Kinabukasan, ay maagang nagising si Aya at nagluto siya ng agahan, at inihanda ito sa mesa.
Nagulat ang isang katulong nang makita ang kanyang pagluluto sa agahan. Lumapit siya at sinabi niya kay Aya.
"Oh, maaga kang nagising! Ako na ang magluluto nito." sabi niya.
"Hindi na, ok lang. Tapos na rin naman ako eh." sabi ni Aya.
"Ah, oh sige." wika nito.
Inihanda niya ang mesa para sa kanyang lutong pagkaen. Pagkatapos ay naligo na siya at nagsuot ng uniporme.
Pagkatapos niyang magbihis ay kinuha niya ang bag at lumabas sa kanyang silid.
Nakita niya na naroon na kumakaen ng breakfast sina Mr. at Mrs. Chan at si Hiro. Nakita niya si Hiro na nakatitig muli sa kanya habang tumigil ito sa pagkaen.
"Goodmorning Aya!" bati ni Mrs.Chan.
"Magandang umaga po Sir, Maam!" bati niya sa kanila.
"Oh, sinabi ko na sa iyo, na huwag mo na akong tawaging Mam 'di ba?" sabi ni Mrs. Chan.
"Ay, sorry po Auntie." sabi ni Aya.
"By the way, ito si Hiro siya ang anak namin! Kilala mo na ba siya?" tanong sa kanya ni Mrs. Chan.
"Opo." maikling tugon ni Aya.
"Ok, mag-almusal ka na muna, bago ka pumasok." sabi ni Mrs.Chan.
"Ah, hindi na po, okay lang po." sabi ni Aya nang tumanggi siya.
"Hindi yan ok. Papasok ka sa school na walang laman ang tiyan. Umupo ka na muna!" utos ni Mister Chan.
"Ok po." at sumunod naman si Aya at umupo sa harap ni Hiro.
Agad siyang binigyan ng plato ng ibang katulong.
"Salamat po." sabi ni Aya dito.
Pagkatapos ay dahan-dahan siyang kumuha ng pagkain. Samantala, tinitigan siya ni Hiro habang kumakain.
Napansin ni Hiro na mapula ang labi ni Aya, naalala niya ang halik niya kagabi. Bigla siyang napangiti habang kumakain.
Napansin ito ng kanyang Mommy.
"Ano yun Anak? Bakit ka ngumingiti dyan?" tanong ng kanyang Mommy at tumingin din kay Aya.
Huminto si Aya sa pagkain.
"Wala Mom, may naalala lang ako!" sabi ni Hiro habang tumigil sa pagngiti.
' Ang Devil na ito pinagtatawanan pa ko! Hmmp!' sabi ni Aya sa sarili at umungol siya habang kumakain.
"Sige, pagkatapos mong kumain, sumabay ka na kay Hiro at umuwi kayong magkasama." sinabi ni Mrs. Chan.
"Ah, hindi na po naka-" hindi na natapos ni Aya ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Hiro.
"Ok Mom!" sabi ni Hiro at tinitigan siya at ngumiti.
Nagkibit balikat na lang si Aya.
'Di nagtagal ay tumayo na si Hiro.
"Let's go!" wika nito.
Dali-dali namang ininom ni Aya ang juice at tumayo na rin.
" We go ahead Mom, Dad." paalam ni Hiro at hinalikan ang kanyang Mommy sa pisngi.
"Sige ingat kayo!" sabi nito.
"Salamat po, mauna na po kami." paalam din ni Aya.
"Sige ingat!" Sinabi ni Mr.Chan.
Pagkatapos ay nagmadali siyang maglakad, dahil sasakay na si Hiro sa isang itim na kotse.
Binuksan ni Hiro ang likurang pintuan ng kotse, malapit na siyang sumakay, ngunit naisip niya si Aya.
"Pasok!" utos ni Hiro ng makita si Aya sa likod niya.
"Ok." at sumakay na si Aya sa kotse at sumunod naman si Hiro.
Nang makarating sila sa University, napansin muli ni Aya ang mga babaeng humahanga kay Hiro na naghihintay sa pasukan ng gate.
Naisip niya na baka makita silang magkasama, baka kung ano ang isipin nila o baka ibully siya ng mga ito. Kaya naisip niyang huwag muna bumaba.
Naunang bumaba si Hiro sa sasakyan. Nang makita si Hiro ng mga estudyante ay nagsigawan at kinilig ang mga ito.
Pagkalabas niya, hinintay niya na makalabas din si Aya ng kotse, ngunit isinara ni Aya ang pinto at sinabi niya sa driver na lalabas siya, sa kabilang kanto.
Nagulat si Hiro nang makitang umandar ang sasakyan papalayo. Umiling na lang ito at ngumisi.
Nagpatuloy si Hiro sa paglalakad papuntang classroom.
Samantala, bumaba si Aya sa kabilang kanto ng paaralan. Tumingin muna siya sa paligid, bago bumaba ng kotse. Nagpaalam siya at nagpasalamat sa driver.
Pagkatapos ay bumalik siya sa pasukan ng paaralan.
Nang makarating siya sa kanilang silid-aralan, nakita niya si Hiro na nakaupo doon na nakatingin sa bintana.
Nagulat si Aya nang bigla siyang lumingon at nagsalita.
"Bakit hindi ka sumabay sa akin?" tanong ni Hiro.
"Eh, dahil baka tumingin sila sa atin, at baka magtsismisan sila tungkol sa atin." sabi ni Aya.
"Bakit, ano ang sasabihin nila?" tanong ni Hiro.
"Siguro, sasabihin nila kung mag-ano tayo, kung bakit tayo magkasama? " sabi ni Aya.
"So, ano? Ano ang isasagot mo?" diretsong tanong ni Hiro sa kanya.
Napalunok si Aya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Ah, sasabihin ko na magkaklase tayo." maikling sabi ni Aya.
Kumunot naman ang nuo ni Hiro sa narinig at nainis sa sinabi ni Aya.
"Ano? Kaklase mo lang ako? So, para sayo magkaklase lang tayo?"
Nahalata naman ni Aya na parang nainis si Hiro sa sagot niya, kaya bigla siyang kinabahan. Nag-isip ulit siya ng sasabihin.
"Ah, siyempre magkaibigan din tayo!" sabi ni Aya na nag-aalangan sa sagot niya.
Biglang tumayo si Hiro at sinabi, "Ganun pala, gusto mo lang na magkaibigan tayo? "
At tinitigan niya ng masama si Aya.
"Ahmm." wala namang masabi si Aya, dahil kinakabahan siya sa titig ni Hiro sa kanya.
"Ok fine!" galit na sabi ni Hiro at umupo ulit ito.
Pagkatapos ay kinuha ang headseat niya at nakinig sa musika. Pagkatapos ay tumingin na muli siya sa may bintana.
Hindi alam ni Aya kung ano ang mararamdaman, alam niya na sinabi ni Hiro na siya ay kanyang girlfriend, ngunit nasa ibang posisyon na siya ngayon.
Siya ngayon ang katulong nila Hiro at hindi karapat-dapat na maging kasintahan niya. Tiyak na maraming huhusga sakanya at pagtatawanan ng mga tao. Tska hindi niya sigurado kung talagang may gusto sa kanya si Hiro o pinaglalaruan lang siya nito.
Dahan-dahan na umupo si Aya sa kanyang upuan.
Hindi nagtagal, ay nagsimula na ang kanilang klase.
Hindi siya pinansin ni Hiro sa buong klase, kahit isang sulyap. Hanggang sa matapos ang klase. Agad siyang tumayo at naglakad palabas nang hindi tumingin sa kanya.
Habang inaayos ang kanyang bag, lumapit sa kanya ang bakla niyang kaklase.
"Hey girl, sabay tayo maglunch!" sabi ni Jeff.
"Ah ok sige." sagot niya at ngumiti sa kanya.
Habang kumakain, pinag-usapan nila si Hiro.
"Sis, ano ang balita sa kasintahan ni Hiro? Totoo ba ito?" tanong ni Jeff.
Bigla siyang napalingon sa sinabi niya.
"Ha? Hindi ko alam!" sabi ni Aya.
"Ganun ba? Matapos kumalat ang video na iyon, wala na ulit balita. Baka naghiwalay na sila?" sabi ni Jeff.
"I guess so." sabi ni Aya.
Matapos silang kumain ay naalala niya ang kanyang cellphone na baka si Hiro ay nag text na sa kanya, nakalimutan niya na dalhin ang pagkain sa rooftop.
Agad niyang kinuha ang cellphone sa bag at nakita na maraming beses na siyang nagtext at tumatawag sa kanya.
"Oh, patay na ako!" sabi niya sa sarili.
Nagpaalam na kaagad siya kay Jeff, at dali-dali siyang bumalik sa food counter at bumili ng pagkain.