Chapter eleven

705 Words
Brielle' POV "Brie!" parang nag-echo 'yong boses ni Tine sa tenga ko. "Bakit mo siya sinampal? Kami na nga 'tong concern sayo, eh!" singhal pa nito kay Vien. First time kong masampal at ang sakit pala, parang namanhid 'yong pisngi ko. "Concern? Come on, I'm not stupid! Alam ko namang una pa lang gusto niyong kunin lahat sa akin! Una si papu, then now pati boyfriend ko Brielle?!" Lumakas ang bulungan sa buong canteen. Kita ko sa mukha niya 'yong galit. Pinipigilan kong wag maiyak, ang sakit kasi talaga. "Sila ang nanloloko sayo, sinabi ko lang kung anong nakita ko." parang nawalan ako ng lakas dahil sa sampal niya. "Don't me! Sabagay hindi na ako magtataka, kung ano 'yong puno siya rin ang bunga." tinignan niya pa ako. "Kaya ka nga nabuo ka diba? Kasi malandi 'yong nanay mo, kumabit siya kay papu! Kaya ikaw, balak mo rin na kumabit sa boyfriend ko kasi malandi ka! Malandi kayo ng nanay mo!" nagpintig naman 'yong tainga ko sa mga sinabi niya. Ano raw? Kumunot naman 'yong noo ko. Unti-unti akong tumingin sa kaniya. "Hoy, Vien! Sobra kana, ha!" si Tine. "Kayo ang sobra! This is what you want right?" ngumisi pa siya. "Everyone tama kayo ng narinig, mga kapatid ko sila. Kapatid sa labas!" anunsyo nito sa buong canteen. Hindi ko na pinansin 'yong sinabi niya. Mas nag sink-in sa akin 'yong pandadamay niya kay mama. "Insultuhin mo na ako lahat, wag mo lang idadamay ang mama ko." parang gusto kong sumabog. Sobra na siya. Ibang usapan na 'yan, hindi niya dapat dinadamay si mama! Lumapit si Vien sa akin, "And why? Masakit ba? I'm just telling the truth. Malandi ang mama m---" hindi ko na siya pinatapos. Sinampal ko si Vien-- Nasampal ko siya. Nagulat naman ako sa nagawa ko. Kahit siya hindi makapaniwala. Lalapit pa sana 'yong mga kaibigan niya pero pinigilan sila ni kiela. "H-how dare you!" mabilis siyang lumapit sa akin at hinablot 'yong buhok ko, napangiwi naman ako sa sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko, pilit kong tinatanggal 'yong kamay niya. "Ano ba Vien!" parang matatanggal na 'yong anit ko sa lakas na sambunot niya. Ang ayoko pa naman sa lahat hinahawakan ang buhok ko! "Akala mo kung sino kang mabait! Eh, malandi ka pala. All of boys here, boyfriend ko pa talaga?! Ang kapal ng mukha mo!" Hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko, agad ko siyang tinulak. Tanging pagtingin na lang ng masama ang nagawa ko, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Huminga naman ako ng malalim, ayokong umiyak. Kaya lang hindi ko talaga matanggap 'yong mga sinabi niya kay mama. "Hindi ako malandi.." halos pabulong na lang ang pagkasabi ko. "At mas lalong hindi malandi ang mama ko." madiing dagdag ko. Tumawa lang siya, tawang nang-aasar. "Bilib din ako sayo, eh. Nakunan ka na nga ng picture tatanggi ka pa!" "Wala akong ginagawang masama." diretsong sagot ko. "Sila ang nanloloko sa'yo." Hinawakan ako ni Tine sa braso, "Tara na Brie." bulong niya. Akmang aalis na kami ng bigla akong binuhusan ng juice ni Vien. Hindi ko na talaga kaya pang magtimpi, wala akong ginagawang masama pero parang ako pa 'yong naging kawawa! Tinabig ko 'yong kamay ni Tine, sinugod ko si Vien at hinablot ang buhok niya. At nagsambunutan na nga kami. ***** Meyesha'POV Pagkatapos kong hanapin lahat ng kailangan ko, lumabas na rin ako ng library. Naglalakad na ako sa hallway ng may makita akong estudyanteng nagkukumpulan sa gilid. "Grabe, totoo ba 'tong naka-post sa page ng Presome? Si Vien na president ng student council nakikipagsambunutan sa cafeteria?" natigilan ako sa sinabi ng isang babae, hawak nito ang cellphone niya na pinagkakaguluhan ng mga kasama niya. Malakas ang boses niya kaya hindi ako p'wedeng magkamali ng rinig. Si Vien nakikipagsambunutan? Mas lumapit pa ako ng konte sa kanila. "Kilala mo ba 'yong girl na nakaaway niya?" "Brielle raw pangalan, eh. Mga transferee." Si Brielle? Siya lang ang may ganiyang pangalan na transferee. Mabilis akong tumungo sa canteen. Ang daming nagkukumpulang estudyante nang makarating ako, may pinapanuod sila sa gitna. Tama nga, nagsasambunutan 'yong dalawa! Nakita ko naman si Tine na hindi alam kung aawatin niya ba o hindi. Lumapit ako sa kaniya, nagulat pa siya ng makita ako. "Meye." Hindi ko siya pinansin, pumunta ako sa dalawa at pilit silang inaawat. "Sinabi niyo? Diba kinausap ko na kayo!" hindi ko napigilang magtaas ng boses. "Gusto ng sabihin ni Brie, eh." sagot ni Tine na umaawat na rin sa dalawa. Hinawakan ko si Brie sa braso kaya hindi sinasadyang nasiko niya ako sa dibdib. Nakaramdam ako ng inis. "Tignan mo na 'yong nangyari Tine!" Kumunot naman 'yong noo niya. "Wait, sinisisi mo ba ako?" tinuro niya pa 'yong sarili. Tumigil kami sa pag-aawat sa dalawa. "Oo! Ilang beses kong sinabing wag muna sabihin kay Vien diba? pero ikaw hindi ka nakinig! Pinilit mo pa si Brie." nakahawak ako sa parte kung saan ako nasiko ni Brie. Ayoko siyang sisihin pero alam kong pinilit niya si Brie, kaya may kasalanan din siya. Ngumisi naman siya. "Wag mo akong sisihin. Ginawa ko lang kung ano 'yong tama. Si Brie pa rin 'yong nagdesisyon na sabihin kay Vien! At wag mo akong sigawan!" "Tama? talaga ba? Alam ko namang ginawa mo 'to para mag-away si Kiela at Vien, hindi dahil concern ka o ano." Naging seryoso 'yong reaksyon ng mukha niya. "Eh, ano naman? Wala naman talaga akong pakealam kahit pa lokohin si Vien o kahit sino pa sa inyo." ngumisi siya. "Wag nga ako Meye, alam ko namang ginagawa mo lang ang lahat 'to dahil kay papu, hindi dahil magkakapatid tayo." Nasaktan naman ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit. Huminga muna ako ng malalim. "Oo, ginagawa ko 'to para kay papu. Eh, ikaw? Ginagawa mo 'to para sa sarili mo, lagi kana lang nag-uumpisa ng gulo." ayoko sanang sabihin 'yan pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Anong sabi mo?" "Ikaw na lang laging nag-uumpisa ng gulo. Gusto mo mag-away si Kiela at Vien diba? Anong nangyari ngayon?" natahimik siya. "Akala ko ba matalino ka Tine? Bakit parang hindi mo naman ginamit ang utak mo, hindi mo muna inisip ang mangyayari bago kayo sumugod ni Brie rito." Nakita ko ang panggigil niya. Lumapit siya sa akin at tinulak ako sa balikat. "Ulitin mo 'yong sinabi mo." seryosong sambit niya. Hindi ko naman nagustuhan 'yong ginawa niyang pagtulak sa akin. "Wag mo akong itulak. Gusto mo rin sumali sa away ng dalawa?" At sumabog na nga siya. "Ano tara! Hindi porket ikaw ang panganay sa ating apat, hindi na kita papatulan Meye." diniinan niya pa 'yong pagbigkas sa pangalan ko. Tinulak niya ulit ako pero mas malakas na. "Wag mo akong itulak!" sigaw ko. "Wag mo akong sigawan!" tinulak niya ulit ako, muntikan pa akong matumba. "Sabi ng wag mo akong itulak diba!" kinuyom ko ang kamao ko at sinugod siya. Ito gusto niya diba? Bibigay ko sa kaniya! Hinablot ko 'yong buhok niya at nagsambunutan na rin kaming dalawa. ***** Vien'POV "You slut! Mang-aagaw ka!" bulyaw ko kay Brie habang sinasambunutan siya. Bigla niya naman akong tinulak, "Kahit kailan wala akong inagaw sa'yo! Masyado kang nagpapaloko sa Kiela na 'yan. Niloloko kana nga pero pinagtatanggol mo pa!" singhal niya sa akin. Nakaupo ako sa sahig ngayon dahil sa pagtulak niya sa akin. Ito ang unang beses na nakipag-away ako, may mga nakakasagutan ako before pero ngayon lang umabot physically. Patong-patong na kasi ang galit na nararamdaman ko sa kanila. Wala na akong pakealam kung nasa school ako! O kahit marami pang nanunuod. Wala rin umaawat sa amin dahil pinipigilan ni Kiela. Good for me! dahil all I want for now is makaganti sa kanilang tatlo lalo na sa Brielle na 'yan. Tuwing naiisip ko 'yong picture sa cellphone ni Riri. kumukulo ang dugo ko! Napatingin ako sa bandang gilid namin. Nagsasambunutan na rin si 'yong dalawa at wala akong pakealam, kahit magpatayan pa silang dalawa ngayon. Lumapit si Brielle sa kanilang dalawa para awatin. Tumayo ako at kinuha 'yong coffee na iniinom ng isang estudyanteng nanunuod sa amin. Nagulat pa siya. "Don't worry i will pay this coffee later." sabi ko. Lumapit ako kay Brielle. I don't f*****g care kahit malapnos pa 'yong balat niya! Akmang Ibubuhos ko na sa kaniya ng biglang humarang si Celestine kaya sa kaniya tumama 'yong coffee. "Potek, ang init!" bakas sa boses niya 'yong sakit. Hawak niya 'yong braso niyang natapunan ko. Tumigil naman sila sa pagsasambunutan. Okay na rin na sa kaniya tumama. I hate this girl also! "Sorry, humarang ka kasi!" Tinignan niya ako ng sobrang sama. I just gave her smirk. "Ganun? Humanda ka sa akin!" pumunta siya sa isang table at kinuha 'yong bowl na i don't know kung anong laman. "A-at anong gagawin mo?!" i asked kahit alam kong ibubuhos niya sa akin 'yon. "Don't you dare Celestine!" banta ko pa sa kaniya. "Ulam lang 'to, mas masakit pa rin 'yong binuhos mo sakin!" sabay buhos sa akin ng laman ng bowl na hawak niya. Kadiri! Its chicken curry, pakiramdam ko sobrang lagkit ko na ngayon. Pati 'yong buhok ko natapunan din! Hindi na ako nagdalawang isip na sugurin siya. Hinablot ko 'yong buhok niya at ganun din ang ginawa niya sa akin. "Matagal na akong naiinis sa'yo!" bulyaw ko sa kaniya habang sinasambunutan siya. "Mamatay ka sa inis wala akong pakealam!" bulyaw niya pabalik. Sinampal niya ako kaya sinampal ko rin siya pabalik. Nag-ipon ako ng lakas at tinulak siya sa lamesa. I don't care kung saan siya tumama. Bigla namang may humablot sa braso ko. "Tumigil kana Vien! Sobra kana!" si Meyesa. Hinablot ko 'yong braso niya at tinulak siya. Isa pa 'tong babaeng 'to! Kumukulo na naman ang dugo ko. "Kayo ang sobra! I'm sure you all planned this! Ang agawin lahat sa akin." tinignan ko siya ng puno ng galit at 'yon ang nararamdaman ko ngayon! "Wala kaming inagaw sa'yo Vien." "Don't fool me!" nakita ko naman si Brie kaya lumapit ako sa kaniya. "I'm not done with you b***h!" hinablot ko 'yong buhok niya. "Tigilan mo na si Brie, Vien!" hinablot ulit ni Meye 'yong braso ko. "Concern lang siya sa'yo." madiin niyang sabi. "Tigilan ko siya? Edi ikaw na lang." i grab her hair again. "Masyado kang nagmamagaling!" Sobra pa sa galit ang nararamdaman ko ngayon. At wala akong pakealam sa mga kasinungalingan nila. Kasalanan nilang tatlo 'to! ***** Celestine'POV Hinablot ni Vien 'yong buhok ni Meye pero tinulak lang siya nito. Iyong away pangit na inaasahan ko hindi nangyari, dahil kaming apat na ang nag-aaway ngayon. Masisisi niyo ba ako? Kung makapagsalita si Meye akala niya kung sino siya! Tapos itong Vien na 'to, hindi halatang sobrang laki ng galit sa amin. Binuhusan pa ako ng mainit ng kape, ang hapdi boset! Aminado naman akong may kasalanan ako, malay ko ba kasing aabot sa ganito? Napatingin ako sa paligid. Puno ng mga estudyanteng nanunuod ang buong canteen, ano 'to sabong tapos kami ang mga manok? Walang man lang umawat! Gusto 'ata nila magpatayan kaming apat. Ano bang klaseng school 'to? "Kasalanan mo 'to, Tine!" singhal ni Meye sa akin, ito na naman siya. Lumapit ako sa kaniya. "Bakit ba kanina mo pa ako sinisisi? Ano bang problema mo?" "Kung nakinig ka lang kasi sa akin edi sana hindi aabot sa ganito!" tatalikod na sana siya ng hablutin ko ang braso niya. "Ano ba?" "Pagkatapos mo akong sisihin, tatalikuran mo ako?" tanong ko. "Sabihin mo sa akin! Anong problema mo?" tinapik ko pa siya sa braso. Nakakagigil na kasi! "Tine, tama na 'yan." awat ni Brie. Hinarap ko naman siya. "Ano ba Brie? ako sinisisi niya, eh. Ikaw naman 'yong nagdesisyon na sabihin kay Vien, diba?" "Nakinig kasi ako sa'yo. Hindi ko naman alam na hind---" Hindi ko na siya pinatapos. "Wow! So sinisisi mo ako? Kasalanan ko ba na ako 'yong mas pinakinggan mo?" nagsimula na rin akong mainis kay Brie. "Oh, baka totoo naman kasing ikaw talaga 'yong humalik sa boyfriend ni Vien?" dagdag ko pa. Mukhang nagulat naman siya sinabi ko. "Hindi totoo 'yan." napansin kong namumula na ang mata niya. Napairap na lang ako sa inis, sana pala hindi ko na lang sinabi 'yon. Siya naman kasi may kasalanan! Lumapit naman si Vien kay Brie. "Stop your drama b***h. I'm sure ikaw talaga ang umaahas sa boyfriend ko!" "Tumigil na kayo please lang! Itigil na natin 'to." pakiusap ni Meye Hindi naman nila ito pinansin at nagsimula na namang magrambulan 'yong dalawa. Sa totoo lang pagod na ako, ang sakit pa ng braso ko! Tumingin sa akin si Meye, "Ano sisihin mo na naman ako?" inunahan ko na siya. Umirap siya sa akin. "Ako na kay Vien, awatin mo si Brie." napanganga naman ako. "Pagkatapos mo akong sisihin, uutusan mo ako? Ano ka desisyon?" Napahawak siya sentido, halatang nagpipigil. "P'wede ba, Tine? isipin mo na lang si papu." Ano ba akala nito, hindi ko iniisip si papu? Padabog akong lumapit sa puwesto ng dalawa. Hinawakan ko si Brie sa braso. Habang si Meye lumapit kay Vien, "Tama na please lang." mahinahong sabi niya. Tinabig naman siya ni Vien. "Hindi pa ako tapos sa babaeng 'yan! Pwede ba don't touch me!" maarteng sabi naman nito. Ang arte sarap sakalin! "Pinagtitinginan na tayo." si Meya, tumigin pa 'to sa paligid. Ngayon niya lang narealize? Sobrang dami na ng estudyanteng nanunuod, pati nga mga teacher, eh. "I don't care!" tinulak ni Vien si Meye. Pumagitna naman ako sa kanila. "Ano ba? Tumigil na nga kayo!" awat ko. Si Vien ang ayaw bumitaw kay Brie kaya pilit ko na siyang tinutulak palayo. Hinablot ni Brie 'yong buhok ni Vien. "Sobra kana! Akala mo hindi kita lalabanan." Grabe, mga ayaw magpaawat, hindi ko na alam gagawin ko. Pumagitna na rin si Meye. Kaya ang ending kaming dalawa ang nasasambunutan nila. Naramdaman ko na lang ang hapdi sa pisngi ko. Ang anit ko masakit na rin! Nanggigil na ako! "Ayaw niyo tumigil? Tara, magsambunutan na tayong apat!" Kumunot ang noo ni Meye, akala niya siguro nagbibiro ako. Nakisali na rin ako sa sambunutan, mas lamang ang sambunot ko kay Vien. "Tin-- aray!" narinig ko na lang na sigaw ni Meye. Natigilan ako ng may mapansin akong mga parating. "Diyos ko po. Anong nangyayari rito?!" rinig kong sigaw ng kung sino. "Awatin niyo silang apat!" utos pa nito. Alam ko na kung sino siya... Si principal Simon Domengs. May lumapit naman sa amin para umawat pero wala silang nagawa. Palaban si Vien. Nakatingin lang ako kay principal. "Magsitigil kayo!" sigaw ulit nito. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa sigaw niya kundi dahil sa katabi niya ngayon. "Papu..." kusa na lang lumabas sa bibig ko, tumigil naman 'yong dalawa. Si Meye nakatingin na rin sa direksyon kung saan ako nakatingin. At katulad ko kita rin sa mukha niya ang gulat. Anong ginagawa ni papu rito? Diretso siyang nakatingin sa aming apat. Bakas sa mata niya ang pagkadismaya. "To principal office now!" dumagundong ang sigaw ni principal Simon Domengs sa buong canteen. Unang umalis si papu kasunod siya. Patay na kami nito! Sisimulan ko ng mag-isip ng ipapaliwanag. "Kasalanan niyong tatlo 'to!" sisi ni Vien sa amin, agad siyang umalis at sumunod kay papu. Nakayuko si Brie habang tulala kami ni Meye. Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko 'yong gamit ko at agad na umalis sa canteen. Ganun rin si Brie at Meye, walang nagpapansinan sa aming tatlo hanggang sa makarating kami sa principal office. Agad kaming pumasok. Nasa loob na rin si Vien at masama ang tingin sa amin. Wala si papu sa loob ng makapasok kami. "Noong nakaraan magkakampi pa kayo, ngayon naman kayong apat na ang magkakaaway. Hindi ko na alam gagawin sa inyong apat.. sa totoo lang." panimula ni principal. "Tignan niyo mga itsura niyo! Bakit ba kailangang umabot kayo sa ganiyan? Pinagkatiwala kayo sa akin ng papu niyo tapos ganiyan maaabutan niya. Buti na lang talaga ang magkaibigan kaming dalawa. Kayo talagang mga bata kayo." napakamot pa siya sa ulo niya. May demonyita kasi sa school na 'to. Gulo ang buhok naming apat, pati na rin mga uniform. Puro sauce naman si Vien at may mantsa ng kape ang akin. "Kasalanan ng tatlong 'yan." turo ni Vien sa amin. Puro 'to sisi! Inirapan ko na lang siya. Hinarap siya ni principal. "And you Vien, I'm so disappointed... Ikaw ang president ng student council pero nasangkot ka na naman sa gulo? Ano bang nangyayari sa'yo? Ikaw dapat ang nagsisimula ng kapayapaan sa Presome pero ikaw pa ang laging nasasangkot." "Like what i've said, sila ang may kasalanan." sisi pa more. Natatawa akong tumingin sa kaniya. "Kami pa talaga sinisi mo? Kamusta naman 'yong ahas mong kaibigan at manloloko mong boyfriend." sagot ko pa. "Wag mong ipasa sa kaibigan ko 'yong kalandian ng babaeng 'yan!" pagtutukoy niya kay Brie. "Parang kanina lang sayo nanggaling na siya ang humalik sa boyfriend ko, then now ipagtatanggol mo siya." Parang napahiya naman ako. "H-hindi ko siya pinagtatanggol. Nagsasabi lang ako ng totoo." Inawat naman kami ni principal. "Tama na 'yan. Baka dito pa kayo magrambulan! Dahil pala sa nangyari at sa kagustuhan na rin ng papu niyo, isususpende ko kayo ng dalawang araw. Bumalik na lang kayo sa lunes." Ang unfair naman! "Kami lang? Paano naman 'yong Kiela na 'yon, siya may kasalanan nito!" reklamo ko. "Can you stop blaming Kiela? Kayo ang may kasalanan nito. Concern lang siya sa akin." pagtatanggol ni Vien sa kaibigan niya. Natawa naman ako. "Magpacheck up kana, Vien. Maluwag na turnilyo mo sa utak." Tumingin lanh siya ng masama sa akin. "Nag-aantay na papu niyo sa parking. P'wede na kayong umuwi, ako na bahala sa mga kasali sa gulo kanina. You can go now." pag-iiba ni principal Simon Domengs. Padabog na umalis si Vien. Sumunod naman kaming tatlo. Tahimik pa rin sina Brie at Meye. Habang papalapit sa parking, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Parang natatae ako na ewan! Iniisip ko pa lang mga p'wedeng mangyari, natatakot na ako! Sana pala hindi na lang kami sumugod ni Brie, lagot na talaga kami. Nasa driver seat si Vien, katabi siya ni papu. Habang nasa backseat kaming tatlo. Walang nagsasalita, tanging katahimikan lang sa buong biyahe namin. "Papu.." napatingin ako kay Meye. Nakarating na kami sa bahay. Hindi naman siya nilingon ni papu. "Mamaya ko na kayo kakausapin, magbihis muna kayo at kumain." walang emosyong sagot nito sa kaniya. Mukhang galit nga talaga si papu. Andito na ako sa kuwarto ko. Nakapaglinis na rin ako ng katawan at nakapagbihis na. May lapnos ako sa braso, hindi naman ganun kalala pero masakit pa rin. Natatakot akong bumaba, kinakabahan ako sa pag-uusapan namin nila papu mamaya. Handa naman ako sa mangyayari, joke. pero lahat naman kami may kasalanan. Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto. "Ma'am, pinapapunta na kayo ng papu niyo sa office niya." sabi ng katulong mula sa labas ng kuwarto ko. "Papunta napo." sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Bakit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda? Parang gusto ko na tuloy bumalik sa bahay nila tita Tonet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD