Chapter 21 "Raine, dating gawi sa akin." "Ako rin." Nakangiti akong tumango sa kanila. Busy kami ngayon sa firm dahil sunod sunod iyong naka-schedule na hearing tapos ang dami pang nag papa-notaryo. Naisipan 'ko lang bumili ng kape para sa aming apat. Wala naman si Troy dahil sa may hearing siya ngayon sa RTC at masaya ako na ok na ulit kaming dalawa. Alam 'ko katangahan na mag stay ako sa kaniya kahit pinag tabuyan niya na ako pero sadyang nanlambot iyong puso 'ko sa mga sinabi niya. Bawat salitang sinabi niya sa akin noong araw na 'yun pakiramdan 'ko ako na iyong pinaka espesyal na babae sa buong mundo. Ang weird pero natunaw na ng mga salita ni Troy iyong bakal kung saan 'ko ikinulong ang puso 'ko at pinakawalan ng mga halik niya ng araw na iyon ang pagkakagapos nito. May iba kasi

