LEXIE “H'wag mo nang haluin. Useless kapag hindi na mainit kainin.” Ang sabi ko habang tinatansya na tikman ang sabaw. “Akala ko ba disney princess ka.” Biglang tanong niya habang hinahalo-halo ang mami. Natigilan ako at hindi naituloy ang paghigop ng sabaw. “Oo...at si Dane ang panay tawag no'n sa akin,” naguguluhan kong sagot. Tuluyan ko nang hinigop ang sabaw na nasa kutsara ko bago nag sandok ulit ng panibago. “Then, why don't you want to be treated like a Disney princess?” Saad niya na ikina-ubo ko bigla! Nasamid na ako dahil sa mga pinagsasabi niya! Binuksan niya ang mineral water bago ini-aro sa akin. Tinanggap ko naman agad para maka-inom na. “K-Kumain kana nga. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo diyan!” Paninermon ko sa kanya. Hindi ko na siya kayang awatin sa mga hindi n

