Vien'POV
"Goodmorning ma'am Vien." bati ni manang ng makarating ako sa kitchen.
Ngumiti naman ako, "Goodmorning manang."
Kumuha lang ako ng gatas sa ref at sandwich na nakalagay sa kitchen counter pagkatapos ay umalis na.
Sa kotse na lang ako magbrebreakfast, ayokong makasabay 'yong tatlo na 'yon!
Pumunta ako sa garahe at agad na sumakay sa sasakyan ko.
'Napakasuwerte ko pa rin, kahit na ang dami kong nagawang pagkakamali before binigyan pa rin ako ng mga anak na katulad niyo.'
Nahampas ko na lang 'yong manibela sa inis ng maalala ko 'yong scene na naabutan ko yesterday.
He prepared dinner for those three then ako na legal na anak hindi man lang sinabihan?
Tapos ang saya-saya pa nila! Si papu, iniisip niya lang 'yong tatlo but he never care about me.
At 'yong tatlo na 'yon namumuro na sila sa akin, lalo na that Celestine girl! Ang kapal nang mukha niyang siraan ako kay papu. Siya nga 'tong ugaling basura. Akala niya ba papalampasin ko 'yong ginawa niya kay Kiela? Hell no!
I really hate them! I really do!
I start the engine at umalis na.
Masyado pang maaga ng makarating ako sa school, mas okay na 'to kaysa makasama 'yong tatlong babaeng 'yon.
They ruined my day!
Naglalakad na ako ng may makita akong pamilyar na tao,"Devin?" sambit ko.
Galing siya sa building namin, anong ginagawa niya? Nasabi ko ba kaniya na maaga akong papasok today? Never mind.
Nagulat muna siya bago ngumiti ng makita ako, agad siyang lumapit sa akin. "Baby!" bati nito.
I missed him! Sobrang dami ko ng kasalanan sa kaniya, naguguilty na ako. "Namiss kita." I hugged him tightly. "Sorry." dagdag ko pa.
He hugged me back and kiss my forehead. Napangiti naman ako, "Mas miss kita. Kaya nga pinuntahan na kita sa building niyo." malambing na sagot niya.
Kaya pala siya galing sa building namin. Nakakatouch naman, "Paano mo nalaman na maaga akong papasok today?"
"Kiela told me. Nag-aalala na kasi ako sa'yo, masyado kanang busy these days parang nakakalimutan na ako." baka sa boses niya ang pagtatampo.
Ewan, pero ang cute niya.
I pinched his cheek, "Nakapaguwapo mo talaga." I'm so lucky to have him.
Namula naman 'yong pisngi niya, "I know. At napakasuwerte pa dahil may girlfriend akong matalino, mabait na maganda pa." he kissed the pointed of my nose. "I have nothing more to ask for." and finally kissed my lips.
Nakaramdam naman ako ng mahiya ng marealize kong nasa quadrangle kami.
"Baliw ka talaga." nahihiyang tugon ko.
Natawa naman siya, "Baliw sa'yo." sabay kindat.
Napailing na lang ako. "Ewan ko sa'yo."
Since maaga pa naman dumaan muna ako sa SC room, kasama ko pa rin si Devin ngayon.
Naabutan ko naman si Kiela sa desk niya, nagulat pa siya ng makita kami.
"Good morning Kiela." nagbeso kami.
"Good morning." she greeted me back. May inabot siyang folder sa akin."Fyzcine gave it to me, complete list daw ng mga senior high student this year."
Chineck ko naman kung tama ba lahat, "Buti naman, kinukuha na 'to ni Mrs. Ramos, eh."
"Do you want me to do it for you?" prisinta niya.
Ngumiti naman ako. "Thank you, but ako na lang siguro." binuksan ko 'yong drawer ko at nilagay 'yong folder. Mamaya ko na lang ibibigay.
Kinalabit naman ako ni Devin kaya napalingon ako, "Baby, I need to go now. Pinapatawag na kami ni manager, eh. May practice raw."
Tumango muna ako bago ngumiti, "Okay, take care. See you later."
Nagdadalawang-isip pa siya kung hahalikan ako, siguro kasi andito si Kiela nahihiya siya, hindi ko tuloy mapigilan matawa.
"Nilalanggam na ako, oh." pabirong bulong ni Kiela. "Kiss mo na, kunwari wala akong nakikita."
Natawa na lang ako, si Devin napakamot na lang sa ulo. Mabilis niya akong hinalikan sa noo pagkatapos ay nagmamadaling umalis.
"Parang sira." kinikilig na bulong ko.
Buo na ulit ang araw ko. I don't know but he always make me happy.
He's literally my vitamin D.
Starting today, babawi na ako sa kaniya. I don't care kahit isumbong pa ako kay papu ng tatlong 'yon!
"Nasa classroom na raw sila Riri, lets go?"
Tumango naman ako. "Tara na." inayos ko lang ng konte 'yong desk ko then umalis na kami.
Nasa classroom na 'yong tatlo ng makarating kami, nagsimula na naman akong makaramdam ng inis. Bakit kasi naging classmate ko pa sila?
Nakipag-beso lang ako kila Riri then umupo na.
Mayamaya lang ay dumating na rin si Ms. Raviz.
Nakangiti siyang pumasok, nagdasal lang kami then pinaupo na niya kami.
"I checked your paper last night and I'm so happy to the result even though only three of you got the perfect score."
"I'm sure kayong dalawa na naman ang nakakuha ng perfect score." bulong ni Yassi sa akin.
"You're so talino talaga, also you Kiela." puri ni Reighly sa amin ni Kiela. "But sino kaya the other one that got perfect score?"
"Oo nga, eh. Si Kiela and Vien lang naman ang matalino rito." sagot naman ni Yassi.
"I'm sure ako 'yan." napatingin naman ako kay Riri, masaya ako kung siya nga sign 'yon na nag-aaral na siya ng mabuti.
Kahit kasi magkakaibigan kami, we don't tolerate cheating lalo na sa mga quizzes and test, bakit? Nasita na kasi kami ng isang teacher namin before about sa pagpapakopya ng sagot kila Yassi, she said hindi raw maganda tignan lalo na at part kami ng student council.
Gusto rin naman naming matuto ang mga kaibigan namin, but we help them if they need. Like sa mga assignment and projects.
"As expected, Ms.Sandoval and Ms. Villaruel got the perfect score." sabay tingin sa direksyon namin, napangiti naman kami ni Kiela. Tumingin siya ulit sa papel na hawak niya. "Who is Ms.Zamora? I'm impressed with her. Please stand up, I want to see you."
Nagkatinginan naman kami nila Kiela. That last name is familiar..
"Oh my god, that Celestine girl." bulalas ni Reighly, napatingin naman kami sa likod kung saan nakaupo 'yong tatlong kinaiinisan ko.
Nakatayo si Celestine, so kaya pala familiar.
"Congratulations you also got the perfect score. Actually, matagal na akong curious malaman kung sino ka, the first time I read your essay alam kong matalino ka. Good job Ms. Zamora." puri ni Ms. Raviz sa kaniya.
Seriously? Matalino? Hindi halata.
"T-thankyou po." nahihiyang sagot nito.
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa inis.
"I thought Riri also got the perfect score." dismayadong sabi ni Reighly.
Napatingin naman ako kay Riri, nakabusangot siya ngayon.
Umasa pa naman siyang isa siya nakakuha ng perfect score. Kumukulo tuloy dugo mk sa Celestine na 'yan, siya rin ang sipsip kay papu at gusto akong siraan!
Natapos ang klase namin na wala na akong naintindihan, I'm totally not in the mood.
Mga buwiset talaga sila buhay ko!
*****
Meyesha'POV
"Galing mo naman Tine." si Brie.
Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen.
"Ako pa ba? Basic. Pahingi chocolate bilis!"
"Sabay ganun, may utang ka pa nga sa akin."
"Hoy, bayad na ako boi."
"Kulang pa bayad mo boi."
Pinapanuod ko lang silang mag bangayan hanggang makarating kami. Marami ng estudyanteng kumakain, buti na lang may puwesto pa sa dulo.
"Ang dami namang tae." sambit ni Tine ng makaupo kami.
Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Anong tae?" tanong ko.
"Tao." maiksing sagot naman nito.
Napailing na lang ako sa kaniya. Daming nalalaman nito. Epekto ba 'to ng pagiging matalino?
"Gutom na ako." reklamo ni Brie.
"Sino o-order?" tanong ko.
Nagugutom na rin kasi ako, gusto kong magkape.
Tinuro ni Brie si Tine, "Si Tine."
"Puro na lang ako, ha.Ikaw naman, ang dami mo laging order. Bigat-bigat pa." angal ni Tine.
Natawa naman ako. Padabog na tumayo si Brie,"Edi ako na." nakabusangot na siya. "Anong order niyo?" tanong nito.
Sinabi namin 'yong mga order namin, pagkatapos ay umalis na si Brie.
Bigla namang tumayo si Tine, "Manggo shake pa pala, wait lang Meye, ha." sabay sunod kay Brie.
Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng kumakain, may mga nahagip pa akong masama ang tingin sa akin at mukhang pinag-uusapan pa ako. Hindi ko na lang sila pinansin.
Mayamaya lang ay biglang umingay sa canteen.
"You are here." boses ng kung sino.
Kaya pala maingay dumating si Dymonyo at ang mga kaibigan niya, kung mamalasin nga naman sa tabing table pa namin sila umupo.
Nanadya ba 'to? Pagtritripan naman siguro ako.
"Hindi ka 'ata narinig fafs HAHAHA."
"Let see Kyle, kung hindi niya ako naririnig." rinig ko pang sabi nito.
Nakatingin lang ako ng diretso kaya hindi ko alam kung anong ginagawa nila.
"Siraulo ka talaga fafs." 'yong Jerk 'ata.
"Ms.Mabaho!!!" napapikit ako sa lakas ng boses ng lalaking 'to! Kung hindi ba naman kupal 'to, sumigaw sa tapat ng tenga ko!
Ms. Mabaho? Ang kapal ng mukha!
Nasa akin na ang atensyon ng mga estudyante ngayon, nagtatawanan pa 'yong iba.
Akala niya papansin ko siya? Manigas siya.
Nakatingin pa rin ako ng diretso. Narinig ko na lang na nagtawanan 'yong mga kasama niya.
Buti na lang dumating na sila Tine dala 'yong order namin.
Mukhang napansin ni Tine 'yong nasa kabilang lamesa. "Grabe, may tae pala dito." mahinang sabi nito, hindi naman narinig ng apat.
"Meye." tawag ni Brie sa akin.
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"Pingtripan kana naman?"
Umiling ako, "Hayaan niyo na." kinuha ko na ang order ko. "Magkano lahat sa akin?" tanong ko.
"600 lahat sa'yo." tugon ni Brie.
Inabot ko sa kaniya 'yong bayad ko.
"Boi may sukli pa ako sayo, ha! Wag kang mautak." sambit ni Tine kay Brie.
"Bayad mo na sa akin 'yon."
"Baka kotongan ko ulo mo."
"Butasin ko ngala-ngala mo."
Napakunot na lang 'yong noo ko sa mga pinagsasabi ng dalawang 'to.
Mukhang close na nga sila.
Kumain na lang ako at hinayaan na silang dalawa mag-sagutan ng kung ano.
Tahimik na kaming kumakain ng biglang dumating 'yong grupo nila Vien, may kasama silang tatlong lalaki.
Nasa bandang likuran kami kaya kitang-kita namin sila. Pumunta sila sa table sa gitna.
"Sino 'yang mga kasama nila?" mahinang tanong ko, sapat na pala marinig ng dalawa kong kasama.
Ngayon ko lang kasi nakita na may mga kasama silang lalaki.
"Baka mga boyfriend nila." ngumunguyang sagot ni Tine."Naalala ko na naman 'yong kwento mo boi." baling nito kay Brie.
"Iyong alin?" kumakaing tanong ni Brie.
"Kay Kiela na maharot at sa boyfriend niya."
Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang kumakain.
"Ah, oo! Kadiri. Pinaalala mo pa."
"Sino 'yong boyfriend ni Kiela sa kanila?" napatingin naman ako sa pwesto nila.
Kumakain sila ngayon habang masayang nagkukuwentuhan.
Napansin ko namang iba 'yong ngiti ni Vien, first time ko siya makitang ganiyan kasaya.
Tumingin naman si Brie. "Iyong lalaking katabi ni Vien, 'yan 'yong boyfriend ni Kiela." tinignan ko naman 'yong tinutukoy ni Brie.
May itsura siya at matangkad pero mukhang play boy ang datingan.
Kaya lang may napansin naman ako. "Boyfriend ni Kiela? Pero bakit si Vien 'yong katabi?"
Nasa kabilang side kasi si Kiela.
"Baka nagsasawa na sila sa isa't isa kaya hindi muna sila nagtabi." seryosong sagot ni Tine.
Sabagay. Pakealam ko ba?
Nagsimula na akong kumain ulit.
"T-teka.." si Brie, para siyang nakakita ng multo.
Nakatitig siya sa pwesto nila Vien kaya napatingin din ako.
Kumunot naman 'yong noo ko sa nakita ko. Seryoso?"Akala ko ba boyfriend ni Kiela 'yan?" naguguluhang tanong ko kay Brie.
Hinalikan kasi ng boyfriend 'daw' ni Kiela si Vien sa harap mismo nito.
Napalingon na rin si Tine, "Share-share ganun?" kahit siya hindi rin makapaniwala.
Para kaming mga bubuyog dito na nagbubulungan.
Bumaling ako kay Brie, "Sure kaba?" tanong ko.
Halata sa mukha niya ang gulat."Hindi ako p'wedeng magkamali. Boyfriend ni Kiela si Devin. Sila 'yong nakita ko noon."
"Baka akala mo lang, medyo matagal na rin nang makita mo sila diba?" may point si Tine.
Umiling naman siya."Hindi ko makakalimutan 'yon, first time ko kaya makakita ng naghahalikan."
Halata naman kay Brie na nagsasabi siya ng totoo.
So ibig sabihin..
"Niloloko ng Devin na 'yon at Kiela si Vien?" sabay na sambit namin ni Tine.
Nagkatinginan pa kami.
"Kailangan malaman ni Vien 'to."
"Tama si Brie! Grabe kahit naman demonyita si Vien, kapatid natin 'yan!" pagsang-ayon ni Tine.
"Hindi. Wag tayong magpadalos-dalos." pigil ko sa kanilang dalawa.
"Nakita ni Brie 'yong nangyari Meye. So hahayaan na lang natin na niloloko siya ng boyfriend niya at ng best friend niya?" medyo napapalakas na boses ni Tine kaya pinatigil ko siya. "Sorry. Naiinis lang ako."
Nagulat naman ako sa reaksyon niya. "Akala ko ba galit ka kay Vien?"
Parang natauhan naman siya. "Oo nga pala, kahit na Meye.. Mukhang tanga naman kasi Vien, niloloko na pala siya ng hindi niya alam."
Bumaling ako kay Brie."Totoo ba talaga 'yong nakita mo?" paninigurado ko.
Tumango si Brie. "Oo naman. Wala namang dahilan para gumawa ako ng kuwento." nagsasabi nga siya ng totoo.
P'wedeng niloloko nga nila si Vien.
Biglang tumayo si Tine. "Exciting naman this! Ano pa inaantay niyo? Sugurin na natin sila manloloko at maharot!" kumuha pa siya ng tinidor.
Para siyang batang excited.
"Wag muna ngayon." seryosong sabi ko.
Tinignan naman ako ni Tine. "Kailan pa? Niloloko na nila si Vien ng harapan Meye, aantayin pa ba nating si Vien mismo makahuli sa kanila ganun?"
Napasinghap naman ako. "Sa tingin mo ba kung sasabihin natin ngayon, maniniwala ba si Vien? Kaibigan niya si Kiela. Baka tayo pa maging masama." pinipigilan kong wag sumigaw kahit naiinis na ako.
Bumalik naman siya sa pagkakaupo, "Oo na, sayang naman. Gusto ko na makitang mag-away si Vien at Kiela para kahit papaano makaganti ako sa babaeng 'yon!"
"Hinaan mo nga boses mo. Baka may makarinig na pinaguusapan natin sila Vien."
Napansin ko kasing nakikinig sa amin 'yong apat sa kabilang lamesa.
Celestine kasing 'to, napalakas ng boses.
"Kung totoo nga na niloloko nila si Vien.." madiing hinawakan ni Tine 'yong tinidor, naningkit ang mga mata niya na parang galit na galit. "Edi good, bahala siya. Masama ugali niya, eh." sabay ngiti ng malapad.
Para talagang baliw 'tong babaeng 'to.
"Kawawa naman si Vien kung ganun." napatingin naman ako kay Brie.
Nakakaawa nga siya pero, ewan! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Uminom na lang ako ng kape, iba 'yong lasa ng kape dito. Ang mahal pa ng presyo, sa amin sampu lang masarap pa.
"Anong kawawa? Mahal niya mga kaibigan niya, eh. Sa sobrang pagmamahal niya pati boyfriend niya minahal na rin ng kaibigan niya." tumaas naman 'yong kilay ko sa sinabi ni Tine. "Di niyo gets? Ako rin, diko gets." dagdag niya pa.
Hindi talaga nakakausap ng matino 'to.
"Tine kumain kana lang." utos ko.
Hindi niya naman ako pinansin.
"Boi, patikim ako ng shake mo." turo nito sa iniinom ni Brie na strawberry shake.
Nilayo naman ni Brie 'yong iniinom niya, "Ayoko nga, may shake ka naman."
"Ang damot mo, ha! Binigyan nga kita ng kwek-kwek kahapon."
"Oo nga pala, saan mo binili 'yon?"
"Painom muna."
Inabot naman ni Brie, "Konti lang, ha."
Humigop naman si Tine ng napakarami kaya nagtalo na naman sila ni Brie.
Natuon ang atensyon ko sa puwesto nila Vien, mukhang siya nga girlfriend ng Devin na 'yon.
Kung tama ang nakita ni Brie, niloloko nga nila si Vien. Kaya lang magagawa ba ni Kiela 'yon, eh, mukhang sa kanilang lima silang dalawa ang masasabi kong sobrang close.
Paano kung totoo nga? Grabe naman pala si Kiela, nagawa niya 'yon sa kaibigan niya.
Sumasakit na ulo ko, siguro kailangan muna namin ng matibay na pruweba.
Bahala na! Galit ako kay Vien pero kapatid ko pa rin siya, siguro iisipin ko na lang si papu.
*****
Celestine'POV
"May thirty-minutes pa, dadaan akong library gusto niyo sumama?" tanong ni Meye.
Kakaalis lang namin sa canteen. Gusto ko pa sanang maki-chismiss kaya lang nag-aya na si Meye, gigil siguro sa nakikita niya.
Ako? Wala me pake, bahala si Vien.
Kung totoo ngang maharot si Kiela,ang sarap niya ngang kalbuhin pero hindi ibig sabihin na naawa ako kay Vien. Pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin? Tinawag pa akong squammy, napahiya ako mga seventy- percent.
Kaya kung ako lang masusunod susumbong na namin kay Vien 'yong nakita ni Brie, exciting talaga 'yon! Saya pa naman makakita ng nag-aaway. Para na rin kahit papaano makaganti ako sa Kielang 'yon.
May point naman kasi si Meye, kung magsusumbong si Brie p'wedeng hindi maniwala si Vien. Kaibigan niya 'yon eh, alangan mas paniwalaan niya kami, kulang na nga lang isumpa kami ng babaeng 'yon.
"Una na lang kayo, naiihi ako." sagot ni Brie.
Bigla naman akong may naisip. "Naiihi rin ako, samahan na kita boi."
Tumango naman si Meye, "Sige, kita na lang tayo sa room mamaya." at umalis na siya.
Nagmamadaling naglakad si Brie, sumunod na lang ako sa kaniya. Mukhang naiihi na nga siya.
Nang makarating sa comfort room, pumasok agad si Brie sa cubicle.
Mema lang naman ako kaya naghugas na lang ako ng kamay, kami lang ang tao rito.
Mayamaya lang lumabas na si Brie.
"Baho naman." biro ko.
"Kahit umihi lang ako?" mataray na sagot nito.
Ang sarap kaasaran nito, palaban HAHAHA.
"Brie.." tawag ko sa pangalan niya. "Kung ako sa'yo sasabihin ko na kay Vien ang nakita ko."
Natigilan naman siya sa ginagawa niya. "Paano pag hindi siya naniwala?"
"Nakita mo naman diba? Depende na lang kung mema ka lang."
Naging seryoso ang mukha niya."Tanga, nakita ko talaga.."
Humarap ako sa kaniya."Edi sabihin mo na. Malay mo ito pa ang maging dahilan para maging okay tayong apat." syempre joke lang, para akong nagsasales-talk kay Brie.
Gusto ko kasi talagang mag-away 'yong dalawang feeling beshy for life na 'yon.
Nagdududa niya akong tinignan."Paano mo naman nasabi?"
"Syempre pag nalaman ni Vien 'yon, magagalit siya kay Kiela at baka magpasalamat pa siya sayo dahil sinabi mo 'yong totoo.. Kung ako kasi si Vien ganun ang mararamdaman ko." nakangiting tugon ko. Para convincing.
Natahimik naman si Brie, "Pero sabi ni Meye kailangan pa natin ng pruweba."
Napapikit na lang ako, "Ano hahayaan na lang natin na niloloko ng dalawang 'yon si Vien? Magkakapatid tayo kaya dapat para tayong wonder pets."
"Wonder pets?" nagtatakang tanong nito.
Seryoso hindi niya alam 'yon? Boring naman ng childhood nito. Lodi ko kaya 'yong tatlong 'yon.
"Anong kailangan? Magtulungan! Anong kailangan? Magtulungan!" kanta ko pa.
Ayan lang kasi alam kong lyrics sa kanta nila.
Diba mukha akong tanga, HAHAHA.
"Eh, baka kasi hindi maniwala si Vien. Tapos sa akin pa magalit."
"Sasamahan naman kita, eh."
"Dinga?" paninigurado niya.
Tumango ako, "Ako bahala, ikaw kawawa."
Tinarayan niya lang ako, "Ayoko na lang."
"Joke lang. Seryoso, gawin natin 'to para kay papu. Stress na 'yon kakaisip kung paano tayo magiging okay." seryoso ako sa part na 'to.
Nagbago naman 'yong reaksyon ng mukha ni Brie, mukhang nalungkot siya sa sinabi ko.
Wow, same vibes!HAHAHA.
Naghugas siya ng kamay, pagkatapos ay humarap sa akin.
"Tara na, sasabihin ko na."
Napangiti ako, sa wakas pumayag din.
Ewan pero bigla akong kinabahan, para kaming susugod si gera. Tapos babarilin ko sa mukha sa Kiela, hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sa libro ko, eh.
Akala niya ba makakalimutan ko 'yon? Ang mahal pa naman ng binayad ko kay Meye, dapat pala sa recto na lang kami bumili mas mura pa.
"Tara na boi." anyaya ko, paano kasi hindi gumagalaw si Brie.
Mukha siyang kinakabahan, "Sama natin si Meye." sambit nito.
"Wag na, hayaan mo na 'yon. Nag-aaral na ng mabuti 'yon kaya nasa library."
"Baka magalit 'yon."
"Edi magalit siya, taralets go na!"
Hinatak ko pa siya para lang sumunod.
Ewa, bakit kinakabahan ako? Excited lang siguro ako.
Pag nag-away sila sisigaw ako ng 'away pangit!'
Pangit ugali ganun, magaganda naman sila. Kahit ako nagagandahan sa kanila, ganun talaga siguro pag mayaman. Kumpleto sa bakuna, ako kasi cute lang HAHAHAHA.
"Tine..." huminto siya sa paglalakad.
"Ano na naman?"
"Natatae ako." sagot nito.
Pinagpapawisan kasi siya.
"Tiisin mo muna, wala na tayong ibang pagkakataon. Baka mamaya umalis na 'yong mga 'yon" sabi ko.
"Eh, kasi.."
Napipikon na ako. "Ano?"
"Paano nga pag hindi siya maniwala?"
Huminga ako ng malalim. "Boi isipin mo na lang 'yong notebook mong sinira ni Kiela, sumosobra na 'yong babaeng 'yon."
Napaisip naman siya, mukhang effective HAHAHAHA.
"Oo na!" inis na siya.
Napangiti ako. Matutuloy na ang away pangit.
At sa wakas nakarating na kami sa canteen, buti na lang andun pa sila Kiela.
Grabe, hindi pa sila tapos kumain? bahala na.
Nasa unahan ko si Brie, tinutulak ko kasi siya.
"Wag ka ngang manulak baka masubsob ako."
"Ang bagal mo kasi, anong oras na, oh."
"Share mo lang." para kaming tanga, pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante.
Mahirap na, baka kasi magdalawang-isip pa 'to.
Nasa harap na kami nila Vien. Nagtatawanan sila at kasama pa rin nila 'yong tatlong lalaki.
Sumenyas ako kay Brie, mukha kasing hindi nila alam na nasa harap nila kami.
"V-vien.." tawag ni Brie.
Halata sa boses niya 'yong takot, bakit naman siya matatakot kung nagsasabi siya ng totoo.
Tumigil sila sa pagtawa at tumingin sa amin, sarap talaga kutosan ng Kiela na 'to.
Mukhang gulat naman 'yong reaksyon ng boyfriend ni Vien.
Devin ba? Devin, dapat Devil na lang.
"Ew, kaya pala biglang i smell something like basura cos you're here." maarteng sabi ni Reighly.
Nakataas pa ang kilay nito, ito na naman po tayo sa conyo girl na 'to.
Natawa naman sila. Hindi na lang namin pinansin, baka lalong magpapansin, eh.
Bumulong ako kay Brie, "Sabihin mo na."
Pinagtitinginan na kasi kami rito.
"Vien, p'wede ba kitang makausap?" mahinahong tanong ni Brie.
Tinignan naman siya ng masama ni Vien.
"What if i don't want? Can't you see I'm eating."
"Mahalaga 'to Vien. Para rin sayo 'tong sasabihin ko."
"Hindi mo ba narinig? Kumakain kami." isa pang epal na si Yassi.
Lumapit naman ako. "Wala kaming pakealam sa inyo. Si Vien ang gusto naming makausap." sagot ko rito.
"Para namang may pakealam din kami sa inyo, umalis na nga kayo." tugon ni Riri.
Sasagutin ko na sana kaya lang inunahan ako ni Brie. "Bakit hindi kayo 'yong umalis. Sagot kayo ng sagot si Vien ba kayo?" gigil na sabi nito.
Natawa naman ako, Brie niyo beast mode na.
Tumigil naman sila pero masama ang tingin sa amin, lalo na si Vien.
Napatingin ako kay Kiela, nakangisi lang siya.
"What do you want?" walang emosyong tanong ni Vien. "My time is precious, so spill it out." dagdag pa nito.
"Sabihin mo na boi." bulong ko ulit, ang bagal kasi ni Brie baka tumunog na 'yong bell.
"T-tungkol sa boyfriend mo at kay Kiela."
Nagtataka namang tinignan ni Vien 'yong dalawa bago masamang tumingin kay Brie.
"What about them?" diretsong tanong nito.
"A-ano kasi.. Nakita ko sila naghahalikan."
Medyo napalakas 'yong boses ni Brie kaya nagsimula ng magbulungan 'yong mga nanunuod sa amin.
Mukhang nagulat naman si Vien kasi tumaas ang kilay niya sabay tingin kay Kiela.
"Anong sinasabi niya?"
Ngumisi naman si Kiela, "Una pinagbintangan niyo ako sa hindi ko naman ginawa, then now you're making story para pag-awayin kami ni Vien?"
Nakaramdam naman ako ng inis, "Alam mo namumuro kana sa akin!" dinuro ko pa siya.
Tumayo si Vien. "Ano na naman ba 'to?"
"Nakita ko sila Vien, niloloko ka nilang dalawa."
"Naririnig mo ba 'yong sinasabi mo?" halata sa boses ni Vien na naiinis na siya. "Ano bang gusto niyo? You want to make a scene para ipahiya ako at ang mga kaibigan ko!" singhal pa nito.
Ako na 'yong sumagot. "Grabe Vien, niloloko kana ng tinatawag mong kaibigan. Tapos 'yang boyfriend mo kapal ng mukha daming kakabitin kaibigan mo pa."
Mukhang hindi niya nagustuhan 'yong sinabi ko tungkol sa boyfriend niya. "Don't you dare talk to my boyfriend like that!"
Tumawa ako ng may halong pang-aasar, "Grabe talaga, pinagtatanggol mo 'yong dalawang taong ginagago ka patalikod?"
"May ebidensya ba kayo?" singit ni Kiela.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya, "Seryoso ka? Eh, alam mo naman sa sarili mo kung anong ginawa mo. Nakita pa kayo ni Brie, hindi pa ba sapat 'yon?"
Natawa naman siya, "At naniwala ka naman sa sinabi niya?"
Nang-aasar ba 'to! "Anong gusto mo maniwala ako sa'yo? Ganda mo naman sobra."
"Baka naman siya ang may ginagawang masama kaya pinapasa niya sa iba."
Kumunot ang noo ko sa sagot ni Kiela, pinagshashabu ng babaeng 'to?
"Nakita ko kayo Kiela, kaya nga akala ko boyfriend mo 'yang lalaki na 'yan!" turo niya kay Devin na hawak si Vien.
Grabe tigas ng mukha!
"Ano bang malay namin kung gumagawa ka ng story, galit ka sa amin ni Vien right?"
Natahimik saglit sa Brie, "O-oo, per--"
"See? Gusto mo lang kaming pag-awayin at dinamay mo pa 'yong boyfriend ni Vien. Hindi ba kayo nahihiya sa mga ginagawa niyo? Mga ugaling basura.. Look at them." turo niya sa mga estudyanteng nanunuod sa amin.
Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to!
"Pinagshashabu mo? P'wede pa Kiela kung si Vien nagagawa mong tanga, kami hindi."
Bigla namang lumapit si Vien sa akin. "Alam mo napupuno na ako sa'yo!"
"Oh, talaga? The feeling is mutual." pang-aasar ko pa. "Kung ayaw mong maniwala, edi wag! Sino ba magmumukhang tanga sa huli. Niloloko kana nga hindi mo pa nakikita."
"Maniwala ka Vien, nakita ko talaga! Naghahalikan sil--"
"Baka ikaw ang lumalandi sa boyfriend ni Vien."
Sarap na talaga sungalngalin nito! Babaliktarin niya pa si Brie, nako talaga Kiela.
"Ang kapal mo! Wag mong ipasa sa akin ang kasalanan mo. Kitang-kita ko kaya kayo!"
Lumapit sa kaniya si Kiela. "Do you have any proof?" Hindi naman nakapagsalita si Brie, "I have one, tignan natin ngayon kung sino ang totoong malandi sa ating dalawa."
Nagsimula na akong magtaka kung anong pinagsasabi ng babaeng 'to.
Nagkatinginan pa kami ni Brie.
"W-what do you mean?" naguguluhang tanong ni Vien, "What do you have?" dagdag nito.
Ngumisi muna si Kiela, "Totoong may umaahas sa boyfriend mo Vien, but not me.." sumenyas siya kay Riri. Kinuha niya 'yong phone na hawak nito at binigay kay Vien, "Sila Riri ang nakakita ng nangyari, buti na lang at nakunan nila ng pic."
Anong pinagsasabi nito? Naguguluhan na ako.
Biglang epal naman si Yassi, "Papunta na sana kami ng comfort room ng oras na 'yan kaya lang nakita naming nilalandi ni Brie si Devin."
A-ano raw? Sabog ba 'to?
"Yeah, she so landi! Devin keep pushing her but she so lapit pa rin ng lapit." dagdag ni Reighly.
Napatingin ako kay Brie, tahimik lang siya pero halata sa mukha niyang gulat din siya sa mga pinagsasabi ng mga 'to.
"That is why, we deiced to took a picture. Sinabi namin kay Kiela ang nakita namin then kinausap namin si Devin about that. Balak nga naming sabihin sayo agad kaya lang kinausap kami ni Devin na huwag ng palakihin dahil ayaw ka niyang mapaaway." kuwento ni Riri.
"Brie anong sinasabi nila?" naguguluhan na kasi ako. "Totoo ba?" ang tahimik niya kasi.
Para namang maiiyak na siya, "H-hindi, hindi ko alam ang sinasabi nila."
Tumayo naman si Devin, "Sorry baby, umamin si Brielle sa akin na gusto niya ako. When I told her na may girlfriend ako.. she tried to kiss me but I pushed her." sinubukan niya pang hawakan ang kamay ni Vien pero umiwas ito.
"A-ang kapal mo! Sinungaling ka! Kayo ni Kiela ang nakita kong naghahalikan!" singhal ni Brie.
Naguguluhan na talaga ako!
Hinablot ko kay Vien 'yong cellphone. Hindi ko na alam kung kanino ako maniniwala.
Picture ni Brie at Devin, nakahawak si Brie sa mga pisngi ni Devin na parang hahalikan niya 'to.
"Brie ginawa mo 'to?" pinakita ko 'yong pic sa kaniya.
Nang makita niya ang pic halata sa mukha niya ang gulat. Bigla siyang lumapit kay Devin at binato 'yong cp sa kaniya.
"Oh my god my phone!" sigaw ni Reighly.
Wala namang pumansin sa kaniya.
"Sabi ko na nga ba, eh! Sinadya mo 'yon."
Ibig sabihin si Brie nga ang nasa picture.
Mabilis ang sumunod na nangyari, biglang lumapit si Vien kay Brie at sinampal niya 'to.
Tangna! Literal na sampal.
Mukhang mali 'atang sinulsulan ko si Brie.