Chapter 43 "TROY!" Hindi na 'ko na gulat ng bumungad sa akin ang suntok ni Night. "TANG INA MONG GAGO KA!" Sinuntok ulit ako nito sa pangalawang pagkakataon at hindi ako nanlaban hanggang sa daganan ako nito at walang humpay sa lag basag sa mukha 'ko. "WALA KANG KWENTA!" "Dude tama na 'yan." Pilit siyang inaawat nila Rye pero hindi siya tumigil at ramdam na ramdam 'ko iyong galit sa bawat segundong tumatama iyong kamao niya sa mukha 'ko. Nalasahan 'ko na rin iyong sarili 'kong dugo. "Tumigil ka na, Night." Puno ng otoridad na sabi ni Lucas at hinila nito ng buong pwersa si Night. Sa aming lima, si Lucas pa rin ang pinakamatanda at siya pa rin itong palaging pumapagitna. "Gago ka! Ngayon ka hihingi ng tulong kung kailan nawawala si Raine! Tarantado!" Hindi ako nito naabot para sun

