Chapter twelve

910 Words
Vien'POV Bakit ba wala si mommy? I need her now. Alam kong pagtutulungan nila akong tatlo mamaya. Gagawin nila akong masama kay papu, kahit sila naman ang may kasalanan! I'm on my way to papu's office. I feel something wrong, bakit parang may mangyayaring hindi maganda? Well, hindi dapat ako kabahan. Sila ang may kasalanan at nagsimula ng gulo. Kumpleto na silang tatlo ng makarating ako. Nice, parang kanina lang ang tatapang nila. Tapos ngayon parang maaamong tupa? Nakatayo lang ako sa gilid ng sofa, ayoko makatabi 'yong tatlo. Tumayo si papu mula sa pagkakaupo. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm very disappointed to all of you." kita ko sa mata ni papu ang pagigising seryoso. Parang malungkot siya dahil sa nangyari, at ayokong nakikitang ganito si papu. Kahit na hindi kami okay this past few weeks, hindi ko pa rin kayang nakikita siyang ganiyan ng dahil lang sa mga babaeng 'to! "Look what you've done!" napasigaw na ako sa sobrang frustration. Tumingin pa ako ng masama kay Brielle. "Sit down, Vien." utos ni papu sa akin. "Gusto kong malaman kung anong nangyari. Magsabi kayo ng totoo." Hindi ko na sila inantay magsalita. "Brie kissed my boyfriend." ako na ang sumagot. Hindi ko hahayaang baliktarin nila ako, I'm the victim here. "Si Kiela ang nagsabi sa akin papu.. even Devin said that girl tried to kissed her!" tuwing naaalala ko 'yon gustong-gusto ko na talagang sambunutan 'tong babaeng 'to. Hindi na ako nagulat ng biglang umiyak si Brielle. Drama again b***h, "H-hindi totoo 'yan papu. Binaliktad ako ni Kiela, nakita ko silang naghahalikan ni Devin kaya isusumbong ko sana sila kay Vien pero binaliktad nila ako." Naaasar akong tumingin sa kaniya. "P'wede ba? Umamin kana nga! Wag mo ng gawing masama si Kiela, matagal ko na siyang kaibigan! At alam kong hindi niya magagawa 'yon." sagot ko rito. Nanunuod lang si papu sa amin. "Eh, nagawa na nga nila diba? Kami na nga itong pinagtatanggol ka tapos kami pa naging masama. Sabog ka Vien?" singit ni Tine. Tumingin ako sa kaniya. "Don't me! Alam kong plinano niyong tatlo 'yon! Kasi gusto niyong agawin sa akin lahat right?" "Uulitin ko, wala kaming inaagaw sa'yo." sagot naman ni Meye. Humarap ako kay papu. "See papu? pinagtutulungan nila akong tatlo!" Napasinghap si papu."Dahil lang diyan kaya nag-away kayo? Bakit kailangang magkasakitan pa kayo?" ramdam ko sa boses ni papu na pinipigilan niyang wag sumigaw. "Bakit kailangan ko pa kayong makita sa ganung sitwayson?" "Sorry papu...." umiiyak na tugon ni Brie. "Sana hindi ko na lang po pinatulan si Vien... hindi na po sana lumaki 'yong gulo. Sorry papu." Napangisi na lang ako sa kadramahan niya. "Hindi mo kasalanan, Brie." si Tine. "Si Vien ang unang nanampal papu, sinabihan niya pa nga ng kung anong masasakit na salita 'yong mama ni Brie." kuwento pa nito. Dapat lang sa kaniya 'yon! Kumunot naman ang noo ni papu. "Ginawa mo 'yon Vien? Bakit ba ang hirap sayong tanggapin ang mga kapatid mo? Wala silang alam sa mga kasalanang nagawa ko noon." singhal ni papu sa akin. Nagulat naman ako sa pagsigaw niya sa akin. So ako ang may kasalanan? Pumikit muna ako, trying to control my emotion. "She slapped me papu, that girl slapped me. " pilit kong kinakalma ang sarili ko. "You slapped her first. I am right?" tanong ni papu sa akin. Hindi ako makapaniwala, parang sinasabi niyang ako ang may kasalanan. "W-what? So it's my fault now? ako ang inagawan papu! Boyfriend ko 'yong inahas ng Brie na 'yan, pero bakit ako pa 'yong mali?" hindi makapaniwalang tanong ko. Oh my god! This is so unfair! "Alam ko lahat ng pangbubully na ginawa mo sa mga kapatid mo. Lahat ng nangyayari sa university, alam ko Vien. Pero hinayaan ko dahil akala ko may pag-asa pa na magkaayos kayong apat. " Never mangyayari yan! "At nag boyfriend ka kahit na sinabi kong hindi p'wede?" This all about me now. "That's the point, bakit ko pa sasabihin sa'yo? Eh, hindi ka naman papayag." ayokong maging bastos pero naiinis na ko dahil parang mas kinakampihan niya pa 'yong tatlo. "Hindi na mapagkakatiwalaan ang mga lalaki ngayon. Hindi kita pinagbabawalan dahil sa mahigpit ako sa'yo, ayoko lan--" Hindi ko na pinatapos si papu. "Ayaw mo na masaktan ako? Bakit papu? Sa tingin mo ba gagawin ni Devin 'yong ginawa mo kay mommy? Don't worry hindi naman lahat katulad mo." Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. "Vien!" sigaw ni Meye. Napairap na lang ako, parang nagsisisi ako sa mga nasabi ko kay papu. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo at sa mommy mo, pero sana sinabi mo pa rin sa akin. I'm still your father at nasasaktan ako na nakikita kang ganiyan. Ano bang nangyayari sa'yo, Vien?" malungkot ang boses nito. Napalunok na lang ako, pinipigilan kong wag maiyak. Ayokong mag mukhang kawawa. Nasasaktan akong makitang ganito si papu pero mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko. Ngumisi naman ako. "Sabihin sa'yo? Paano ko masasabi papu. Eh, simula ng dumating 'yang tatlong anak mo sa labas pakiramdam ko hindi na ako nag-eexist! Well, wala namang bago.." my voice start to broke. "Una pa lang naman wala na kayong pakealam sa akin, lagi kayong busy ni mommy sa work. Nakalimutan niyong may anak kayo! So don't blamed me na ganito ako. Sa mga kaibigan ko lang at kay Devin ko lang naramdaman 'yong pagmamahal na hindi niyo mabigay sa akin!" at tuluyan na akong sumabog. Ayokong sigawan si papu, pero ang sakit lang! Sobrang sakit! Ako ang legal na anak pero bakit pakiramdam ko ako lang nakiki-agaw sa atensyon at pagmamahal? "Wag mo namang sigawan si papu." si Meyesha. "Wala kang pakealam! You don't know anything. So shut up." sigaw ko rito. "Vien, anak. Don't think like that, ginagawa namin lahat ng 'yon para sa'yo." Lalapit sana siya sa akin pero lumayo ako. "Hindi na ako maniniwala sa'yo papu. Dito pa nga lang hindi niyo ako magawang kampihan. Puro na lang sila, puro na lang mga anak mo labas!" "Respeto naman." pagpaparinig ni Celestine. "Respect? Coming from you." Tumingin siya sa akin. "Lahat tayo may kasalanan dito, wag kang sisi nang sisi." "Kayo ang may kasalanan dito, kayo at mga homewrecker na nanay niyo!" I don't care kahit na andito si papu, sasabihin ko na ang gusto kong sabihin! Tutal, wala lang naman kahit hindi ako ang may kasalanan. "Tumigil kana, Vien." may pagbabanta sa boses ni Meyesha, pero ko siya pinansin. "Hindi ba kayo napapagod? Nakikita tayo ni papu, please lang. Tama na!" Isa pa 'to, feeling niya palagi siya ang mabait! "Kayo ang nagsimula." seryosong sambit ko. Natigilan ako ng hampasin ni papu 'yong table niya. "Ganiyan ba talaga gusto niyo? 'Yong magpatayan kayong apat." napahawak si papu sa sentido niya. "Siguro nga dapat ko ng ituloy 'yong plano ko. Ito na lang siguro ang paraan para magkasundo kayong apat." Ito na ba 'yong kanina ko pa nararamdaman? "Aalis na kayo rito." natigilan naman ako sa anunsyo ni papu. Tama ba 'yong narinig ko? "A-ano po papu?" hindi makapaniwalang tanong ni Celestine. Ewan ko pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Finally! Aalis na rin sila. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko. "Narinig niyo naman siguro si papu. Umalis na kayo ri--" "Kasama ka, Vien." Iyong kaninang ngiti ko napalitan ng pagtataka. "W-what? Kasama ako sa aalis? No! You can't do this papu!" reklamo ko. "Buo na ang desisyon ko. Aalis kayo sa bahay na 'to at titira ng magkasama." pagkatapos niyang sabihin 'yan ay iniwan niya kaming apat. Kaming apat sa iisang bahay? Never! Agad kong sinundan si papu. He can't do this! Nakita ko siyang pumasok sa kuwarto nila ni mommy. "Papu, hindi mo pwedeng gawin 'to!" Mukhang expected naman niyang susunod ako sa kaniya. "Nakapadesisyon na ako, Vien. I warned all of you before about this, pero binalewala niyo. You can't change my mind." maotoridad nitong sabi. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa sobrang inis. "Papu hindi ko kayang makasama sila sa iisang bahay, ng sila lang! Dito pa nga lang pakiramdam ko hindi ako makahinga then you want me to live with them? Ayoko, never mangyayari 'yon!" singhal ko. "Simple lang ang gusto ko. Kung hindi kayo susunod, no allowance, hindi niyo magagamit ang card niyo. Even your car, Vien." my god! He's really serious. "I'm not doing this for my own, I'm doing this para sa inyong mga anak ko. Gusto kong tanggapin niyo ang isat-isa, ayoko ng dagdagan pa ang pagkakamaling nagawa ko noon." Napa-facepalm na lang ako sa sobrang inis. "Kakausapin ko si mommy! Ayokong makasama sila, never papu." huling linyang binitawan ko pagtapos ay umalis na ng kuwarto nila. I hate mylife! ***** Brielle'POV Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan 'yong sinabi ni papu kanina. Sobrang gulo, ang sakit pa ng anit ko dahil sa away namin sa canteen. Tumawag pala si mama, nag-usap lang kami ng konti. Hindi ko na binanggit 'yong nangyaring gulo alam kong maiiyak lang ako at ayokong mag-alala pa siya sa akin. Tinignan ko 'yong sarili ko sa salamin. Bukod sa maga kong mata, namumula pa rin yung pisngi ko. Ganun pala masampal? ang sakit. Kumuha ako ng pagkain sa drawer ko at nagsimulang kumain. Gusto kong mabawasan 'yong stress na nararamdaman ko ngayon. Galit na si papu at magkakaaway na kaming apat. May part sa akin na gusto ko na lang umuwi kay mama, kaya lang pag nalaman niya 'yong totoong dahilan baka mag-away sila ni papu. Feeling ko kasalanan ko talaga lahat! Sana pala hindi ko na lang sinabi kay Vien, edi sana walang away. Nagsisisi tuloy ako. Natigil ako sa pagkain ng may kumatok sa pinto. "Pasok po." sagot ko. Pumasok naman 'yong isa sa katulong. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Pinapunta po ako ni Sir, para tulungan kayong mag-impake ng gamit niyo." mag-impake? Nasaktan naman ako, totoo palang papaalisin na kami ni papu rito. Hinayaan ko naman 'yong katulong na ayusin 'yong mga gamit ko. Mamimiss ko 'tong kuwarto ko dito kahit saglit lang kaming nagkasama, tapos 'yong mga pagkain din. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako ng may marinig akong tawag mula sa labas ng kuwarto ko. Eight na ng gabi, grabe ang haba pala ng tulog ko. Nakaligpit na 'yong mga gamit ko sa gilid, wala na rin 'yong katulong. Agad akong bumangon at binuksan 'yong pinto. "Pinapatawag po kayo ni Sir sa office niya." Kinakabahan na naman ako. Ano na naman kayang sasabihin ni papu? Naiihi tuloy ako. Wala pa si Celestine at Vien nang makarating ako sa office ni papu. "Good evening po." bati ko sa kanila. Tumango naman si papu at sumenyas na umupo na ako. Tahimik lang si Meye. Maya-maya ay dumating na rin si Tine, mukhang kagigising lang. Galit pa rin siya sa akin? Nakakakonsensya naman, hindi ko naman sinasadyang sisihin siya. Nasaktan din naman ako sa sinabi niya, bahala siya! Seryoso ang itsura ni papu, kaya hindi ko mapigilang hindi matakot. "Pinapunta ko kayo rito para sabihing bukas na bukas ay lilipat na kayong apat." nagulat naman ako maliban kay tine at Meye. "P-po? Titira kami sa i-isang bahay papu?" paninigurado ko. Naguguluhan kasi ako. Tumingin siya sa akin. "Yes Brie, nakabili na ako ng bahay malapit sa university na pinapasukan niyo. Kayong apat ang titira sa bahay na 'yon, walang katulong o driver. Hindi lang para maging independent kayo kundi para na rin magkasundo kayo." napanganga naman ako sa sinabi ni papu. Tahimik pa rin 'yong dalawa sa gilid ko, gusto ko sanang magtanong pero nakakahiya. "Bukas ng umaga lilipat na kayo. At sana hindi ako magkamali sa desisyon ko." Sana nga po papu. ***** Celestine'POV Ano bang nagawa kong kasalanan sa past life ko? Bakit ba ang malas ko? Nasa harap kami ngayon ng bahay na titirahan namin hanggang sa magkasundo kaming apat. Kung magkakasundo, baka nga dito pa kami magpatayan. Syempre walang aawat, kasi walang katulong o kahit kasama lang rito sa bahay. "Ito na po 'yong susi ma'am." si Meye 'yong kumuha nito. Apat kami tapos isa lang susi? Mukhang sa susi pa lang hindi na kami magkakasundo. Driver pala 'yong naghatid sa amin, maaga kasing umalis si papu. Siguro galit pa rin siya sa amin, si tita Felecity? wala namang pakealam sa amin 'yon. "Salamat po." nagpaalam na rin 'yong driver kaya kaming apat na lang ang andito. Maganda naman 'yong bahay, subdivision kaya kabog pa. Two-storey house na combination of white and black ang kulay ng pintura, parang malaki talaga para sa amin. Mas malaki pa rin mansyon ni papu. "Buksan mo na nga 'yong gate!" utos ni mayorang Vien. Sino pa ba? Nakabusangot siya mula ng umalis kami, sana mahipan ka ng hangin para ganiyan na mukha mo poreber. "Bakit kasi isa lang 'yong susi? Damn! I really hate my life!" singhal pa nito. "Dami mong reklamo." bulong ko na mukhang narinig niya naman. "May sinasabi ka?" "May narinig ka?" sasagot pa sana siya ng bumukas 'yong gate. Unang pumasok si Meye kasunod si Vien na binangga pa ako sa braso. Kalma Tine! Bumungad sa amin 'yong maliit na garden sa gilid, may bricks sa gitna na papunta sa main door ng bahay. Ganda naman, sarap tumira rito. Kung wala lang asungot na kasama. Nakarating kami sa main door, hinahanap pa ni Meye 'yong susi kaya medyo natagalan. Napairap naman si Vien at kinuha kay Meye 'yong susi. "So stupid." sabi pa nito. Napasinghap na lang si Meye. Sinulyapan ko naman si Brie na tahimik lang habang may kinakaing tinapay. Parang hindi nasampal, food is life pa rin si tanga. Hindi naman ako galit sa kanila, masama lang loob ko. Maka-sisi kasi. Pagpasok sa loob ng bahay, hindi ko maiwasang mamangha. Ang cozy kasi, kulay creamy white 'yong pintura sa loob. Mukhang matagal na nga plano ni papu 'to. Titirahan na lang kasi, kumpleto na lahat ng gamit. Sa kaliwa bumungad sa amin 'yong sala. May malaking sofa na may dalawang mini sofa sa gilid. May carpet pa na kulay gray, coffee table sa gitna na may nakalagay pang flower vase. Glass 'yong wall sa part na 'to na kaya kung hahawiin mo 'yong kurtina makikita mo 'yong garden sa labas. Grabe, wow! May tv set din at kung ano-ano pa. Para namang house tour ginagawa ko, pero sige magha-house tour tayo! Sala diba? Konting lakad, dining area na. May mahabang lamesa na eksakto lang naman siguro sa amin pero useless din. Himala lang kung magsasabay kaming apat kumain, sa tapat naman nito 'yong kitchen na kumpleto na rin ng gamit, hindi naman ako makarelate kasi hindi ako marunong magluto. Magiging plantita na 'ata ako rito, ha. Daming halaman akong nakikita. Tapos sa gilid ng kitchen may nakita akong glass door, lumabas ako at napanganga sa nakita ko. Swimming pool! Maganda maglunuran dito, mukhang malalim. Rectangle 'yong shape ng pool, wow! May jucuzzi? Bilog 'yong hugis nito at may waterfall pa! Nasa dulong part 'to ng swimming pool. Ang saya naman kuya Will! HAHAHA Nilibot ko 'yong paningin ko, may puno sa gilid at halaman na may bulaklak. Coffee table at apat na upuan. Meron din palang 'yong hinihigaan pag nagswiswimming ka tapos gusto mong magpahinga? Basta ganun! Apat rin na ganun, bilang na bilang talaga. Nakakamiss tuloy si papu. Lumapit ako sa gilid. Teka, nakikita ko 'yong swimming pool ng katabing bahay namin. Tumingkayad pa ako para silipin pero wala namang tao. May bakod naman kaya lang mababa kaya pag pinilit mong silipin, makikita mo talaga. Sana babae nakatira riyan. Mahirap na, balak ko pa namang maghubad pag naligo. Pabalik na sana ako sa loob nang may makita ako. Mula sa pool area, may daanan kang makikita. Para siyang eskinita na may bubong. May tiles rin sa lalakaran mo, tapos maliliit na bombilya na nakakabit sa taas. Ang galing! Mula sa pool p'wede kang dumaan dito papuntang garden, napakaangas naman pala. Nakabalik na ako ng garden. May maliit na table din pala dito, pag gusto sigurong magpahangin. Ang sarap naman tumambay dito, ang presko ng hangin, ang babango pa ng bulaklak. Tapos main door na, pumasok ako ulit. Nasa living room si Brie, nakaupo siya sa sofa at syempre nakatulala na naman. May isang pinto pa pala akong nakalimutan, sa bandang kictchen. Banyo pala 'to, may inidoro malamang. Tapos salamin at lababo ganun lang naman. Powder room tawag dito sa bahay ni papu. Sa living room makikita 'yong hagdan. Akyat naman tayo sa second floor. Glass din 'yong wall dito at parang U-shaped 'yong stairs. Kahoy lang siya na brown and white ang kulay, simple lang pero rock. Pag akyat ko bumungad sa akin 'yong malawak na second floor. Creamy white rin ang kulay ng mga wall. May limang pinto akong nakita, para kanino ang isa? Ito na siguro 'yong mga kuwarto, bawal magbukas sigurado akong isa riyan lungga ni Vien. Magalit na naman 'yon! May sala rin sa gitna pero maliit lang, may sofa din at flast screen tv. Sa kabilang dulo may isang glass door. Unahin natin 'yong glassdoor. Pasok tayo! Kulang na lang camera p'wede na ako maging blogger. Oh, wow! May veranda pala rito? ang sarap naman tumambay dito. Kita rin dito yung veranda ng kapit bahay namin at 'yong ibang bahay. Tulak ko si Vien dito pag nainis ako. Ang sama ko ba? Mas masama siya, joke lang ulit. Magpapakabait na ako.May maliit na table rin dito at upuan, ang hangin grabe. Balik sa loob, 'yong isang pinto naman. Mini library, Woah! may mga libro na. Mahabang sofa, table sa gilid na may upuan. Computer na may printer, kumpleto na. Nagulat naman ako ng biglang bumukas 'yong pinto. Si Meye,naiilang siyang tumingin sa akin. "Nakuha na ni Vien 'yong kuwarto sa pinakadulo, kay Brie naman sa kabilang dulo. Saang kuwarto ka?" tanong nito sa akin. Oo nga pala, hindi ko pa naaayos gamit ko. Kasalanan niyo 'to eh! Linya ni Vien. "Katabi na lang ako ni Brie." sagot ko. Tumango naman siya at umalis na. Agad akong bumaba para kunin yung maleta kong napakabigat. Pahirap 'yong hagdan. Pagdating sa second floor pumasok ako sa kuwartong katabi ng kuwarto ni Brie. Na-amaze naman ako. Parang 'yong kuwarto ko rin sa mansyon ni papu, mas malaki nga lang 'yon. Okay na sakin 'to, hindi masyadong malaki. Malaki lang, gulo ko ba? Sky blue 'yong kulay ng wall ko. May malaking kama sa gitna, drawer sa kanan at lampshade sa kaliwa. May tv sa harap at speaker, buti na lang hindi ko katabi ng kuwarto si dane. Naaakit pa naman akong magpatugtog ng malakas. Party party! May nakita naman ako sa study table. Cellphone? Alam pala ni papu na wala akong cellphone. Perst tyme! Pagkatapos nang ginawa namin, kami pa rin inaalala ni papu. Magpapakabait na nga ako, hahabaan ko na ang pasensya ko! May laptop rin pala rito. Sobra sobra na 'to. May dalawang pinto pala sa kuwarto ko. Una kong pinasok 'yong nasa pinakadulo. Banyo pero may shower at bathtub. Next 'yong isang pinto, closet room naman. Walk in closet, may mga cabinet, kung ano 'yong makikita mo sa closet room. Nakakapagod naman mag house tour! Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit, panibagong bahay at panibagong buhay ng kaming apat lang. Kailangang habaan ang pasensya natin! Pagtapos ng ilang oras na pag-aayos, natapos din sa wakas! Tanghali na pala. Kumukulo na ang aking tiyan. Nagugutom na ako. Bumaba ako at agad na tumungo sa kusina, ang laki ng ref. Sigurado ako maraming foods dito! Nawala ang ngiti ko nang makita 'yong laman ng ref. Tubig? Mga tubig? Ano 'to joke? Ang laki ng ref tapos tubig lang pala laman, grabe naman. Sana pinalagyan ni papu kahit itlog lang, gutom na gutom na ako. May ideya naman na pumasok sa isip ko. Bumalik ako sa kuwarto ko at kinuha 'yong wallet ko, nag spray lang din ako ng pabango. Nasalubong ko pa si Brie na kakalabas lang kuwarto niya. Hindi ko na lang siya pinansin at bumaba na. Maghahanap ako ng mabibilhan ng pagkain, bahala na sila! Nang makalabas ng bahay, nagsimula na akong maglakad. Ang daming bahay at ang lalaki pa, iba-iba rin 'yong design. May mga bakanteng lote rin akong nakita, siguro mga for sale pa 'to. Ganito pala sa subdivision, wala ka masyadong makikitang tao. Mga busy siguro sa buhay nila. Hindi ko namalayan na palabas na pala ako, malapit na ako sa guard house. Gusto ko sana magtanong kaya lang nakakahiya, tanong ba ako? Oo o hindi? Wag na nga lang. "Good afternoon ma'am." bigla akong kinabahan ng batiin ako ng isa mga guard. Naiilang akong ngumiti. "H-hello po?" "Saan po punta niyo?" tanong ng isa pa. Nagkamot naman ako ng ulo. "May bibilhin lang po. Kami po 'yong kakalipat lang kanina." sagot ko. Gusto ko lang i-share baka kasi iniisip ni kuya outsider ako. Tumawa naman ito. "Opo, kayo po 'yong mga anak ni Mr.Sandoval." Kilala niya si papu? Sandoval si papu, eh. "Kilala niyo po tatay ko?" paninigurado ko. "Oo naman po. Si Mr. Sandoval ang may-ari ng subdivision na 'to." sagot ni kuyang guard, bigla naman siyang siniko ng kasama niya. Lumapit pa ito at may binulong sa kaniya. Pero teka, Si papu ang may-ari nito? Tumingin ako ulit kay kuya guard. "Dinga? Baka naman prankster ka kuya." P'wede rin na ibang Sandoval tinutukoy nito? Kamot ulo namang tumingin si kuya sa akin, "Si Sir Louie po ba ang papa niyo?" tanong nito ulit. Louie? Sino namang Louie? Umiling naman ako. "Ashton po pangalan ng tatay ko." Hindi naman makatingin si kuya sa akin. "Iba po pala, hindi pala kayo 'yon. Pasensya na po." Sabi na, eh. Wrong send si kuya, HAHAHA. Akala ko tuloy si papu may-ari nito. "Kuya, saan po ba makakabili rito ng makakain? Mga Jollibee ganun? O kahit Mcdo?" Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang nag-iisip. "May seven eleven at mini stop kang makikita pagliko mo, medyo malayo kasi ang mga fast food dito." Nabuhayan naman ako ng loob, bigla tuloy kumulo ang tiyan ko. Miss ko na kumain sa Seven Eleven at Mini stop! Nakangiti akong tumango. "Liko lang po diba? Salamat po mga kuya." at nagpaalam na ako. Sinunod ko naman 'yong sinabi ni kuya, para akong nanalo sa lotto nang makita ko 'yong kumakaway na logo ng seven eleven. Buti na lang talaga malapit lang sa subdivision. Mabilis akong pumasok sa loob, wala naman masyadong bumibili kaya okay na rin. Pumunta ako sa side ng mga ready to eat ng pagkain. May kanin at ulam na, iinitin na lang. Nakita ko naman agad 'yong all time favorite kong sisig. Kumuha ako ng mas malaking size, parang dati lang 'yong maliit lang afford ko. Bigla ko naman naalala 'yong mga kasama ko sa bahay. Bilhan ko kaya sila? Wag na, pagkatapos nila akong sisihin! Kaya lang wala silang pagkain doon. Ano ba 'to! Naguguluhan ako. Bibili o hindi? Bibili o hindi? Kumuha pa ako ng isang sisig, dinagdagan ko na rin ng tig-isang omelette at giniling. Mga malalaking size ang kinuha ko. Next akong pumunta sa mga drinks, kumuha ako ng malaking delight at tatlong malaking c2. Bahala na sila! Kung hindi dahil kay papu hindi ko sila isasabay, syempre sisingilin ko rin sila. Wala ng libre sa panahon ngayon! Dumaan ako sa estante ng mga chichiriya, kumuha ako ng cheezy na malaki. Natikman ko na kasi 'to dati sa kaklase ko. Eksakto namang nadaanan ko 'yong mga noodles, kumuha ako ng dalawang pancit cantoon na extra hot ang flavor. Para may ulam ako mamayang gabi. Sila? Diskarte na nila 'yon. Syempre kumuha rin ako ng dalawang choco butternut na donut. First time kong pumunta rito na bumili ng ganito karami at hindi nagpalibre, achievement diba? Pumunta na ako sa counter para magbayad. Buti na lang talaga hindi ako naging magastos nitong mga nakaraan, predicted na siguro ng wallet kong papalayasin kami ni papu. Pagkatapos magbayad at antayin 'yong pinainit kong mga order, bumalik ako agad sa subdivision. Muntik pa akong maligaw, potek! Ang dami pa lang pasikot-sikot sa subdivision na 'to. Buti na lang talaga tanda ko 'yong bahay ng kapitbahay namin, para sa akin ito 'yong pinakamagandang design ng bahay na nakita ko rito. Ang manly kasi, ang yayamin pa tignan. Sobrang yaman ng may-ari. Nang makapasok sa loob ng bahay namin, si Meye ang una kong nakita. Nasa kitchen siya, kung titignan ang mukha niya halatang gutom na rin siya. "Oh, tig-isa tayong apat diyan." kunwaring napipilitan kong sabi. Kunwari lang syempre, naiilang kasi ako. Hindi ko nga alam kung bakit binilhan ko pa sila, pagkatapos nila akong sisihin? Narealize ko rin kasing mali ako, ay! Basta. Halata naman kay Meye na nagulat siya, aarte pa gutom kana nga, eh. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong nito. Mukha ba akong nagjojoke? Hindi ko na lang siya pinansin. "Ako na tatawag sa kanila." prisinta ko. "Ako na, Tine." sagot niya. Nakakailang talaga. Ayoko 'tong gawin pero siguro, kailangan ko ng habaan ang pasensya ko. Puro na lang kami away, parang tanga lang. Maagang tatanda si papu dahil sa stress sa amin, kaya kahit mahirap kailangan ko ng magpakabait! Umakyat na ako at unang kinatok si Brie. Binuksan naman niya agad. "Kakain na." hindi ko na siya inantay na sumagot. Joke lang pala, hindi ko kaya makipagplastikan. Huminga muna ako ng malalim bago katukin ang susunod na pinto. Nakatatlong katok na ako pero wala pa rin, kakatok sana ulit ako nang bigla itong bumukas. "What?!" iritado ang boses ni Vien, mukhang kagigising lang. Halata sa mukha niya. "Kakain na." maiksing sagot ko. "I don't want to eat." madiin niyang sabi. Madali akong kausap. "Edi wag." tapos ay nilayasan na siya. Mahirap maging mabait pag siya ang kausap! Promise. "Si Vien?" bungad ni Meye ng mapansin niya na ako lang mag-isa. Nasa baba na rin si Brie, basta pagkain talaga. Umupo muna ako at nilaklak 'yong delight na binili ko. "Hindi raw siya kakain. Napakaarte!" nakabusangot na sagot ko. "Hayaan mo na. Kakain naman siguro siya pag nagutom.Salamat pala sa pagkain." "May bayad 'yan." mabilis kong sagot. Kahit hindi ko tignan alam kong natawa siya. Kumain na lang ako at hindi na sila pinansin. Hanggang matapos kaming kumain ay puro katahimikan lang. "Ako na magliligpit." pambabasag ni Brie. "Tine, saan ka nga pala bumili?" Tinignan ko siya. "Paglabas ng guard house makikita mo agad 'yong seven eleven." Umakyat na ako dala 'yong mga pagkain na binili ko. Pabalik na ako sa kuwarto ko ng masalubong ko si Vien na nakaayos. "Saan punta mo?" Tinaasan niya naman ako ng kilay. "None of your business." parang napahiya naman ako. Tinignan ko lang siya hanggang sa makababa na siya. "Makikipagkita na naman sa boyfriend niyang manloloko." bulong ko sa sarili ko. Kawawang Vien, makakuha lang ako ng ebidensya isasampal ko talaga sa kaniya para magising sa katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD