Chapter thirteen

476 Words
Dylan Jedd'POV Napalingon ako kay Jerk nang batuhin niya ako takip ng mineral water. "Mukhang may inaantay ka, ha. Kanina ka pa hindi mapakali." Nagtinginan pa silang dalawa ni Kyle pagkatapos ay parehong natawa. Tsk, mga iniisip na naman ng mga 'to. Hindi ko na lang sila pinansin. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid. Nasa cafeteria kami ngayon. Kanina ko pa hindi nakikita 'yong babae na 'yon, ngayon ko pa naman sana gustong umpisahan ang paghihiganti ko. Baduy naman! I mean ang pangtritrip ko sa kaniya. "Sa lunes pa sila papasok. Suspended sila ng dalawang araw, HAHAHA." napatingin naman ako kay Kyle na umiinom ng soda. Naalala ko tuloy 'yong nangyari kahapon, and I can't believe na kapatid sila ni Vien. "Grabe 'yong scene kahapon 'no? Kapatid pala sila ni Vien, ang lupit ng tatay nila mga fafs!" hindi makapaniwalang sambit ni Jerk. "Yeah, even me. I'm still shocked." kahit si Yus hindi rin makapaniwala na 'yong babaeng nakasagutan niya ay isa palang Sandoval. Kahit naman ako gulat pa rin na kapatid pala sila ni Vien, but it doesn't mean na ititigil ko na 'yong plano ko. Maybe pag nakaganti na ako sa kaniya. "Dy, nakausap mo na si Kiela about sa nangyari kahapon? She's involved." naging seryoso 'yong tono ng boses ni Jerk. Napasinghap naman ako. Isa pang problema ko. "She don't want to talk about that. I tried talk to her pero ayaw niya munang makipag-usap." sagot ko. Nag-aalala na rin ako sa babaeng 'yon. "Just give her some time. Nag-aalala lang siya kay Vien, they are best friends." may point si Yus, alam kong apektado rin si Kiela sa nangyari kahapon. "By the way, 'yong girl na tinutukoy mo is yung half sister ni Vien?" pag-iiba ni Jerk. Natawa naman si Kyle. "Oo fafs. 'Yong laging seryoso 'yong mukha pero cute." muntikan ko pang mabuga 'yong iniinom ko. What the--! Cute? saan banda? "So paano 'yan fafs, tutuloy mo pa rin?" Ngumisi naman ako. "Of course, Jerk." mabilis na sagot ko. Walang rason para hindi ko ituloy. Natawa naman sila Jerk sa akin. Nagkamali siya ng binangga, bakla at isip bata? Tch. Thursday pa lang ngayon, tatlong araw pa. --- Natapos na rin ang mga nakakaboring na subjects, uwian na rin sa wakas. "Finally! May date pa naman ako mamaya." sino pa ba? Edi ang playboy sa aming apat. "Si Bea?" tanong ni Yus dito. Napakamot naman ng ulo si Jerk. "Hindi 'no, ayoko na sa babaeng 'yon, poya! Masyadong wild!" natawa naman kami sa reaksyon niya. Inakbayan naman siya ni Kyle. "Bago na naman HAHAHAHA." natatawang tugon nito. "Hinay-hinay baka magkasakit ka." Inalis ni Jerk 'yong pagkakaakbay ni Kyle sa kaniya. "Gaho! Virgin pa ako fafs. Hanggang halik lang 'to. Kahit naman ganito ako, pihikan ako." Napailing na lang si Yus. Habang kami ni Kyle hindi mapigilan na hindi matawa. Hindi kasi bagay sa kaniya 'yong sinasabi niya, but he's telling the truth. Kahit ganito kami we know how to respect girls, who deserve respect. Hanggang sa nakarating na kami sa parking. Since nakatira lang naman kami sa iisang bahay we decided na isang car na lang ang gamitin pag pumapasok, depende kung wala kaming lakad after ng school. Para tipid na rin sa gas. Kotse ni Jerk ang gamit namin ngayon. "Janice called me earlier, matatapos na raw ang construction ng You Juice." si Yus. May pinapatayo kasi kaming Bubble Tea Shop malapit sa school. First business naming apat. Naisipan namin magtayo para may pagkaabalahan kami bukod sa pag-aaral. "Oo nga pala 'no, may kilala kang interior designer diba?" tanong ko kay Jerk na siyang nagmamaneho ngayon. Katabi ko siya sa driver seat habang nasa likod sina Kyle at Yus. Ngumiti ng nakakaloko si Jerk sa akin bago bumalik sa pagmamaneho. "Ako na bahala kay Eunice." pagtutukoy niya sa dati niyang ka-fling na interior designer. Oo, kahit na mas matanda sa kaniya pinapatulan niya. Tumawa naman si Kyle sa likod. "Konting himas lang ni Jerk 'yan, HAHAHA." Natawa naman ako. "Himas lang? Ano ka Jerk? Bata?" "Buti nga nakakahimas, eh. Si Yus ba?" Napunta naman kay Yus ang atensyon namin, busy siya sa tablet na hawak niya. "Pupusta ako ng isang milyon pag may nakalapit na babae kay Yus." sambit ko. "Sige, pupusta ko kotse ko!" si Kyle. "Pupusta ko mga babae ko." si Jerk. Tumigil naman siya sa ginagawa. "Mga gaho 'to. Kahit pusta niyo pa kompanya ng mga magulang niyo." seryosong sagot nito. Tuluyan na kaming natawa. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, si Yus ang pinakamailap sa mga babae. Never pang nagkagusto 'yan, wala ngang babaeng nakakalapit sa kaniya dahil sa three rules niya, at isa na roon ang no skin-to-skin. Hindi niya gusto ang nadidikit sa iba maliban na lang sa amin at sa pamilya niya, kaya pag may nakalapit na babae sa kaniya magpaparty talaga ako. Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa subdivision. Pinindot ko'yong remote na hawak ko para mabuksan 'yong folding driveway gate namin na papuntang garahe kung saan nakapark ang mga sasakyan namin. Actually, ang gamit naming sasakyan ay ang Range Rover ni Jerk. "Fafs, may nakatira na pala riyan." sambit ni Kyle ng makababa kami ng sasakyan. Tinignan ko naman 'yong katabing bahay na tinuro niya. Oo nga, nakabukas na 'yong ilaw. "Edi mabuti." sagot ko na lang. Umupo agad ako sa sofa ng makapasok kami sa loob ng bahay. Wala namang nangyari ngayong araw pero pagod na pagod ako. "Yeah, that's good. That house is creepy seriously." naiiling na tugon ni Yus. "Para kang bakla Yus." pang-aasar ko. "f**k you, Dylan." mabilis na sagot nito. Natawa naman kaming tatlo. Sa aming apat si Yus ang mabilis mapikon. Kaya ayaw nilang inaasar 'to, well except to me. Bigla namang kumulo 'yong tiyan ko. "Wala bang makakain diyan? Gutom na ako." reklamo ko. Hindi kasi ako nakakain ng maayos sa school kanina, hanap ako nang hanap sa babaeng 'yon tapos suspended pala. "Order na lang kayo. Wala namang marunong magluto sa atin." sagot ni Kyle. "Bakit kasi ayaw mong mag-aral kung paano magluto? For sure mabilis ka lang matututo, nasa dugo niyo na kaya ang pagiging master sa kusina." singit ni Jerk. Napatango naman ako. "Jerk is right. Kyle's mother is a chief and restaurateur that known for her highly acclaimed family restaurants. They own multiple restaurant inside and outside of the country. Sila rin ang may-ari ng Ocampo Tasty Group, isang catering and restaurant company. Kaya gustong-gusto talaga namin pag pinaglulutuan kami ni Tita Klair, Kyle's mom. The best kasi talaga ang mga recipe na hinahain niya, nakakamiss na nga, eh. Pabagsak na umupo si Kyle sa sofa na na katapat ko. "Ayoko nga, mas lalo lang nila akong pipilitin sa gusto nila." naging seryoso naman ang tono ng boses niya. "Sabagay, ano ba kasing gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Umakting siya na parang nag-iisip. "Hindi ko pa alam. Ayoko muna isipin, sakit lang sa ulo 'yan." Hindi ko na lang siya pinansin. Parang sumakit din ulo ko sa sagot niya. Sinandal ko 'yong ulo ko sa sofa pagkatapos ay pumikit. "Dito kaba magdidinner Jerk?" narinig kong tanong ni Kyle. "Hindi, eh. I need to go in a minute." "Good luck to your date, fafs." si yus. "Thanks fafs, wish me luck." narinig ko na lang ang pag-akyat niya sa second floor. "What do you want to eat?" tanong ni Kyle, napadilat ako ng batuhin niya ako ng unan sa mukha. "HAHAHAHA, akala ko kasi tulog kana, fafs!" tinignan ko siya ng masama. Gaho 'yon, masakit, ha! "I want pizza and beer." si Yus na nakaupo sa kabilang sofa. "Ganun na lang din sa akin, add kana rin ng pasta." sambit ko. Tumingin ako ng masama sa tumatawang si Kyle. "At ikaw magbayad, tarantado ka." dagdag ko pa. Lalo lang tumawa ang loko. Nagsimula na siyang magpindot sa table top tablet na nasa harap niya, isa itong coffee table touchscreen na durable surface and giant computer in one. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Umakyat muna ako sa kuwarto ko para magbihis. May pitong kuwarto sa bahay namin, 'yong apat kuwarto namin. Iyong tatlo ay isang entertainment room na mini sinehan. Nasa pinakadulo naman 'yong play room namin. Mahilig kasi kaming mag billiard, maglaro ng dart, mag tennis, anything na gusto naming laruin. Then 'yong last room is gym. Lahat ng disenyo sa bahay na 'to ay pinasadya namin, mula sa maliit hanggang sa pinakamalaking detalye. Sa second floor may isang malaking glass sliding door kung saan nakapuwesto ang veranda namin, dahil gusto ko munang magpahangin tumambay muna ako rito. Naagaw naman ng pansin ko 'yong babaeng nasa veranda sa kabilang bahay. I think she's the new owner of that house. Hindi ko makita 'yong mukha niya dahil nakatagilid siya at madilim. Napatingin naman ako sa baba ng may mag door bell. Andito na pala 'yong order namin, good! Gutom na ako. Mabilis akong bumaba. Nakasabay ko pa si Yus na nakasuot na ng pang-tulog niya, wearing his serious face as always. For me siya ang pinakamatured mag-isip sa aming apat. Nakaalis na rin si jerk, kaya tatlo na lang kaming andito. "Gutom na ako." dala na ni Kyle 'yong order naming giant pizza at dalawang pasta. "Where's the beer?" tanong ni Yus. "Out of stock na." nilapag niya sa table namin gitna 'yong order namin. "Sa pool may beer pala roon, naalala ko bigla." "Okay, ako na kukuha." prisinta ni yus. Nagsimula na akong kumain. Ito mahirap pag walang katulong, wala pang marunong magluto sa amin. Hahanap talaga ako ng babaeng masarap magluto, 'yong katulad ng mommy ni Kyle tapos papakasalan ko. ***** Celestine'POV Tinignan ko muna 'yong sarili ko sa salamin. Bakit pakiramdam ko tumaba ako? nakakataba na pala ang stress. Nakasuot ako ng one piece ngayon, nakalkal ko 'to habang nagliligpit ako ng gamit kanina. Nilagay siguro ni tita sa maleta ko, mukhang nagamit na nga, eh. Kung hindi lang ako swimming na swimming, hindi ko 'to gagamitin. "Check na siguro 'to?" umikot pa ako sa malaking salamin sa harap ko. Medyo tumuwad pa ako para silipin ang dapat silipin. Madilim naman na kaya ligtas ang aking kuyukot, HAHAHA. Nagsuot muna ako ng t-shirt at short. Nakita ko pa si Meye na kakapasok lang galing sa veranda, nagpahangin siguro. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya dahil naiilang pa rin ako. Magpapasama pa nga sana siya sa akin sa seven eleven kanina kaya lang hindi ko pinansin. Kaya niya namang bumili, nakabili na nga siya para sa ulam. Bumaba na ako at dumiretso sa swimming pool. Sumalubong sa akin ang lamig ng hangin tapos 'yong buwan ang ganda. Dapat pala dinala ko 'yong cellphone ko, sarap mag selfie. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa swimming pool namin, may jacuzzi kasi tapos may water falls pa. Naghubad na ako at nilublob muna 'yong paa ko. Napasigaw naman ako sa lamig, parang ayoko na lang maligo. Pumunta na lang ako sa dulong part kung nasaan ang jacuzzi, kumpara sa tubig sa pool mas mainit dito. I mean, maligamgam. "Dito na lang ako." sinimulan ko ng ilublob ang sarili ko. Ang sarap naman dito. Alas otso na ng gabi kaya tanging ilaw na lang sa pool area ang nagbibigay ng liwanag dito. Parang ayoko ng umahon. Sinubukan ko naman sa mismong swimming pool. Hindi na masyadong malamig, sinubukan ko pang lumangoy pero parang ito ang ikamamatay ko! Hindi ako marunong lumangoy. Sad life. Pero diba kung gusto may paraan? Bigla akong natigilan. "Ano 'yon?" bulong ko sa sarili ko nang makarinig ako ng ingay. Tumingin ako sa paligid, wala namang kakaiba. Bakit ba ako kinakabahan? Pilit kong kinalma 'yong sarili ko nang makarinig na naman ako ng ingay, parang kaluskos ganun! Bakit kasi nagswimming ako ng ganitong oras! Ano bang trip ko? Dahan-dahan akong umahon sa pool. Syempre ayokong ipahalatang natatakot ako, kahit ang totoo nangangatog na ako. Ang dami pa namang pumapasok sa isip ko ngayon! Paano kong may white lady? O kaya kapre tapos magkagusto sa akin? Natatakot na talaga ako, boset! Hindi na ako nagbihis, kahit paglingon hindi ko na ginawa. Mamaya kung ano pang makita ko sa paligid! Papasok na sana ako sa loob ng bigla akong madulas, ang bobo ko kalahati! Tumama 'yong tuhod ko sa tiles. Ang sakit, nakakainis naman! Nawala 'yong takot na nararamdaman ko dahil sa sakit. Ang bobo naman ng tiles na 'to! Kaya lang mabilis din na bumalik ang takot ko nang makarinig ako ng tawa, mahina lang pero sigurado ako. Doble na 'yong kaba at takot na nararamdaman ko ngayon, kaya kahit masakit ang paa ko kumaripas na ako ng takbo papasok sa loob! Napasigaw pa ako ng makita ko si Brie na nasa kusina at kumakain. "Nakakagulat ka naman!" nakahawak pa ako sa dibdib ko. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. "Nagswimming ka?" "Obvious ba?" sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagmadali na akong umakyat, nakasalubong ko pa si Meye. Tulad ni Brie tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa. "Nagswimming ka?" hindi ba halata? "Namumutla ka, anong nangyari sa'yo?" tanong niya ulit. "M-malamig kasi, akyat na ako." pagdadahilan ko. "Okay ka lang? Bakit ganiyan ka maglakad?" narinig ko pang tanong niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Agad akong pumasok sa banyo ng kuwarto ko para magbanlaw. Sino 'yong narinig ko? Tao ba o multo? Wag naman po sana multo! Hindi na ako magswiswimming ng gabi promise. ***** Yus Ethan'POV Damn that girl, until now natatawa pa rin ako sa babaeng 'yon. She's so stupid, parang 'yong kapatid ni Vien na nakatapon ng shake sa akin. Ugh, bakit ba pumasok pa sa isip ko 'yong stupid girl na 'yon? I don't care about her. Sumilip naman ako sa pool sa kabilang bahay, she's gone. Damn, natatawa pa rin ako, HAHAHA! Nadulas pa sa sobrang takot. But she's sexy, her curve. Nevermind. Kumuha na ako ng beer sa cooler. It's our idea na maglagay ng mini bar malapit sa pool, since mahilig kaming uminom pag nagswiswimming. Nang makakuha ng beer, agad akong bumalik sa loob. "Ang tagal mo naman." reklamo ni Kyle. I throw one beer to him, nasalo niya naman. "Nagpahangin lang ako." sagot ko. "May nakatira na pala talaga sa kabila." "Yes." tanong ni Dy. "Nagswimming ba?" nakangiti pa siya ng nakakaloko. "Yeah, natakot ko siguro. HAHAHAHA!" naalala ko na naman kung paano siya bumagsak. "But i didn't see her face." pinipigilan kong wag ng matawa. "Fafs, ang creepy mo.." seryosong ang tingin ni Kyle sa akin. "Iyong tawa mo, para kang ibang tao." Binato naman siya ni Dy ng throw pillow. "Hayaan mo si Yus. Mas okay na 'yan, mas creepy siya pag laging seryoso." I don't know, hindi lang talaga siguro mababaw ang kaligayahan ko. "Mga siraulo." kumain na lang ako ng pizza. "Pero pre, sexy ba?" Napangisi ako. "Yeah, she's sexy." marami na akong nakitang sexy na babae, but kakaiba siya. "And stupid." napailing na lang ako, ayoko ng tumawa. "Maybe she's the girl I saw earlier." napatingin ako kay Dy. "In the veranda." dagdag pa nito. "Siya lang mag-isang nakatira riyan?" tanong ni Kyle. "I think." maiksing sagot ni Dy. "By the way, uuwi ba kayo this saturday?" pag-iiba nito. Lumagok muna ako ng beer. "Yes. My sister called me last night, may family dinner kami with relatives." sagot ko. Even I don't want to go, pag si ate kasi ang humiling wala na akong nagagawa. "Sa sunday na lang siguro, magpapaalam na lang ako kay mommy." sagot ni Kyle na kumakain ng pasta. "Kailan ba balik nila tita from London?" I asked him. "Not sure, maybe next week." Napatingin naman ako kay Dy. "Hindi muna rin ako uuwi. Nasa Singapore sila dad, business trip. Kaya lulubusin ko na." Tumango-tango na lang ako. Nagsimula na akong kumain ulit, inubos ko na rin 'yong beer ko. One thing bothering me right now, who's that girl? I'm so curious about her. ***** Meyesha'POV "Anong nangyari kay Tine?" tanong ko kay Brie na kumakain sa dining area. Nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ko rin alam." Tumango na lang ako. Nagluto ako ng adobo para sa pagkain namin ngayong gabi. Buti na nga lang at may nakita akong grocery store malapit sa subdivision. Maya maya lang ay bumaba na rin si Tine, paika-ika siya maglakad. Ano kayang nangyari rito? "Kain kana." anyaya ko sa kaniya. Naiilang pa rin ako pero pasasalamat ko na rin 'to sa kaniya dahil nilibre niya kami kanina ng pagkain. Libre na kasi hindi niya naman na kami siningil. Marunong din naman ako magluto, bata pa lang kasi ako tinuruan na ako ni lola. Umupo naman siya sa tapat ni Brie. Ito na naman ang katahimikan. Tumikhim muna ako. "Brie p'wedeng palabas ng trash bag, baka kasi dumaan 'yong collector ng basura." pangbabasag ko sa katahimikan. Tapos na kasi siyang kumain, nagtext din kasi sa akin 'yong president ng homeowner's association ng subdivision about sa mga rules. Nagulat na nga lang ako at may sim card na rin 'yong cellphone na binigay ni papu. Buti na lang para may contact na ako kay lola, nakikitawag lang kasi ako noon. "Sige, nasaan ba?" tanong nito. "Nasa trashcan." sumunod naman siya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Vien. Bakit kaya wala pa siya? Kaninang tanghali pa siya umalis, alas nuebe na ng gabi. Inaantok na rin kasi ako. Hindi pa naman ako pwedeng matulog hangga't hindi pa siya dumadating, ako lang ang may hawak ng susi. Hindi naman kami p'wedeng matulog ng hindi nakalock ang mga pinto at gate dahil mga babae kami. "Nakakilabot." bulong ni Tine na narinig ko naman. Parang may iniisip siya na ewan. "Anong nangyari sa tuhod mo?" napansin ko kasi 'yong sugat niya sa tuhod. Tinignan niya naman ako. "Nadulas ako, boset! Pakiramdam ko may multo sa swimming pool." Napakunot naman ako ng noo. "Paano mo nasabi?" tanong ko. Hindi naman siya mukhang nagbibiro, kaya siguro namumutla siya kanina. "Kanina habang nagswiswimming ako, may ingay akong narinig tapos kaluskos! Kinikilabutan talaga ako!" pinakita niya pa yung braso niyang nagtataasan yung balahibo. "At alam mo ba 'yong nadulas ako, may narinig akong tumawa! Nakakatakot Meye!" Kinilabutan naman ako sa kuwento niya. "B-baka naman tao 'yon. Wala namang multo rito, impossible 'yon." sagot ko. "Sana nga hindi multo.." sumubo muna siya. "Kung tao siya, sasapakin ko talaga siya!" tinusok niya ng madiin 'yong manok. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa kaniya. Baliw talaga 'to. "Natapon ko na." si Brie. "Tulog na ako, goodnight." nginitian ko naman siya. Masaya ako at medyo nagiging okay na kaming tatlo, si Vien na lang ang kulang. Sana maging okay na talaga lahat. Nagising ako nang marinig ko 'yong door bell, nakatulog pala ako sa sofa. Tinignan ko muna 'yong oras sa wall clock, eleven na ng gabi. Nagulat pa ako. "Vien?" bungad ko ng mabuksan ko 'yong gate. Hindi niya ako pinansin at diretsong pumasok sa loob at umakyat. Saan kaya galing 'yon? --- Maaga akong bumangon para magluto ng almusal. Sisingilin ko na rin sila mamaya para sa grocery namin sa susunod. Hindi naman kasi p'wedeng ako lang ang gumastos para sa bahay. Pangalawang araw na namin dito, medyo nagiging okay na rin naman kahit nakakapanibago. Naghilamos muna ako at nagpalit ng damit. Tulog pa siguro sila, masyado pang maaga at wala kaming pasok dahil sabado. Pababa na ako nang makarinig ako ng ingay galing sa kusina. May naamoy din, parang may nagluluto? Si Brie siguro? O kaya si Tine? Pero mali 'yong nasa isip ko. "V-vien?" hindi makapaniwalang sambit ko. Totoo ba nakikita ko? Si Vien nagluluto ng almusal? Nakangiti niya akong tinignan. "Gising ka na pala Meye, kain na. I cooked some breakfast para sa atin." sagot nito. Kahit na naguguluhan at hindi makapaniwala, naiilang akong ngumiti pabalik. "Gigisingin ko na sila. Upo kana." dagdag pa nito. Nakatingin lang ako sa kaniya. Nagluto siya ng breakfast at siya pa mismo nag-ayos sa dining area. Nanaginip ba ako? Bumaba na rin 'yong dalawa. Nakakunot yung noo ni Tine, halata naman sa mukha ni Brie ang pagtataka, mukhang kagigising lang nila. "Anong meron? Bakit nanggising si Vien? Akala ko mang-aaway pero niyaya akong kumain. Nababaliw na ba 'yon?" sunod sunod na tanong ni Tine. Ganiyan din ang tanong ko. Umupo na silang dalawa. "Bakit parang iba Vien ngayon?" si Brie naman ang nagtanong. Tulad nila hindi ko rin alam ang nangyayari kay Vien. Parang may kakaiba sa kaniya? "Bakit hindi pa kayo kumakain? Sorry, nagpalit lang ako ng damit." tanong nito na kakababa lang. Bigla namang tumawa si Tine, tawang nang-aasar. "Vien, okay ka lang? Kung pagtritripan mo kami, please lang. Wala ako sa mood." seryosong sabi nito. Biglang naging seryoso 'yong mukha ni Vien. "Alam kong ganiyan 'yong iniisip niyo sa akin ngayon. Hindi ko kayo masisi but i just want to say sorry for everything I've done to all of you... I'm sure iisipin niyong kaplastikan lang lahat ng ito but I'm sincerely sorry." napayuko pa siya. Nagulat naman ako sa mga sinasabi ni Vien ngayon. Kahit si Brie gulat din. Si Tine lang ang naiiling habang natatawa. "Vien, anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Brie. Tinignan niya kaming tatlo. "Gusto ko sana na maging okay na tayong apat. Alam kong marami na akong nagawang mali sa inyo at mahirap paniwalaan lahat ng sinasabi ko, pero narealize ko na walang mangyayari kung patuloy ko kayong sisihin sa mga kasalanang nagawa ng magulang niyo.. nakatira na tayo ngayon sa iisang bahay we don't have choice kundi ang magkasundo. Not only for us but for papu. So can we start again as family and sisters?" Gusto niyang maging okay na kaming apat? Pero paano? Bakit bigla siya naging ganiyan? "Nakadrugs ka ba, Vien?" seryosong tanong ni Tine dito. "Teka lang, ha. Parang kailan lang kulang na lang isumpa mo kami tapos biglang umaarte ka ng ganiyan? Sana ayos ka lang." "I know its hard to believe what I'm saying right now. Hindi ko kayo pipilitin pero sana lang bigyan niyo ako ng another chance to prove that I'm sincere." Hindi ko mapigilang mapangiti, mukhang nagbago na nga si Vien. Halata sa kaniya ang na seryoso siya sa sinasabi niya. Siguro ito na 'yong inaantay naming lahat, ang maging okay na kaming apat. Lumapit ako kay Vien. "Pinapatawad na kita. Gusto ko rin mag-sorry kung nasaktan kita ng hindi ko alam." tugon ko. Tinignan ko naman sina Brie at Tine. "Sorry din, Vien. Tungkol pala kay Devin.." nakayukong sambit ni Brie. Hinawakan ni Vien 'yong kamay ni Brie. "Just forget that. Hindi naman maaagaw ng isang halik lang si Devin." "Pero hindi ko naman talaga ginawa 'yon Vien. Gusto lang ako--" "I said kalimutan na natin lahat. Napatawad na kita." bumuntong hininga muna si Vien. "Sorry din kung nasaktan kita at sa mga nasabi ko sa'yo at sa mama mo." Naiilang na ngumiti si Brie. "Salamat Vien, okay na tayo, ha?" Nakangiting tumango naman si Vien. Si Tine na lang ang inaantay namin. "Sorry Vien, ha. Patunayan mo muna bago tayo maging okay." "Tine." tawag ko sa kaniya, inirapan niya lang ako. "Naiintindihan ko Meyesha." nakaramdam naman ako ng awa kay Vien pero hindi ko rin masisisi si Tine. "Salamat sa inyo! so let's eat na?" pag-iiba nito. Nakakailang pero sobrang sarap sa pakiramdam. Okay na 'to, atleast medyo nagiging okay na kaming apat. Makakahinga na ako ng maluwag. Sigurado akong matutuwa si papu pag nalaman niya 'to. Sana lang tuloy-tuloy na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD