Chapter 7 "Good morning, Daddy O!" Bungad 'ko agad kay Troy ng makita 'ko itong lumabas ng kwarto niya. Mukhang mag j-jogging na naman siya kaya inagahan 'ko rin ang gising. Sinabungatan niya naman akong hinagod ng tingin kaya napangiti ako sa kaniya ng mas matamis pa sa asukal. "Ang aga mo namang nakasibangot? Hindi ka ba masaya na makita ako?" Gusto 'ko ng tumawa dahil kunot na ang noo niya sa inis at walang sabi sabing nag lakad palabas ng bahay kaya agad akong napasunod sa kaniya. Ang sarap pala sa feeling pag may na aasar sa'yo. Alam mo 'yung tipong gusto ka na niyang sakalin at patayin sa inis habang ikaw naman nakangiti lang at nag didiwang sa sobrang tuwa. Iyon ngayon ang nararamdaman 'ko dahil ilang araw ng sibangot si Troy sa akin simula ng sinabi 'ko sa kaniya na gusto 'ko

