LEXIE “Let's stay here until the rain stops. Ayaw kong mag drive habang umuulan.” Imporma niya nang makarating kami sa labas ng isang kilalang convenience store. “Bakit, lumalabo na ba ang mga mata mo? Kunsabagay...may edad ka---” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang basta niya kunin sa akin ang payong na inuumpisahan ko nang tupiin. Binalingan ko siya at tinignan ng masakit. “I'm only thirty five and that's not old for me.” Proud niyang sagot habang isa-isang binubuklat ang bawat dahon ng payong. Napatulala ako sa ginagawa niya kung kaya't hindi ko nasagot ang sinasabi niya kanina. “Let that drip there. Pumasok kana, kakain tayo ng cup noodles.” Segunda niyang sabi. Isinabit niya sa isang hawakan na stainless ang tangkay ng payong. Nakita kong binuksan niya ang pintuan ng store a

