Chapter 37 Nasusuka akong napabangon at agad na napatakbo sa may banyo para sana sumuka pero tulad ng ibang araw, wala namang lumabas. Nanlalambot akong napahinga ng malalim at sa pag harap 'ko sa salamin, bakas iyong sakit na dumurog sa puso 'ko. Namumula at namamaga iyong mga mata 'ko kaya mabilis akong napahilamos at napailing pero kahit anong gawin 'ko, hindi na isama ng tubig iyong lungkot at sakit sa puso 'ko. Walang gana akong napabalik sa kwarto at napatitig sa kama. Hindi siya umuwi? Ibig bang sabihin nun galit pa rin siya sa'kin? Ganun ba talaga kalaki iyong kasalanan 'ko at natiis niya 'kong mag isa? Sana pala hindi 'ko na lang ipinilit sa kaniya na pag usapan iyong tungkol sa nanay niya, edi sana ayos na ang lahat, edi sana kasama 'ko siya ngayon. Hindi 'ko na alam kung

