HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW
"K-Kailan mo ba planong umuwi?"
Madaling araw na at sobrang lutang na ng utak ko—pero mas lalo pa yatang lumutang dahil sa lalaking andito pa rin sa tabi ko.
Mahabaging langit, ito na ba ang biyayang ipinagkaloob niyo sa akin? Matapos kong humiling sa inyo sa halos mahigit isang daang beses?
Jusko! Ang poging delivery rider na hindi ko man lang halos alam kung anong pangalan ay andito lang naman ngayon sa tabi ko, nakaupo, tahimik at nakatitig sa akin.
Kitang-kita ko sa peripheral vision ko kung paanong nasa akin lang ang tingin niya simula pa kanina. Isang oras na ang nakalipas magmula nang matapos ko siyang gamutin, pero heto pa rin siya at nakatulala sa akin.
May mali ba akong nagawa? Baka naman nabawasan na ito ng turnilyo sa utak dahil sa nangyari sa kaniya. Hindi kaya na-ambushed ang poging lalaki na 'to? Feeling ko kasi 'yon talaga ang dahilan. Baka na-traumatized nang saksakin siya ng kung sino diyan sa daan.
Delivery rider ba naman kasi, kaya siguradong alam ng mga kung sinong adik diyan na may dala siyang pera.
Kawawa naman, mabuti na lang ay hindi na-sira ang pogi niyang mukha.
"Y..."
Muli akong humarap sa kaniya nang makarinig ako ng mahinang pag-usal niya. "H-Hah?" Paglilinaw ko sa sinasabi niya.
"Your name..."
Napangiwi ako dahil sa hina ng boses niya ngayon. Mukhang grabe na ang panghihina niya. Pinipilit ko naman kasing dadalhin ko siya sa hospital, pero ayaw niya naman. Hindi ko naman na siguro kasalanan kung may mangyaring masama sa kaniya 'no?
"Happy... pero mas ok na tawagin mo akong, Hapi. Para mas pinoy pakinggan." sagot ko habang napapakamot pa sa ulo.
Ngumisi ito. "I see... maganda ang pangalan mo." Papuri niya kaya napantig ang tenga ko.
"Ay nako! Baka kung malaman mo ang full name ko 'eh mas lalo kang mapangiti."
Jusme! Ito na ang kadaldalan ko—nagsisimula na! Pero ayos lang naman siguro diba? Kami lang namang dalawa dito, at isa pa ay hindi dapat makatulog ang lalaking 'to lalo na't may tama ang ulo niya. Ayos lang naman siguro na daldalin ko muna siya.
Nakita ko ang kwestiyonadong emosyon sa mukha niya matapos marinig ang sinabi ko. Ako naman ay ngiting-ngiti bago muling nag-salita.
"Happy Sunshine Nudelan, iyan ang pangalan ko." tumawa ako. "Ayos 'eh no? Happy na, sunshine pa! Ewan ko ba kung anong trip nang nagpangalan sa akin. Pero ayos lang naman, kasi minsan nagbibigay din ng motivation sa akin ang pangalan ko kapag down na down na ako." nagangat naman ako ng tingin sa kaniya. Nakaupo na ako sa upuan na andito sa loob ng counter/cashier, habang siya naman ay nasa harap.
"Eh ikaw? Anong pangalan mo?"
Tila kumislap ang itim na itim niyang mga mata habang nakatingin sa akin at bago siya magsalita.
"Maxim... Maxim Ferrer."
Maxim... jusmiyo marimar! Ang ganda ng pangalan niya—oh my God, bagay na bagay sa gwapo niyang mukha.
Tila may kung anong kiliti akong naramdaman sa loob ng tiyan ko. Ito na yata 'yung 'butterflies in the stomach' na sinasabi nila. Kinikilig ako dahil lang sa tingin, pangalan at presensya ng lalaking 'to na Maxim ang pangalan.
Tumango ako. Natahimik kaming dalawa at hindi na alam kung ano pa ang susunod na magiging topic.
Patingin-tingin lang ako sa kisame ng convention store, tinitignan kung may mga agiw ba, o gagamba para malinis ko na bukas.
Pero talaga nga namang sinusubok ako ng mundo. Dahil ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang titig sa akin!
Hele, beke narealize nye ne kung gaano ako kapangit?
"G-Grabe ka makatitig sa akin ah? M-Matutunaw ako niyan." Awkward! Ano ba Hapi?! Ang corny mo naman...
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil hindi naman siya sumagot, pero nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakaharap at nakatitig pa rin siya sa akin.
Hays, Lord, may gusto siguro sa akin ang lalaking 'to 'no? Inamoy ba naman ang panty ko't pina-picture frame pa. Kaya rin siguro nakatitig siya sa akin magmula pa kanina dahil crush niya ako o baka na-love at first sight siya sa akin 'nong niligtas at inangkas niya ako papunta dito sa store.
Hele! Nakakakilig—what if?! Diba?!
Ilang sandali pa't hindi na ako nakapag-pigil pa. Nakayuko akong humarap sa direksyon niya bago nagsalita.
Ako si Hapi, laging handa at hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.
Kunwari akong umubo. "Alam mo, sabihin mo lang kung crush mo ako kuyang delivery—este, Maxim. Kasi sa totoo lang, type din kita—I mean, pogi ka—ay hindi! Este, crush din kita—jusko hindi! I mean pwede naman nating kilalanin ang isa't-isa?" Parang nagkakanda-buhol buhol ang dila ko dahil sa pinaghalong kaba at kilig. Unti-unti na akong nagangat ng tingin sa akin habang nagsasalita.
"Hindi 'yung dinadaan mo sa titig—" naknamputchanginang nga naman talaga.
Bagsak ang balikat at panga ko nang tuluyan na akong magangat ng tingin sa kaniya. Nakatitig lang ako sa kaniya sa ilang minutong lumipas bago ko napagtanto ang lahat.
Halos sambunutan ko na ang sarili ko dahil sa kahihiyan at reyalisasyon sa ginawa at pinagsasasabi ko kanina.
Nanlumo pa ako't halos lumuhod na sa sahig habang nakatabon ang isang buong palad ko sa mukha ko para takpan ito.
"N-Nakakahiya—assumera ka Hapi! Nakakahiya ka—" napahinto ako at maya't-maya ay sinambunutan ang sarili ko bago sumigaw nang walang tunog o boses na lumalabas mula sa bibig.
Hindi na ako nakaupo sa upuan ko, nakaluhod na ako sa sahig at hiyang-hiya dahil sa kahanginan ko kanina.
Nang maka-recover na ako'y dahan-dahan akong umangat at silipin ang lalaki na sinabihan ko na ng kung ano-anong kahanginan kanina dahil lang nakaharap ito sa akin.
"Huhu." Para akong naiiyak habang nakatingin sa mukha niya. Tulog siya! Punyeta, mahimbing na natutulog ang letsugas!
Kung ano-ano pang sinabi ko kanina dahil akala ko'y titig na titig lang siya sa akin pero hindi pala! Tulog siya! Nakapikit at mahimbing na natutulog! Tanginasinnn, nakakahiya talaga.
"Tanga ka talaga Hapi, pasalamat ka't tulog ang lalaking 'to. Ikaw lang ang nakakaalam ngayon ng katangahan mo."
Nakaginhawa ako dahil sa katotohanan na 'yon. Napabuga pa ako ng malalim na hininga pagkatapos ay muling naupo sa upuan.
"Buti na lang... walang CCTV—" napahinto na naman ako sa sasabihin ko nang humarap ako sa direksyon kung na saan ang pinto ng budega. Napangiwi nang makita ko ang tila ay nagpipigil na tawang mukha ni Ali.
"Naknampucha naman oh." Bulong ko nang magkatitigan kami.
Nakalimutan ko ang babaeng 'to!
Hindi niya na napigilan pa ang sarili niya't napahagalpak na siya ng tawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya habang kinakapos na ng hininga kakatawa.
Napahilamos na lamang ako sa mukha ko't napadukdok ang ulo sa lamesa na nasa harap ko.
Hindi ko na kailangan pang magtanong kung nasaksihan niya ang lahat, dahil kung hindi ay hindi naman siya tatawa ng gan'yan kalakas at kalala!
Ahh... gusto ko na lang sambuntan ang sarili ko. Nakakahiya naman talaga ang katangahan at kahanginan ko 'oh.
Nakanguso akong humarap sa direksyon ni Maxim. Medyo nakayuko na ang ulo niya't tulog na tulog.
Hindi ko alam kung ayos lang ba na nakatulog siya ngayon dahil nga may tama siya sa ulo—pero base sa nakikita ko ay normal naman ang paghinga niya. Siguro dahil lang sa pagod kaya tulog na tulog siya habang nakaupo at nakaharap sa akin.
Rinig ko na naman ang papalapit na yabag ni Ali, maging ang malalakas niyang tawa na umaalingawngaw sa buong convenience store.
"Mas malakas pa sa bagyo ang kahanginan mo ah?" Bulong niya sa akin nang makalapit na siya. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin at hindi nagsalita pa.
Lumapit siya kay Maxim at inuusisa ang itsura at katawan nito sabay napapailing.
"Kaya naman pala umiiral ang kahanginan mo—pasok na pasok pala sa standard mo ang lalaking 'to!" Tila ay kilig na saad niya bago tumakbo pa kunwari palapit sa akin. "Sino ba 'yan, Hapi? Bakit duguan at ganyan ang itsura?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko't bumaling sa kabilang direksyon. "Delivery rider 'yan, pumasok dito na duguan kaya tinulungan ko."
"We? Delivery rider nga lang ba?"
"Ahhh!" Mabilis akong tumayo at ngiting-ngiti na napatingin naman kay Ali. Napaigtad din siya dahil sa gulat niya sa ginawa ko.
"Tutal gising ka na, pwede naman siguro akong mauna na muna diba?"
"Hoy?! Anong mauna ka diyan? Alas tres pa lang 'no, may isang oras pa—"
"Hindi! I mean—sabado kasi ngayon, alam mo namang may duty ako sa flower shop ni Shawi diba?" sabi ko pa sabay beautiful eyes—nagpapa-cute sa kaniya.
Kitang-kita ko ang pagpipigil niya at pagiwas pa ng tingin, pero kahinaan ito ni Ali. Kahit hindi niya aminin 'eh alam kong nac-cutan niya sa akin! Hehe.
"Argh! Oo na, oo na! Pero paano 'yan!" sabay turo sa natutulog na si Maxim.
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Eh ano, diyan na muna siya. For sure naman magigising na siya 'yan mamaya."
Hindi makapaniwalang nakatingin lang siya sa akin. "Baliw ka ba?! 'Eh anong sasabihin ko sa kaniya 'pag gising niya?"
Inayos ko na ang mga gamit ko na nakalapag sa mesa bago sinukbit na sa balikat ko ang sling bag ko't ready nang umalis.
"Hoy!" Tawag ulit ni Ali sa akin.
Ngiting-ngiti naman akong naglakad palapit sa kaniya, tumikri pa ako para abutin at tapikin ang magkabilang balikat niya.
"Kaya mo 'yan, sabihin mo umuwi na ako dahil antok na antok na ako."
"Byeee!" huling sigaw ko habang tumatakbo palabas ng convenience store.
Habol ko ang hininga ko nang makarating na ako sa labas lang. Sumilip pa ako ulit kay Maxim.
Nahiya ako! Jusko, kahit sabihin pa na tulog siya at hindi niya narinig ang kahanginan ko kanina ay nahihiya pa rin ako at parang ayaw ko na siyang makita.
Mabuti na lang ay duty ko mamaya sa flower shop ni Shawi na nasa kabilang barangay lang naman at nasa tapat lang din ng national highway.
Tuwang-tuwa ako nang makitang may paparating na bus. Agad ko na itong pinara dahil ito lang naman ang sasakyan na mayroon sa ganitong oras.
Nang makaupo ako'y napabuntong-hininga na lamang ako. Parang sumakit ang ulo ko dahil sa nangyari.
I'm feeling blessed—la! Umi-english hehe. Feeling blessed ako dahil nasilayan ko ulit mag mukha niyang mahirap kalimutan.
Pero hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa katangahan at kahanginan ko kanina.
—
MALAKI ang ngiti sa mukha ko habang nakatayo ako't nag-aayos ng mga panibagong bulaklak na kaka-deliver lang dito sa flower shop.
May kasama pang pag-humming at pag-kendeng ang bawat kilos ko dahil sa masarap ng gising ko't maganda ang pakiramdam ko ngayon.
Sininghot ko ang isa sa mga white rose na hawak ko. Maganda nag pagkakabukas nito, fresh na fresh din.
"Mmm! Ang bango!" Nakapikit at tuwang-tuwa kong sambit bago ito inilayo sa ilong ko't binawasan ng isang inch ang tangkay nito bago nilagay sa flower vase kasama ang ilan pang white roses.
"Hapi!" Agad akong lumingon sa pinto nang makirinig ang boses ng boss ko.
Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat kunwari at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"O. M. G! Ang pretty mo na naman mimma" Masigla kong pagbati sa amo kong beki.
Makulay na pink ang suot nito ngayon, napaka-sexy at silk ang dress na suot niya at mayroon pang boots na pinaresan ang dress niya. Ang buhok niya naman ay wig lang, isang pink wig na lahat ay naka-braid at mahaba—hanggang bewang niya.
"Duh!" taas kilay na sabi nito at nag-flip hair pa. "Shempre naman, everyday pretty ako nakshie!"
Sabay kaming natawa at nag-beso sa isa't-isa. Nilapag niya saglit ang bag niya sa counter bago siya naupo sa upuan na nasa harap lang nito.
"Ang early mo naman Hapi, anong meron at nauna ka pa sa akin?"
Hinubad ko ang gloves na suot ko. "Wala naman mimma, maaga lang out ko sa trabaho kaya heto—early bird na naman ang nakshie mo."
Tinaasan naman ako nito ng kilay sabay nag-decuatro habang tila ay inuusisa ang mukha ko.
"Hmm, what is this... bakit nararamdaman kong may kakaiba sa'yo today?"
Napangiwi naman ako dahil sa maarte niyang boses, sanay naman na ako pero di ko pa rin talaga keri ang tinis at arte nito minsan.
"Wala naman, bet ko lang maging productive ngayong araw—duh! Malapit na ang sahod day." Tumataas-taas ang kilay ko pang saad habang ngiting-ngiti din sa kaniya.
Napahagalpak naman siya ng tawa dahil sa sinabi ko. "Oh my gahhh! Kalorki, oo nga pala sabado the thirteenth na nga pala today—aba, bukas na ang sahod mo, bet amo na bang kunin now?"
Umiling-iling naman ako. "Bukas na lang po mimma, baka magastos ko agad 'eh." Shempre, joke lang 'yan. Nahihiya lang talaga ako dahil may kapalitan ako ng shift, ayaw ko namang mauna akong sumahod kesa sa kanila lalo na't hindi naman everyday ang duty ko dito. Kada lunes, miyerkules, sabado at linggo lang.
"Are you sure bebe?" Tanong niya ulit.
"Yes, ok lang po."
"Oh sige! Pero ano bang kakaiba sa'yo ngayon? Bakit feeling ko may bago." paguulit niya na naman bago tumayo at kumekembot na naglakad palapit sa akin.
Ako naman 'eh ngiting-ngiti lang habang hinahayaan siyang tinignan at usisahin ako.
"Wala naman 'eh. Wala namang bago, ako pa rin to."
"No, nakaka-amoy ako ng... lalaki! May lalaki na sa buhay mo?!"
Nanlaki ang mga mata ko't agad na lumayo sa kaniya. Napangiwi pa ako't hindi agad nakapagsalita. Tila nagulat din siya sa inakto ko kaya ngiting-ngiti at naiiling na lamang siya.
Ano bang ginagawa ko? Jusme!
Ih, kasi naman! Nakakagulat—biglang nag-flashback sa utak ko ang mga nangyari kaninang madaling araw.
Pero gusto ko na lang mag-sign of the cross ngayon dahil ayaw ko na munang makita si kuyang delivery—este Maxim.
Napabuntong-hininga naman ako. "Hay nako, mimma. Tigilan mo ako ngayon, walang lalaki sa buhay ko, wala, wala, wala—"
Sabay kaming napatingin ng boss ko sa pinto na bumukas. Tumunog pa ang bell na nakalagay 'ron at pumasok ang isang lalaki na talaga namang nakaka-akit.
Natawa ako't tila nanghina nang makita at makilala kung sino ito. Natuloy na ang sign of the cross na kanina ay pinaplano ko pa lang gawin habang nakatingin ako sa biceps niyang nakalabas at kitang-kita dahil nakasuot lamang siya ng isang oversize na kulay grey na sandoat mayroong hoodie. Normal o pambahay lang ang suot niya, pero makapaglaglag panga at maka-tulo laway naman ang kabuuan niya. Kahit sino ay mapapalingon sa kaniya, dahil sa angkin niyang charisma at pati na rin sa amoy niyang agad na manunuot sa ilong mo.
Dahan-dahan akong tumalikod at plano na sanang um-exit para magtago mula sa kaniya. Pero bago pa man ako makahakbang ay narinig ko na ang pag-tawag niya.
"Hapi... let's talk."
T-Tangina? Anong t-talk? Wala naman kaming dapat pagusapan ah!
"Hapi..."
"Jusme! Nakshie, lukaret ka! Lumabas ka na't kausapin mo ang chupapi na 'yan!" Ayan na ang malakas at matinis na boses ni Mimma—'yan ang gusto niyang itawag ko sa kaniya. Pagkasabi niya niyan ay agad niya akong hinablot at hinatak palapit sa lalaking hindi ko yata kayang lingunin. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng katawan ko sa kaniya ng bitawan ako ni Mimma.
"Kaya mo 'yan! Go! Go! Go! Itaas mo ang bandera ng Pilipinas, nakshie!" Excited niya pang bulong na naririnig din naman bago ito tumakbo papasok sa counter at naupo 'don. Indiskasyon na willing siyang mag-bantay.
Hindi naman ako makapagsalita, nag-angat lang ako ng tingin sa lalaking nasa likod ko. Ang itim na itim niyang mga mata ay nakatitig sa akin, walang bahid ng tuwa sa mukha niya nang hawakan niya ang bewang ko't alalayan ako na maglakad na palabas.
Nang tuluyan na kaming makalabas ay napakamot na lamang ako sa ulo ko.
"B-Bakit ka andito? Paano mo nalaman na nagt-trabaho ako rito?" agad kong tanong sa kaniya.
Nakapamulsa naman siya ngayon. "Wala ka na nang magising ako."
"Eh malamang, hindi naman kita kayang buhatin. At isa pa, may work ako—which is dito, kaya hindi ko na nahintay pa na magising ka." Bakit ba ako nag-eexplain?
Narinig ko ang pag-tsked niya. "Here." May inabot siyang kung anong papel sa akin.
Inabot ko naman 'yon bago tinignan. "A-Ano 'to?"
"I wanted to thank you for helping me earlier, gusto kitang isama sa event/celebration ng company namin mamaya as a thank you. I hope you'll consider coming."
Napanganga ako dahil sa sinabi niya, gulat na gulat at hindi alam ang sasabihin.
"Celebration? Company?" tanging mga salita na nabanggit ko.
"Yeah, there's a lot of people there. Required kasi na magsama ng isa pang tao para maka-attend, and since wala naman akong pamilya dito—ikaw na lang ang isasama ko to show you my gratitude."
"T-Teka ha—" tumalikod ako't sumigaw na naman nang walang tunog. Jusmiyo! Anong nangyayari? Bakit may mga ganitong pangyayari?!
Muli akong humarap kay Maxim. "Seryoso ka ba diyan?" Muling tanong ko.
"Yeah, you can check our company's website if you want—"
"May libreng raffle ba?! Diba ganyan kapag may mga event? May mga pa-raffle na pera, motor at appliances?"
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko, pero agad din siyang tumango kaya naman tuwang-tuwa ako.
"Halaaa?! Sige, sasama ako! Hindi ko tatanggihan 'yan kuyang delivery—este Maxim. As a person na lubos na nangangailan ng money, tatanggapin ko ang alok mo. Sasama ako sa'yo."
PUMAYAG at sumama ako kay Maxim. Akala ko'y raffle lang ang mapapanalunan ko... hindi ko lubos akalain, na iyon na 'rin pala ang huling gabi na birhen pa ako. Dahil kahit ayaw kong paniwalaan—ay may nangyari sa amin ni Maxim. Pangyayari na kasalanan at ginusto ko na siyang magiging dahilan nang lubos na paglalapit pa naming dalawa.