kaba nanghihingi sa akin?" "Nanghihingi, minsan lang naman." "At least nanghihingi kapa rin." Hindi na ako sumagot. Baka hindi na ako bigyan pag humingi ako next time, eh. Ang mamahal pa naman ng mga snacks dito. Kinuha ko na rin 'yong mga libro ko at nilagay sa loob ng locker. Sa wakas nabawasan din ang dinadala ko, lahat pa naman ng libro dala ko. Syempre ganito lang ako pero nag-aaral ako ng mabuti. "Ano 'yan?" tanong ko kay Brie, napansin ko kasing may hawak siyang notebook na kulay black. "Death note 'yan no?" Tinignan niya naman ako ng masama. "Anong death note? Notebook 'to baliw. Bigay ni mama sa akin bago ako umalis sa bahay." sagot niya. Binuksan niya pero walang sulat kahit isa, notebook nga. "Bakit hindi mo ginagamit?" tanong ni Meye. "Ayoko, eh. Ang ganda kasi." Napatango na lang kami ni Meye. Sigurado ako black favorite color nito. Pagkatapos namin ay umalis na rin kami, baka kasi nag-aantay na 'yong driver namin. Excited akong umuwi kasi hindi namin makakasabay si Vien, may sarili kasi siyang kotse. Buti na lang talaga. **** Vien'POV "Fyzince, nagawa mo na ba 'yong list?" tanong ko sa secretary ng student council. "Hindi pa nagbibigay 'yong ibang strand sa akin, puro ABM pa lang 'yong andito." Napabuntong-hininga na lang ako. "Sige, paki-asikaso na lang, ha. Kinukuha na kasi ni Mrs. Ramos sa akin." tumango muna siya bago lumabas ng S.C room. S.C room ang tawag namin sa office ng student council. Mas malaki 'to kumpara sa mga classroom dito, every members have their own desk sa gilid. While nasa gitna 'yong akin, katabi ng puwesto ni Kiela since she's the vice president. Sofa with coffee table sa pinaka-gitna, then TV sets sa harap. May locker room din kami, katabi ng comfort room and shower. Bumalik ako sa reyalidad ng may pumasok. "Hello, Vien!" sila Riri, may dala silang paper bag. "We brought some foods for you and for Kiela." Umupo ako sa sofa, ganun din sila. "Nag-abala pa kayo, thank you." nakangiting sagot ko. Napansin siguro nilang ako lang mag-isa "Where's Kiela?" tanong ni Riri. "May kikitain raw siya, hindi ba nagsabi sa inyo?" nauna kasing umuwi si Kiela, wala na rin naman siyang gagawin dito. "Makikipagkita siguro siya kay De--" "Dennis, yeah! Dennis." pagpuputol ni Riri sa sasabihin ni Yassi. Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Dennis? Sinong Dennis?" tanong ko bago kumuha ng sandwich at nagsimula ng kumain. Nagugutom na rin ako kanina pa. Nagtinginan naman silang tatlo. It seems they hiding something from me. Binigyan ko sila ng suspicious na tingin. "Don't tell Kiela na sinabi namin sayo, ha? Narinig ko kasing may kausap siya sa phone yesterday. Assumption lang naman, baka ka-fling niya si Dennis." paliwanag ni Riri. Napatango naman ako. Sinasabi na nga ba, she's into someone na. "P'wede niya namang sabihin sa atin kung may nagpapatibok na sa puso niya diba? Bakit pa siya naglilihim. We are here naman to support her." natatawang sagot ko. "Maybe he's not sure with that guy, you know naman her diba? Study first si Kiela." may point si Reigly. "You look stress na Vien, are you okay paba?" pag-iiba nito. Napatingin ako sa kaniya. "Really? Marami lang ginagawa dito then 'yong mga kapat-- I can't even say that word!" singhal ko. Bigla akong nawalan ng gana. Kumuha na lang ako ng tubig at ininom 'yon. "Hindi ka namin masisisi, nakakainis naman talaga silang tatlo." si Yassi. Binigyan ako ng malapad na ngiti ni Riri, "Don't worry kami na ang bahala sa mga half sisters mo." "Yeah, leave it with us." dagdag ni Reighly. I raised my eyebrow. "Wait, anong gagawin niyo?" Uminom muna si Riri ng milktea na dala niya, "Well not us, may ibang gagawa para sa'yo." Naguluhan naman ako. "What do you mean?" "After the P4 incident, mas marami na ngayon ang galit sa tatlong 'yon." tugon nito. "That's right. They are so feeling kasi." angil naman ni Reighly. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. Tignan na lang natin kung hindi pa sila umalis sa dami ng kaaway nila sa university na 'to. Nagkuwentuhan lang kaming apat saglit then nagpaalam na rin silang tatlo, i tell them na hindi ako makakasabay dahil may aayusin pa ako sa mga gamit ko. Hindi kasi ako makapag-isip ng maayos pag magulo ang paligid ko. Ganito na ba ako ka-stress para mapabayaan ang desk ko? Oh my god Vien. Inayos ko na ang dapat ayusin, kinuha ko 'yong mga gamit na hindi ko na kailangan at nilagay sa isang box. Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng S.C room, nilock ko na rin 'to. Lahat naman ng members may duplicate key. Naglalakad na ako ng bigla kong nabitawan 'yong ibang dala ko. Dadamputin ko na sana ng may ibang dumampot nito. "Jerk?" sabi ko ng makilala kung sino 'to. "Tulungan na kita." tugon niya. Napangiti naman ako. "Sige, sabi mo, eh." binigay ko sa kaniya 'yong box na hawak ko. "Ginagawa mo pala dito?" ang pagkakaalam ko kasi sa kabilang building ang room ng mga STEM students. "May dinaanan lang. Ikaw bakit ang dami mong dala?" Hindi ko pinansin 'yong tanong niya. Ngumiti ako ng nakakaloko. "Dinaanan? Sino si Riri?" tanong ko pa. Natawa naman siya. "No, HAHAHA." "Bagay naman kayo ni Riri, ha? She likes you at alam kong alam mo." panunukso ko. Napakamot naman siya ng ulo. "May iba na akong gusto.." seryoso siya habang nakatingin sa mga mata ko, maiilang na sana ako ng bigla siyang tumawa. "Just kidding, HAHAHA. Wala akong panahon para magseryoso sa ganiyang bagay, mas masaya pa rin 'yong fling-fling lang." proud na dagdag pa nito. Binatukan ko naman siya, "Kung ganun naman pala, bakit hinaharot mo pa si Riri? Alam mo namang gusto ka niya!" singhal ko pa rito. "Biruan lang namin 'yon as a friend. Umamin na rin naman ako sa kaibigan mo na I don't feel the same way at malinaw na sa kaniya 'yon." "Siguraduhin mo lang. Wag mong sasaktan si Riri, parang kapatid ko na 'yon. Kokotongan talaga kita!" banta ko. Natawa naman siya. "Brutal, ha." natawa tuloy ako. "Kamusta kayo ni Devin?" pag-iiba niya. "Okay lang naman. Masaya. Nothing changed since day one." hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin. "I'm glad that you're happy." napatingin naman ako sa kaniya. "Asdfghjklzxcvbn.." bulong niya dahilan para hindi ko marinig. Naningkit 'yong mga mata ko. "What?" Napasinghap siya pagtapos ay tumawa. "Nothing." maiksing sagot niya pa. Siraulo talaga 'to. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa quadrangle ng university. Tumigil ako sa paglalakad. "Dito na lang ako. Thankyou." kinuha ko sa kaniya 'yong box na hawak niya. Magsasalita pa lang sana siya ng biglang may umakbay sa kaniya sabay headlock. Sila Dylan, ang P4 kuno ng university. It sounded like a cringe to me until now. "Kanina kapa namin hinahanap fafs, nangchi-- Vien? Magkasama kayo?" halata sa mukha ni Kyle ang gulat ng marealize niyang ako ang kasama ni Jerk. Nakangiti naman ng nakakaloko si Dylan, habang si Yus nakangisi. Ano bang iniisip ng mga 'to? "Hey, Vien." bati ni Dylan, "Where's Kiela?" tanong niya ng mapansin ako lang mag-isa. "Nauna na siyang umuwi." sagot ko. Tumango-tango lang siya pagkatapos ay tumingin kay Jerk. "Fafs, namumula ka." Bigla namang tumawa si Jerk, 'Yong awkward na tawa. "Gaho, pinagtritripan niyo na naman ako. Tara na nga!" hinatak niya 'yong mga kaibigan niya. "Una na kami Vien, ingat." kumaway pa siya sa akin habang naglalakad palayo. Naiwan naman akong naguguluhan. No wonder, magkakaibigan talaga sila. Dumiretso na ako ng parking area, buti na lang hindi ko nakita 'yong tatlo. Pagnakikita ko kasi sila nasisira ang araw ko. I really hate them! Sumakay na ako ng kotse then I start the engine. Ayoko pa sanang umuwi kaya lang may lakad si Kiela, si Devin naman may practice ng swimming. Yes, Devin is sport lover. Bukod sa pagiging swimmer, kasali rin siya sa basketball team ng university. Isa sa rason kung bakit ko siya nagustuhan. At kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya. Sorry to them, I'm the lucky one. **** Brielle'POV "Nakakaantok naman." agad akong humilata mula sa pagkakadapa ko sa kama. Kumuha ako ng isang slice ng gardenia sa side table ko at kinain ito. Kailangan makapasa ako sa quiz bukas, kaya lang wala naman akong maintindihan sa mga nakasulat sa notebook ni Tine. STEM kasi ang strand ko last year, tapos ngayon ABM na. Kaya 'yong utak ko feeling ko sasabog na! Umayos ako ng upo ng may kumatok sa pinto ko. "Pasok po." walang ganang sambit ko. Si Tine, ginagawa nito dito? Dahan-dahan siyang pumasok habang nililibot 'yong paningin niya sa buong kuwarto ko. "Ganda ganda mo pero ang kalat ng kuwarto mo." sabay upo niya sa kama ko. Mang-aasar na naman siguro 'to. "Bakit ba?" iritadong tanong ko. Umakting naman siya na parang nagulat, "Wow ang sunget, grabe. Hays." "Para kang baliw Tine." "Baliw sayo Brie." sinundot-sundot niya pa 'yong tagiliran ko. Lumayo ako sa kaniya, "Ang korni mo naman. Umalis kana nga, matutulog na ako." pagtataboy ko. Nababaliw na naman 'tong babaeng 'to! "Wala na akong magawa, tapos ko na lahat ng sasagutan. Kaya akin na notebook ko, magrereview ako." nagulat naman ako. Tapos na siya sa modules at worksheet? Grabe naman 'to, sana ol talaga! Kinuha ko 'yong notebook at inabot sa kaniya. "Wala naman akong maintindihan." "Puro kasi pagkain laman ng isip mo." Sasagot pa lang sana ako ng bigla siyang lumapit sa side table ko, kung saan nakalagay 'yong mga stock ko ng pagkain. "Subukan mo lang Tine!" Parang wala naman siyang narinig. "Nice piattos!" kinuha niya nga 'yong piattos at akmang bubuksan na pero inagaw ko. "Sayo 'to? Sayo 'to?"pagtutukoy ko sa piatos na hawak ko. Hinablot niya ulit sa akin. "Bakit may sinabi ako?" at binuksan niya na nga. "Papansin ka talaga, bayaran mo 'yan, ha!" "Talaga, bilhan pa kita ng sampu nito." "Pag hindi mo ako binilhan lagot ka sa akin." pagbabanta ko. "Wow, nakakatakot ka Brie." nagsimula na siyang kumain. "Ang kunat naman! Expired na 'ata 'to, eh." nagreklamo pa nga. "Kapal ng mukha mo, umalis kana nga." Kinuha na niya 'yong notebook niya at nakangiting umalis. Baliw talaga 'tong babae na 'to. Nabawasan tuloy 'yong pagkain ko! *** Meyesha'POV "Opo lola, mag-iingat po ako. Kayo rin po, ha! Wag po kayong masyadong magpapagod at tawagan niyo ako pag may kailangan kayo. I love you la!" at nakangiti ko ng pinatay ang tawag. Nakikitawag lang kasi ako, sa landline lang kasi kami nag-uusap ni lola dahil wala akong cellphone. Paakyat na sana ako sa second floor ng makasalubong ko si Vien, nagtama ang mga mata namin at tulad ng inaasahan ko isang matalim na tingin ang binigay niya sa akin. Mukhang kakauwi niya lang galing university. May dala pa siyang isang box, baka mga gamit niya. Natigil ako sa pagtitig sa kaniya ng magsalita siya. "What?" mataray na tanong nito. "You don't have the right to look at me like that." Ano raw? Medyo gets ko 'yong sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka lumaki pa. "Aakyat na ako." paalam ko. "Magandang gabi sa'yo." dagdag ko. "Hanggang nakikita ko kayo, walang maganda sa gabi." seryosong sambit niya. Pagkatapos ay binangga ako sa balikat. Napairap na lang ako sa inis. Kailan kaya siya titigil? Nakakapagod na magtimpi sa totoo lang. Umakyat na ako sa second floor, nakita ko pa si Tine na kakalabas lang sa isang kuwarto. May dala siyang notebook habang kumakain ng piattos. Alam ko na kung saan 'to galing. Oo nga pala, hihiramin ko 'yong notes niya. "Tine." tawag ko sa kaniya. Mukhang nagulat naman siya. "Bat?" "Pahiram pala ako ng notes mo, may mga kulang kasi ako, eh." Nilunok muna niya 'yong kinakain niya. "Magrereview na ako, eh... Sige, bilisan mo na lang, ha? Abot mo na lang sa akin pagkatapos mo." inabot niya sa akin 'yong notebook niya. Napangiti naman ako. "Salamat, hatid ko na lang sa'yo mamaya mabilis naman ako mag-sulat, eh." sambit ko. Dinilaan niya muna 'yong powder sa daliri niya, pagkatapos ay humawak sa kamay ko, "I'm happy to help, Meye." nakangiting sabi nito bago umalis. At saka ko lang na realize 'yong ginawa niya, "Kadiri ka naman Tine!"agad kong pinunasan 'yong kamay kong may konting laway pa niya. Narinig ko na lang ang malakas na pagtawa niya, napailing na lang ako. Makapagsulat na nga lang, kailangan pala perfect ang score bukas sa quiz tapos magsasagot pa ng modules at worksheet! Mababaliw na ako, malapit na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD