Chapter 8 "Bakit ka nakatira sa kaniya?" Tanong ni Gian ng makaupo kami sa may backseat. Pauwi na kami dahil ngayon lang din dumating si Troy galing sa court. "Kasi may utang ako sa kaniya." Mahinang bulong 'ko rito habang pinupunasan ang likod niya. Sabi kasi ni Cyan ay huwag 'ko raw hayaan na matuyuan ng pawis si Gian sa likod. Nakakatuwa nga dahil kahit hindi niya ako kilala ay ipinag katiwala niya sa akin ang anak niya. Tinanong niya lang kung saan ako nakatira at nang sabihin 'ko sa kaniya na sa bahay ni Troy ay agad siyang pumayag na parang tuwang tuwa pa siya na malaman na magkasama kami ni Troy sa bahay. Hindi na nga niya tinanong ang pangalan 'ko o humingi man lang ng resume. Hindi kaya siya natatakot na baka dukutin 'ko ang anak niya? Ang weird niya noh? Pero ang bait niya

