Chapter nine

3504 Words
Meyesha'POV "Salamat pala." pasasalamat ko kay Eunice, isa sa kaklase namin. Hiningi ko kasi 'yong listahan ng mga libro sa bawat subject namin. Ngumiti naman siya. "No problem, sa retail kayo pumunta kumpleto sila ng school supplies doon." Tumango na lang ako, pagkatapos ay umalis na siya. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa nangyari sa mga libro ko. Hindi ko pa nga nababasa lahat tapos sisirain lang nila ng ganun? Kahit gusto kong sugurin si Kiela, pinipigilan ko lang 'yong sarili ko. Una, wala kaming pruweba depende na lang kung nakita ni Tine. Kaya lang hindi kami sigurado dahil bigla na lang siyang nawala. Pangalawa, baka magkagulo lang at lagot na naman kami kay papu. "Brie, okay ka lang?" alam kong hindi siya okay, gusto ko lang siyang kamustahin. Isang tango lang ang sinagot niya sa akin. Kung may mas badtrip ngayon alam kong si Brie, 'yon. Hindi lang basta libro ang nasira sa kaniya pati na rin 'yong notebook na bigay ng mama niya. "Ngayon na lang ba tayo bili o mamaya na lang?" tanong ko sa kaniya. "Ngayon na lang." maiksing sagot niya. Tumango na lang ako at nagsimula ng maglakad. Nakasunod lang siya sa akin. At kung mamalasin ka nga naman, kami na nga 'yong umiiwas bakit parang siya pa 'yong kusang lumalapit? Nakangiti sa harap namin si Kiela ngayon. "Brie." hinawakan ko pa siya sa kamay, akmang lalapitan kasi niya si Kiela. "Don't tell me pagbibintangan niyo rin ako sa bagay na hindi ko naman alam." halata sa boses niya ang pang-aasar. Napasinghap naman ako, "Sana lang talaga wala kang alam." seryosong sabi ko. "And why? Anong gagawin mo sa akin?" Nang-iinis ba talaga siya? "Ang kapal mo talaga!" singhal ni Brie dito. Tinignan naman siya ni Kiela ng masama, "Ako pa talaga ang makapal? Sino ba ang nambibintang without any evidence?" "Evidence? Eh, obvious naman!" bakas sa boses ni Brie ang gigil. "You're just wasting my time. Hindi ko naman siguro responsibility na mag-explain sa inyo dahil wala akong ginagawang masama." Napairap na lang ako, bakit parang nang-aasar lang siya? Iisipin ko na talaga na totoo mga bintang namin sa kaniya. "Talaga ba? Di bagay sa'yo!" tugon ni Brie. "Feeling anghel ka?" dagdag pa nito. "Remove the word feeling, because I am." nakangiti pa siya ng nakakaloko. "President ako ng student council bakit ko naman sisirain ang image ko para lang sa mga walang kwentang katulad niyo." Pinapanuod ko lang sila ni Brie. "Kaya pala nakikipaghalikan ka sa banyo ng mga babae. Sabi ng mama ko, mga gumagawa lang ng ganung bagay ay 'yong mga walang hiya sa katawan." nagulat ako sa mga lumabas sa bibig ni Brie. "So anong tawag mo sa sarili mo ngayon? Anghel na maitim ang pakpak ganun?" mukhang galit na nga siya. Naalala ko tuloy 'yong kuwento ni Brie tungkol kay Kiela. Mukhang hindi naman nagustuhan ni Kiela ang mga sinabi ni Brie. "W-what did you say?" hindi makapaniwalang tanong nito. "How dare you!" akmang susugod na siya.. "Sige! Sabayan mo ang inis ko ngayon Kiela, papatulan talaga kita." Natigilan naman si Kiela, alam kong galit na siya dahil sa pamumula ng mukha niya. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ni Brie, tama lang naman sa kaniya 'yan. Para namang baliw na tumawa si Kiela bago kami tinignan ng masama si Brie. "Tandaan mo 'yang mga sinabi mo." parang nambabantang sabi nito bago umalis. Lumapit ako kay Brie, "Ginulat mo ako, ha." "Kulang pa sa kaniya 'yon, at least ako nagsasabi ng totoo!" "Kahit naman siguro pigain natin siya, hindi 'yon aamin sa ginawa niya." Nagsimula na kaming maglakad. Nasa building one ang retail store, nakita ko 'to nang naglibot ako dito sa school nakaraan lang. Nang makarating, agad kaming pumasok sa loob. Hindi ko mapigilang mamangha, mas maganda pa siya sa national book store. May mga estudyante rin na namimili. Lumapit ako sa isang staff nila, "Hmm, excuse me po. Saan po makikita 'to?" pinakita ko 'yong listahan na hawak ko. Ngumiti muna siya, "Sa book station 'yan, diretso ka then liko sa kanan may makikita kang glass door pumasok ka lang." Nagpasalamat naman ako at pumunta agad sa direksyon na sinabi ng staff, hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad. "Meye." tawag ni Brie sa akin bago pa ako makapasok sa glass door. Nilingon ko siya, "Bakit?" nakabusangot pa rin ang mukha niya. "Magbabanyo lang ako, antayin na lang kita sa labas." paalam niya sa akin. Tumango na lang ako at umalis na siya. Ang ganda at ang laki naman dito, ang daming libro. Kahit siguro hindi ka book lover magugustuhan mo 'to. Mayaman nga talaga ang presome high, sino kaya ang may-ari ng school na 'to? Sixteen libro 'to lahat kaya kinailangan ko pang kumuha ng basket. Bigla ko namang naisip si Tine, nasaan kaya siya? Isabay ko na lang ba siya sa pagbili? Sige na nga, para makabawi ako sa pagpapahiram niya ng notes sa akin. Bali twenty-four na libro ang bibilhin ko,kaya ko bang dalhin lahat 'yon? Bahala na nga! *** Brielle'POV Nasaan ba banyo dito? Bakit kasi ang laki ng university na 'to, ang hirap tuloy maghanap. Hindi naman ako naiihi o natatae, gusto ko lang maghilamos. Naiinis pa rin kasi ako sa Kiela na 'yon! Iniingatan ko nga 'yong notebook na 'yon tapos pupunitin lang ng ganun? Namimiss ko tuloy si mama. Paliko na sana ako ng biglang may sumulpot ng kung sino sa harap ko. Sa sobrang gulat nahampas ko tuloy sa mukha. Sino ba 'tong kupal na 'to? "Ikaw?" sambit ko ng makilala kung sino ang nasa harap ko ngayon. Boyfriend ni Kiela 'to ha! "Ouch! My eyes!" daing nito habang nakatakip ang mga palad niya sa kaniyang mata. "Ikaw kasi, eh! Bakit ba bigla kana lang sumulpot diyan?Anong trip mo?" Boyfriend 'to ni Kiela kaya sigurado akong pinagtritripan ako nito! Aalis na sana ako ng dumaing na naman siya, ramdam ko sa boses niya 'yong sakit. Baka tumama 'yong kuko ko sa mata niya? Medyo mahaba pa naman mga kuko ko. Ano ba naman 'yan! Puro problema na lang! "Damn, ang sakit sobra!" napapasigaw na siya kaya nagsimula na akong mataranta. Sinilip ko pa 'yong mata niya, "Kasalanan mo naman 'yan, eh! Bat kasi ang papansin mo." "Can you just help me? argh! This is so f*****g hurt!" Mukhang nagsasabi nga siya ng totoo, english na salita niya, eh. "A-ano bang gagawin ko? Ano ba 'yan! Baka nangtritrip ka lang, ha? Baka inutusan ka lang ng girlfriend mo!" paninigurado ko. "I'm f*****g serious! Bakit kasi nanghampas ka sa mukha? Ang sakit ng kuko mo!" Napakagat na lang ako ng labi. Tama nga ako, mukhang natusok ko 'yong mata niya. "Ikaw kasi, eh! Ano bang gusto mong gawin ko? Dalhin kita clinic? Ospital? Ano ba!" "You're so cute." tugon nito. Natigilan ako, "A-ano? Sabi na, eh! Nangtritrip ka lang!" ano pa bang aasahan ko? Boyfriend ni Kiela 'to, kaya malamang inutusan niyang pagtripan ako. Tusukin ko kaya ulit mata nito! "No, masakit talaga. Hipan mo na lang 'yong mata ko!" utos nito. Hipan? Napanganga naman ako. Gusto 'ata nitong makalbo ako ni Kiela, paano pag may nakakita sa amin. Baliw ba 'to? "Ayoko nga! Aalis na ako!" akmang aalis na ako ng hawakan niya 'yong braso ko. Dahil wala ng nakatakip sa mata niya, nakita ko ang pamumula nito. Shet, mukhang nasaktan ko nga siya! "Please, masakit talaga." nakapikit na sabi nito. Bigla naman akong nakonsensya. Ihip lang naman diba? Wala naman kaming gagawing masama, nakakainis naman talaga! "O-oo na!" bahala na nga. "Yumuko ka para maabot ko." utos ko rito. Ang tangkad kasi ng lalaking 'to. Tumingin muna ako sa paligid, wala naman akong gagawing masama, bakit ba! Siguro kasi boyfriend ni Kiela 'to. Yumuko na siya, kapantay na ng mukha niya ang mukha ko. Ano ba 'tong ginagawa ko? Nakakailang naman. First time ko maging ganito kalapit sa lalaki, sabagay may kasalanan din naman ako. Sinimulan ko ng hipan 'yong mata niya, nag toothbrush ba ako kanina? Bahala na nga. Hihipan ko sana ulit ng bigla niyang kinuha ang dalawang kamay ko sabay lagay sa pisngi niya. Nilapit niya pa ng konti 'yong mukha niya sa akin, para tuloy kami magki--- yak! Kaagad ko siyang tinulak. "A-ano ba! Nahipan ko na 'yong mata mo, aalis na ako." inis kong sabi. Bagay talaga sila ni Kiela, parehong nakakabadtrip! Hindi ko na siya inantay na sumagot pa, nakakainis! Bakit ba ako naniwala sa kupal na lalaking 'yon? Bigla kong naalala si Meye, oo nga pala! Baka malate na kami sa next subject namin, mabilis akong naglakad pabalik sa retail. Naabutan ko naman siyang nakatayo sa labas habang may dalang maraming libro. Bakit parang ang dami naman niyan. "Kanina kapa?" bungad ko sa kaniya. Umiling naman siya, "Hindi naman." sagot nito. Kinuha ko 'yong dalawang paper bag na nasa sahig. "Bakit parang ang dami nito?" "Binilhan ko na rin si Tine, sisingilin ko na lang siya mamaya." Oo nga pala, nasaan kaya si Tine? Iyong bayad ko pala, buti na lang may ipon akong pera galing sa mga allowance na binibigay ni papu. "Magkano pala 'yong akin?" tanong ko. Binigay ni Meye 'yong resibo sa akin. Nagulat naman ako sa presyo, ang mahal naman pala. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay kay Meye, "Ito, oh. Sayo na sukli." nakakahiya naman kasi sa kaniya, siya pa bumili. "Salamat." tugon niya. "Oo nga pala, oh." may inabot siya sa aking maliit na paper bag. Binuksan ko naman 'to. Nagulat naman ako sa laman. "Luh, kaparehas ng notebook na binigay ni mama." "Oo, nakita ko lang kanina nung magbabayad na ako. Hindi ko sure kung ganiyan na ganiyan talaga 'yon." Napangiti naman ako. "Salamat, Meye." "Tara na, baka malate na tayo." anyaya niya at nagsimula na kaming maglakad. Papunta na kami sa building namin ng makasabay namin si Tine, may dala siyang plastic cup na may laman na kung ano. Nakita niya naman kami kaya lumapit siya sa amin. "Ano 'yang dala niyo?" tanong niya. Mukang okay na siya. Napatingin naman ako sa dala niya, "Kwek-kwek 'yan, ha!" bigla akong natakam. Kumuha siya ng piraso at sumubo sa harap ko, "Gusto mo?" nang-iinggit pa siya. May kikiam din at fish ball! "Sa'yo na." kunwaring wala akong pakealam. "Saan mo binili 'yan?" si Meye. "Diyan lang sa labas." sagot nito. "Saan galing 'yan?" biglang lumiwanag ang mata niya sa mga librong hawak namin. Kinuha ni Meye 'yong dalawa paper bag at inabot kay Tine, "Eight thousand lahat 'yan." Nagulat naman si Tine. "Ang mahal naman." "Pasalamat kana lang at nakahanap tayo agad." sagot ni Meye. "Sabihin mo magsara na sila " nagulat naman ako ng iabot niya sa akin 'yong cup na hawak niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano 'to?" "Pagkain malamang.Ayaw mo?" Ngumiti ako. "Syempre gusto." "Bayad na ako, ha." "Hoy, kapal mo! Magkano lang 'to." napasigaw pa ako dahil agad siyang umalis. Natawa naman si Meye, "Para kayong tanga." "Gusto mo?" alok ko sa kaniya. Para naman makabawi ako sa mga ginawa niya ngayon. Hindi siya sumagot, kinuha niya 'yong stick at kumuha sa baso." Sarap, ha. Namiss ko 'to, salamat." tapos ay binalik niya 'yong stick. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na lang ako. Napangiti naman ako ng matikman 'yong kwek-kwek na bigay ni Tine. Grabe, sobrang namiss ko kumain nito! Saan kaya niya nabili 'to? Wala naman akong nakitang tindang ganito dito. *** Celestine'POV Masamang tingin ang binigay ko kay Kiela ng makabalik kami sa classroom. Dala ko 'yong librong binili ni Meye, naiinis pa rin ako pag naiisip ko 'yong nangyari! Kailangan ko pa ngayong magbayad ng malaki, buti na lang talaga nag-iipon ako. Sarap kutosan sa utak ng babaeng 'to!Daming pagtritripan mga libro ko pa! Lakas ng sapi. Kung iniisip niyong bintangera ako? edi wow! Malakas talaga kutob kong siya may kasalanan. Umupo na ako sa upuan ko. Nagsimula ng magturo si ma'am, simpleng lesson hanggang matapos ang klase niya. Ganun din ang nangyari sa mga susunod pa naming subject, lesson dito,lesson doon at walang katapusang lesson! syempre naintindihan ko naman. Wala na kaming vacant dahil sa accounting subject namin na nag-extend ng oras. May natirang sampung minuto pero hindi na kami lumabas pa para kumain. Baka wala pa kami sa canteen time na. Sa bahay na lang ako kakain, malaki rin ang gastos ko ngayon, kailangan magtipid. "Ang bigat naman." reklamo ni Brie, naglalakd na kami ngayon papuntang parking. Isang buwan na ang lumilipas pero hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas sa buong school na magkakapatid kami. Lupet 'no Sabagay, Vien pa ba? Reyna 'yon dito, hindi 'yon papayag na mapahiya siya. Kung ako lang din naman, wag na sanang lumabas ang totoo tungkol sa amin. Mas okay na ako sa ganito, ayoko ng madagdagan pa mga sakit ng ulo ko. "Okay na rin 'yan. Wag na muna natin ilagay sa locker mga gamit natin para sigurado." si Meye. Tama siya, kaya ito kami bitbit ang walong libro na ang bibigat. Sanay naman na ako, ewan ko lang sa dalawang 'to. "Papansin kasi 'yong Kiela na 'yon." gigil na naman sa Brie. "Subukan lang talaga niyang ulitin. Pupunitin ko mukha niya! Guluhin muna buhay mo wag lang gamit ko." kasabihan ko 'yan sa buhay. "Diba Brie?" hinawakan ko pa 'yong buhok niya. Agad naman siyang umiwas."Ano ba." "Arte, ha. Marami ka sigurong kuto o kaya may mukha ka sa likod." biro ko. "Ayoko lang hinawakan buhok ko." Hindi ko na lang siya sinagot. Ilang saglet lang ay dumating na 'yong sasakyan namin, parang service lang HAHAHA. Sumakay na kami. Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan habang umaandar, muni- muni ganun. Nakakamiss naman! Nakita ko kasi 'yong jollibee, mcdo tapos mang-inasal. May seven-eleven pa! Sarap bumaba tapos kainan lahat 'yan. Kung hindi lang nakakahiya sa driver bababa talaga ako. Buhay nga naman, kung kailan may pera na ako, hindi naman ako makakain sa gusto ko. Dati kasi mayaman ako sa libre ng mga kaklase ko pero kapalit ay papakopyahin ko sila ng assignment. Angas naman nila kung hindi ako ililibre, wala na kayang libre sa panahon ngayon. Hindi ko namang namalayang nasa tapat na kami ng mansyon ni papu. "Nagugutom na ako." sambit ni Brie ng makababa kami. Ako rin! Gutom na ako. Nang makapasok sa loob agad akong dumiretso sa kusina,kabisado ko na rin naman mga pasikot-sikot sa bahay na 'to. Syempre nakasunod si Brie sa akin, basta kung saan may pagkain makikita mo siya. "Ma'am nasa dining area po si Sir, pinapapunta po kayo." sabi ni manang sa amin. Nagkatinginan pa kami ni Brie, ang pagkakaalam ko nasa trabaho pa si papu pag ganitong oras. Agad naman kaming pumunta, wala ng bihis bihis gutom na kami! "H-hello po papu." bati ko. "G-good afternoon po." si Brie. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa sariling tatay ko. Parang tanga lang diba? "Umupo n kayo." nakangiting utos nito. Dumating naman si Meye, "Hi po." bati nito. Umupo kaming tatlo. May mga pagkain sa lamesa,grabe nakakagutom! "Wala pa ba si Vien?" tanong ni papu sa mga katulong. "Wala pa po Sir." sagot ng isa sa katulong. Napailing na lang si papu bago siya tumingin sa amin at ngumiti. "Kumain na kayo." Nagsimula na akong kumuha ako ng ulam at kanin, limang klase ng ulam ang nasa lamesa may mga prutas din. "Papu kumain na rin po kayo." anyaya ni Meye. Ngumiti lang si papu. "Okay na ako ng nakikita kayong kumain." sagot nito. "Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na kayo ngayon." bakas sa boses ni papu ang saya. Natigilan naman ako sa pagkain. Ayoko talagang ganito si papu, feeling ko kasi maiiyak ako. "K-kami rin po." sagot ni Brie. "Sayang nga lang at hindi ko kayo nakasama noong mga maliliit pa lang kayo. Kung nalaman ko lang sana ng maaga, kung hindi lang sana ako naging duwag at natakot sa nagawa ko.." Nakaramdaman naman ako ng awa, bakas kasi sa boses niya kung anong nararamdaman niya ngayon. "P-papu.." si Meye. "Don't mind me mga anak, siguro kabayaran na rin 'yon sa mga nagawa ko sa mga mama niyo." Medyo nailang naman ako sa huling sinabi ni papu. Nagiging awkward na kaya nagsalita na ako, kinakabahan pa ako potek. "Papu lahat ng bagay na nangyari dahil may dahilan.Hindi niyo man kami nakasama simula pagkabata dahil naman doon,tignan niyo po bukod sa pagiging maganda at matalino, lumaki kami ng maayos at matatag sa buhay." Parang ang korni ko sa part na 'yan. Natawa naman si papu, kaya nakahinga ako ng maluwag.Kahit sila Brie at Meye nagpipigil ng tawa, mukha ba akong nakakatawa? "Napakasuwerte ko pa rin, kahit na ang dami kong nagawang pagkakamali before binigyan pa rin ako ng mga anak na katulad niyo." proud na sambit nito. Nakakatouch naman! "Papu, hindi na po mahalaga kung ano ang nagawa niyong mali noon. Ang mahalaga kung paano niyo tinatama lahat ngayon." Napatingin naman ako kay Meye, panganay na panganay ang datingan HAHAHA. "O-opo, at least bumabawi po kayo sa amin ngayon." pagsang-ayon naman ni Brie. Kung kanina nakakailang ang sitwasyon,ngayon ang sarap na sa pakiramdam. Ngumingiti na kasi si papu, ang guwapooooo! HAHAHA. "Papu ang guwapo niyo talaga, kaya pala ang ganda namin." nakangiti pa ako niyan, hindi ko napigilian. At tumawa na nga si papu, kaya mas lalo akong napangiti. "HAHAHA,ofcourse mga anak ko kayo." sagot nito. "At hindi lang naman dahil sa akin kung bakit kayo magaganda, syempre magaganda rin ang mama niyo." dagdag pa nito. Parang hindi naman ako makarelate,baby pa lang kasi ako ng iwan ako ni mama kay tita Tonet, kaya malay ko ba kung anong itsura niya. Nakangiti naman 'yong dalawa, lalo na si Brie. Sure naman akong maganda ang ina ko, syempre ganda-ganda ko kaya.Joke. "Kaya pala ang dami namin hehe." biro ko pa. Akala ko maiilang si papu, mukhang natawa naman siya sa sinabi ko. Buti na lang. "By the way, aalis ako for business trip mamayang gabi. Anong gusto niyong pasalubong?" Hindi naman sumagot 'yong dalawa kaya ako na ang sumagot. "Siya lang naman gusto ko pero hindi niya ako gusto." kunwaring malungkot na sabi ko. Kumunot naman ang noo ni papu, "Ano anak? May nagugustuhan kana?" patay. Agad naman akong tumawa. "Joke lang papu, biro lang 'yon. Wala akong crush 'no." sagot ko. Mapapahamak ako sa joke ko na 'to. "Siguraduhin niyo lang. Hindi sa hinihigpitan ko kayo, I just want what's good for all you. P'wede naman kayong magboyfriend pagdating niyo nga lang sa college" paalala ni papu. Napakagat naman ako ng labi.Strict pala si papu. "O-opo naman, joke lang 'yon papu. No boyfriend since birth kaya ako." proud ako niyan, at totoo naman kasi. Walang lugar ang boyfriend sa buhay ko. "That's good." parang nakahinga naman ng maluwag si papu. "Anong gusto niyo? Anything sabihin niyo lang." Anything daw,eh. Ano kaya? Tumingin ako kay Brie na kumakain ngayon, "Papu, pagkain lang daw kay Brie. Tapos kay Meye isang dosenang greatest white." nakangiting sabi ko. Nagtinginan naman 'yong dalawa sa akin. Napansin ko kasing mahilig sa kape si Meye, bawat kain kasi namin sa canteen lagi siyang may order na kape. "Wag po kayong maniwala kay Tine." si Brie. "Para kang tanga Tine." tinignan niya pa ko ng masama. "Baliw ka talaga Tine." nahihiyang bulong naman ni Meye, naiilang siyang tumingin kay papu."Kahit naman po ano, okay lang." Tinawanan ko lang silang dalawa. "Nakakatuwa naman kayo." si papu. "Sana lang makasundo niyo na rin si Vien." natahimik naman kaming tatlo. 'Wag na kayo umasa papu' Gusto ko sanang sabihin 'yan kaya lang ayokong sirain ang masayang moment namin ngayon. "Papu siguro heartthrob kayo noong nag-aaral pa kayo 'no?" pag-iiba ko. Uminom muna si papu ng juice bago timingin sa akin, "What do you think anak?" pacute na tanong nito. Papu niyo feeling bagets! HAHAHA "Oo naman po, guwapo niyo kaya.Nasa dugo na natin 'yan tignan niyo si Vien campus queen sa school namin, maganda na matalino pa kaya lang masama ugali." diretsong tugon ko. Huli na ng marealize ko 'yong huli kong sinabi. "Hoy, baliw 'to." sumenyas pa si Meye sa akin. Ngumuso niya sa likod ko, lumingon naman ako. "Thanks for compliment, ha?" sarcastic na sabi ni Vien, oo si Vien! Nakatayo siya sa likod ko habang masama ang tingin sa amin. Bakit ba kasi ang daldal ko? Kung wala si papu, okay lang kahit marinig ni Vien, pero kasi nako! Ito na naman ang awkward moment. "Anak, join us." anyaya ni papu. Lumapit sa kaniya si Vien para humalik sa pisngi, napansin ko lang ang sweet nilang dalawa. Ngumiti ng pilit si Vien, "Thanks papu, but I'm tired." walang ganang sagot nito. Pagkatapos ay umalis sa dining area. Bigla namang nalungkot si papu, parang kasalanan ko tuloy. Pahamak talaga 'tong bibig na 'to! "B-baka pagod lang po si Vien, president din po kasi siya ng student council sa school." napakagat pa ako ng labi. Ngumiti naman si papu, "Siguro nga." maiksing sagot nito. "Kumain na tayo." at nagpatuloy na nga kami sa pagkain. Nakakainis naman kasi ako, pero mas nakakainis pa ri si Vien syempre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD