SIRIUS Kinabukasan hindi kaagad siya nakarating sa opening party ng kumpanya ni Astra dahil biglang sumama ang pakiramdam niya kaninang madaling araw. Hanggang ngayon ay gano'n parin ang sakit ng ulo niya. Walang pinagbago kahit naka-ilang inom na siya ng pain reliever. Bago siya maligo ay tinawagan niya si Astra na baka hindi na talaga siya makakapunta dahil bukod sa masama ang pakiramdam niya gusto niya rin matulog maghapon. Iyon nga lang sa opisina niya ito gagawin. Kung matatapos man niyang gawin ang pag rebisa nang plano na ipinadala sa kanya ni Kai saka palang din naman siya siguro makakatulog ng maayos. “Hello, Dane, asan ka?” “Nandito na sa company ni Dean. Asan ka ba? Kanina ka pa hinahanap ni Dad, may importante daw na sasabihin sa'yo.” Hinilot-hilot niya ang magkabila

