LEXIE Pagkatawag na pagkatawag ni Astra ay daig pang gagahulin ako sa oras dahil agad akong hinanapan ni Jia ng maiisuot na damit. Ang sabi ko kahit mag pantalon nalang ako at blouse pero hindi siya pumayag at parang personal assistant ko talaga siya dahil siya ang masusunod! Ang ending pinasuot niya akong ng isang knee above na balloon dress. Ang gusto niya pa ay mag takong ako pero nakipagtigasan ako! Doll shoes ang sinuot ko at bumagay naman sa dress. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatayo sa labas ng gate ng boarding house dahil kahit hanggang dito sa labas ay talagang hindi niya ako tinitigilan! Kung ano-ano ang sinasabi niya sa'kin. Kung ano-ano ang mga binibilin niya na dapat huwag akong careless. Okay lang na maging careless pero in a right way daw. Jusko, habang tuma

