Brielle'POV
"Which of these statements best describes the purpose of transitional words?" basa ni ma'am sa unang tanong, pagkatapos ay lumabas na sa projector screen 'yong mga pagpipiliang sagot.
Twenty items lahat at masaya naman akong natapos 'yong quiz, sigurado kasi ako sa iba kong sagot.
"Natapos din!" parang nakahingang maluwag na sabi ni Meye sa tabi ko.
Nag-unat pa siya bago tumingin sa harap.
"May mga questions sa quiz niyo na hindi ko pa naituturo sa inyo, so dito natin malalaman kung sino ang nag-aadvance reading sa klaseng 'to."
Kaya pala kahit pigain ko utak ko, hindi pamilyar sa akin. Hinulaan ko na lang tuloy.
Kumuha ako ng isang pirasong cookies sa bag. Grabe, natuyot uyak ko!
"Ang hirap nga, eh." bulong ni Tine.
"Talaga ba?" alam kong nagkukunwari lang siya, kaya sasakyan ko na lang.
"Oo, grabe parang nahihilo ako boi.." humawak pa siya sa sintido niya. "Kailangan ko ng matamis, pahingi ako." sabay hablot niya ng cookies na hawak ko.
Babawiin ko pa sana kaya lang huli na dahil nakain niya na. "Kagabi kapa Tine!" singhal ko sa kaniya.
Natatawang napailing na lang si Meye.
Nakakadami na sakin 'tong babae 'to!
"Parang kulang pa.." kunwaring nanghihina pa na sabi ni Tine, "Pahingi pa, bilis!"
"Ang kapal mo naman! May utang kapang piattos sa akin, angas mo, ha."
Sinara ko na 'yong bag ko, mamaya na nga ako kakain, papansin 'tong Celestine na 'to!
"Okay class, that's for today. You will find out the result of your quiz tomorrow." at umalis na nga si Ma'am Raviz.
Pumunta naman si Vien sa harap. "Absent si Sir. Ras today kaya wala tayong research." anunsyo niya.
Naghiyawan naman 'yong mga classmate ko. Kaniya-kaniyang alis palabas ng classroom.
"Parang may bago naman, lagi namang absent si Sir." si Tine.
Sabagay, minsan nga lang pumasok 'yon.
Bigla naman akong nakaramdam ng uhaw, parang gusto ko ng shake. "Tara canteen!" anyaya ko sa kanila.
Tumingin naman si Meye sa akin. "Gutom ka agad?" gulat na tanong nito.
"Oo, konti lang kinain ko kanina, eh. At saka gusto ko ng shake." sagot ko.
Kasabay kasi namin si Vien mag breakfast kanina, hindi tuloy ako nakakain ng maayos.
"Lakas na naman ng trip nila Vien." bulong ni Tine sa tabi ko, napatingin naman ako sa puwesto ng mga tinutukoy niya.
Oo nga, pinagtritripan na naman kami. Paano ba naman, titingin sa amin tapos tatawa! Mukha ba kaming nakakatawa?
"Nang-iinis lang 'yan." tugon ni Meye habang nagsasagot ng module.
Ngumiti ng nakakaloko si Tine, "Ganun, ha. Tignan natin." lumapit siya sa akin at kunwaring may binulong. Nagulat pa ako ng bigla siyang tumawa ng malakas. Ang lakas pa naman ng boses ng babaeng 'to.
Kahit si Meye tumigil sa ginagawa. "Anong nangyari diyan?" tanong nito sa akin.
"Nababaliw." maiksing sagot ko.
Mukhang effective naman ang ginawa ni Tine dahil nakakunot na 'yong noo nila Kiela ngayon.
"Tawa na rin kayo." pabulong na utos pa nito.
Sapilitan akong tumawa, para makaganti naman kahit papaano kila Vein.
"Pinagtatawanan niyo ba kami?" pasigaw na tanong ni Yassi mula sa puwesto nila.
Konte na lang kaming nasa classroom ngayon, lumabas na kasi 'yong iba.
Masama ang tingin ng grupo ni Vien sa amin, lagi naman silang ganiyan! Hindi naman inaano.
"Paano mo nasabi?" tanong pabalik ni Tine.
Mukhang napikon naman si Yassi, "Ano?"
"Hayaan mo na sila Yas, tignan natin kung makatawa pa kayo, lalo kana." nakangising singit ni Riri. Tumingin muna siya sa akin sabay titig kay Tine.
Parang may binabalak na naman sila.
Hindi naman nagpatinag si Tine, "Arte niyo, ha. Pasalamat nga kayo tinatawanan kayo. Bakit anong gusto niyo iyakan namin kayo?"
Bigla namang sumingit si Vien, "No need, just save your tears." parang may something naman sa sinabi niya. "Let go." anyaya nito sa mga kaibigan niya at umalis na sila ng room.
"Alam mo siraulo ka talaga." natatawang sambit ni Meye nang makaalis na 'yong lima.
"Oh, diba! Pag sila nangtritrip oks lang, pag tayo galit na galit?" sagot ni Tine.
Sabagay, tama naman siya.
At dahil nauuhaw na nga ako, niyaya ko na lang silang pumunta ng canteen. Dalawang oras pa naman bago ang next subject namin.
"Tara, nauuhaw din ako." si Meye.
May kinuha naman si Tine sa bag niya, mga modules. "Mauna na kayo, lalagay ko lang sa locker 'to. Matagal pa naman pasahan, ang bigat sa bag." sambit nito.
"Tapos kana sa lahat?" gulat na tanong ni Meye habang nagliligpit ng gamit.
Tumango naman si Tine, "Oo." sagot nito.
Grabe, sana all talaga! Ako nga wala pang nauumpisahan, eh.
Gusto ko sana mangopya kaya lang nakakahiya at baka magkautang na loob pa ako sa babaeng 'to.
"Nice naman." si Meye.
Nang matapos siya sa pagliligpit ay umalis na kami. Gusto ko na talaga ng shake.
Namimiss ko na tuloy kumain ng saging con yelo, wala kasing tinda rito.
***
Celestine'POV
Papunta na ako sa locker namin. Sa wakas mababawasan na rin ang dinadala ko.
Malapit na ako ng may bumangga sa akin, oo! Literal na bumangga dahil sinadya.
Nalaglag tuloy 'yong ibang dala ko.
"Hindi kasi tumingin sa dinadaanan, eh." maarteng sabi ng bumangga sa akin.
Ako pa talaga ang hindi tumitingin, ha?
"Sorry." maiksing tugon ko, baka hindi ako makapagpigil mahampas ko ng modules 'to!
Tumawa naman sila. Tatlo silang nasa harap ko ngayon, "Hindi mo ba kami naaalala?" 'yong babaeng kulot ang buhok.
Tinignan ko naman siya, "Sinuka ka?" tanong ko. Kumunot naman noo niya, "I mean, sino ka ba?" paglilinaw ko. Sana hindi niya nagets.
"Oh my god, nang-iinis kaba? Levi, tell them kung sino ako!" sigaw nung nasa gitna.
Napapikit naman ako sa boses niya, ang tining.
"Siya si Bubbles, ako si Levi."
"I am Kesha." 'yong mapula ang labi.
"At kami ang leader ng P4 fansclub." proud na sabi ng Bubbles 'yong pangalan.
Napangiwi naman ako. Ito na naman po tayo sa korning grupo ng Presome High!
Bigla ko naman silang naalala, sila pala 'yong feeling bitchesa na sumugod sa amin last time.
Anong kailangan ng mga 'to?
"Oh, tapos?" pang-aasar ko.
Tumawa muna 'yong Bubbles bago ako tinignan ng masama. "Matuto kayong rumespeto lalo na sa P4, hindi niyo alam kung sinong binabangga niyo! Walang kapatawaran ang pamamahiyang ginawa niyo sa kanila kaya hindi namin kayo mapapatawad." puno ng hinanakit na sabi nito.
Gusto ko sanang tumawa kaya lang baka pagtulungan nila ako, kaya tumango na lang ako bilang sagot.
"Bago lang kayo dito kaya matuto kayong lumugar." dagdag ni Kesha 'yong name.
"Tara na girls." anyaya ni Bubbles kaya lumayas na sila sa harap ko.
Parang silang tanga sa totoo lang.
Dumiresto na lang ako sa locker ko, papalapit pa lang ako ng mapatingin ako sa sahig.
"Ano 'to?" nasabi ko na lang ng makitang may mga punit na papel sa sahig.
Bigla akong kinabahan kaya agad kong binuksan 'yong locker ko, nanlumo naman ako sa bumungad sa akin.
Halos lahat ng libro ko punit na! Tangna!
Napatingin naman ako sa locker ni Brie, wala na 'tong padlock. Agad ko 'tong binuksan at tulad ng akin, halos lahat din ng gamit niya punit na!
May nalaglag namang itim na notebook sa lapag, 'yong binigay ng mama niya sa kaniya sira na rin.
Tinignan ko rin 'yong locker ni Meye, wala na rin itong padlock.
Nilibot ko 'yong paningin ko sa paligid, sa lahat ng locker dito, sa amin lang ang sinira!
Bwaka ng ina shet naman, oh!
"Si Kiela." kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya ng maalalang kong siya pala ang nagbigay ng susi sa amin,kaya sure akong may duplicate siya!
Kaya sigurado akong siya rin ang may kasalanan nito.
Agad akong dumiretso sa canteen, alam kong doon sila pupunta. Tuwing naiisip ko 'yong itsura ng mga libro ko gusto kong umiyak sa inis!
Humanda ka talaga sa aking Kiela ka.
Pagpasok sa canteen, mukha niya kaagad ang hinanap ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Brie pero hindi ko siya pinansin.
Nasa bandang gitna sila kaya nakita ko agad.
Nakayukom ang kamao ko habang papalapit sa puwesto nila Kiela. "Ano bang problema mo?" pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Halata sa mukha nila ang gulat. Kumakain kasi sila ngayon.
"What?" nagtatakang tanong ni Kiela.
"Bakit pati mga gamit ko kailangan mong idamay, ha?!" hindi ko na napigilan 'yong sarili kong magtaas ng boses.
Inirapan niya naman ako, "What are you talking about?" nainis naman ako sa sagot niya.
Sarkastik akong tumawa. "Wow, ha! Ikaw nagbigay nito sa amin diba?" binato ko sa kaniya 'yong susi ng locker ko.
Tumama 'to sa balikat niya kaya mukhang nasaktan siya, "How dare you!" napatayo pa siya sa kinauupuan niya.
"Oh my god." 'yong Reighly.
"Hindi ka ba nabinyagan kaya ganiyan kalakas ng trip mo?"
Isang ngisi naman ang binigay niya sa akin. "So pinagbibintangan mo akong sumira ng gamit mo?"
"Bakit hindi ba?" nagbabatuhan lang kaming dalawa ng tanong.
"Ano bang mapapala ko kung sisirain ko ang mga gamit mo? I won't waste my time for that, and hindi ako childish para gawin ang sinasabi mo. Kung may sisirain man ako, hindi ang gamit mo..." ngumisi siya. "Kundi mukha mo."
Natawa naman ako, 'yong tawang nang-aasar. "Edi sana nga ganun na lang ginawa mo, hindi 'yong gamit ko sisirain mo!"
Magsasalita pa sana si Kiela ng pigilan siya ni Vien. "What do you think you're doing?" seryosong tanong nito.
Tinignan ko siya ng masama. "Bakit hindi mo sabihin sa kaibigan mo 'yan." sabay baling ko kay Kiela na sobrang sama ng tingin sa akin.
"Tine." si Meye, nasa likod ko na pala sila.
"Ang ayoko sa lahat pinapakealaman ang gamit ko.. pero kayo hindi niyo lang pinakealaman sinira niyo pa!" sigaw ko sa sobrang inis.
Nagsimula ng magbulungan 'yong ibang estudyanteng kumakain.
"P'wede ba, wag mong dalhin sa university na 'to ang pagiging squamy mo. Mahiya ka naman sa nagpapaaral sa'yo."
Natigilan naman ako sa sinabi ni Vien, alam kong si papu ang tinutukoy niya.
Pakiramdam ko napahiya ako, kahit na kami lang lang nakaalam kung anong ibig niyang sabihin.
Kaya kahit nanggigil ako ngayon, agad akong umalis sa canteen.
May araw ka rin sa aking Kiela ka.
"Hoy, tine!" tawag ni Meye sa akin. "Ano bang nangyari?" nagtatakang tanong nito.
Bumuntong hininga muna ako. "Boset! Tangna, paano ko mapapalitan lahat 'yon? Nakakainis."
"Napano ka?" si Brie.
"Pumunta kayo sa locker niyo para malaman niyo." sagot ko, pagtapos ay iniwan na sila.
Dumiretso ako sa locker ko. Nakakapanghina ng tuhod, walong libro lahat ang nasira.
Anong gagawin ko ngayon?
"B-bakit ganiyan 'yan?" gulat na tanong ni Brie. Sumunod pala 'yong dalawa sa akin.
"Sino gumawa nito?" nakita na rin kasi ni Meye ang nangyari sa mga gamit niya.
"Iyong notebook ko? Bakit sira na 'to?" rinig ko namang tanong ni Brie.
Hindi ko na sila sinagot. Dinampot ko na lang 'yong mga piraso ng libro kong nagkalat, nilagay ko lahat sa loob ng locker ko at padabog itong sinara.
Nakakakulo ng dugo! Kung hindi lang dahil kay papu, papakain ko kay Kiela 'yong susi ko!
"Tangna." mura ni Meye, hindi ko siya masisisi.
Tumango na lang ako, alam kong dahil sa notebook na binigay ng mama niya.
Nakakagigil talaga boset!
Gusto kong magpahangin, nababadtrip lang ako pag nakikita ko 'yong nangyari.
Kailangan ko mag-isip kung paano mapapalitan 'yong mga nasira.
Naglakad-lakad ako, hindi ko namalayang malapit na pala ako sa main gate ng university.
Ngayon lang ako nakapunta dito dahil lagi kami sa parking dumadaan papasok at palabas ng university.
Parang nagliwanag 'yong paningin ko dahil sa nakita ko, kwek-kwek!
May nakita kasi akong nagtitinda ng mga kikiam sa labas ng gate.
"Kuya p'wedeng lumabas?" tanong ko kay kuyang guard.
"Oo, 'yong ID mo." sagot nito.
Medyo hindi ko gets. "Ano po?"
Napakamot naman si kuya ng ulo. "Bago ka siguro dito. P'wede kang lumabas basta iwanan mo ang ID mo rito."
Napangiti naman ako. Medyo nawala na 'yong badtrip na nararamdaman ko kanina.
Binigay ko 'yong ID ko, nahiya pa ako dahil ang pangit ko sa picture. Bahala na.
Agad akong lumapit kay kuyang nagtitinda, buti may nagtitinda ng ganito dito.
Sa wakas, namimiss ko na kasing kumain ng ganito. P'wede pala lumabas, eh, di ako updated.
"Kuya pabili nga po." nakangiting sabi ko.
Mukhang nagulat naman si kuya, "Oh, paalis na sana ako buti naabutan mo ako."
Buti na lang talaga. Binigyan ako ni kuya ng cup. Kumuha ako ng limang kwek-kwek, sampung kikiam at sampung fishball. Nanghingi pa ako ng isang cup dahil hindi na kasya.
"Buti pala naabutan kita kuya, akala ko pa naman hindi na ako makakain ulit ng ganito." feeling close na sabi ko.
Tumawa naman si kuya. "Matagal na akong dumadaan dito, may suki kasi ako na estudyante dito." turo niya sa school na pinapasukan ko.
Nagulat naman ako. "Talaga po? Akala ko puro maarte lang nag-aaral diyan, kasi alam niyo na mga mayayaman." masasama ang ugali, katulad na lang nila Vien.
"Edi maarte ka rin pala kasi diyan ka nag-aaral." biro ni kuya.
Natawa naman ako. "Diyan lang ako nag-aaral pero hindi ako mayaman kuya." gusto ko sanang i-kuwento ang buhay ko kaya lang masyadong madrama.
"Sabagay, hindi ka naman mukhang mayaman." wow,ha. Grabe si kuya! Takbuhan ko kaya 'to. "Napakasimple mo lang kasi." dagdag naman niya. Buti na lang may pahabol ka.
May tip 'to sa akin si kuya mamaya.
"Iyong suki mo po ba binibigyan ka ng tip?" alam ko walang nag-aaral sa presome na hindi mayaman, kahit scholarship nila may tuition din. Kaya sigurado akong mayaman 'yong suki ni kuya.
"Oo naman, binabayaran niya 'yong kinikita ko sa isang araw tapos nagbibigay pa siya ng sobra." halata sa boses ni kuya 'yong tuwa.
Suwerte pala ni kuya, magtinda na rin kaya ako ng street foods sa loob.
"Mabait pala 'yong suki mo." tugon ko.
"Oo naman. Mamaya pa nga sana ako pupunta dito, may dinaanan lang ako sa malapit."
Tumango naman ako. "Buti na lang talaga kuya, badtrip pa naman ako kanina." naalala ko na naman. "Ito po pala bayad, keep the change na lang kuya." binigyan ko siyang limang daan.
"Salamat neng. Buena mano ka ngayong umaga." napangiti naman ako.
Paalis na sana ako ng may makalimutan akong itanong, "Kuya, anong oras ka pala tumatambay dito?"
"Ala-una ng hapon, andito na ako." sagot nito.
Vacant namin 'yon, ha. Kung suswertehin nga naman, oh. Nagpaalam na ako, malapit na kasi ang next subject ko.
***
Vien'POV
"Are you okay?"
"I hate her! Nakita mo ba 'yong ginawa sa akin ng babaeng 'yon Vien?" angil ni Kiela.
Even me, naiinis pa rin ako dahil sa ginawa ng Celestine na 'yon. She don't have any right para batuhin si Kiela na ganun.
"About what she said, is that true?" I asked her calmly.
"Of course not! Hindi ko nga alam kung anong gamit ang sinasabi niya, she's getting into my nerves." wala namang problema kung siya ang may gawa, but I know her.
Kiela is telling the truth. Mas lalo tuloy akong naiinis sa babaeng 'yon!
Napatingin naman ako kila Riri, "Kayo ba ang may gawa?" tanong ko sa kanila.
Naalala ko kasi 'yong sinabi nila sa SC room.
"No, I'm shocked nga rin, eh. She is so freak talaga." si Reighly.
"Oo nga, eh. Batuhin ba naman niya ng susi si Kiela, buti na lang hindi tumama sa mukha niya." komento naman ni Yassi.
"I told you Vien, maraming galit sa mga half sist--"
"Riri." awat ko bago niya pa matuloy ang sasabihin niya.
Nasa cafeteria pa naman kami ngayon at dahil sa nangyari nasa amin ang atensyon ng mga estudyante.
"Ops, sorry. Nakakainis kasi. I'm sure, 'yong mga ibang galit sa kanila ang gumawa niyan then si Kiela ang nasisi." sambit ni Riri.
"Humanda talaga siya sa akin." seryosong sabi ni Kiela sa tabi ko.
Well, wala akong pakealam kahit ano pang gawin niya sa mga 'yon.
Kung hindi lang dahil kay papu, ako na mismo ang babawi para kay Kiela.
"Where's Devin pala?" pag-iiba ni Reighly.
"May practice sila ngayon." sagot ko.
"Hindi mo ba sinabing wala tayong klase ngayon?" tanong ni Kiela sa akin.
Umiling ako. "Alam ko kasing makakasabay natin dito 'yong mga babaeng 'yon. Ayokong makita nila na kasama ko si Devin."
"But why naman?"
"Reighly ayokong gamitin nila 'yon against me."
"What do you mean?" si Riri naman 'yong nagtanong.
"Hindi pa rin alam ni tito ang about sa inyo."
Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni Kiela. "Yes." maiksing sagot ko.
Kaya ayokong makita nila kaming magkasama ni Devin, baka magsumbong sila kay papu.
Ayokong ako ang siraan nila kay papu, sila dapat ang masira! Para umalis na sila sa buhay ko, pati mga kaibigan ko nadadamay na dahil sa mga basurang ugali nila.
"Kaya pala naging mailap kana kay Devin simula ng dumating ang mga 'yon." napatingin ako kay Yassi.
"Nag-iingat lang ako." correction ko. "At ayokong madamay si Devin sa gulo ng pamilya ko."
"Yes, tama lang 'yong ginawa mo." napangiti naman ako kahit papaano sa pag agree ni Kiela.
I'm happy na naiintindihan niya ako kahit paano.
"Do you think it's not unfair kay Devin, kasi you keep secret sa kaniya." nawala 'yong ngiti ko, may point si Reighly.
Napasinghap ako. "I know what I'm doing. Alam kong he loves me enough para maintindihan niya someday kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya agad."
Sasabihin ko rin naman pag umalis na sa buhay ko 'yong tatlo na 'yon.
Napunta ang atensyon namin kay Kiela ng tumunog ang cellphone niya.
Taranta siyang tumingin sa amin, "Hmm, I need to go somewhere. Kita na lang tayo sa room."
Nagkatinginan naman kami nila Riri.
Ngumiti ako. "Okay, see you later." At umalis na siya.
"She's so inlove na talaga." masayang sabi ni Riri napangiti naman ako.
"Do you know that guy?" tanong ko.
Nagtataka namang tumingin si Riri sa akin,"Sino?"
"Si Dennis." diretsong sagot ko.
"We don't know either, curious nga rin ako."
Natawa na lang ako, this is the first time na naglihim siya. So confirm inlove na nga siya.