Dahil paulit-ulit na nag-iingay ang telepono niya ay napilitin na si Graham na sagutin na iyon. Bahagya niya lang na iminulat ang mata niya para mapindot ang answer button at bumalik din ulit sa pagkakapikit.
"What do you want?" medyo groggy niyang tanong.
"What? Don't tell me natutulog ka pa? My God, Graham. Anong oras na?" sigaw ni Caydhen mula sa kabilang linya.
Tila inosente namang sumagot si Graham. "Ano bang problema mo? Ano naman ang masama sa pagtulog ng masarap ha?"
Alam niya naman kung ano ang mayroon ngayong araw pero wala siyang balak na magpunta sa pagtitipon na hindi naman siya magiging masaya.
Iyon talaga ang plano niya. Pumirma lang siya sa mga dokumentong pinapipirmahan sa kaniya ng walang anomang pangako na binibitawan. Gusto niya lang na magkandarapa sa pag-asikaso ng kasal ang pamilya ni Allana. Magsayang oras sa kasal na hindi naman matutuloy.
Kung inaakala niyang makukuha niya ako sa paiyak-iyak niya ay nagkakamali siya. Hindi ko anak ang batang dinadala niya. At wala akong pakialam sa putanginang nararamdaman niya.
"Siraulo ka talaga! Anong masama ha? It's your wedding day man," frustrate na sabi ni Caydhen. Alam ni Graham na naii-stress na ito dahil ito lang ang nasa simbahan ngayon na nagmula sa kanilang pamilya.
Sinadya niyang hindi ipahayag ng maaga sa mga kapatid at magulang niya ang magiging kasal nila ni Allana para hindi makapunta ang mga ito. At dahil nandito lang sa tabi-tabi ang kapatid niyang si Caydhen ay hindi ito nakatakas. Wala rin naman itong alam sa plano niyang pag i-indian kay Allana kaya ito naroon ngayon.
"Baby, ibaba mo na 'yan. Matulog pa tayo," mahinang ungol ng babaeng katabi ni Graham sa kama. Niyakap siya nito at pilit na inaagaw ang teleponong hawak niya. Hinawakan niya ang kamay nito para mapatigil.
Narinig naman iyon ni Caydhen kaya lalong nag-init ang ulo nito. Mas lalo itong nagtaas ng boses. "Ano ba naman iyan Graham. At may kasama ka pa talagang babae ngayon ha? Hindi ka na nahiya sa magiging asawa mo!"
"Sorry bro, pero umuwi ka na. Walang kasalang magaganap kaya bago ka pa kuyugin ng mga tao diyan ay umalis ka na."
"What?"
"Bye."
Mabilis ng pinutol ni Graham ang usapan nila ng kaniyang kapatid. Nakangisi niyang inihagis sa paanan niya ang telepono niya at sunod na binalingan ang babaeng katabi niya. Yayakapin niya sana ito at haharutin ng matigilan siya dahil sa malakas na pagkalampag na narinig niya. Parang may sumisira ng pintuan niya.
Dali-dali siyang tumayo para tingnan ang nangyayari. Paglabas niya ng kwarto ay bumungad sa kaniya ang tatlong lalaki na naka-tuxedo. Para itong mga MIB agent. Nawasak na ng mga ito ang pinto at tuluyan ng nakapasok. Nang makita siya ng isa sa kanila ay agad siya nitong itinuro sa mga kasamahan. Sa gulat ni Graham ay hindi siya agad nakapag-isip ng gagawin. Huli na para tumakbo dahil mabilis na siyang nahawakan sa braso ng dalawa. Habang ang isa na parang leader nila ay sinikmuraan naman siya bilang pagbati sa kaniya. Napangiwi sa sakit si Graham. Gustuhin man niyang ipitin ang tiyan niya para kahit papano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya ay hindi niya magawa dahil may pumipigil sa kaniya.
"Sige na, dalhin na ninyo iyang hayop na 'yan!" utos ng lalaking sumuntok sa kaniya.
Nang marinig iyon ng dalawa ay nagsimula na ang mga itong kaladkarin siya palabas ng condo niya. Nanatiling tahimik ang babaeng nasa kama ni Graham. Hindi na nito piniling makialam dahil wala rin naman itong magagawa. Isa pa ay ayaw din nitong madamay.
"MGA G*GO KAYO! SAAN NINYO AKO DADALHIN?" sigaw ni Graham. Imbes na sagutin ay muli lang siyang sinikmuraan ng leader na sumuntok sa kaniya.
Dahil walang magawa ay nagpatangay nalang si Graham sa tatlo. Hindi na siya muli pang nagtanong dahil alam niyang wala rin naman siyang makukuhang sagot sa mga ito. Kahit ang guard na nadaanan nila. Sigurado siyang hindi ito nakialam sa ginagawa sa kaniya dahil natapalan ito ng pera sa mata.
Pagdating sa labas ay pinilit siyang isakay ng mga lalaki sa isang itim na limosuine na naghihintay na doon. Halos mangudngod pa ang mukha niya sa sahig ng sasakyan ng malakas siyang itulak ng isang may hawak sa kaniya. Pagkatapos siyang maipasok sa limo ay pumasok rin doon ang lalaking kanina pa sumusuntok sa kaniya at mga kasama nito. Inipit siya ng mga ito. Dalawa sa kanan at iyong leader naman ang sa kaliwa.
Napangisi si Graham ng makita ang mastermind ng lahat.
Nang makita nito ang ginawa niya ay agad nitong inutusan ang mga tauhan na paluhuorin si Graham. Mababa lang ang sasakyan pero sapat lang ang taas niyon para makakilos ang mga lalaking kumuha sa kaniya. Hinawakan siya ng mga ito at pinagsisipa sa binti para mapilitang lumuhod sa harap ng tatay ni Allana.
"At may balak ka pa talagang hindi siputin ang anak ko ah." nagtatagis ang bagang nito. Sumenyas ito sa dalawang tauhan niyang naroon na agad namang pinaliguan ng suntok at sipa si Graham. Lahat ng parte ng katawan niya ay pinapatamaan ng mga ito maliban lang sa mukha niya.
"Hindi lang 'yan ang matitikman mo kapag hindi ka sumipot sa kasal ninyo ng anak ko!" dugtong ni Mr. Hernandez. Talagang nanggagalaiti ito sa galit.
Lalo lang ngumisi si Graham. Hindi naman siya manhid para hindi masaktan sa mga natatamo niyang suntok at sipa pero hindi siya natatakot na mamatay. Para sa kaniya ay wala narin namang saysay ang buhay niya. Kahit ano kasi ang pilit niya ay hindi talaga mawala sa sistema niya si Bebeca. Kahit pa iba't-ibang babae ang makasiping niya ay ito talaga ang hinahanap-hanap niya. At wala ng sasakit pa sa katotohanan na gustuhin man niyang makasama ang taong mahal na mahal niya ay hindi niya naman magawa dahil napakaraming humahadlang sa kanila. Iyon ang talagang dumudurog sa pagkatao niya.
"Kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi ko pakakasalan ang anak mo," matigas na sabi ni Graham.
Bahagyang lumapit sa kaniya ang matandang Hernandez. Hinila nito ang kwelyo ng suot niyang t-shirt at galit na galit na nagsalita.
"Kung kinakailangang kaladkarin kita papunta sa altar, gagawin ko iyon matuloy lang ang kasal ninyo ng anak ko," madiing sabi nito sabay pakawala ng isang malakas na suntok.
Bahagyang pumaling sa ibang direksyon ang mukha ni Graham na nilapatan ng kamao nang matanda. Naramdaman niya ang paglabas ng konting dugo sa ilong niya pero ngumisi lang siya.
"Iyan lang ba ang kaya mo?" pangungutya niya pa sa tatay ni Allana.
"Boss, nandito na po tayo," pahayag ng driver na nasa unahan.
Napatingin sa labas ng bintana si Graham ng marinig iyon. Doon niya nakita kung saan siya dinala ng mga kumuha sa kaniya. Nasa bukana na sila ng simbahan. Talagang seryoso ito sa sinabi sa kaniya kanina.
Bumaba na ang matandang Hernandez pero bago iyon ay nakita ni Graham na may ibinulong pa ito sa mga naiwang tauhan. Pagkasara ng pinto ng limosuine ay nakangising ipinakita ng isang tauhan ang hawak nitong paper bag. Mula doon ay inilabas nito ang isang kulay itim na tuxedo na agad nahulaan ni Graham kung para kanino.
"Let's play dress up, boys."
Nagtanguan ang lahat ng tauhan ni Mr. Hernandez na naiwan sa loob ng limousine. Dahil naka-boxer short lang naman si Graham ay mabilis nila itong nasuotan ng pantalon. Ganoon din sa tuxedo. Ilang sandali lang ay nagawa na siyang bihisan ng mga ito. Sabay sabay pang nagtawanan ang mga lalaki ng makita ang kinalabasan ng ginawa nila.
"Sige na, ilabas na ninyo ang laruan natin," tumatawang utos pa ng leader nila.
May humawak na naman sa magkabilaang braso ni Graham. Hinila na nila ito palabas ng limo. Naroon parin naghihintay si Mr. Hernandez.
"Sige na kaladkarin 'nyo na iyan papunta sa altar," utos nito.
Sinubukan ng lumaban ni Graham pero hindi niya magawang palayain ang sarili niya sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kaniya. Parang nakalaan talaga ang mga ito sa bagay na iyon.