Kanina ko pa silang pinagmamasdan sa loob ng practice room na ito. Ang ibang grupo ay nagprapractice ng dance steps at ang iba naman ay nasa vocal room, kinakanta ang line nila para sa paparating namin na concert.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko sila sa kani-kanilang ginagawa. Hindi ko lubos maisip na sila ang makakasama ko hanggang sa dulo.
"Tulala ka ata?"
Napatingin naman ako kay Chester na ngayon ay katabi ko na. Inabutan ko siya ng isang bottled water dahil halata namang pagod na siya sa kakapractice.
"Masaya lang ako kasi nakilala ko kayo, ikaw!" I said.
He tap my head three times, bumalik na siya sa dance floor kasama ang iba pa naming mga kagrupo. Kinuha ko ang gamit ko para sana magbihis ng biglang bumukas ang pinto at niluwal nun si Manager Yna.
We're going to have a concert tomorrow night. I think there was a bad news about the concert or he's going to prank us.
"Guys, listen!"
Lahat kami ay sa kanya lang nakatingin. Hinintay namin ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung bad news o good news ang sasabihin niya.
"Our team going to have a concert on Korea!"