Kinabukasan, katulad ng sinabi nang kapatid niya ay pinilit ayusin ni Graham ang sarili niya. Kahit bahagya paring masakit ang ulo niya dahil sa hang-over ay tiniyaga niyang hanapin ang papel na ibinigay sa kaniya nang tatay ni Allana noong nakaraang araw. Sa dami ng basurang nagkalat sa loob ng unit niya ay hindi na niya alam kung saan niya ba iyon naipatong.
Kinailangan pa niyang tumawag ng tagalinis para lang makita iyon. Mabuti nalang at nahanap naman niya. Sandali niya pa iyong binasa bago nakangising pinirmahan.
"Ito pala ang gusto ninyo ha, fine! Bibigyan ko kayo ng kasal na hindi ninyo makakalimutan."
---×××---
"Talaga po? Pinirmahan na ni Graham ang mga dokumentong kailangan para sa kasal?" hindi makapaniwalang tanong ni Allana.
Isang napakagandang balita iyon para sa kaniya. Matutuloy narin kasi sa wakas ang kasal na inaasam niya. Pumayag na si Graham na pakasalan siya kaya masayang-masaya siya.
"Oo. Kanina ay dumating sa opisina nang papa mo ang nga dokumentong pinapirmahan niya kay Graham. Mukhang na kumbinsi na niya ito," masayang sambit rin ng kaniyang ina.
Biglang niyakap ni Allana ang mama niya. Pakiramdam niya ay unti-unti ng umaayos ang lahat. Kahit pa sabihing napipilitan lang ngayon si Graham. Ang mahalaga sa kaniya ay binibigyan siya nito ngayon ng pagkakataon para patunayan ang pagmamahal niya.
Nang pakawalan na ni Allana ang kaniyang ina ay nakangiti niyang hinaplos ang tiyan niya. "Narinig mo ba iyon baby. Handa na si daddy na tanggapin ka. Sabi ko naman sa iyo e, maniwala ka lang. Mahal ka rin ng daddy mo."
Napangiti lang ang mama niya. Masaya rin itong nakihaplos sa tiyan niya.
"Pero ma, kailan daw po ang kasal?" tanong ni Allana. Bigla itong napatigil sa ginagawa niya at napatitig sa kaniyang ina.
"Ang sabi ng papa mo ay inaayos na niya ang lahat. Sa lalong madaling panahon ay maikakasal narin kayo ni Graham. Just be patient ok."
"Sa tingin 'nyo po dapat kong puntahan ngayon si Graham? Sa tingin ko kasi kailangan po naming mag-usap tungkol sa paghahanda sa kasal e."
"Hindi na iyon kailangan anak. Let your dad do it for you. Baka mamaya ay magtalo lang kayo ni Graham," may konting pag-aalala sa tinig ng kaniyang ina.
"Pero ma, soon to be husband ko na po si Graham. Dapat matuto akong timplahin ang ugali niya."
"Ikaw ang bahala. Pero alam mo ba kung saan siya tumutuloy ngayon?"
"I think so."
Pagkatapos makipag-usap ni Allana sa kaniyang ina ay agad siyang nag-drive papunta sa dating condo ni Graham. Iyon lang kasi ang alam niyang tinutuluyan nito. Kung wala ito doon ay plano niyang umuwi na lang.
Dahil kilala na siya ng guard sa building ay hindi na siya pinigil nito. Medyo nag-aalangan pa siyang umakyat sa unit ni Graham pero pinilit niyang lakasan ang loob niya dahil iniisip niya na kailangan niya iyong gawin para sa kanila. Para muli silang makapag-usap. Para mas malinawan na ito sa mga nangyari.
Pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ni Graham ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago pinindot ang door bell. Ilang minuto rin niyang ginawa iyon pero wala namang nagbubukas ng pinto para sa kaniya. Dahil naisip niya na baka may nangyari na sa binata ay may pag-aalala niyang sinubukang i-type ang lumang password na gamit nito. Mabuti nalang at hindi pa ito nagpapalit.
"Graham," tawag ni Allana pagkabukas niya ng pinto.
Napangiti siya ng muling makita ang loob ng condo unit ni Graham. Matagal-tagal narin kasi ng huli niyang napasok iyon. At iyon ay noong may nangyari sa kanila. Hindi na siya bumalik pa sa condo nito pagkatapos noon dahil nahihiya siyang maalala ang ginawa nila sa lugar na iyon.
Ganoon parin ang ayos ng condo ni Graham sa huling pagkakatanda niya. Malinis din ang lahat kaya naisip niyang maayos naman ang kalagayan nito kahit nawala na si Bebeca.
Pagkatapos libutin ni Allana ang loob ng condo at hindi niya makita si Graham ay napagpasyahan niyang umalis na lang. Wala rin naman siyang gagawin doon e, dahil wala doon ang pakay niya. Malungkot man dahil hindi niya nakita ang hinahanap niya ay masaya naman siya dahil sa nakita niyang itsura ng condo nito. Ang ibig sabihin kasi ng maayos na condo ay maayos lang din ito. Wala siyang nakitang anomang senyales na napariwara na ang buhay nito dahil sa pag-alis ni Bebeca.
Pasakay na siya ng kotse niya ng makita niya ang lalaking sinadya niya sa lugar na iyon. May kasama itong babae na nakasuot ng kapos na tela. Magkayap ang dalawa habang papasakay ng elevator na nasa parking lot. Tila nanigas sa kinatatayuan niya si Allana. Gustuhin niya mang sugudin ang dalawa ay wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Dahil kung binibigyan na siya ng pagkakataon ni Graham ay bakit ito may kasamang babae ngayon?
Hanggang sa tuluyan ng makasakay ang dalawa sa elevator ay nanatili lang na nakatayo sa harap ng kotse niya si Allana.
"Ano bang nangyayari? Dapat ko ba silang guluhin?"
Napayuko nalang siya. Mas pinili niyang pumasok nalang sa kotse niya kaysa makita ang ginagawa ng dalawa. Nasasaktan na nga siya, ngayong iniisip pa lamang niya e. Ano pa kaya kung makikita niya mismo ng harapan. Baka lalo lang siyang madurog.
Malungkot na nag drive pauwi si Allana. Wala naman siyang pupuntahan na ibang lugar kaya umuwi nalang siya. Pagdating niya sa mansion nila ay hindi muna siya pumasok sa loob. Nanatili lang siya sa may garden nila at naupo sa Kahoy na upuang nakatirik sa ilalim ng malagong puno ng chico. Doon siya madalas na tumabay kapag nais niyang magmuni-muni. Mula roon ay kita kasi ang lahat ng tanim na halaman ng mama niya. Iyon nga lang, hindi sa oras na iyon dahil lubog na ang araw. Tanging mga ilaw na nakasindi nalang sa paligid ang nakikita niya ng malinaw.
Ilang linggo na ang nakararaan simula ng ilahad niya ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ilang linggo na pero para sa kaniya ay kahapon lang iyon nangyari. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Graham sa coffee shop ay hindi na niya ito muli pang nakita, hanggang sa kanina.
Napapikit siya ng mariin. Hindi niya sinasadyang maalala ang nangyari sa kanila doon sa coffee shop ng sabihin niya ang pagbubuntis niya.
Pinipilit ni Graham na walang namagitan sa kanila. Wala raw itong maalaala. Hindi ito naniniwala sa kaniya, kaya nga humingi pa ito ng DNA test nang ipinagbubuntis niya. Masakit iyon para sa kaniya. Hindi niya alam kung wala nga ba talagang maalala si Graham o hindi lang nito matanggap ang mga nangyari. Hindi nito matanggap dahil nagawa nito ang bagay na iyon sa babaeng hindi niya mahal.
But he was my first. Ang akala ko ay ikatutuwa niya iyon. Nagkamali pala ako. s*x doesn't change anything. It can't pleases someone's heart to fall in love. Iyon ang pinapa-mukha sa akin ni Graham ngayon. May nangyari nga sa amin pero hindi no'n mababago ang katotohanan na sa ibang tao parin tumitibok ang puso niya.
Tuluyan na siyang napaluha. Ang akala niya ay magiging maganda ang araw niya pagkatapos niyang marinig ang sinabing balita ng kaniyang ina. Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat da kanila ni Graham. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit pumayag ito na magpakasal sa kaniya pero may kasama naman itong ibang babae.
Graham, ano bang ginagawa mo?