Habang papunta sila sa klinika, nagpasiya muna si Hiro na dumaan sa locker room at kumuha ng tshirt para sa kapalit ng tshirt ni Aya.
Huminto siya sa harap ng locker room at ibinaba muna si Aya sa tapat ng locker niya.
"Saglit lang." sabi ni Hiro.
Tumango si Aya.
Pagkatapos ay binuksan ni Hiro ang kanyang locker at kinuha ang kanyang sobrang shirt at iniabot kay Aya.
"Here, pwede ka na magpalit mamaya." sabi ni Hiro.
"Salamat!" sabi ni Aya.
Pagkatapos ay binuhat na muli niya si Aya papunta sa klinika. Nang makarating doon ay kinatok nila ang pinto at binuksan sila ng nurse. Inihiga ni Hiro si Aya sa maliit na kama.
"Anong nangyari?" tanong ng nurse.
"Parang na-sprain po ang paa ko." sabi ni Aya.
Pagkatapos ay hinubad ni Aya ang kanyang sapatos at tiningnan ng nurse ang kanyang paa. Namamaga ito, agad niyang kinuha ang isang ice bag at inilagay sa paa ni Aya.
"Ah, ako na lang." sabi ni Hiro sa nurse.
"Ok." ang sabi ng nurse at iniabot kay Hiro ang ice bag.
Pagkatapos ay umupo si Hiro sa gilid ng kama at kinuha ang ice bag at inilagay ito sa paa ni Aya na namamaga.
"Hindi magtatagal, mawawala din ang pamamaga nyan," sabi ni Nurse.
"Salamat po!" sabi ni Aya.
Tumango siya at ngumiti. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang mesa at nagsulat.
"Palitan mo na ang damit mo. Ang dumi mo talaga!" sabi ni Hiro.
"Ah, eh dito?" nagaalangan na tanong ni Aya, habang lumingon siya sa paligid.
"Saan pa ba?" tanong ni Hiro.
Tumingin si Aya sa paligid, hindi siya makikita ng nurse dahil sa kurtina, ngunit nasa harapan lang niya si Hiro.
"Eh, pumikit ka muna dapat at tumalikod ka." sabi ni Aya.
"Huh! Nakita ko na yan, maraming beses na." naiinis na sabi ni Hiro.
"Uhmm..." ngunit nagkibit balikat lang si Aya at yumuko.
Nahihiya pa rin siyang magbihis sa harap ni Hiro, kahit totoong nakita na nito ang katawan niya.
"Haist!" bulong ni Hiro at tumalikod sa kanya at humarap sa dingding.
Nagmamadaling kinuha ang tshirt ni Aya. Nakita niya ang pinahiram sakanya ni Hiro na tshirt, na may tatak sa likod na pangalan ni Hiro. Huminga na lang siya ng malalim at sinuot ito. Pagkatapos niyang magbihis ay tinapik niya ang balikat ni Hiro at muling humarap sa kanya.
Napansin ni Hiro na suot na ni Aya ang kanyang trademark shirt sa likuran. Ngumiti si Hiro, na parang ipinapakita na si Aya talaga ay sa kanya niya lang at wala ng iba.
Napansin ni Aya ang pagngiti ni Hiro habang inaayos ang maruming p.e. uniform.
"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Aya.
"Wala!" sambit ni Hiro at biglang lumapit sa kanya at kaagad nitong mabilis na hinalikan siya sa labi. Nagulat siya dito at pinalo sa braso si Hiro
"Ikaw!" sabi ni Aya, sabay palo sa braso ni Hiro.
Ngunit ngumiti lang si Hiro habang nakatitig sa mga mata nito.
Hindi nagtagal ay naging ok ang paa ni Aya, nagpaalam na sila sa nurse at nagpasalamat sa kanya.
Tapos pumunta na sila sa field dahil nandun yung mga kaklase nila. Napatingin sa kanila ang mga estudyante ng makita ang kanilang magkahawak na kamay habang naglalakad. Nawala sa isipan ni Aya na hinahawakan ni Hiro ang kamay niya.
Kaagad niyang hinila ang kamay niya mula dito, na kinagulat ni Hiro at tiningnan siya ng masama.
"Bkit?" tanong sa kanya ni Hiro.
"Ah, nakatingin sila sa atin." sabi ni Aya at yumuko.
"Eh ano ngayon?" sabi ni Hiro at kinuha ulit ang kamay niya, pilit na hinihila iyon ni Aya, ngunit hinawakan siya ni Hiro ng mahigpit.
Huminto si Hiro at tinitigan siya ng masama, takot na takot si Aya sa tingin na iyon, dahil nagbabanta na ito na may gagawin na ito kapag hindi siya tumigil sa pagpalag sa kamay niya.
Huminga na lang siya ng malalim at nagkibit balikat na lang si Aya at sumunod na lang kay Hiro. Habang naglalakad, yumuko si Aya habang nakatingin sa kamay ni Hiro, sa kanilang mga kamay na magkahawak.
May naramdaman na naman siyang kakaiba sa kanyang sarili na nag papula sa mukha niya.
Hanggang sa makarating sila sa kanilang mga kaklase na nakaupo sa damuhan, tsaka lang siya binitawan ni Hiro.
Agad na pinuntahan ni Aya sina Karen at Jeff at umupo din sa tabi nila, habang si Hiro ay umupo kasama ang kanyang mga kaklase na lalaki.
Pinapanuod nila ang iba nilang kaklase na naglalaro ng football.
Nagulat sina Karen at Jeff nang makita sila na magkahawak ang kamay.
"Girl, ang sweet niyo naman!" pang aasar ni Jeff sa kanya.
"Aba, parang ang daming langgam dito ah." sabi naman ni Karen.
"Tsk! Kayo talang dalawa." sabi ni Aya.
Napansin ni Karen si Aya na nakasuot ng shirt na may tatak sa likod, na nakasulat ang pangalan ni Hiro.
"Tingnan mo Jeff!" Ttinuro ni Karen ang likuran ni Aya, napansin ni Jeff ang pangalan ni Hiro.
"Wow! Talaga ah, pinapakita mo na ikaw ay girlfriend ni Hiro! Ngayon, ano ang masasabi ni Monica? Hahaha!" sabi ni Jeff at nagtawanan sila.
"Kanina, pag-alis mo, nakakatuwa ang hitsura niya! Sorry na lang, hindi mo ito nakita. Hahahha" sabi ni Karen habang tumatawa.
"Bakit kaya wala siya? Aba, pumunta muna tayo sa kanyang room, upang makita ka niyang nakasuot ng tshirt ni Hiro." sabi ni Jeff.
"Oo, magandang ideya yan! Mas matatauhan yun!" sabi ni Karen.
"Tsk! Tumigil na nga kayong dalawa!" saway ni Aya sa dalawa.
"Panahon na na kailangan niyang malaman ang tungkol sa inyong relasyon, kaya't hindi niya kailangang lumandi kay Hiro noh!" sabi ni Jeff.
"Oo! Nandito sana siya, para nakita ka niya na nakahawak sa kamay ni Hiro kanina!" sabi ni Karen.
Ngunit huminga lang ng malalim si Aya.
"Stop it! Hindi natin alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa, baka magkaibigan lang sila, ok?" sabi ni Aya.
"Ah well, pero daan tayo sa kanilang room mamaya!" sabi ni Jeff.
"Haist, ikaw na nga ang bahala." sabi ni Aya.
Paglingon niya kay Hiro, nakita niya siyang nakikipag-usap sa isang kaklase habang nakaupo sa damuhan. Napansin ni Hiro na may nakatingin sa kanya, kaya napatingin siya dito.
Nakita niya ang mga mata ni Aya na nakatingin sa kanya, inirapan din siya nito at bahagyang ngumiti.
Habang nakangiti si Hiro, biglang nagsimulang tumingin sa ibang direksyon si Aya at tumingin sa kanyang mga kaklase.
"Shocks! Nahuli niya ako na nakatingin sa kanya!" napaisip si Aya.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Aya nang titigan siya ni Hiro.
"Bakit ko nararamdaman ito, gusto ko na ba siya? Pero hindi, hindi! Hindi ko magawa!" sinabi ni Aya sa sarili.
At dahan dahan siyang sumulyap ulit kay Hiro.
"Hindi, hindi ito tama. Hindi tayo bagay sa isa't-isa."
Pagkatapos ay yumuko si Aya na isiping pigilan ang nararamdaman niya para kay Hiro.
Nararamdaman niya ang isang bagay na kakaiba sa kanyang sarili, na napansin niya ito. Ayaw niyang mailantad ang damdaming iyon, alam niya kung ano ang kanyang lugar.
Sobrang yaman ni Hiro, sobrang gwapo at mahirap lang siyang babae at maid lang siya nito.
Napakalungkot isipin, ngunit totoo...