Chapter 44 Bumigat iyong pag hingi 'ko. May tatlong araw na akong nakakulong sa kwartong walang kahit na anong pagdadaanan ng hangin. Tanging iyong maliit na bintana lang ang meron at nakasarado pa iyon. Hindi ako tatagal sa silid na 'to. Kailangan namin ng hangin ng anak 'ko. Nanghihina akong dinampot iyong tubig na iniwan nila dito at nanginginig ang kamay 'ko habang tinutungga iyon. Napapitlag lang ako sa gulat ng bumukas ang pinto at kahit papaano ay nakalanghap ako ng hangin. Pumasok iyong asawa ni missis Sonya na kung tawagin ng mga tauhan niya ay Don Alfaro. Nag buga pa ito ng makapal na usok sa mukha 'ko na agad 'kong kinaubo at kinangisi niya. "Malapit na ang isang linggong binigay 'kong palugit kay Troy. Pag wala pa rin siya, ibebenta na lang kita sa mga customer namin." H

