Chapter 38 "Mas maganda ito kung ikukumpara sa una nating mga pinuntahan." Napatango ako kay Lee, pangatlong araw na namin ngayon rito at sa dami ng nilibot naming area ito na iyong pinaka maganda at maayos. Kumuha pa nga ako ng ilang litrato para mamaya ay mapag meeting-an na namin kung ano iyong bibilhin naming lupa. "Balik na tayo ng resort? Gabi na rin baka hinihintay na nila tayo." Tumango ulit ako kay Lee habang nakatitig sa cellphone 'ko. Sa loob ng tatlong araw na nandito ako sa Zambales ay wala akong marinig na kahit na ano tungkol kay Troy. Kahit isang 'hi' man lang mula sa kaniya ay wala, hindi rin niya sinasagot iyong tawag 'ko. Nag aalala na 'ko sa kaniya pero mukhang hindi man lang ako sumagi sa isip niya kahit isang beses. Tinawagan 'ko na si Summer kung nakikita niya

