Chapter 36 "Pwede ba 'kong pumasok sa opisina ng CEO?" Bungad ni Lee sa akin at nattawa ako sa istura niya na nakadungaw sa pinto 'ko. Tumango ako sa kaniya at pumasok na ito. "Haaays! Di ka man lang nag sabi na pupunta ka ng Paris. Wala tuloy akong nakaka-kwentuhan dito." Ilang araw rin siyang wala kaya naiinip ako rito sa opisina 'ko, siya lang kasi iyong nakakausap pag nandito ako. Nakakahiyang kausap iyong iba tapos 'yung iba naman, panay ang ma'am sa akin kaya naiilang ako. Hindi pa rin ako sanay na ako iyong boss at si Lee lang iyong feeling super close 'ko kaya hindi nakaka-intimidate kausap siya. Tumatawa itong napa upo at nilapag noon iyong isang key chain ng Eiffel tower. "Balak 'ko sana iuwi iyong tower kaso 'di ko mabuhat." Pabirong sabi ni Lee na kinalakas ng tawa 'ko.

