Kabanata 3: Goodbye Graham

1352 Words
Pagpasok ni Graham sa bahay na tinutuluyan nila ni Bebeca ay agad niya itong hinanap. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan nito habang umiikot sa bahay. Bawat kwarto, bawat sulok ay sinisigurado niyang nakilatis niya ng mabuti bago iniiwan. Lahat ng pagbubusisi ay ginagawa niya pero hindi niya makita kahit ang anino nang dalaga. Mukhang umalis ito ng hindi nagsasabi sa kaniya. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala. Agad niyang tinawagan si Bebeca pero hindi niya ito ma-kontak. Nakapatay ang telepono nito. Lalo tuloy siyang hindi mapakali. Naglakad siya ng pabalik-balik sa buong bahay habang nag-iisip ng gagawin. Napatigil lang siya ng mapansin ang isang piraso ng papel na nakadikit sa ref. Nagmamadali niya iyong kinuha. Sulat kamay ni Bebeca iyon. Ayoko sanang gawin ito pero sa tingin ko, kailangan na kitang layuan. Kanina ay pinuntahan ako ng daddy ni Allana, he beg for his daughter. You need to marry her. I'm sorry. Alam kong dapat ay lumalaban ako para sa atin pero, hindi ko yata kayang may madamay na bata. Your child needs you. Please, don't search for me. Ito ang makakabuti sa lahat. I'm sorry. I love you. Goodbye Graham, Bebeca Habang binabasa iyon ni Graham ay hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kaniyang mga luha. Hindi niya ito napansin dahil sa matinding pagkabigla. Ang inaasahan niya kasi ay magkasama nilang haharapin ang dagok na dumating sa pagmamahalan nila pero sa nabasa niya, mukhang sumuko na ito. Mukhang naawa ito sa bata. Sa batang ginagamit ni Allana para makuha siya. ---×××--- Mabilis na lumipas ang mga araw. Pagkatapos mawala ni Bebeca ay palagi ng wala sa sarili niya si Graham. Ang dami ng nagbago sa kaniya. Hindi na siya nakakangiti katulad ng dati at hindi na niya nagagawang makapagtrabaho ng maayos. Ilang ulit na niyang sinubukang hanapin ang girlfriend niya. Pinuntahan niya ang mga kamag-anak nito pero tikom naman ang bibig ng mga ito. Wala raw nakaaalam kung nasaan ang dalaga. Gustuhin niya man na maniwala sa mga ito ay tila may pagdududa sa isip niya. Pakiramdam niya ay may pumipigil lang sa mga itong magsalita. Kaya naubusan na siya ng plano. Paano mo nga naman hahanapin ang taong ayaw magpakita sa'yo. Gulong-gulo parin si Graham. Dahil sa mga nangyayari ay napagdiskitahan niya ang alak. Kapag pumapasok sa isip niya si Bebeca ay agad siyang nagbubukas ng nakalalasing na inumin at nagpapakalunod. Minsan nga ay ginagawa niya na iyong tubig. Nawalan narin ng direksyon ang buhay niya. Pakiramdam niya ay naiwan siyang nakasabit sa ere. Wala siyang pinanghahawakan pero nanatili siyang nakalutang. Parang araw-araw ay may sumasakal sa leeg niya at hindi niya alam kung kailan siya muling makahihinga ng maayos. Pero kahit gano'n. Kahit gaano siya nasasaktan ngayon ay hindi niya parin sinisisi si Bebeca. Mahal na mahal niya parin ito. Alam niya kasi na ginawa lang nito ang bagay na iyon dahil naisip nitong iyon ang makabubuti sa lahat. Ang makabubuti sa lahat? Natawa ng mapait si Graham ng maisip iyon. Baka kasi ang makabubuti lang sa putang*nang Allana na iyon. Napalingon si Graham sa may pintuan ng marinig niyang bumukas ang pinto. Hinintay niyang makapasok ang kaniyang bisita. Maya-maya ay nakita niya na naka-busangot ang mukha na pumasok si Caydhen. Hindi maipinta ang mukha nito habang umiiwas sa mga kalat na pwede niyang matapakan. "Yow kapatid. Ano ang ginagawa mo dito?" bati ni Graham kay Caydhen. Tiningnan siya nito ng masama. Mabilis na itong lumapit sa kaniya. "Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo ha Graham?" Agaw ni Caydhen sa hawak na bote ni Graham. Pilit niya iyong kinuha sa kamay ng kapatid at ipinatong sa lamesang malayo dito. "Ano ba. Give me back my drink. I need that," ani Graham habang hinahabol ang kinuha ni Caydhen. Naiinis siyang tumayo. Balak niya sanang kunin ulit ang inilapag ni Caydhen sa lamesa pero pinatigil siya ng nanginginig niyang mga tuhod. Dala ng matinding kalasingan ay nakalimutan niya na ang salitang balanse kaya napaupo nalang siya sa sahig. Sumandal siya sa hamba ng kama at tila nababaliw nalang na tumawa. "Hanggang kailan mo ba balak gawin iyan sa sarili mo ha? Ilang araw ka ng ganiyan ah. Gusto mo ba talagang makarating pa kay daddy ang mga pinag-gagawa mo? Alam mong hindi niya ito magugustuhan," sermon ni Caydhen. Sumimangot lang si Graham. Pakiramdam niya tuloy ay ito na ang kuya dahil sa inaarte nito ngayon. Naiiling na pumihit ng tingin sa ibang direksyon si Graham. Tumitig lang ito sa kawalan. Parang napakalalim ng iniisip nito. Ang kaninang pagtawa ay biglang naging katahimikan. Naawang naupo naman si Caydhen sa tabi ng kapatid. Katulad ni Graham ay tumingin din ito sa kung saan. Sandaling namayani sa magkapatid ang katahimikan. Hanggang sa basagin iyon ni Graham. "Why do people choose to leave?" tanong ni Graham. Nilingon siya ni Caydhen. Pinakatitigan siya nito. Kahit papaano ay naawa ito sa kaniya pero alam nito ang dapat na ginagawa sa problema. Hindi iyon dapat tinatakasan. "I don't know." "Why do people so easy to give up?" "I'm not a love expert ok," reklamo ni Caydhen. "Then why are you here?" "To give you this." Doon lang napansin ni Graham ang hawak na papel ng kapatid niya. Tinitigan niya lang iyon, tsaka siya nagtanong. "Ano ba 'yan?" "May notaryo na nang abugado ang kasunduan ninyo ni Allana na ipapa-DNA test niya ang batang nasa sinapupunan niya," sagot ni Caydhen. Tumawa lang si Graham. "That woman!" Napabuga ng hangin si Caydhen. Hindi niya personal na kilala si Allana pero madalas itong mai-kwento noon ni Graham sa kaniya kaya alam niya na mabuti naman itong tao. "Wala ka ba talagang naaalala sa nangyari sa inyo ni Allana? Dude, I'm pretty sure hindi iyon sasabihin ng babae ng wala lang." Ngumisi naman si Graham. Muli niyang sinubukang tumayo. Pero muli naman siyang natumba. Naiiling nalang tuloy siyang napabalik sa dati niyang pwesto. "Bakit ba mas naniniwala ka pa sa babaeng iyon kesa sa akin ha? Sinabing si Bebeca nga ang kasama ko noong gabi ng birthday ko e. Hindi nga ba at magka-usap pa tayo no'n?" frustrate na sagot ni Graham. Pakiramdam niya ay paulit-ulit nalang siyang nagpapaliwanag tungkol sa nangyari sa kanila ni Allana. Napapagod na siya. "Yeah I know. Sinabi mo ngang dumating na ang girlfriend mo kaya ie-end mo na ang video call natin." Nagpatango-tango naman si Caydhen. "See. I didn't even remember saying that." "Pero Graham, hindi ba pwedeng hintayin nalang muna natin ang magiging resulta ng DNA ng bata bago ka mag desisyon? I mean, para lang makasigurado. Hindi ba sabi naman ni Allana ay handa niyang ipa-DNA ang bata?" "So what are you saying? Tanggapin ko ang kasal na inaalok nila? And what if mag negative na nga? May takas pa ako sa pamilyang manloloko na iyon." "Of course. Pwedeng-pwede iyong maging grounds sa annulment ninyo. Just hang on ok. Huwag mo namang sirain ang sarili mo. If you really love Bebeca, better fix this first. Hindi iyong dinadagdagan mo pa ang problema." "Akala ko ba hindi ka love expert? Eh, bakit ganiyan ka magsalita ngayon?" "I was just concern to you ok. Ayoko lang namang masira ang buhay mo dahil ka katarantaduhan mo e. Come on. Fix yourself dude. Siguradong malulungkot si mommy kapag nalaman niya ang ginagawa mo sa sarili mo e." Agad na binatukan ni Graham ang kapatid. "Tarantado, at ginamit mo pa si mommy." "Bakit? Gusto mo bang sabihin ko na nababaliw na ang isa sa anak niya? Ano kaya ang mararamdaman niya ha?" Natawa bigla si Graham. Alam na alam niya kasi ang ugali ng kanilang ina. Siguradong dadalhin siya nito sa isang psychiatrist kapag nalaman ang nangyayari sa kaniya. Napaka OA kasi nitong mag-isip. Naalala pa nga niya na minsan ay taranta siya nitong dinala sa ospital ng dahil lang sa kagat ng langgam. "Don't you dare Caydhen." "Kaya nga. Better fix yourself. Harapin mo ito at 'wag mong takasan." Harapin? Yeah right! I am not a Quinn for nothing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD