Chapter 1
Isang maaliwalas na umaga, ang bumungad sa unang araw ng klase nila Aya. Siya ay maagang nagising upang hindi malate sa kanyang pagpasok.
Nag-ring ang cellphone ni Aya, para sa alarm.
"5 minutes, 5 minutes..." wika ni Aya sa sarili habang nakapikit pa ito, at kinapa ang cellphone sa gilid ng kanyang kama, at pinatay ang tunog nito.
Maya-maya pa ay nag-ring na ulit ito after 5 minutes. Dumilat si Aya at bumangon at pumasok sa banyo para magtoothbrush at maligo.
Pagkatapos niyang maligo ay dali-dali siyang nagbihis at nag-ayos. Pagkatapos ay kinuha niya ang bag sa ibabaw ng lamesita at lumabas ng kwarto.
Nakita naman niya ang kanyang Ina na nakaupo sa lamesa, habang umiinom ng kape.
"Oh, anak papasok ka na?" tanong nito sa kanya.
"Opo Nay," tugon naman ni Aya.
"Teka mag-almusal ka na muna," wika ng Nanay ni Aya.
Kumuha lang si Aya ng isang pandesal at isinubo sa bibig.
"Ok na po ito. Sige po, malalate na po ako eh," paalam ni Aya sa Ina.
Pagkatapos ay iniabot sakanya ang kanyang baon, "Oh sige, ito na baon mo."
Kinuha ni Aya ang baon at inilagay sa bulsa at muli siyang nagpaalam at nagmadaling lumabas.
Naghintay siya ng masasakyan na bus, at sumakay. Pagkatapos ay nakarating din siya sa kanilang school.
Panibagong buhay at panibagong pag-aaral na nmn ang kakaharapin ni Aya. Nag-aaral siya sa Zenia University, kung saan isa sa mga sikat na paaralan sa main city. Hindi sila mayaman tulad ng karamihan na nag-aaral dito. Subalit nakakuha siya ng schoolarship, kaya naman nabawasan ang kanyang tuition fee.
Fourth year highchool na siya ngayong pasukan, kaya naman pinagbubutihan pa niya ang pag-aaral upang maka-graduate at maging top 1 sa klase, upang makahanap ng magandang trabaho sa hinaharap. Sa gayon, makatulong siya sa kanyang mga magulang.
Simple lang siyang babae, hindi masyadong maganda at hindi rin popular sa school. Tahimik lamang siya at nakatuon lang siya sa kanyang pag-aaral. Kaya naman, maganda ang mga nakukuha niyang grades sa mga exams!
Bawal pa siya magboyfriend, kaya ang lovelife, ay wala sa isip niya. Aral lang muna ang gusto niyang gawin.
Pero hindi mo parin mapipigilan ang tadhana...
Nang makarating na si Aya sa school, ay napansin niyang madaming mga estudyateng babae ang nagkukumpulan at nagkakagulo sa may labas ng gate. Nagsisigaw ang mga ito at tila ba kinikilig.
Naki usisa naman siya at lumapit para tingnan kung ano ang nangyayare.
Nakita niya na meron magarang itim na kotse ang nakahinto sa tapat ng gate at bumaba dito ang sakay. Tsaka naman nagsigawan ang mga estudyanteng babae at kinikilig ang mga ito. Nang medyo malapit na siya sa gate ay nakita niya ang mukha ng lalakeng pinagkakaguluhan.
Matangkad ito, gwapo, matangos ang ilong, may nakakaakit na mga mata at napakalakas talaga ng appeal. Halos lahat ng kababaihan sa school nila ay nababaliw dito, pero maliban sa kanya.
"Si... Devil!" wika ni Aya sa sarili, habang naiinis sa tinitingnan nito.
"Hayst, akala ko maganda na ang araw ko, hindi pala." wika niya ulit.
Siya si Hiro Chan, ang "Prince Charming" daw kuno ng aming school.
Hay, ewan ko ba kung bakit ang daming mga babae ang nagkakagusto sa mayabang na lalaking ito! Sabihin na natin, gwapo nga siya, mayaman, magaling pumorma, pero ang ugali niya, hindi kagandahan, este sobrang sama ng ugali.
Dinedeadma niya lahat ng mga girls, na nag titilian habang naglalakad siya. At kahit sobrang daming nagbibigay sa kanya ng kung anu-anong mga regalo at mga sulat, ay sa basurahan lang ang tuloy ng mga yun.
Pero kahit na isnob siya, madami paring nagkakandarapa sa kaniya.
Hindi rin siya malapitan ng ibang girls dahil tingin pa lang niya ay nanginginig na ang mga ito at yun iba ay nahihimatay pa!
Pero hindi lahat ng girls ay may gusto sa kanya, katulad ko. Oo, ako! Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking yan! Hayst, napakayabang!
Kapag nakikita ko siya, kumukulo talaga ang dugo ko! Hayst, kakainis! Panira ng araw, bakit pa kasi nakita ko itong lalaking 'to, hmmp!
Pagkatapos ay nagmadali na ulit maglakad si Aya papasok ng campus.
Subalit, habang naglalakad siya sa malawak na lupain at mga puno ng kanilang school, ay bigla na lang may bumangga sakanya, natumba silang dalawa sa damuhan.
Nagtama ang kanilang mga mata at sa di sinasadya, ay nagtagpo ang kanilang mga labi. Habang nakahiga sa damuhan.
Hindi makakilos si Aya, dahil nasa ibabaw niya ang lalaki. At damang-dama niya ang mga labi nito, sa labi niya.
Si Devil! Hmmp! Shocks! Ang walang hiyang to! Siya pa naka una sa labi ko! Grrrrr! sigaw ni Aya sa kanyang sarili.
Ilang sandali pa, habang magkadikit ang kanilang mga labi ay nagtama ang kanilang mga mata. Nalanghap niya ang mabangong hininga ni Hiro.
Pilit niyang tinulak si Hiro, at agad din naman itong tumayo.
"Walang hiya ka! Bakit mo 'ko binunggo?" Agad na bungad ni Aya habang tumatayo.
"Ikaw nga dyan ang bumunggo sa akin eh." sagot naman ni Hiro habang nakanuot ang nuo nito.
"At ako pa ngayon, ha? Ikaw itong bigla na lang susulpot, at mambubunggo at m-manghahalik!" galit na sabi ni Aya.
Subalit, tinitigan lang siya ng masama ni Hiro, mula ulo hanggang paa at sinabi, "Hey miss, wala akong time sayo. Stupid girl!"
Pagkatapos ay agad na nitong kinuha ang bag niya, tumalikod at naglakad papalayo.
"Hoy teka, saan ka pupunta? 'Di pa tayo tapos mag-usap! Gago ka talaga Devil!" sigaw ni Aya.
Ang walang hiyang yun.
Yun devil na yun.
Yun ang first kiss ko! Grrr!
Papadyak-padyak na sabi ni Aya sa sarili.
Wala na siyang nagawa, dahil umalis na si Hiro, gusto niya sana itong sampalin ng malakas pero naglakad na ito palayo.
Samantala...
' That girl, tsk! Bakit kasi paharang-harang sa daan! ' wika ni Hiro sa sarili.
Pagkatapos ay nagmadali na si Hiro pumasok sa room. Nagtilian naman ang mga kaklase niya ng makita siya!
Dumiretso siya sa kanyang upuan, sa bandang likuran na tabi ng bintana. Paborito niya ang lugar na iyon, dahil nakakapag relax ang isipan niya.
Habang nakatingin sa bintana ay naisip niya ang nangyare.
Ang "First Kiss " niya, sa babaeng 'yun!
Napabuntong hininga na lamang si Hiro. Wala pa kasi siyang girlfriend, kahit na madaming nagkakagusto sa kanya ay hindi niya iyon pinapansin. Kahit na mayaman pa ito o maganda ay natuturn-off siya kapag alam niyang may gusto sa kanya! Lalo na yun mga nagbibigay sa kanya ng mga sulat, regalo at mga tumitili kapag nakikita siya. Naiirita at naiinis siya sa mga babaeng ganun.
Hindi pa niya nakikita ang babaeng, magugustuhan niya. Kaya naman, wala pa siyang nahahalikan na babae sa tanang buhay niya.
"Ngayon lang!"